Tinignan ni Helena sa salamin ang mahabang peklat sa kanyang mukha. Isa ito sa mga bakas ng kanyang nakaraan sa nakaraaang digmaang nangyari noon. Ito rin ang laging nagpapaalala sa kanyan ng kanyang mga nagawang pagkakamali kaya kahit saan pa siya pumunta o magtago o kahit gaano niya limutin ang bagay na gusto na niyang ibaon sa limot ay patuloy lamang na ipinapaalala sa kanya ng peklat na ito ang bakas ng masakit na kahapon.
Napatingin naman si Helena sa alak at baso na naiwan ng kanyang kapatid sa lamesa. Tumayo siya upang alisin ito roon. Baligtad sila ng kanyang kapatid. Hindi siya mahilig sa kahit na anong alak.
Itinago niya muli sa ibabaw na aparador ang wine na natira samantalang nilagay niya naman sa mesa ng kapatid ang glass wine nito.
Minsan niya na rng nilunod ang sarili sa alak upang kalimutan ang masakit na nararamdaman niya ngunit sa tuwing gigising siya ay nararamdaman niya pa rin ito kaya naman inihinto niya na lamang ang pag – inom at hinayaang saktan ng sariling mga ala – ala upang kabayaran sa pagkakamaling nagawa niya.
Napatingin naman si Helena sa kanyang likuran noong may pumasok mula rito.
Si Atticus ang kasamahan nila. Isa sa limang heneral sa hukbong pandigma.
Nakasuot ng puting polo at itim na pantalon ang lalaki na animo ay isa sa mga taong namumuhay dito sa lupa. May shades pa ito sa ibabaw ng ulo.
Napatingin ito sa kanya.
“Helena,” tawag nito sa heneral. “Ipinadala mo pala ang lahat ng supremo sa iisang misyon.”
“Bakit?” tanong ni Helena dito. “May problema ba roon?”
“Wala naman,” ani ni Atticus at dumiretso sa mesa niya. “Ngunit mas maganda sana kung hinati – hati mo na sila. Marami pang mga nakapilang dapat tapusin sa mga gawain. Sunod – sunod ang mga report sa atin ng mga problemang lumalaki rito sa lupa.”
“Mahalaga ang misyon nila ngayon,” ani n Helena kay Atticus at bumalik na rin sa kanyang mesa saka umupo. “Isa itong pagkakataon para sa atin na hindi dapat palagpasin.”
Napatingin naman si Atticus kay Helena habang kunot ang mga noo.
“Ano ang ibig mong sabihin?” tanong ni Atticus.
“Malalaman mo pagdating nila,” sagot naman ni Helena at kinuha ang kumpol na papel sa gilid ng kanilang mesa.
“Tsk,” pag – ismid ni Atticus. “Bakit hindi mo na lamag kasi sabihin sa akin ngayon ng diretso? Bakit kailangan ko pang antayin ang mga supremong dumating.”
Isang anghel pa ang pumasok sa opisina. Mahaba ang buhok nito na nakatirintas at abot hanggang bewang. Kulay tsokolate ang buhok nito habang ang balat ay puting puti.
Nakasuot ito ng mahabang puting bestida na abot hanggang paa habang may mga panangga sa pulsuhan. May dalai tong mga kumpol ng papel sa dalawang kamay at dumiretso sa kanyang upuan.
Ibinaba nito ang kanyang mga papel at napahinga ng malalim.
“Ano ba namang mga misyon na ito?” ani ni Krisse at napapuna s ng pawis sa noo. “Hindi na naubos.”
Tumingin naman si Krisse kay Helena.
“Nabalitaan kong ipinadala mo ang mga supremo sa iisang lugar,” ani ni Krisse kay Helena. “Hindi naman sa wala akong tiwala sa kanila ngunit tila napakamapanganib ng misyong iyon. Kahapon niyo lamang natanggap ang misyon patungkol doon at hindi niyo pa mabuting nasuri ang lugar ngunit ipinadala mo na agad ang iyong hukbo. Papaano kung isa lamang iyong patibong at hinihintay nilang kumagat tayo.”
“Huwag mong alalahanin ang mga supremo,” ani ni Helena sa babae. “Alam ko ang ginagawa ko.”
“Ngunit paano kung mayroong portal sa lugar na iyon?” tanong ni Krisse sa kanya. “Malamang na magiging hapunan ang iyong mga supremo ng mga demonyo. Alam kong miyembro sila ng supremo, Helena, ngunit hindi naman mapagkakailang malalakas ang mga royal. Minsan na natin silang nakalaban at halos maubos nila tayong lahat.”
Gulat naman na napatingin si Atticus kay Helena.
“Helena,” tawag niya rito. “Nababaliw ka na para gawin iyang bagay na iyan! Anong laban ng mga supremo sa royal? Maging ikaw nga ay hindi mo natalo ang isa sa kanila.”
“Pagka’t may nakielam,” ani ni Helena kay Atticus.
“Kahit ano pang sabihin mo ay hindi mo mababago ang katotohanang hindi mo sila natalo,” ani ni Atticus. “Kaya naman pala ipinadala mo silang lahat ayd ahil alam mong may mga royal sa lugar na iyon ngunit tama si Krisse. Paano kung lahat ng royal ay nagkukuta doon at hinihintay na may mahulog sa pain nila?”
“Masyado kayong nag – aalala,” ani ni Helena sa mga ito. “Hindi tayo ang dapat matakot sa mga demonyo kundi sila dapat ang matakot sa ating mga anghel.”
“Naiintindihan ko ang punto mo, Helena,” ani ni atticus. “Ngunit tama ang sabi ni Krisse. Hindi ka dapat nagpadalos – dalos. Alam long ikaw ang may sakop sa mga supremo ngunit kagaya mo ay mga heneral rin kami ng mga mandirigma kaya sana naman ay pinapakinggan mo rin ang aming mga opinion”
Huminga naman ng malalim si Helena. Hindi niya alam kung paano ipapaliwang sa mga kasama niyang heneral na alam niya ang ginagawa niya.
“Naroon na sila,” ani ni Helena. “Ang tanging magagawa na lang natin ay ang maghintay sa kanilang pagbabalik.”
“Yun ay kung makakabalik pa sila,” ani ni Krisse at napailing iling na inayos ang mga papel.
Tinignan naman ni Atticus si Helena at matapos ay bumaling na sa kanyang sariling ginagawa.
Hindi na lamang sumagot pa si Helena pagka’t hindi naman niya ugaling makipag argumento ng mahaba habang oras.
Napaisip siya sa mga sinabi ng mga ito. Tama naman ang mga punto ng kanyang mga kasama ngunit malakas ang paniniwala niya sa sarili niyang desisyon. Muli siyang napatingin sa labas ng kanilang bintana.