Habang napatigil naman si Clark noong makitang may tipak ng tubig ang lumapit sa kalaban niyang si Asmodeuz. Mula sa tubig na iyon ay dahan – dahang lumabas ang isang sirena. Ang sirenang nakita nila kanina. Agad namang iniwasan ni Clark ang mga mata nito at nagtaka siya kung bakit narito na ito. Kinabahan si Clark kung anon a ang kalagayan nila Fuji sa labas.
Samantalang bumaling naman si Calirop kay Asmodeuz.
“Napatay mo na ba ang kalaban sa labas?” tanong ni Asmodeuz dito.
“Patawarin mo ako, mahal ko,” paghingi ng paumanhin ni Calirop. “Ngunit kinailangan kong umatras pagka’t hindi ko kakayanin ang pwersa ng tatlong anghel.”
Napakunot naman ang noo ni Asmodeuz sa narinig na mga salitang nanggaling kay Calirop.
“Tatlong anghel?” nagtatakang tanong ni Asmodeuz ngunit ilang segundo lang ang nakalipas ay sumilay ang ngisi sa mukha ni Asmodeuz at bahagyang napayuko noong mahinuha niya ang sinasabi ng kanyang katabi na si Calirop. “May tatlong anghel sa loob at tatlong anghel sa labas. Panigureadong may mga anghel rin na nakabantay sa kabilang daanan. Kung ganoon ay pinadala ng lapastangang Helena ang buong grupo ng kanyang mga supremo!”
Napatawa pa lalo si Asmodeuz sa kanyang mga naiisip. Hindi niya lubos na naisip na gagawin ni Helena ang bagay na iyon.
Napatingin naman si Lilith kay Asmodeuz na tumatawa hindi kalayuan sa kanya.
“Anong itinitawa – tawa mo riyan?” may halong asar sa tono na tanong ni Lilith dito.
“Ang hangal na si Helena,” ani ni Asmodeuz . “Ipinadala niya dito ang lahat ng miyembro ng supremo. Napakadesperada niya. Sa tingin niya ba ay makukuha niya ang kanyang nais. Isa siyang malaking hangal kung iisipin niya na kaya tayong patumbahin ng mga bubwit na ito.”
“Anong ibig mong sabihin?” tanong ni Lilith.
“Kung hindi mo maintindihan ay huwag mo ng alamin pa,” sabi ni Asmodeuz na mas lalong nakapag pa asar sa babaeng demonyo. “Ngunit hindi ko bibigyan ng kasiyahan si Helena. Ako mismo ang maghahatid sa kanya ng mga ulo ng mga anghel na ito!”
Si Lilith naman ang napatawa. Hindi niya nais sanang gawin ito ngunit mas naaasar siya sa demonyong katabi niya kaysa sa mga anghel na kalaban nila ngayon.
“Huwag kang magpatawa, hangal,” ani ni Lilith dito. “Kung hindi mo matalo si Helena ay hindi mo rin matatalo ang kanyang mga alagad. Huwag ka ng mangarap pa!”
Ang mga salitang iyon ang nag painit ng ulo ni Asmodeuz.
Nagkatinginan naman si Cassiel at Clark sa inasta ng mga demonyong kaharap nila.
“Anong sinabi mo?” madiin na tanong nito sa dalaga.
“Kung hindi mo narinig ay hayaan mo na lang,” ani ni Lilith dito na gumaganti sa demonyong ngayon ay nakaharap narin sa kanya “Hindi ko na uulitin pa ang mga sinabi ko, talunang hangal!”
Napahigpit naman ng pagkakahawak sa sandata si Asmodeuz.
“Sa oras na matapos ko ang laban ko dito ay ikaw ang isusunod ko,” ani ni Asmodeuz kay Lilith.
“Hangal!” madiin na sabi ni Lilith. “Hindi mo na magagawa pa iyon dahil ikaw na ang tatapusin nila!”
Agad naman na kinuha ni Asmodeuz ang nakadantay na sandata sa lupa at mabilis na iwinasiwas iyon kay Lilith. Mabilis ang mga galaw ni Lilith na kinuha ang mga kunai sa kanyang binti at pinangsangga ito sa paparating na sandata ni Asmodeuz.
Gamit niya ang dalawnag kamay sa laki ng sandata ng kalabang demonyo.
“Mamatay ka na!” madiin na sabi ni Asmodeuz dito. “Tignan natin kung sino ang unang matatapos ngayon.”
“Sinusubukan mo akong hangal ka!” madiin na sabi ni Lilith at buong lakas na itinulak paitaas ang salo salong sandata ng kalaban at noong maitaas niya sa ere ay agad siyang yumuko upang sugatan si Asmodeuz ngunit agad ring naiikot ni Asmodeuz ang malaking sandata paibaba upang sanggain ang matalim na kunai na iwinasiwas ni Lilith sa harapan ng kanyang tiyan.
Napatingin naman si Lilith kay Asmodeuz na ngayon ay nakatingin rin sa kanya.
May tumamang mga tubig kay Lilith kaya napaatras siya at bahagyang lumamig ang katawan. Mula sa likuran ni Asmodeuz ay lumabas si Calirop na ngayon ay may sarili ng mga paa. Napaismid si Lilith noong makita ito.
Malakas na sinampal ni Asmodeuz si Calirop na ikinagulat nila Cassiel at Clark.
Napaupo pa si Calirop sa lakas ng pagkakasampal nito.
“Huwag mong pakielaman ang laban ko!” madiin na sabi ni Asmodeuz dito.
Napayuko naman si Calirop habak hawak ang pisngi na tinamaan ng kamay ni Asmodeuz.
“Ipagpaumanhin mo mahal ko,” ani ni Calirop at dahan dahang tumayo. “Ayoko lamang na makitang sinasaktan ka ng iba.”
“Sinabi ko na sa iyo na ang utos ko lamang ang gagawin mo!” madiin na sabi ni Asmodeus at itinaas ang sandata upang itarak kay Lilith.
Umatras naman si Calirop doon at napaiwas na lamang ng tingin.
Kinuha naman ni Clark at Cassiel ang pagkakataon na iyon upang sugurin ang mga demonyo.
Inihagis ni Cassiel ang kanyang lubid habang si Clark naman ay mabilis na tumakbo patungo sa kinalalagyan nila Asmodeuz upang patumbahin ito.
Napaatras naman ng kaonti si Cassiel noong saluhin ni Asmodeuz ang kanyang latigo at noong makarating si Clark sa kinalalagyan nila Asmodeuz ay mabilis lamang na inilagan rin ni Asmodeuz ang kanyang kamao na punong puno ng pwersa.
Hinatak ni Asmoduez si Clark at hinatak niya rin kasabay noon ang latigong hawak hawak na nagmula kay Cassiel saka ipinalupot sa leeg ni Clark.
“ACKCK!” Inda ni Clark habang nakahawak sa kanyang leeg. Ramdam niya ang init na nakakapasong balat ng heneral na may hawak – hawak sa kanya.
Pilit na binawi ni Cassiel ang kanyang latigo ngunit mas malakas sa kanya nag pwersa ni Asmodeuz. Noong mapansin ni Asmodeuz ang ginagawang ito ni Cassiel ay malakas niyang hinatak ang latigo patungo sa kanya.
Napasama si Cassiel sa pagkakahatak na iyon at dumulas pabagsak sa sahig. Noong mapatigil sa pagbagsak ay napatingala si Cassiel at nakita niya roon si Lilith at Asmodeuz na nakatingin sa kanya paibaba.
Itinaas ni Asmodeuz ang kanyang sandata upang itarak sa leeg ni Cassiel na ngayon ay nakasaldak sa sahig.
Agad naman na inilagan ito ni Cassiel at mabilis na tumayo at kasabay noon ang paghatak sa kanyang buhok ni Lilith at matapos ay ikinulong siya nito sa sariling mga braso at tinutukan ng kunai ang leeg.
“Anghel!” madiin na tawag ni Asmodeuz kay Valsen na ngayon ay napatigil sa pakikipaglaban kay Hadiiyah.
Napatingin si Valsen sa dalawa niyang kasamahan na ngayon ay hawak – hawak na ng dalawa pa nilang kalaban.
“Sumuko ka kay Hadiyaah,” ani ni Lilith. “Dahil kung hindi ay dadanak ang dugo ngayon rin.”
Pigil ang hininga ni Cassiel na napapikit ng mariin. Kilala niya si Valsen. Alam niyang hindi ito susuko ng ganoon lamang at mas mahalaga ang kanilang misyon kaysa sa buhay nila. Alam niya na handa silang isakripisyo ni Valsen kung kinakailangan.
Napatitig naman si Hadiyaah kay Valsen at hinihintay ang mga susunod na magiging desisyon nito.
Habang si Clark naman ay tinatansya ang magiging desisyon ng kanilang lider.
“Ano pang hinihintay mo?” tanong ni Asmodeuz dito.
Napatingin naman si Valsen kay Hadiyaah. Matalim na tinitigan ni Hadiyaah si Valsen. Ang inaasahan nito ay susuko sa kanya ang lalaki ngunit nagulat siya sa mga sumunod na sinabi nito.
“Patayin niyo na sila ngunit hindi niyo ako mapapasuko,” Malamig na sabi ni Valsen.
“Valsen!” madiin na sabi ni Clark. “Ano ang pinagsasabi mo?!”
Habang si Cassiel naman ay napadilat at napahinga na lamang.
Napatawa si Asmodeuz sa sinabi ng anghel na si Valsen.
“Mukhang dapat ko na ring tanungin ang mga tinatanong ni Hadiyaah,” ani nito sa anghel na lalaki. “Kung papaanong kasama ka sa mga anghel na supremo.”
Gulat na tinitigan ni Hadiyaah ang lalaki. Taliwas sa inaasahan niya ang naging desisyon nito.
“Hindi ko gagamitin ang dala dala kong tubig para lamang sa mga umaapoy na posporo,” ani ni Valsen. Walang emosyon ang mukha nito at malamig ang mga tingin. “Kaya humanda kayo sa gagawin niyo dahil hindi ako papayag na hindi kuhanin ang buhay niyo kapalit ng buhay nila.”
“Matapang ka talaga,” ani ni Lilith at hinanda ang kanyang kunai. “Sige at tignan mo kung paano ko kuhanin ang buhay ng babaeng ito!”
Akmang ididiinan na sana ni Lilith ang kunai sa leeg ni Cassiel noong biglang gumalaw ng kusa ang kanyang kunai sa kanyang kamay.
Pilit niya itong idinidiiin ngunit malakas rin ang pwersang pumipigil sa kanya. Nanginginig na ang kanyang kamay sa lakas ng pwersang ibinibigay niya at ng kung sino man ang pumipigil sa kanya.
Napatingin naman si Asmodeuz at Hadiyaah sa nangyayari sa kamay ni Lilith.
Matapos ng ilang minutong pag – aagaw pwersa ay malakas na tumilampon palayo ang kunai na hawak ni Lilith. Hindi akalain ni Lilith na magagawang padulasin ito sa kanyang kamay gayong napakahigpit na ng pagkakahawak niya rito.
Ang mga sumunod na nnagyari ay bumuka ang mga kamay ni Lilith na nagdulot upang mabitawan niya si Cassiel at malakas siyang umitsa palayo kay Cassiel sa itaas na bahagi ng bahay at mabilis ring bumagsak sa semento.
Mula sa kabilang banda ng bahay ay lumabas si Alejandra kasama ang kanyang grupo. Nakataas ang kamay ni Alejandra at bumaling kay Asmodeuz saka ipinihit ng kaonti ang kanyang kamay.
Parang may buhay na bumitaw ang lubid sa leeg ni Clark. Bumuka rin ang mga kamay ni Asmodeuz at parang ahas na gumapang papalupot rito ang latigo ni Cassiel saka siya itinaas paitaas at hinamas ng pagkalakas sa sahig bago binitawan ang katawan ng latigo.
“Hindi ako papayag,” sabi ni Alejandra at nakatingin kila Asmodeuz. “Hindi ako papayag na mangyari iyon habang nabubuhay ako.”
“Alejandra,” tawag ni Cassiel at mabilis na lumapit sa kanila kasama si Clark.
Noong makita naman ni Erapel ang mga sugat ni Cassiel ay nilapitan niya ito at nilapatan ng paunang lunas.
Tumayo si Lilith sa pagkakabagsak sa sahig at tinignan si Alejandra. Medyo hindi mamukhaan ni Lilith ang dalaga dahil sa suot nito na pangtaong kasuotan ngunit sa pagtitig niya rito ng mabuti ay napangiti siya. Ito nga si Alejandra. Ang anghel na tanyag ang pangalan sa kanilang tirahan.
Habang si Asmodeuz naman ay itnayo ang sarili gamit ang sandata na itinukod sa lupa.
Ikinumpas ni Alejandra patagilid ang kanyang kamay.
“Maghanda kayo!” madiin niyang sabi. “Tatlong royal ang kaharap natin ngayon.”
Bigla namang nag – ilaw ang kanilang kinaroroonan at sa loob ng ilang segundo ay naging damit pandigma na ang kanilang mga kasuotan sa pagkawala ng maliwang na ilaw.
Napakuyom ang kamao ni Asmodeuz. Alam niyang hindi pang karaniwan ang kapangyarihan ng anghel na kaharap nila ngayon. Matagal na rin itong nakikipagdigma at matagal na niyang naririnig ang pangalan nito.
“At sa wakas ay nakaharap ko rin ang anghel na bukod tangi sa lahat,” ani ni Lilith. “Alejandra.”
Napatingin naman si Alejandra sa paligid. Wala roon si David. Alam niyang na sa labas ang dalawang anghel na si Fuji at Aciera dahil nabanggit ito kanina ni Peter sa kanya.
“Base sa mga demonyo,” ani ni Cassiel. “May portal sa bahay na ito, Alejandra.”
Napa – isip naman si Alejandra sa sinabi ni Cassiel. Kung may portal sa bahay na kinatatayuan nila rito ay lubhang magiging mapanganib para sa kanilang supremo ang manatili ng matagal sa bahay na kinalalagyan nila ngayon dahil ang mga demonyo ay hindi mauubos at patuloy lang lalabas sa mga impyerno at bukod pa roon ay pwedeng lumabas sa portal ang iba pang mga royal at kung mangyayari iyon ay magagapi sila lalo na kapag lumabas ang tinutukoy nilang si Urdu.
“Wala tayong magagawa sa ngayon patungkol sa portal,” ani ni Alejandra sa mga kasama. “Ngunit kaya nating panandaliang takpan ang portal na ito gamit ang inyong mga kapangyarihan. Peter at Filomena, hanapin niyo ang portal at gamit ang inyong pinagsanib na kapangyarihan ay ipinag – uutos ko na takpan niyo ito.”
Agad naman na nilisan nila Peter ang lugar at hinanap ang portal.
Napaisip naman sila Lilith noong umalis ang dalawang anghel ngunit si Hadiyaah ay may hinuha na kung saan pupunta ang dalawang anghel na umalis ngayon.
“Erapel at Delevin,” tawag ni Alejandra sa dalawang babaeng anghel. “Kayo ang magiging suporta namin kaya sa likurang bahagi lamang kayo. Ikaw Cassiel at Clark ang kasama namin ni Valsen na huhuli sa mga heneral.”
Tumango naman sila sa sinabi ni Alejandra.
Lumapit naman si Delevin kay Clark at hinawakan ito sa braso.
“Ayos ka lang ba?” tanong ni Delevin dito at sinuri ang mukha ng binata at nakita niya ang gasgas sa leeg nito.
Hinawakan niya ito at hinaplos ng kanyang kamay ngunit agad ring hinawakan ni Clark ang kanyang kamay at ibinababa.
“Huwag mo akong alalahanin,” ani ni Clark dito. “Pumunta ka na sa likrunan upang masuportahan mo kami sa pagsugod.”
Mahinahon naman na tumango si Delevin at tumungo sa kinalalagyan ni Erapel.
Habang sa kabilang banda ay lalapit sana si Hadiyaah kila Lilith ngunit.
Agad na gumawa ng pader na harang si Valsen sa daanan niya. Napatingin si Hadiyaah kay Valsen na nakatingin rin sa kanya.
“Dito ka lang,” ani ni Valsen dito.
“Saan niyo naman papupuntahin ang dalawang anghel?” tanong ni Lilith kay Alejandra. “Hihingi ng tulong?”
“Isipin mo ang nais mong isipin, dmeonyo.” Ani ni Alejandra dito at napatingin naman kay Calirop na nasa gilid lamang ni Asmodeuz. “Hindi ka nabibilang dito, sa karagatan ka nabibilang.”
Lumapit naman si Calirop kay Asmodeuz.
“Dito na ang bago kong tirahan,” sagot naman ni Calirop. “Sa tabi ni Asmodeuz.”
Kumunot ng bahagya ang noo ni Alejandra. Bigla kasing may sumanggi sa kanyang isipan ngunit agad niya rin itong isinintabi upang makapagfocus ngayon sa kanilang laban.
“ABANTE!” utos ni Alejandra.
Nagsibukahan naman ang pakpak nila Clark at Peter at mabilis na sumugod patungo kial Lilith. Isang maraming lipol naman ang mabilis na humarang sa kanilang daraanan ngunit agad rin itong bumagsak sa sahig.
Napakunot ang noo ni Lilith at napatingin sa bandang gawi ni Delevin. Nakita niya ang anghel na nagsasalita habang nakatingin sa kalaban nilang pasugod sa kanila.
Inihanda ni Lilith ang kanyang dalawang kunai na hawak habang si Asmodeuz naman ay mahigpit na hinawakan ang kanyang dala – dalang malaking sandata.
Agad naman na nagpalit ang dalawang anghel ng kinalalagyan na bahagyang nagpatigil sa depensa ng dalawang demonyo.
Initsa ni Cassiel ang kanyang latigo sa sandata ni Asmodeuz at pinalupot niya ito dito saka malakas na hinatak. Napabitaw si Asmodeuz dito at patama ito kay Lilith kaya naman tumalon sa ere si Lilith upang ilagan ito ngunit sa kanyang pagbaba ay suntok ni Clark ang sumalubong sa kanya.
Agad ring nakarecover sa suntok na iyon si Lilith at itinukod ang paa at humawak sa sahig upang pigilan ang pagtilapon. Hindi pa sila nakakabalik sa pwesto ni Asmodeuz ay mabilis na tumalon si Alejandra at lumabas sa gitna nila Cassiel at Clark si ito.
Ibinuka nito ang palad sa kanang kamay at mula roon ay lumiwang ng mahaba at may kumorteng hugis espada. Sa pagkawala ng liwanag ay may hawak – hawak na si Alejandra ng isang makinis at matalim na espada.
Noong makarating siya sa kianroronan ni Asmodeuz ay malakas niyang ikinumpas ang espada at nasugtan niya sa tagiliran ang demonyo. Pagkalanding niya sa lupa ay mabilis siyang tumalon at sa direksyon naman ni Lilith tumungo.
Sinalo ng dalawang kunai ni Lilith ang espada ni Alejandra na tatama sa kanya. Naglaban muli ang pwersa nila at napaismid si Lilith noong muling naging magalaw ang kanyang mga kunai sa kamay kaya naman paatras siyang tuamlon palayo sa kalabang anghel dahil kung hindi ay dudulas na ng tuluyan ang kayang mga kunai at hihiwain siya ng talim ng anghel na kanyang kalaban.
Sumugod si Clark kay Asmodeuz ngunit agad na sinakal siya nito at pabuhat na ibinalibag kay Cassiel. Tumilapon si Cassiel kasama si Clark palayo roon. Napaabante naman si Delevin sa nangyari at agad na tinignan ang mga demonyong papalapit kila Clark at sa pamamagitan ng mga salita ay pinigilan niya ang kahit isa sa mga ito na makalapit sa kanyang mga kasama.
Kinuha ni Asmodeuz ang kanyang sandata at iniikot ito sa ere saka parang palasong intinra kay Alejandra. Mabilis naman na inilagan ni Alejandra iyon at si Lilith naman ay nagpadulas sa likuran ni Alejandra at tumayo kung saan patungo ang sandata ni Asmodeuz. Gamit ang kunai ay itinira niya ang talim nitong duluhan paitaas at itnira rin paitaas ang pommel ng sandata.
