X

1088 Words
Third PERSON POINT OF VIEW Nagkatinginan naman ang tatlong naiwang anghel na sina Cassiel, Clark at Valsen. Napapaligiran na sila ng mga demonyo. Nakita rin nila kung paano lumitaw na lang bigla ang sirena sa bandang pintuan ngunit hindi nila nakita kung nasaan si David. “Kay’ lakas ng loob niyong pumunta rito,” ani ng demonyong may hawak na malaking sandata. “Gayunpaman ay malugod ko kayong tinatanggap sa aming kuta mga anghel ng kalangitan. Matagal ng nakahanda ang espasyo niyo sa impyerno.” “Ikaw na nga ang tinatawag nilang heneral,” ani ni Valsen. “Magpakilala ka sa amin demonyong mula sa impyerno.” Napatawa naman ng malakas ang heneral sa sinabi ni Valsen dito. “Isa kang hangal,” ani nito sa binata. “Kailangan ko pa bang magpakilala sa iyo gayong makikilala mo naman ako sa impyerno kapag hinatd kita roon. Maingay ang pangalan ko sa mga alipin ngunit bago mo ko’ makilala ay nais kong kilalanin mo muna ang aking sandata.” Itinaas ng heneral ang malaking sandata nito. Naghanda naman si Valsen sa ginawa ng heneral. Ramdam niya kanina ang bigat ng sandat nito noong tumama sa kanyang panangga. Nagawa pa nitong basagin ang ginagamit niyang kapangyarihan kaya sigurado siyang sino man ang tamaan nito sa kanila ay malubhang mapupuruhan. Isama mo pa ang lakas ng pwersa na inilalagay nito sa kalaban nilang demonyo na hindi pang – karaniwan. “May kilala rin ako na ganyan kalaki ang gamit na sandata,” ani ni Valsen dito. “Yun nga lang ay napakatagal na ng panahon simula noong umingay ang pangalan niya sa kalupaan.” Sumilay naman ang isang ngiti sa labi ng heneral. Isang ngiti na masasabing hindi masaya sa naririnig. “Ang karangalang natanggap niya ay walang katumbas,” dagdag pa ni Valsen. “Ngunit sa isang iglap lamang ang karangalan na iyon ay nabahidan ng kadungisan at bumaliktad.” “Tama na ang salita,” sabi ng heneral na hindi gustong marinig pa ang mga sumusunod na sasabihin ni Valsen. “Tapusin na natin agad ang labanang ito. Hindi ko gustong sayangin pa ang oras ko sa inyong mga anghel.” “Tapusin mo kung kaya mo,” ani ni Valsen dito. Agad naman na tumakbo ang heneral patungo kay Valsen at agad namang gumawa si Valsen ng panangga  upang harangan ang heneral. Malakas naman na pinukpok ng heneral ang pananggang iyon gamit ang kanyang sandata ngunit hindi na niya ito mabasag tulad ng kanina. Tumigil ito at itinarak ang sandata sa sahig matapos ay napatawa ng malakas. “Hindi ko alam na ganito kadesperada si Helena upang ipadala ang mga anghel na parte ng supremo!” sabi nito at lumaki ang mga mata na tila sabik na sabik sa nalaman. “Ngunit nagagalak ako na ginawa niya ito dahil gustong gusto ko talaga makita ang mga anghel na kasali sa supremo!” Supremo – ang grupo na kinabibilangan ng mga anghel na kasali sa mataas na ranggo. Binubuo ito ng sampung anghel.           “Ano kaya ang magiging reaksyon ni Helena kapag dinala ko ang mga ulo niyo sa kanya,” an nito na abot tenga ang ngiti. Isang ngiting baliw na hayok na hayok sa masamang isipin. “Kahit isang ulo lang ng inaalagaan niyang mga supremo. Ako mismo ang magdadala sa kanya nito!”           Kinilabutan si Dail sa sinasabi ng demonyong kaharap niya. Kitang kita niya dito ang kahayukang kasamaan.           “Baliktad ka ata,” ani ni Valsen. “Dahil kami ang magdadala sa iyo sa kanya. Pagkatapos ay ako mismo ang puputol ng ulo mo.”           Napatawa naman ang demonyong heneral na hindi makapaniwala. Mas malakas pa ang tawa nito kaysa kanina at matapos ay tinignan nito si Valsen habang ang mga mata ay puno ng mga nagagalit na ugat.           “Mataas ang pangarap mo anghel na supremo!” natatawang sabi ng demonyo rito. “Pero hindi mo magagawa iyon!”           “Kung inaakala mong isang supremo lang ang narito ay nagkakamali ka,” ani ni Clark dito.           “Mabuti kung ganon,” sabi ng demonyo. “Sabay – sabay kayong mamatay dito!”           “Lapastangan!” sabi ni Dail. “Hindi mo kami kakayanin lahat! Nag – iisa ka lamang! Sumuko ka na lamang!”           Tumawa naman ng nakakaloko ang demonyo kay Dail. “Hindi kaya ikaw ang lapastangan?” tanong nito sa dalaga. “Para pasukuin ang isang heneral? Kailaman man ay hindi ako susuko sa inyo at sinong nagsabing nag – iisa lang ako. Hindi mo ba nakikita ang libo libo kong alagad o sadyang bulag ka lamang?”           Napatigil sila Dail noong makarinig sila ng isang malakas na tunog ng takong ng sapatos  na lumalakad papalapit sa kanilang kinalalagyan.           Napatingin sila sa bumukas na pinto hindi kalayuan sa kanilang kinalalagyan at mula roon ay isang babae ang niluwa ng pinto.           Mahaba ang buhok nito na aabot hanggang sa bewang ng babae. Ang sungay nito ay kasing haba ng heneral na kalaban nila ngayon. Pula rin ang mga mata ng babae na di tulad sa mga pang – karaniwang demonyo lamang. Nakasuot ito ng napapanahon na damit sa kasalukuyan.           Maging ang suot nitong boots na may mataas na takong ay kulay pula  na aabot sa tuhod nito. Maging ang suot nitong corsette at short na limang pulgada lamang ay haba ay pula. Kulang na lamang ay sumabog ito.           Ang magkabilang kamay nito ay may hawak na matutulis na kunai na kumikintab pa sa hindi kadiliman na kapaligiran. Nakalabas rin ang malaking pakpak nito na katulad ng sa isang anghel ngunit ang kaibahan lamang nito ay kulay itim ito.           “Nagising ako sa komosyon na nangyayari sa gawi rito,” ani ng babaeng demonyo habang nakatingin kila Dail. “Gusto ko sanang magalit ng husto dahil ayokong naaabala sa pagtulog kaso lamang sa nakikita ko ngayon ay nais ko pang magpasalamat sa iyo, Asmodeus. Mukhang may dala kang pagkain para sa atin.”           Ngumisi ang babae ng nakakaloko.           “Nararamdaman ko ang lakas ng mga enerhiya nila,” dagdag pa nito. “Hindi pang karaniwan.”           “Ang mga anghel na kaharap mo ay nabibilang sa supremo,” ani ni Asmodeus – ang kalaban nila Valsen kanina pa.           Napakunot naman ang noo ng babaeng demonyo at maiging sinuri ang mga anghel na nakatingin rin sa kanya.           Pinaikot niya ang kunai sa mga palad at dinilian ang gilid ng labi.           “Supremo,” ani ng babae sa mga ito. “Kung sinuswerte ka nga naman ay supremo pa ang magiging umagahan ko.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD