VI

1854 Words
  Third Person Point of View     Dahan - dahang lumapit sila Alejandra sa abandonadong gusali.  Maging ang bawat galaw at hakbang ng kanilang paa ay maingat dahil puno ng tuyong dahon ang paligid. Hindi nila gugustuhing bulabugin ito upang masira ang kanilang sopresang pagsugod.     Tahimik ang paligid at maski huni ng mga insekto ay wala kang maririnig. Isa lang ito sa mga badya na lubhang mapangqnib ang palagid. Tulad ng dagat na tahimik ay naghihintay ang nakakalunod na kalaliman nito at ng kalamdong sikat ng araw sa paparating na bagyo. Malamig ang simoy ng hangin ngunit ramdam mo ang mainit na temparatura sa paligid na dala ng mga demonyo.     Noong makalapit sila sa bahay ay tinignan ni Alejandra si Filomena.     “Paligiran mo ng halaman ang buong gusali,” utos ni Alejandra dito. “Siguraduhing mong maisasarado pa nang husto ang mga saradong bintana ngunit ingatan mo ang pag gapang ng mga ito dahil baka makahalata sila. Kapag pumasok tayo ay lakasan mo na ang enerhiya ng iyong mga halaman.”      Tumango naman si Filomena at pumwesto siya sa bandang harapan ng grupo. Hinawakan nito ang lupa at mula roon sa hinawakan niyang parte ay dahan dahang tumubo ang mga halaman na namumulaklak ng gumamela. Dahan - dahan itong kumalat at umakyat sa bawat parte ng gusali hanggang sa mabalot na ang buong gusali ng halaman na may gintong mga bulalak kung saan naglalabas ito ng enerhiya sa buong kapaligiran.     Sa paligid ay nakakalat narin ang mga enerhiya ng mga mandirigmang anghel.     "Siguro naman ay makakalabas tayo kahit na sinarado mo na ang lagusan pag pasok natin hindi ba?" tanong ni Delevin kay Filomena.     Tinignan naman ni Alejandra si Delevin at kunot ang mga noon g dalaga habang nakatingin sa lagusan. Batid niyang may dahilan kung bakit tinatanong ito ni Delevin.     "Huwag kang mag – alala,” sagot naman ni Filomena. “Kilala ng halaman ko ang mga mandirigmang anghel. Sakali man na kailangan nating umatras ay kusa itong magbubukas para sa atin.”     "Aba mabuti kung ganoon," sabi ni Delevin sa dalaga. “Hindi  ko nanaising makulong sa gusaling ito ng kay’ tagal.”     "Huwag mong sabihing natatakot ka, Delevin," sabi ni Alejandra sa kasama. “Wala kang dapat ikatakot. Sa atin ang tagumpay.”           Sinipat ni Delevin ang halaman sa pintuan at nagsalita, “Wala naman akong ikinakatakot. Hindi ako takot sa demonyo. Isa akong madirigma ng kalangitan. Layunin ko ang mapuksa ang lahat ng kasamaan. Hindi ko gusto ang lohiko na isasara ang lagusan palabas.”     "Kailangan nating gawin iyon,” sabi ni Filomena dito. “Upang makasigurado tayo na walang sino mang demonyo ang makakalabas sa gusaling ito ng buhay.”     "Ipagpaumanhin niyo,” sabi ni Delevin sa mga kasama. “Gawin na natin ang misyon at iwanan na natin ang usapang ito.”     Bumaling naman si Alejandra kay Peter na nakatingin lang rin ngayon sa gusali.     "Peter,” tawag ni Alejandra rito kaya nabaling naman ang atensyon ni Peter kay Alejandra. “Lagyan mo ng barrier ang paligid pati na ang lupa maging ang taas upang mas makasigurado tayo. Tiyak na manghihina rin ang mga demonyo kapag pumasok na ang lamig sa gusali.”       Itinaas naman ni Peter ang kanyang dalawang kamay na hanggang dibdib lamang ang lebel. Matapos at itinaas niya ng kaonti ang kanang kamay ng bahagya sa kaliwang kamay. Nagkaroon naman ng matataas na pader at bumuo ng barrier na may apat na sulok ng lugar.     Inabante niya ang kaliwang kamay at tuluyan ng natakpan ang kalangitan ng yelo. Mainit ang katawan ng mga demonyo at kapag nakakaramdam sila ng lamig ay napapaso sila. Hindi sila nagtatagal sa ganoong klima at nangangati ang kanilang mga balat na tila sumisigaw ng init.     "Hindi pa ba natin sila papasukin?” tanong ni Delevin sa mga kasama. “Ano mang oras ay maaari na silang makaramdam na may ibang presensya ang nasa lungga nila.”     "Sandali lamang,” sabi ni Alejandra. “Maghintay muna tayo ng ilang minute upang mas lumamig pa. Pakiramdaman muna natin ang paligid. Maaaring may patibong na naghihintay sa atin sa loob.”       “Erapel,” tawag ni Alejandra sa dalagang tahimik lamang sa isang banda. “Ikaw ang tagapagpagaling ng grupo kaya kung maaari ay huwag kang masyadong makipaglaban. Hindi namin gugustuhin na una kang masugatan sa labanang ito. Ikaw Delevin ang sasama kay Cleopatria upang protektahan ito kung sakali. Habang si Peter at Filomena naman ang magsusuportahan sa isa’t isa. Siguraduhin niyo binabantayan niyo ang isa’t isa upang maiwasan niyo ang panganib.”     "Ngunit sino ang titingin sa iyo?" tanong ni Erapel kay Alejandra.     Nag – aalala siya para sa kanilang lider na habang ang batwat isa sa kanila ay may sari – sariling suporta ay nag – iisa itong titingin sa sarili.     “Huwag mo akong alalahanin Erapel,” ani ni Alejandra. “ Ako na ang bahala sa aking sarili basta tandaan niyo ang paalala ko. Tuso ang mga demonyo. Huwag kayong palilinlang.     Napatawa naman si Peter at nagsalita. “Huwag kang mag – alala Alejandra.  Hindi mga tao ngayon ang kasama mo kundi mga mandirigmang anghel.”       “Ngunit anghel rin si Urdu,” sagot naman ni Alejandra sa kanya na nakapagpatahimik kay Peter. “Isa siyang anghel ng ilalim at pinagtrayduran ang kalangitan kaya tayo narito ngayon sa lupa dahil sa kanyang kataksilan.”         Napalunok naman si Peter at muling nagsalita. “May punto ka nga.”         Bumaling naman si Alejandra ulit sa gusali at pinagmasdan ito. Matapos ang ilang minute ay nagsalita ito. “Oras na. Pumasok na tayo.”     Nanguna si Alejandra sa pagpasok at sumunod naman ang iba pang mga anghel.     Habang sa kabilang banda at nakatayo sa likuran ng gusali ang  gurpo nila Valsen.     "Nakapasok na siguro sila," ani ni Dail habang nakatingin sa gusaling napapaligiran ng mga halaman.     Kitang kita nila ngayon ang matataas na yelo sa bawat sulok nito.     “Magaling ang mapapangasawa mo Aciera,” sabi ni Fuji. “Biruin mo nagawa niyang bakuran ang itaas maging ang apat na sulok ng lugar ng hindi gumagawa ng kahit anong ingay.”     Tinignan naman ni Aciera si Fuji at hindi siya makapaniwalang nagagawa pa talagang isingit ni Fuji ang bagay na iyon sa sitwasyong ito.     Nginitian naman siya ng binata.     “Tama ka, Fuji,” sabi ni Dail. “Kahanga – hanga ang galing ni Peter na kay ingay sa harap ni Aciera ngunit tahimik pala gumawa.”     Napahagikigik pa ang dalaga sa sinabi na ikinibit balikat naman na ni Aciera iyon. Hindi niya maitatanggi na magaling nga ang nagawa ni Peter.     "Itigil niyo na ang inyong mga kalokohan,” ani ni Valsen. “Hinaan niyo ang mga boses niyo at baka mapansin pa tayo ng mga demonyo. Masisira ang ating plano. Ikaw Aciera at Fuji ang magbabantay sa harapan at kaming apat nila Dail, Clark at David ang tutuloy sa gitnang bahagi ng bahay.”     “Ngunit bakit kailangan kong maiwan sa harap?” tanong ni Aciera. “Mas makakatulong ako sa loob. Isa pa ay isasarado rin naman uli ni Filomena ang lagusan kaya hindi na ito kailangan pang bantayan.”     “Hindi natin alam kung hanggang saan ang kakayahan ni Filomena,” sagot naman ni Valsen. “Pwedeng masira nila ang harang sa pintuan at mga bintana. Tutal naman ay gumagamit ka ng sinulid ay iyon na lamang ang papasukin mo sa loob. Kayo rin ang magiging huling baraha namin kung sakaling malipol kami sa loob.”     “Ano bang sinasabi mo,” ani ni Fuji sa lider. “Sa lakas niyong iyan ay imposibleng malipol kayo.”     “Fuji,” tawag sa pangalan ng binata ni Valsen. “Matagal ka ng nakikipaglaban sa mga demonyo ngunit hindi mo pa rin ba kabisado ang mga panuntunan? Huwag mong mamaliitin ang kakayahan ng iyong kalaban.”      Hindi naman sumagot si Fuji. Ayaw niya lang naman na negatibo agad ang isipin ng kanilang grupo ngunit tama si Valsen. Kung mamaliitin nila ang kalaban ay gumagawa lang sila ng daan sa pagkatalo.     "Pumasok na tayo," ani ni Valsen at naglakad papasok kasunod ng mga kasama.     Naiwan naman si Aciera at Fuji sa may pasukan ng bahay.     Iniharap ni Aciera ang palad niya sa lupa at mula sa kanyang mga daliri ay lumabas ang mga sinulid na kanyang ginagamit sa pakikipaglaban. Ang mga sinulid na ito ay sumunod papasok kila Valsen. Kahit wala siya sa loob ay mararamdaman niya ang mga demonyo dahil sa tagal na pag – gamit niya ng sinulid ay tila naging parte na ito ng kanyang katawan.       “Dapat ay si Erapel na lamang ang isinama ni Valsen sa grupo,” ani ni Fuji na tila hindi sang – ayon na maiwan sa labas. “Sana ay siya na ang kasama ko ngayon rito.”       Napatingin naman si Aciera sa sinabi ni Fuji.      “Mahirap ba akong kasama?” tanong ni Aciera sa lalaki. “Na maging ikaw ay ayaw sa akin.       Nagulat naman si Fuji at nabalik sa realidad. Hindi na agad naisip na masasaktan ang dalaga sa nasabi.         “Nagkakamali ka,” sabi ni Fuji. “Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Hindi sa ayaw kitang kasama. Kahit magdamag pa tayong mag – kasama ay ayos lamang. Nag – aalala lamang ako para sa aking katipan. Wala pa naman masyadong alam iyon pagdating sa pakikipaglaban dahil sa ang tagapaggamot ng ating grupo.”         “Sinabi mo kanina na malalakas ang ating mga kasama,” sabi naman ni Aciera habang kinokontrol ang mga sinulid sa kamay. “Kaya dapat ay wala kang dapat ipag – alala. Isa pa ay gaya na nga ng iyong sinabi ay siya ang tagapag pagaling ng grupo/ Nararapat lamang na kasama siya sa loob upang madali niyang magbigyan ng luna ang mga ibang mandirigma kung sakali man na may masugatan o mapuruhan sa kanila.”         “Masyado ka naman seryoso, Aciera,” sabi ni Fuji. “Chillax ka lang. Huwag mong dibdibin ang nasabi ko kanina. Hindi lang tayo nagkaintindihihan. Ayos lang sa akin na ikaw ang aking kasama ngunit sabihin mo na hiniling mo rin na nagkapalit kayo ni Erapel kasi nasa kabila si Peter.”         Tinignan namin ni Aciera si Fuji gamit ang mata at hindi nililingon ang ulo. Ngumiti naman si Fuji at nag – iwas ng tingin sa dalaga.         “Sabi ko nga at ayaw mo,” sabi ni Fuji. “Ngunit bakit nga ba lagi kayong nagtatalo ni Peter? I mean hindi naman nagtatalo ngunit ayaw niyong magpatalo sa isa’t isa.”         “Bakit hindi mo itanong sa kanya?” tanong ni Aciera.         “Ah,” sabi ni Fuji. “Naalala ko lang. Sino yung mga batang tinutukoy ni Peter?”         Napaawang naman ang labi ni Aciera at hindi siya makapaniwalang ganito kamanhid ang anghel na kaharap niya upang itanong pa uli ang bagay na hindi niya na nga niya sinagot kanina.         “Nevermind,” sabi ni Fuji at nagfocus na sa bahay na nasa harap nila. Sometimes some questions does not need to be answered.             Hindi na sumagot si Aciera dahil ayaw niyang makipagtalo.Kailangan niya ng enerhiya para magampanan ang inutos sa kanya    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD