XIX

1801 Words
Third Person Point of View     Habol ang hininga ni Aciera habang nakatingin sa sirenang kalaban. Nauubos na ang kanyang enerhiya at hanggang ngayon ay hindi niya pa rin ito natatalo.     Maging si Calirop ay habol na rin ang hininga at hanggang ngayon ay hindi niya pa rin nakukuha sa anghel ang kanyang tridente.     “Matibay ka,” ani ni Aciera habang iginagalaw ang kanyang mga sinulid sa paligid. “Ngunit hindi mo pa rin makukuha sa akin ang iyong tridente. Papatayin mo muna ako bago mo uli makuha iyon.”     “Walang problema,” ani naman ni Calirop. “Mas gugustuhin kong patayin ka na lamang kaysa mag makaawa sa iyo. Batid kong paubos na ang enerhiya mo, anghel kaya naman alam kong anu mang oras ay babagsak ka na.”     Itinaas ni Calirop ang kanyang mga kamay at mula sa lupa ay lumabas muli rito ang mga butil ng tubig. Pinagsama sama niya ito sa iisang lugar at nakaipon siya ng isang dambuhalang tubig na nakahulma sa isang dambuhalang halimaw.     May sarili itong mga mata, ilong at bibig. Bente ang laki nito sa mga anghel na kaharap nito habang si Fuji naman ay hindi magising sa pagkakahimlay.     Napakuyom naman ang kamao ni Aciera. Batid niyang masama ito at mauubos ang kanyang enerhiya ay hindi niya pa nalalapitan ang sirenang kalaban. Tinignan niya ang kinalalagyan ni Fuji at wala pa siyang makitang kahit anongsenyales na gising na ito.                 “Humanda ka, anghel,” ani ni Calirop at sinenyasan ang tubig na halimaw na tirahin si Aciera.                       Iniangat naman ng dambuhalang tubig na halimaw ang kanyang kamay at malakas na hinampas sa kinaroroonan ni Aciera. Mabilis na lumipad paalis roon ang anghel at agad ring ikinumpas ang kanang kamay upang tunguhin ng mga sinulid ang kinalalagyan ni Calirop ngunit hindi ito nakaabot dahil hinawi ito ng dambuhalang tubig na halimaw.                 Napangiti si Calirop sa kanyang nakikita. Natatanaw na niya ang kanyang tagumpay. Batid niyang wala ng laban ang mga anghel sa oras na mauubusan ito ng enerhiya na nanggagaling sa itaas.                 Napaisp naman si Calirop kung kamusta na ang heneral na si Asmodeuz sa loob ng bahay kung nanalo na ito.                 ‘Huwag kang mag – alala, mahal ko. Ako na ang bahala sa mga anghel na narito’ bulong ni Calirop sa kanyang isipan.                 Maya maya pa ay napansin ni Calirop na hindi na halos makalipad ang anghel ng maayos. Tinamaas ng tubig ang mga pakpak nito kaya naman mahihirapan ito na umilag pa sa mga hampas na gagawin ng kanyang dambuhalang halimaw na tubig.                 Ipinitik ni Calirop ang kanyang mga daliri at kinuha naman ng dambuhalang tubig na halimaw ang mga batong na sa lupa at inihalo sa loob ng kamay na tubig upang sa susunod na hampas ay tamaan ng mga bato ang anghel na kalaban.                 Natisod naman si Aciera sa malaking bato na nakaharang sa kanyang daanan. Agad siyang napatingin sa nakaambang kamay ng dambuhalang halimaw na tubig na tatama sa kanya. Punong puno ito ng bato. Agad na tinipon ni Aciera ang kanyang mga sinulid ngunit alam niyang sa bagal ng mga ito ay tatama pa rin sa kanya ang mga ito dahil hindi masyadong nabuo ang kanyang panangga.                 Napapikit na lamang siya at inisip na hindi man lang niya nagawang matapos ang misyon. Ang kanyang pinakananais na gantimpala ay hindi na niya makukuha pa.                 Isang malaking salamin naman ang humarang bilang panangga sa itaas ni Aciera. Lumusot roon ang mga bato kasama ang mga tubig. “AHHH!” madiin na inda ni Calirop noong may biglang malalaking bato ang tumama  sa kanyang likod at pati na mga tubig.                 