Mabilis itong umikot at ang talim nito ay nakaharap ng muli sa kinalalgyan ni Alejandra. Buong lakas na umamba si Lilith at tinira ng kunai ang sandata ni Asmodeuz patungo kay Alejandra.
Mabilis na tinahak nito ang kinalalagyan ni Alejandra. Agad ring umikot sa ere si Alejandra upang hindi sya tamaan ng sandatang pabalik sa kanya. Dumaan ito sa baba ng kanyang ulunan sa pag ikot niya sa ere.
Mabilis naman na sinalo ni Asmodeuz ang kanyang sandata at ibinuka ang mga pakpak saka lumapit kay Alejandra. Ibinuka rin ni Lilith ang kanyang mga pakpak at lumipad patungo kay Alejandra upang tulungan ang kasamang si Asmodeuz na gapiin ito.
Itinaas ni Alejandra ang kanyang hawak na espada at hinati niya ito sa dalawa. Dalawa na ngayon ang hawak niya sa magkabilaang kamay ngunit mas payat na ito at bahagyang mas maliit sa sandatang hawak niya kanina.
Sinalo niya ang sandatang pababa sa kanya na hawak hawak ni Asmodeuz at hinarangan niya naman ang kanyang tiyan kung saan patungo ang talim ng kunai ni Lilith na ngayon ay nakalapit na rink ay Alejandra.
Pilit na idiniin nila Lilith at Asnodeuz ang kanilang mga sandata. Agad naman na malakas na itinulak ni Alejandra palayo sila sa kanya.
Ibinuka ni Alejandra ang malalaki at itim niyang mga pakpak. Napaharang naman ng kamay sa mukha ang dalawang demonyong kalaban niya dahil sa lakas ng hangin na nilikha ng kanyang mga malalaking pakpak.
Mabilis na lumipad si Alejandra paitaas at tumingin kila Asmodeuz. Itinago niya ang dalawa niyang hawak na sandata at iniharap ang mga palad sa dalawang demonyong nakatingala sa kanya.
Bigla namang hindi makagalaw sila Lilith at Asmodeuz. Pinipigilan nila Alejandra ang kanilang mga pwera.
“Cassiel,” tawag ni Alejandra. “Clark!”
Agad naman na lumapit kila Asmodeuz ang dalawang anghel.
Pilit na nilabanan ni Asmodeuz ang pwersa ni Alejandra at unti unting iginalaw ang kanyang kamay.
Sampung demonyo naman ang agad na sumugod kay Alejandra at kinapitan siya.
Naigalaw agad nila Lilith ang kanilang mga kamay noong makuha ng mga demonyo ang atensyon ni Alejandra. Kaya naman napaatras sila Cassiel noong iwinasiwas ni Asmodeuz ang kanyang malaking sandata.
“Delevin,” tawag ni Erapel. “Si Alejandra!”
Madiin naman na kinuha ni Alejandra isa isa ang demonyo na nakakapit sa kanya at ibinagsak sa lupa.
Pingilan naman ni Delevin ang mga demonyong lumalapit pa kay Alejandra. Napansin ito ni Lilith at kanina pa masama sa paningin niya ang anghel na si Delevin kaya naman kumuha siya ng talong kunai at mabilis na itinira ito patungo kay Delevin.
Nakita iyon ni Clark at sinalo ng kamay ang mga kunai na iyon ngunit tumagos sa kanyang kamay ang pangatlo at mabilis na tinahak ang kilalagyan ni Delevin.
Napansin ito ni Delevin kaya naman mabilis niyang iniliko ang kanyang mukha ngunit dumaplis pa rin ito sa kanyang pisngi at malalim na nahiwa siya.
Napahawak si Delevin sa kanyang pisngi at dumudgo na ito. Napatingin si Delevin kay Lilith sa di kalayuan.
Lumapit si Erapel kay Delevin upang gamutin ang sugat na natamo niya.
Napahigpit naman ng hawak si Clark sa kanyang nasalo na kunai at mabilis na sinugod si Lilith. Agad na hinampas naman ni Asmodeuz ang dadaanan ni Clark ngunit piniliputan iyon ni Cassiel ng kanyang latigo at lumipad upang itaas ang hawak na sandata ni Asmodeuz.
Napatingin si Lilith sa nag –iigting na panga ni Clark habang papasugod sa kanya. Napangisi siya. Ito ang mga gustong gusto niya kalaban. Ang mga palaban na anghel.
“Anghel,” ani ni Lilith habang ipinoporma ang kanyang sarili. “Ipapakita ko sa iyo kung gaano kalayo ang pagitan ng lakas nating dalawa.”
Sa pagtira ng suntok ni Clark ay tumalon sa ere si Lilith at mabilsi ring bumagsak sa lupa habang nakatalungko. Mula sa hawak na mga kunai nito ay tumulo ang patak ng dugo. Mas lalong napangisi si Lilith.
Napahawak si Clark sa kanyang leeg. Dumudugo ito. Hindi man lang niya naramdaman ang talim sa bilis. Sunod sunod na kumawala sa hiwa ng lee gang mga dugo ni Clark.
“Clark!” sigaw ni Delevin at agad na nagbitaw ng mga makakapangyarihang salita.
Tumayo si Lilith upang sugurin naman sila Delevin ngunit bigla siyang napahinto. May isang pwersang pumipigil sa kanya. Unti – unti siyang napaatras at parang may malalakas na suntok na nakakapaso sa kanyang balat ang tumatama sa kanya, iyon nga lang ay hindi niya ito nakikita.
Mas bumilis pa ang pagsasalita ni Delevin at malakas na umitsa si Lilith sa pader at bumagsak sa lupa habang si Erapel naman ay mabilis na lumapit ay Clark upang gamutin siya.
“Hindi masyadong malalim ang sugat mo,” ani ni Erapel habang kunot ang noo at nakatapat ang palad sa leeg ni Clark. Mula sa kanyang palad ay lumalabas ang kulay berdeng ilaw. Unti – unti namang naghilom ang leeg ni Clark.
Lumapit sa kanya si Delevin at inalalayan siya patayo.
Kunot ang mga noong sinipat ni Delevin ang leeg ng lalaking kaharap niya at napahinga siya nang maluwag noong makitang wala itong sugat sa leeg.
“Salamat, Erapel,” ani ni Clark at muli ng bumaling kay Lilith.
Habang sa kabilang banda naman ay hinahanap ni Filomena at Peter ang lagusan na tinutukoy nila Cassiel. Sa laki ng bahay ay tila naligaw na sila sa kawalan habang hinahanap ang portal.
“Nasaan ba ang portal?” tanong ni Filomena. “Kailangan nating mahanap ito agad upang makabalik na tayo kila Alejandra at matulungan sila.”
Tumigil naman si Peter at napatigil rin si Filomena.
“Susubukan kong hanapin ito,” ani Peter at pumkit saka pinakiramdaman ang paligid. Mula sa kanyang mga paa ay gumapang ang mga yelo sa sahig na tila may sariling buhay. Gumawa ito ng daan. Dumilat naman si Peter. “Sundan lang natin ang aking yelo. Nararamdaman nito ang pinagmumulan ng matinding init.”
Tumango naman si Filomena at sinundan nila ang yelo. Napatigil sila noong huminto ang yelo sa pader.
Hinawakan ni Filomena ang dingding kung saan tumigil ang yelo. Maiinit ito.
“Mukhang na sa may kabilang kwarto ang portal,” ani ni Filomena.
“Tumabi ka muna,” ani ni Peter at itinaas ang kanyang kamay saka itinapat sa dingding. “Susubukan kong sirain ito ng aking kapangyarihan.”
Tumabi naman sa isang gilid si Filomena at pinanood ang susunod na gagawin ni Peter.
Mula sa mga kamay ni Peter ay lumabas ang mga matutulis na yelo at mabilis na tinungo ang dingding. Malakas na tumama ito at bumaon ngunit hindi sapat upang mabutas iyon.
“Makapal ang dingding ng kwarto,” ani ni Peter. “Ngunit huwag kang mag – alala, mga ilang minute lang ay tuluyan ko na itong masisira.”
Sunod sunod na tinira ni Peter ang dingding hanggang sa nagkaroon na ito ng pahabang bitak at matapos ang ilang minuto ay bumigay na ito.
Bumungad sa kanila ang malaking portal na napapaligiran ng itim na enerhiya. Limang tao ang laki niyon at ramdam nila ang init na lumalabas roon.
Mula sa loob ng portal ay kita nila ang nag – aalab na kulay pulang na apoy. Nagbabaga ito na tila galit na galit.
Napatingin kila Filomena ang papalabas na demonyo sa portal. Agad naman na tinaas ni Filomena ang kanyang kamay at it8inutok sa portal at mula sa kanyang kamay ay gumapang ang mga bulaklak saka itinulak pabalik ang demonyo. Bahagya pang nasunog ang halaman na ginawa ni Filomena ngunit dahil sa kapangyarihang selestiyal na nakabalot dito ay hindi ito masyadong napuruhan.
Nagkatinginan naman si Filomena at Peter saka tumango. Iniharap nila ang kanilang mga palad sa portal at mula roon ay lumabas ang putting enerhiya at tumama sa portal, para itong naging panakip sa malaking butas. Matapos ay pinaligiran ni Peter ng makapal at malamig na yelo iyon noong tuluyan ng masakop ng puting enerhiya ang butas ng portal.
Sunod naman na pinaligiran ni Filomena ang yelong nakabalot dito at nag – ilaw saglit ang kanyang halaman saka biglang humigpit.
“Sa tingin mo ba ay sapat na ito?” tanong ni Filomena sa kasama.
“Sapat na iyan upang pigilan ang mga demonyong lumalabas,” ani ni Peter. “Panandaliang magiging tulong ito para kila Alejandra pagka’t magiging limitado na lamang ang mga demonyong makakalaban nila.
Tinitigan naman ni Filomena ang portal. Ito ang unang pagkakataon na nakita niya ito ng malapitan.
“Bumalik na tayo kila Alejandra,” ani ni Peter.
Sumang – ayon naman si Filomena at tinungo nila ang daan pabalik sa mga kasamang anghel.
Naubos na ang mga demonyong kalaban ni Alejandra. Noon ay naisip ni Asmodeuz kung nasaan ang dalawang anghel na umalis kanina. Pumunta ang mga ito sa kanilang portal upang panadalaian itong takpan.
“Calirop,” tawag ni Asmodeuz sa sirenang na sa gilid.
Tumango naman si Calirop at malakas na sumigaw upang maging dahilan ng pagtilapon ng mga anghel. Sa lakas ng ginawang pagsigaw ni Calirop ay naubusan siya ng lakas ngunit ayos lamang sa kanya dahil natulungan niya ang pinakamamahal na si Asmodeuz.
Tumayo naman sila Alejandra sa pagkakasaldak.
Mabilis na lumipad si Alejandra upang sugurin si Asmodeuz ngunit naramdaman niya ang malakas na pwersang papatama sa kanya. Tinignan niya ang kanyang gilid at nakita niya ang mabilis na palasong tinatahak ang direksyon niya.
Malakas na sinangga ni Alejandra ito gamit ang kanyang hawak na espada ngunit agad siyang napaitsa sa nagbabagang enerhiyang tumama bigla sa kanya kasabay ng pagsangga niya ng palaso. Nangggaling sa palad ni Asmodeuz ang enerhiyang iyon.
“AHHH!” inda ni Alejandra sa pagtama ng malakas na enerhiya sa kanya.
Mabilis na gumalaw si Lilith upang tapusin sa likuran si Alejandra ngunit napatigil siya ng isang malaking salamin ang humarang sa kanyang harapan. Lumusot roon si Alejandra at biglang nawala.
Mula sa tapat ni David ay bumuka ang malaking salamin, doon lumabas si Alejandra. Sinalo naman siya ni David. Napatingin si Alejnadra sa kung sino ang sumalo sa kanya dahil sa bilis ng pangyayari ay nagulat rin siya noong biglang nagbago ang kanyang kinaiitsahan.
“Ayos ka lang ba?” tanong ni David sa dalaga habang nakatingin dito.
Tumango namna si Alejandra at tumayo ng kanyang sarili at napatingin kila Asmodeuz.