Nakita ni Calirop ang kanyang repleksyon sa salamin. Nakita niya ang isang babae na may mapupungay na mata ngunit nagulat siya noong mawala rin agad ang salamin na ito.
Ikinulong na siya ni David sa ilusyon.
Napatingin si Calirop sa pinanggalingan niya. Naroon pa rin ang heneral at ang mga kalaban nito ngunit pakiramdam niya ay may nagbago.
Kunot ang noong ipinag - sawalang bahala na lamang ni Calirop iyon at nagpatuloy maglakad.
Ilang minuto ang nakalipas ay tumigil siya muli at muling tumingin sa kanyang likuran. Hindi siya nakakaalis sa kanyang kinalalagyan ngunit kanina pa siya naglalakad.
Bumangis ang mukha ni Calirop at inaktibo ang mga mata. Umilaw ang mga matang berde nito. Inilibot niya ang paningin at malinaw niyang nakikita ang mga sinulid ngunit kailangan niya munang hanapin ang kalaban niya ngayon na bibibigyan siya ng ilusyon.
Nakita niya ang isang transparent ngunit hugis pakahon na bagay na kasya ang ilang tao sa loob nito. Napangiti si Calirop dahil batid niyang nasa loob niyon ang kalaban niya. Lumapit naman si Calirop roon at noong makarating ay hinawakn nito ang pakahon na hugis.
Tumatagos ang kamay niya ngunit alam niyang nasa loob ng iyon ang kalaban.
Kunot naman ang noo ni David habang pinagmamasdan si Calirop. Nagawa nitong mahanap ang kinalalagyan niya.
Sinipat ni Calirop ang kabuuan niyon at hinihintay na mapatingin sa kanya ang nasa loob nito ngunit sa noo naman nakatingin si David at iniiwasan ang mga mata nito.
Alam niya na mararamdaman nito kapag nagtama ang kanilang mga mata at baka makontrol pa siya nito kahit hindi sila direktang nagkikita.
Pumikit naman ang sirena at sa pagmulat ng mga mata nito ay hindi na aktibo ang mga mata. Kaya naman gagamitin nito ang isa pa niyang alas.
Nagsimulang kumanta si Calirop. Isang kanta na walang liriko at puro himno lamang.
Kinapalan naman agad ni David ang salamin ngunit naririnig niya pa rin ang boses nito. Agad na lumayo siya roon kaya napatigil sa pag kanta si Calirop.
Napangiti ang sirena. Sa naging reaksyon ng kalaban ay alam niyang hindi nito kayang sanggain ang kanyang boses.
Muling kumanta ang sirena at nilakasan nito ang boses nito.
Agad namang nagtayo ng barrier si Valsen upang takpan ang mga tenga nila sa awit ng sirenang akala niya ay kanina pa nakalabas ng bahay. Hindi niya makita ito at may haka siyang nasa loob ng salamin ni David ang sirenang ito.
Napatakip ng tenga si David ngunit pumapasok pa rin sa kanyang tenga ang malamig na himig ng sirena.
Nawawala na siya sa sariling huwisyo at hindi niya siya dapat mahulog rito.
Agad siyang gumawa ng salamin sa harap ni Calirop upang tignan ang nakatago sa kaibturan ng puso nito.
Matapos ay agad niyang nilagyan ng ilusyon ang paligid. Dahil nasa loob si Calirop ng kanyang salamin ay madali namang nagawa ni David ito.
Napatigiil si Calirop sa pagkanta noong makarinig ng alon sa di kalayuan. Pagtingin niya sa likuran ay isang malaking karagatan na ang kanyang nakikita at nasa may baybayin siya.
Kilala niya ang karagatan na ito. Kilalang kilala niya. Ito ang kanyang tahahanan at ang kanyang pinanggalingan.
Nilibot niya ang paningin. Naroon na nga siya sa lugar na iyon. Hindi niya alam kung paano siya napunta roon.
Tinignan niya ang isang binata na nasa karagatan. Nakatayo ito roon habang nakatingin ng diretso sa kanya.
Lumakas ang t***k ng kanyang puso sa mga titig pa lamang na iyon. Wala pa itong ginagawa ngunit napapasaya na siya.
Ngunit lubos niyang pinagtataka kung bakit ito naroroon.
“Calirop,” pagtawag ng lalaki sa kanya nanagpatalon bigla sa kanyang puso.
Nagsimula siyang maglakad patungo sa kinaroroonan ng binata.
Tuluyan ng inanod ang isipin ng dalaga sa mga nangyayari tulad ng mga alon sa karagatan na humahampas sa dalampasigan.
Napangiti si Calirop noong marating niya ang tubig at maramdaman ang pagdampi nito sa kanyang dalawang paa. Ito ang ibig niya. Ang muling makabalik sa kanyang tahanan kasama ng pinakamamahal niyang lalaki.
Habang naglalakad ay tumataas rin ng tumataas ang lebel ng tubig na halos masakop na ang kanyang buong katawan.
Mga ilang sandali pa noong malapit na si Calirop sa lalaki ay napatigil siya at napatingin sa kanyang mga paa na hindi nagbago ang anyo.
Lubha niya itong ipinagtataka pagka’t dapat ay kanina pa nagbago ito at dapat ay naging isang buntot na ito.
“Anong nangyayari?” nag – aalalang tanong ni Calirop. “Bakit hindi ako nagkakaroon ng buntot?!”
Inilubog niya ang kanyang mukha sa tubig upang mabasa ang kanyang buong katawan matapos ay umahon uli siya ngunit walang nagbabago. Ang kanyang paa ay nananatiling pa ring mga paa.
Hinawakan niya ang kanyang mga paa.
“Ang aking buntot,” ani ni Calirop. “Nasaan ang aking buntot!!!”
Bumangis ang mukha ni Calirop at napatingin sa binatang hindi na kalayuan sa kanya.
“Mahal ko,” tawag ni Calirop dito. “Hindi lumalabas ang aking buntot. Hindi ito maaari! Hindi pwepwedeng mawala ang pinakamahalagang parte ng aking katawan! Gawan mo ito ng paraan!”
Napatingin naman ng maigi si Calirop sa binata noong wala siyang makuhang sagot rito.
Agad niya itong nilapitan at hinawakan sa mukha.
“Bakit hindi ka sumasagot?!” tanong nito rito na nakatingin lang sa kanya. “Sumagot ka mahal ko! Magsalita ka!”
Hinawakan naman ng binata ang kanyang kamay at nagsalita saka ngumiti rito.
“Halika na sa iyong tahanan,” ani nito. “Manirahan na tayo roon.”
Napabitaw si Calirop sa binata at napaatras.
“Sino ka?” tanong ng dalaga rito! “Magpakilala ka! Nililinlang mo ang aking mga mata!"
“Ano ba ang sinasabi mo mahal ko?” tanong ng binata rito. “Ako ito.”
Napaisip naman si Calirop sa sinasabi nito at napapikit. Ni’ minsan ay hindi siya nito nginitian at hindi – hinding siya nito tatawaging mahal pabalik pagka’t hindi naman siya nio iniibig.
Napakuyom ang mga kamay ni Calirop.
“Kay lakas ng loob mong linlangin ako, anghel!” madiin na sabi ng dalaga sa kalaban. “Pagbabayaran mo ang paglalaro sa aking damdamin.”
Napalalim naman ng hininga si David. Alam niyang hindi natatalaban ng kanyang ilusyon ngayon ang dalaga kaya dapat na niyang baguhin ang sitwasyon.
Gumawa uli siya ng salamin sa harap nito upang tignan ang kailailaliman ng kanyang puso.
Nakita ni Calirop ang kanyang repleksyon muli at biglang nagbago ang sitwasyon. Napunta siya sa kanilang kaharian sa pinakaibaba ng karagatan. Naroon ang kanyang mga magulang na pawang hari at reyna ng karagatan.
“Calirop,” tawag ng kanyang ina sa kanya. “Saan ka ba nanggaling? Kay’ tagal mong nawala. Kay’ tanggal kong nananabik sa iyo aking anak.”
“Ina,” ani ni Calirop sa boses na nanangi.
“Bakit ngayon ka lamang anak ko?” tanong ng kanyang amang hari. “Matagal ka na naming hinihintay dito sa ating kaharian. Sino na lamang ang hahalili sa akin kung wala ka.”
“Hahalili?” naguguluhang tanong ni Calirop. “Hindi ba at ang pinakamatanda kong kapatid ang hahalili sa iyong trono? Ito ang sinabi mo sa amin noon pagka’t ito ang patakaran n gating kaharian.”
“Ngunit ikaw ang karapa’t dapat,” ani ng kanyang. “Nararapat lamang na ikaw ang humalili sa akin hindi ba? Pinatunayan mo ang iyong sarili.”
Napayuko naman si Calirop.
“Ngunit,” ani ng dalaga. “May minamahal ako na hindi taga karagatan. Kung siya ang aking mapapangasawa ay hindi ako rito maninirahan kung hindi sa kanyang teritoryo.”
“Hindi ka mabubuhay sa kanyang tahanan, Calirop.” Ani ng kanyang ama. “Ngunit kung siya ang papupuntahin mo sa ating tahanan ay hindi na kita pipigilan pa. Ang kailangan mo lamang ay himukin siyang sumama sa iyo.”
“Talaga ama?” nagagalak na tanong ni Calirop. “Totoo ba ang mga narinig ko?”
“Totoo ang mga narinig mo, Calirop,” ani ng kanyang ama sa kanya. “Iyon ang aking kondisyon.”
“Kung ganoon ay kailangan kong manumbalik sa lupa pagka’t sa ngayon ay naroon siya,” natutuwang ani ng dalaga. “Ano mang mangyari ay iuuwi ko siya rito.”
Nagkaroon ng lungkot sa mukha ni Calirop noong siya ay mapaisip. Dagat ang kanyang tahanan at malamig ang tubig. Maaaring hindi ito magtagal sa kanila ngunit nais niyang subukan. Nais niyang patunayan na walang makakasukat sa dalawang taong nagmamahalan.
Napatigil si Calirop noong mapatingin siya sa kanyang mga paa. Tila ang inaanod niyang isipan ay biglang nanumbalik sa realidad. Nasa ilalim siya ng karagatan ngunit wala siyang buntot.
Ganitong ganito rin ang nangyari sa kanya kanina.
Napahawak siya sa ulo at inaktibo ang kanyang mga mata. Lumabo ang kanyang mga magulang na kanina lamang ay kausap niya. Lumabo rin ang kanilang kaharian na tila isang telebisyon na nawawalan ng signal. Nakita niya ang isa pang suson sa labas ng isang ilusyon.
Hindi siya makapaniwalang muli siyang nahulog sa ilusyon ng anghel.
Napatigil naman si David. Alam niyang nakalabas na ang sirena sa ilusyon niya. Wala na siyang magagawa pa kundi labanan ito. Hindi na ito muling mahuhulog pa sa kanyang patibong.
“Anghel,” tawag ng sirena sa kalaban. “Hindi mo alam kung ano ang nangyayari sa mga nanloloko sa isang sirena. Hindi mo ba alam na ako ang prinsesa ng karagatan?”
“Calirop,” ani ni David. “Alam kong ikaw ang prinsesa ng karagatan. Kilala ko ang iyong ama at ina. Hindi ko akalain na kakampi sa kasamaan at kalalabanin ang kalangitan. Isang napakalaking kasalanan ang nagawa mo. Kaya ipapataw ko sa iyo ang parusang kamatayan.”
Napatawa naman ang sirena sa mga narinig.
“Hibang ka!” madiin na sabi ni Calirop. “Sa tingin mo ba ay kakayanin mo ang lakas ko?”
“Lapastangan ka upang isipin na gapiin ang enerhiyang nagmumula sa itaas!” madiin na sabi ni David at lumabas mula sa kanyang pinagtataguan.
“Sa wakas at ipinakita mo na ang sarili mo, Anghel,” nakangiting ani ni Calirop.
Lumikha si David ng isang malaking salamin.
Napatawa naman ng sarkastiko ang sirena.
“Sa tingin mo ba ay tatalab pa sa akin ang ganyang taktika?” tanong ng sirena kay David. “Minamaliit mo ang kakayahan ko, Anghel.”
“Pinihit ng kaonti ni David ang mga nakabukang palad at kasabay noon ang pagkabasag ng salamin sa ilang libong piraso na hugis diamond na matulis ang mga dulo. Kaya nitong humiwa ng balat pati na ang balat ng sirenang kaharap niya.”
Inilabas naman ni Calirop ang kanyang mga ngipin at itinaas ang kanyang isang kamay. Mula roon ay nabuo ang isang malaking tridente na mas matangkad pa sa dalaga.
Ito ang ginagamit niya sa pakikipaglaban noon pa lamang sa karagatan. Sinanay siya sa pakikipaglaban dahil may malaking banta sa kanilang kaharian kaya hindi boses at tingin lamang ang kanyang alam gawin.
“Sige,” ani ni Calirop. “Tignan natin kung sino ang mas malakas sa ating dalawa.”
Ipinihit ni Dvaid ang kanyang kamay at humarap naman ang matutulis na dulo ng mga salamin kay Calirop at mabilis na tinungo ang kinalalagyan niya.
Agad namang iwinasiwas ni Calirop ang kanyang tridente upang sanggain ang maliliit na salamin. Naubos niya ang lahat ng iyon ngunit pa roon natatapos ang gamit ni David sa mga mas nabasag na salamin. Ginamit niya ito upang mas mahirapan si Calirop na sangganin ang mas maliliit na piraso nito.
Bumuo naman ng kapangyarihan si Calirop sa dulo ng kanyang tridente at itinara sa mga salamin ni David. Napulbos ang mga ito. Pagkatapos ay siya naman ang tumira kay David ng kapangyarihang nanggagaling sa kanyang tridente.
Lumikha naman si David ng malaking salamin upang sanggain ito at ipabalik kay Calirop ang kanyang pwersa. Hindi nabigo ang anghel at bumalik nga kay Calirop ang itinara niyang kapangyarihan.
Napaghigpit si Calirop sa pagkakahawak sa kanyang tridente at sinangga ang pabalik na pwersa sa kanya.
Ibinuka ni Calirop ang kanyang bibig at nagsimulang humimig ng nakakaantok na kanta. Agad namang lumikha si David ng matutulis na salamin papalapit kay Calirop upang siraain ang pagkanta ng dalaga.
Agad namang pinatamaan ni Calirop ang mga salamin at mas nilakasan pa ang boses na nanggagaling sa kanya.
Napahawak si David sa kanyang ulo at sinubukang takpan ang kanyang mga tenga.
Humina ang boses na naririnig niya ngunit hindi niya magawang tirahin ang sirena dahil okupado ang dalawa niyang kamay.
Mas napadiin pa ng pagkakatakip ng sariling tenga si David ng mas nilakas ng sirena ang pagkanta. Nagsisimula na siyang antukin at maakit dito.
“Hindi maaari,” ani ni David habang lumalayo rito.
Tinaggal niya ang isang kamay sa pagkakatakip ng kanyang tenga at gumawa ng makapal na salamin.
Humina naman ang boses ngunit hindi pa rin nito lubos na nahaharangan. Napipikit na ang kanyang mga mata hanggang s atuluyan na ngang nakatulog si David.
Naglaho ang mga salamin at tumigil si Calirop noong makita ang lalaki.
“Sabi ko naman sa iyo,” ani ni Calirop. “Hindi mo dapat pinaglalaruan ang dadamdamin ko.”
Tinungo niya ang kinalalagyan ng anghel at noong nasa harap niya na ito ay tinaas ni Calirop ang kanyang matulis na tridente.
“Hindi ko alam na makakapatay ako ng isang anghel,” ani ni Calirop. “Hindi ito ang plano ko ngunit dahil nilinlang mo ako ay mababahidan ng dugo mo ang aking mga kamay. Paalam.”
Akmang isasaksak na ni Calirop ang kanyang tridente kay David noong may mga sinulid na bumalot sa kanyang kamay at pinigilan itong bumaba.
Pilit niyang ibinaba ito ngunit matitibay at malakas ang pwersa ng mga sinulid na iyon. Binalot na rin ang kanyang kamay kaya agad siyang napabitaw sa kanyang tridente.
Napatingin siya sa kamay niya na nadapuan ng mga sinulid. Bumakas roon ang mga hiwang dulot ng mga ito.
Galit siyang napatingin dito. Kung hindi lamang siya hinarang ng anghel na nasa harap niya ngayon ay nahanap na niya sana ang kumokontrol sa mga sinulid na ito.
Napakuyom siya ng kamao noong balutin ng sinulid ang katawan ng anghel na napatulog niya at hatakin paalis doon.
Agad na bumaling si Calirop kung saan nanggagaling ang sinulid na pinapahanap sa kanya. Nagsimula siyang maglakad palabas roon. Sisiguraduhin niyang magbabayad ang mga lapastangan na ito.
Hindi niya alam kung sino ang kumukontrol sa sinulid na ito at hindi niya alam kung ilan ang mga aabutan niya ngunit hindi siya natatakot. Siya ang prinsesa ng karagatan at sinanay siyang mabuti ng kanyang guro kaya naman malakas ang loob niya kahit na mga anghel pa ang kalaban. Ang tanging kinatatakot niya lamang ay ang mapawalay sa taong pinakamamahal niya at ang isipin na hindi niya na ito makikita.
Lumakad na nga paalis roon ang sirena upang hanapin ang may ari ng sinulid.