Muling tumubo ang kanyang mga kaliskis sa paa at naging buntot na ito sa loob lamang ng ilang segundo dahil nabasa siya ng tubig.                 Nahilo siya dahil may tumamang mga bato sa kanyang ulo. Napahawak siya sa kanyang noo dahil naramdaman niya ang pagtulo ng maiinit na likido roon.                 Nakita niya ang malakas na pagtagas ng dugo mula dito.                 Nag – aalab sag alit ang knayang mga mata na tumingin sa kinaroroonan ni Aciera at nakita niya roon ang isang malaking salamin. Napatingin siya sa kanyang likuran at may salamin rin roon na unti unti ng nagsasara.                 Bumaling muli siya kila Aciera at unti unti ng naglalaho ang salamin na nakatayo roon kanina.                 Itinayo naman ni David si Aciera.                 “Ayos ka lang ba?” tanong ni David sa kasama.  Napatitig si Aciera ng ilangs segundo kay David dahil kung hindi ito dumating ay paniguradong napuruhan siya ng kalaban niyang sirena.                 Itinuwid ni Aciera nag kanyang mga paa upang makatayo na ng maayos at napabitaw sa pagkakahawak na kay David.                 Tumango naman si Aciera.                 “Salamat,” ani nito. “Ayos lamang ako ngunit halos ubos na ang aking enerhiya. Hindi pangkaraniwang sirena ang kalaban natin ngayon.”                 Napatingin naman sila kay Calirop na ngayon ay nakaupo sa sahig.                 “Ikalawang anak siya ng hari at reyna sa karagatan,” ani ni David. “Nakita ko ito sa kanyang puso. Siya si Calirop. Kilala siya sa karagatan dahil sa kanyang galing.”                 “Ngunit bakit narito siya sa lupa?” tanong ni Aciera. “At ang masama ay kalaban pa natin siya. Sigurado akong hindi matutuwa sa kanya ang kanyang ama at ina.”                 “Dahil iniibig niya ang isa sa mga heneral na demonyo,” sagot naman ni David sa kasamang si Aciera. “Sumama siya rito sa lupa at tinalikuran ang kanyang pinagmulan.”                 “Isang malaking kalokohan ang desisyong napili niya,” ani ni Aciera. “Hindi niya dapat ipinagpalit ang kanyang dignidad para lamang sa isang demonyo. Hindi ako magtataka kung ginagamit lang siya nito.”                 Pinaligiran ni Calirop ang kanyang sarili ng tubig at iniangat sa lupa. Hindi nya gusto ang mga nakikita niya. Kanina pa dapat siya nakabalik sa kanyang mahal kung hindi lang may sumisingit sa kanyang mga ginagawa.                 “Ikaw nanaman,” madiin na sabi ni Calirop. “Ang dami talagang pakielamero at pakielamera. Napakaganda pa ng oras ng pagdating. Kung kailan abot kamay ko na ang tagumpay ay dumadating kayo upang siraiin ito.”                 “Dahil kailanman ay hindi nananlo ang kasamaan sa kabutihan, prinsesa Calirop,” ani ni David dito. “Hindi pa huli ang lahat upang magbago. May oras ka pa upang talikdan ang baluktot na daang tinahak mo.”                 “Tumigil ka na!” sigaw ni Calirop dito. “Ano mang gawin mong panghihimok sa akin ay walang mangyayari dahil buo na ang desisyon ko. Hindi na iyon mababago pa ng kahit na sino.”                 “Ginagamit ka lamang ng kung sinong demonyong sinusundan mo,” ani naman ni Aciera.                 Ngumiti naman si Calirop sa kanila.                 “Wala kayong pakielam,” ani ni Calirop. “Ayos lang sa akin kahit ilang beses niya pa akong gamitin kaya huwag nyo ng tangkain pang baguhin ang isipan ko dahil ang lahat ng opinion niyo ay balewala lang sa akin.”                 “Hindi na natin siya makukuha pabalik,” ani ni Aciera. “Wala ng maririnig ang nilalang na bingi sa pag –ibig kundi boses ng mahal niya . Wala ng makikita ang nilalang na bulag sa pag – ibig  kundi ang nilalang na mahal niya.”                 “Nakita ko sa kaibudturan ng kanyang puso na ang tanging gusto niya lamang ay ang mahalin pabalik,” ani ni David. “ at ang  tanggapin ng kilalanin siya ng kanyang ama upang tagapag mana.”                 “Nababalot ng kasakiman at sobrang pagkahumaling ang kanyang psuo kung ganoon,” ani ni Aciera. “Hindi ko man nais na kalabanin ang katulad niya dahil hindi naman siya ang mga demonyong kalaban natin ngunit wala tayong pagpipilian pagka’t hinaharangan niya ang ating daan.”                 “Alam ko,” ani ni David. “Mas mabuti sigurong isaoli na lang natin siya sa karagatan.”                 “Ngunit paano natin gagawin iyon?” tanong ni Aciera. “At kung gagawin natin iyon ay magdudulot lamang ito ng mas matindi pang galit sa kanyang puso.”                 “Napapaisip rin ako,” ani ni David sa kasama. “Hindi naman talaga siya ang tunay nating kalaban. Siya ay biktima lamang ng kasamanan. Nasaan nga pala si Fuji?”                 “Nawalan siya ng malay kanina at hanggang ngayon ay wala pa ring malay,” ani ni Aciera at napatingin sa kinalalagyan ni Fuji.                 “Ako na ang bahala kay prinsesa Calirop,” ani ni David. “Gisingin mo na sa pagkakahimlay si Fuji upang makatulong sa atin.”                 Tumango naman si Aciera at tumngo sa kinalalagyan ni Fuji.                 Sinundan naman ng tingin ni Calirop ang anghel na si Aciera. Kung hindi lamang may mga nakielam ay kanina niya pa napatay ang babaeng ito. Maswerte ito at may tumulong sa kanya. Matapos ay ibinaling na ang tingin kay David.                 Kung hindi lang din tinulungan ng may angghel na sinulid ang kaharap niyang binatang ito ay tapos an sana ang kanyang laban kaya naman lubha siyang naiinis sa mga nangyari ngayon.                 Hindi naman kumikilos si Calirop at nakikipagsukatan ng lang ng tingin kay David. Alam niya sa sarili niyang pagod na rin siya dahil sa pakikipaglaban kay Aciera kaya alam niya rin na medyo malabong manalo siya lalo na at dalawa ang anghel na makakalaban niya kung sweswertihin pa na magising ang isa ay magiging tatlo ang kanyang kalaban.                 Inobserbahan ni Calirop ang nakahimlay na anghel at nagising na rin ito.                 “Maswerte kayo ngayong araw mga anghel,” sabi ni Calirop at tinitigan ang mga ito. Nais niya pa sanang mabawi ang kanyang tridente ngunit sa kanilang kalagayan ay malabo ito. “Sa susunod na pagkikita natin ay hindi na.”                 Itinago ni Calirop ang sarili sa tubig at nilisan ang lugar na iyon.                 Napahawak naman si Fuji sa kanyang ulo habang.                 “Anong nangyari?” tanong nito at napatingin kay Aciera. “Dumudugo ang ulo mo!”                 “Huwag mo akong alalahanin,” ani ni Aciera at bumaling sa kinalalagyan ni Calirop ngunit nagulat siya ng wala na ito dito kaya bumaling siya kay David. “Nasaan ang ating kalaban?”                 “Umurong na siya,” sagot naman ni David at nagtungo sa kinalalagyan nila Fuji.                 “Sigurado ka ba?” tanong no Aciera sa binata. “Ngunit na sa akin pa ang kanyang tridente.”                 “Alam niya na hindi niya tayo kakayanin,” sagot naman ni David sa dalaga. “Nanghihina na rin si Calirop kaya alam niya sa sarili niya na mas malakas ang pwersa natin sa laban na ito.”                 “Kamusta na kaya sila sa loob?” Nag – aalalang tanong ni Aciera.                 “Maiwan na kayo rito ni Fuji,” ani ni David. “Babalik ako sa loob.”                 “Mag – iingat ka,” ani ni Aciera. Tumango naman si David at matapos magpaalam ay tumungo na uli sa loob.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD