Third Person Point of View
Sa kabilang banda naman ay mabilis lang na napapatay ni Valsen ang mga demonyo gamit ang panangga na ginagamit niya ring pang patay sa mga kalabang demonyo.
Sa tulong na rin ng mga sinulid ni Aciera na tahimik na pumapatay ng mga demonyo. Sa liit at niipis ng mga sinulid niya na ikinulay niya sa loob ng bahay ay hindi ito agad mapansin ng mga demonyong nagkalat.
Dahil sa kawal lang ang mga ito ay hindi naman ganoon kalawak ang utak ng mga demonyong kalaban nila ngayon. Puro kasamaan lang at hindi nagiisip ng mabuti ang mga ito.
Gamit ang kapangyarihan ni Valsen na pwede niyang ipang sangga at gawing sandata ay mabilis niyang nililipol ang mga demonyo. Ngunit tila hindi nauubos ang mga ito at labas lang ng labas sa mga pinto.
Inikot ni Valsen ang paningin niya. Sa dami ng kanyang patay ay tila hindi pa nila nababawasan ang mga ito. May kutob si Valsen na hindi pangkaraniwang bahay lamang ang tinutuntunga nila ngayon.
"Ano ba ito?” tanong ni Cassiel habang hinahataw ng kanyang ginintuang latigo ang mga kalabang demonyo. “Nanganganak ba sila segu – segundo at hindi maubos – ubos?"
Napatingin sa iba’t ibang direksyon si Cassiel at nakita niya limpok – limpok pang mga demonyo ang papasugod sa kanya.
Sa dami nito ay hindi niya napansin ang dalawang nasa magkabilang gilid niya na agad siyang nahawakan nito sa magkabilang balikat.
Mainit ang mga palad ng demonyo na nakapapaso kapag nagtagal na sa balat
"AAAHHH!" sigaw ni Cassiel noong hawakan siya ng mga ito.
Agad niyang siniko ang mga ito ng magkabilaan matapos ay hinataw niya ng latigo. Hahatawin niya pa sana ang isa ngunit may nakahawak sa kanyang pulsuan.
Hinawakan na rin siya sa magkabilang paa kaya napahiga siya sa sahig. Agad na tumalon sa katawan niya ang isang babaeng demonyo na abot tenga ang ngiti. Mabigat ito at hindi siya makagalaw. Isama mo pa ang nakakapaso niyang mga balat.
"LUMAYO KA SA AKIN DEMONYO!" sigaw ni Cassiel. “HUWAG MO AKONG BAHIDAN NG KADUNGISAN MO!”
Pilit nagpupumiglas si Cassiel ngunit ilang kamay ang nakahawak sa kanya na pinipigilan siyang makagalaw. Isama mo pa ang demonyong nakadagan sa kanya. Sa bigat nito ay alam ni Cassiel na ito ang mga demonyong dumadagan sa mga tao habang natutulog upang parilasahin ang mga ito.
Nakangiti ngayon ang babaeng nakadagan sa kanya. Nakakatakot ang mukha nitong kay dilim ng presensya. Mahaba ang mga buhok nito na abot sa mukha ni Cassiel. Ang mga kuko nito ay mahahaba at nakadiin sa leeg ni Cassiel. Ang ngiti nito ay hindi pangkaraniwan. Sadyang nakakapanindig balahibo. Ang mga mata nito ay purong itim na itim at naglalakihan.
Pumikit si Cassiel at pinalakas ang selestiyal na enerhiya upang layuan siya ng mga demonyo ngunit kay bigat ng nakadagan sa kanya na nahihirapan siyang palabasin ang enerhiya sa katawan.
"Sa akin na ang iyong espirito," sabi nito at ibinuka ang bibig na kasya ang isang platito.
Pilit na isinira ni Cassiel ang kanyang bibig upang hindi ito mahigop ng lapastangan na demonyo.
Habang sinusubukan ng babaeng demonyong angkinin at kainin ang espiritwal ng anghel na dinadaganan niya ay isang maliit na punyal na nababalutan ng enerhiya ang biglang tumama sa gitnang dibdib ng babaeng demonyo.
Agad na lumiit ang bibig ng babae at nanlaki ang mga mata. Sinubukan nitong tanggalin ang punyal na malalim na nakatarak sa kanyang dibdib sa lakas ng pagkakaitsa ngunit hindi kalakasana ng demonyo upang matanggal niya iyon.
Galing ito kay Valsen. Nahagip ng kanyang mata ang nangyayari kay Cassiel kaya naman gumawa siya ng kristal na punyal at agad na itinira sa demonyong nakadagan kay Cassiel.
Napansin rin ito ni Clark kaya agad naman itong lumapit kay Cassiel at malakas na sinipa at sinuntok ang mga demonyong nakahawak dito.
Agad na itnayo ni Clark si Cassiel noong makawala ito sa mga demonyo.
“Salamat,” wika ni Cassiel habang naatingin kay Clark.
"Hindi sila nauubos!" sabi ni Valsen sa mga kasama. “May pinanggagalingan ang mga ito. May portal sa bahay na ito!”
"Nasaan na kaya sila Alejandra?" tanong ni Cassiel at tumingin kila Valsen.
Nanlaki ang mga mata nito sa nakita. Sa likod nito ay may isang binata na may kakaibang pakpak. Kulay pula ang mata nito. Matangkad ito at kitang kita ang hubog ng katawan. Ang suot nito ay kakaiba at parang sa pangdigma. May hawak itong malaking sandata sa kaliwang kamay. Mas mahaba rin ang sungay nito sa mga kawal na demonyo. Base sa itsura nito hindi lang ito ordinaryong demonyo.
"Vansel sa likod mo!" sigaw ni Cassiel kaya napatingin ito sa kanyang likuran.
Agad ring binalingan ni David ang ang tinutukoy ni Dail dahil siya ang nasa likuran ni Valsen.
Pagkalingon ni David ay isang kamao ang tatama sa kanya na agad niyang inilagan. Nakapasok sa loob ang demonyong ito. Isa lamang ang ibig sabihin nito. Hindi ito kawal lamang pagka’t nagawa nitong makapasok sa salamin ni David ng hindi bumabalik dito ang pwersa.
Agad namang itinaas ni Valsen ang kamay at gumawa ng panangga at isang malaking espada sa hangin upang suportahan si David. Isang tingin lamang ay alam na niyang ito ay isang heneral.
Si David naman ay gumawa pa ng mas makapal na salamin upang tumbasan ang kakayahan ng demonyong kalaban.
Napakunot ang noo ng demonyo dahil lumalabo ang tingin niya sa isang anghel na nagtatago sa kahon ng salamin.
Napangiti ito dahil sa oras na mga iyon ay alam na niya kung ano ang ginagawa ng anghel na ito. Tinutumbasan nito ang kanyang paningin ngunit hindi ito hahayaan ng demonyong heneral. Mabilis na sinuntok niya uli ang salamin upang hindi ito ganoong kumapal ngunit hindi niya ito mabasag ng mabuti dahil may isang panangga ang nakaharang ngayon sa salamin.
Napatawa ang demonyo noong tuluyan ng mawala sa hangin ang anghel na hinahabol niya. Ibinaling niya naman sa isa pang anghel ang tingin. Kay’ Valsen.
Tinignan ng heneral na demonyo ang panangga nito na maihahalintulad sa itsura ng isang kristal.
Itinaas ng heneral ang kanyang sandata at buong pwersa na initsa sa babaeng nasa may gilid. Kay’ Cassiel. Agad namang gumawa ng panangga si Valsen ngunit nabasag nito ang mga iyon at lumagpas sa kanya.
Isang makapal na panangga pa ang ginawa niya upang sanggain ang malaking sandata ng demonyo na tila kay’ bigat at ka’y hirap buhatin. Nagtagumpay naman siyang pigilan ito ngunit hindi ito ang tunay na pakay ng heneral na demonyo.
Noong lilingunin uli ni Valsen ang kalaban ay tumama na ang kamao ng demonyo sa kanya. Mabilis ang pangyayari na wala pang ilang segundo ay nakarating na sa harap niya ang demonyong kalaban.
Na - out of balance siya ngunit agad din siyang hinawakan ng demonyo sa ulo at binuhat ng walang kahirap hirap. Initsa siya nito sa malaking aquarium. Sa lakas ng impact ay nabasag ang salamin at pumasok siya sa loob ng yelo.
"Anong klaseng lamig ito?” tanong ng demonyo sa malaking boses at buo. “Ni’ hindi man lang ako mangati kahit kaonti.”
Biglang nag – apoy ang aquarium na ang heneral na demonyo ang may pakana.
Nalusaw ang yelo dito. Si Vansel na nasa loob ay agad na nakagawa ng panangga sa katawan.Tumayo si Vansel sa pagkakatilapon. Bigla namang lumabas ang sirena sa butas ng aquarium. Buhay pa ito matapos magyelo ang buong katawan. Gumapang siya palayo sa tubig at unti unting nalusaw ang buntot nito at nagkaroon ng pares ng paa. Tumayo ito mula sa sahig. Hubad ang katawan nito at natatakpan lamang ng mahahabang buhok.
Lumapit ito sa demonyo at humawak ito sa balikat nito.
“Sa wakas at nakawala rin sa yelong iyon,” sabi ng sirena na ngayon ay kay gandang babae na. Ibang iba ang anyong tao nito sa kaninang itsura. Kahit sino man ay hindi nila matatanggi ang naturang kagandahan nito na ginagamit pang – akit ng mga mabibikitima.
“Sinasabi ko na nga ba,” ani ni Cassiel. “Kasamahan nila ang sirenang ito!”
"Hindi lang sila ang narito,” ani ng heneral na demonyo. “Hanapin mo ang pinanggagalngan ng sinulid sa paligid.”
“Masusunod,” sabi naman ng sirena na nakatingin pa kay Cassiel. Tumalikod na ito at nag akmang hahanapin ang anghel na pinapahanap ng heneral noong may isang salamin na humarang agad sa harapan niya.