Third Person Point of View
“Binibini,” Napatingin si Alejandra sa may ari ng boses na tumawag sa kanya.
Matapos ay tinignan niya ito mula ulo hanggang paa. Ngayon niya lamang nakita ang lalaking ito at base sa kulay ng itim na suot nito ay anghel ito sa ibaba.
“Ano ang maitutulong ko sa anghel na mula sa ilalim ng lupa?” tanong ni Alejandra sa binata habang kunot ang noo.
Na sa may ibaba siya ngayon ng lupain ng mga tao at pinagmamasadan ang palubog na araw sa malawak na karagatan noong dumating ang binatang tuwawag sa kanya kanina.
Binigyan siya nito ng matamis na ngiti. Tulad ng mga mata ni Alejandra ay asul na asul rin ang mga mata ng binata katulad ng langit at dagat. Nakatingin ang pares ng mata ng lalaki sa dalaga na tila ayaw na niyang iwanan ng titig ito.
“Ipagpaumanhin mo,” sabi ng lalaki. “Naakit ako sa napakaganda mong pakpak. Nakita ko ito mula sa kalayuan kaya naman aking nilapitan.”
Sadya naman talagang napakaganda ng pakpak ni Alejandra. Makintab ito at mas malaki pa sa kanya. Puting puti ito na kahit sino man ay mahihiyang bahidan ito ng kahit katiting na dumi. Kilala rin siya dahil sa magandang pakpak niyang ito.
Ibinuka naman ni Alejandra ang kanyang pakpak at bahagyang natakpan ang sikat ng araw ang binatang nakaharap ngayon kay Alejandra.
“Salamat sa iyong komplimento,” sabi ni Alejandra at ngumiti rin.
“Maaari ko bang malaman ang iyong ngalan?” tanong ng binata sa dalaga na tila tinamaan na ng pana ni kupido ang puso. “Hindi lang pala pakpak mo ang maganda sa iyo ngunit pati ang iyong pisikal na kaanyuan. Walang katumbas ang iyong ganda.”
Bahagyang tumalon ang puso ni Alejandra sa mga narinig. Masyadong mabulaklak magsalita ang lalaking kaharap ngunit batid niyang hindi ito nagsisinungaling dahil isa itong anghel.
“Alejandra ang pangalan ko,” sagot ni Alejandra habang nakatingin sa ginoo.
“Alejandra,” ani ng binata na mas lalo pang lumawak ang ngiti. “Bagay na bagay sa iyo ang iyong pangalan. Napakaganda.”
“Lahat naman ata sa iyo ay maganda, ginoo,” sabi ni Alejandra habang labi ay nakangiti pa rin.
“Hindi naman lahat, halos lamang,” sabi ng binata rito. “Ngunit ang sa iyo ay walang katumbas. Ako nga pala si Leviar. Mula sa ilalim ng lupa. Hindi naman siguro masama kung makikipagkaibigan ako sa iyo. Maaari ba, binibining Alejandra?”
Inabot ng lalaki ang kanyang kamay upang makipag kamay sa dalaga. Magiliw namang kinamayan ni Alejandra si Leviar tanda lamang na pumapayag siyang makipag kaibigan dito.
“Oras na.” Natigil si Alejandra sa pagbabalik tanaw ng nakaraan noong magsalita si Valsen ng malakas.
Nagsitayuan naman na ang iba pang mga anghel sa kanilang pagkakaupo.
Bumaba na sa pinaka ground floor ng building ang mga mandirigmang mga anghel dahil na sa baba ang kanilang mga kotseng gagamitin patungo sa lugar na tinutukoy ng kanilang heneral . Lahat sila ay nakahanda na para sa mangyayaring hulihan. Naunang lumabas si Clark sa elevator at dumiretso sa itim niyang lamborghini veneno. Kasunod niya si Delevin na dumiretso rin sa sasakyan ni Clark.
Pagkasakay ni Clark ay nagulat siya ng bumukas ang kabilang pinto at tumambad sa kanya si Delevin na umupo naman sa shotgun seat ng kotse.
"Excuse me?” tanong ni Clark sa babae habang salubong ang kilay nito. “Mali ka at ng kotseng pinasukan.”
"Gamit kasi ng team ko yung kotse ko," sabi ni Delevin sa binata. “Baka pwedeng makisakay muna.”
"Sa dami ng kotseng nakihelara sa akin mo pa talaga naisipang sumama," sabi ni Clark. “Sinabi ko naman sa iyo na hindi ako kumportableng kasama ka.”
"Sa anong dahilan? " tanong ni Delevin sa lalaki sa malungkot na boses.
"Hindi ko nais pang ungkatin ang dahilan," sagot ni Clark. “Pwede bang lumipat ka na ng ibang sasakyan?”
Sinara naman ni Delevin ang kotse tanda lamang na hindi na siya lilipat pa.
"Sa iyo ko gusto sumabay," sabi ni Delevin na siniglahan na ang boses. “Masasanay ka rin sa akin.”
"Siguro linta ka noong nabubuhay ka pa sa mundo kaya ganito ka na lamang makadikit sa akin," sabi ni Clark sa dalaga.
“Ako?” tanong ni Delevin at napahagikgik. “Prinsesa ako dati.”
Napahigpit naman ng kapit si Clark sa manibelang na sa may harapan niya.
“Siguro nga mas maganda pang naging linta na lamang ako noon,” dagdag ni Delevin. “Baka hindi pa ako nabahidan ng pagkakasala.”
“Bakit?” tanong ni Clark sa dalaga.
Napatingin naman si Delevin kay Clark. Hindi niya inaasahan na tatanungin siya nito.
"Hindi ko rin alam,” sabi ni Delevin kay “Basta ang alam ko ay malaki ang naging kasalanan ko noong nabubuhay pa lamang ako bilang tao.”
Hindi na lamang kumibo si Clark at pinaandar na ang sasakyan.
Sa kabilang banda naman ay magkasama ang magkasintahang Erapel at Fuji sa isang sasakyan
At sa isang van naman ay nakasakay na ang iba pang miyembro ng mandirigma ng kalangitan.
Itinapat naman ni Fuji ang minamanehong pickup truck sa bintana ng van na nakabukas
"Nasaan si Aciera?" tanong ni Fuji kay Peter na katapat ng bukas na bintana ng van
"Mukha ba akong hanapan ng nawawalang anghel?” tanong ni Peter at mas binilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan upang malagpasan ang pick up truck ni Fuji ngunit binilisan rin ni Fuji ang takbo upang masabayan ang van nila Peer..
"Narito ako, Fuji," sabi ni Aciera na nasa likuran lang ni peter ng marinig ang tanong ni Fuji na nasa kabilang kotse lamang.
"Wala naman," Sabi ni Fuji at malawak na ngumiti. “Tinitignan ko lamang kung bati na ang future lovers.”
"Magaling ka magjoke," sabi ni Aciera kay Fuji. “Hindi nakakatawa.”
"Stop, both of you," pigil ni Vansel na katabi ni Peter at nagmamaneho ng van. Alam niya kasing magsisimula na naman ang dalawang magpabidahan. Naririndi siya sa maingay. “Fuji sa daan ang tingin.”
Napatahimik naman ang dalawa at nagfocus na si Fuhi sa minamanehong truck.
Magkatabi si Aciera at Cassiel sa pangalawang hanay ng van. Sa likod nila ay si Filomena na gustong solo lagi ang upuan.
Sa pinakalikod ay naroon si Alejandra at David.
"Tsokolate, Alejandra?" alok ni David kay Alejandra at inabutan ito ng nakabox na chocolate.
" Thanks." Kumuha naman si Alejandra at pagpapasalamat kay David.
Si Alejandra. Gamit ang lakas ng kanyang enerhiya mula sa itaas ay kinkontrol niya ang mga bagay bagay.
Nakahiligan na nila ang kumain ng mga pagkain ng tao.
"Matamis hindi ba?” tanong ni Dvaid na nakapagpatango naman kay Alejandra. “Gaya ng mga ngiti mo.”
Humarap naman si Filomena sa kanya at nagsalita, "Ang haring nahulog sa anghel. Sana lahat nagkikita matapos ang ilang daang taon.”
Matapos ay tumalikod na uli si Filomena at nagbukas ng bubble gum saka nginuya ito.
Nagkatinginan naman si Alejandra at David sa inasta ni Filomena.
“Bakit?” tanong ni David dito. “May hinihintay ka rin ba, Filomena?”
"Meron,” sagot ni Filomena sa binata. “Pero mukhang hindi na kami uli magkikita.”
“Sino naman ang hinihintay mo?” tanong ni Alejandra sa dalaga.
Napahinga naman ng malalim si Filomena at naglabas ng gumamela sa kanyang kaliwang palad.
Napaisip naman si David sa ginawa ni Filomena.
“Siguro ang nagbigay sa kanya ng bulalak na gumamela ang hinihintay niya,” ani ni David.
Tinago naman ni Filomena ang bulaklak sa kamay at bahagyang tumaas ang sulok ng labi.
“Magaling ngang mag - isip ang hari,” sabi ni Filomena. “Tunay ang bali - balita.”
Tinignan naman ni Alejandra si David.
***
Alas onse na ng gabi ng makarating ang mga mandirigmang anghel sa lokasyon ng misyon nila. Isa isang bumaba ang mga angel sa kanilang sinasakyan.
"Ito na ba ang tinutukoy ng team nila Atius at ng heneral?” tanong ni Clark sa mga kasama.
"Mukha ito na nga ,” sagot ni David sa kanya.
"Itsura pa lamag ay nakakatakot ng puntahan,” sabi ni Filomena habang natingin sa di kalayuang abandonadong gusali.
"May nakapaligid sa gusali na kakaibang pwersa,” sabi ni Peter na habang mataim na tinitignan ang gusaling nakatayo.
"Valsen,” tawag ni Alejandra sa lider na katulad niya. “Mukhang maraming demonyo ang nagkukuta sa loob. Malaki ang itim na enerhiya ang nakikita ko. Nakakalat at makapal tanda lamang na malalakas ang kasamaang nagkukuta sa loob.”
Pinagmasdan naman ni Valsen ang gusali. Tama si Alejandra. Kakaiba ang enerhiyang bumabalot sa gusaling ito.
“Sa kapal nito ay maaaring maapektuhan ang ating mga enerhiya,” ani ni Fuji. Napahawak naman si Erapel sa kanyang nobyo habang nakatingin rin sa gusali.
"Brace yourselves,” madiin na sabi ni Valsen. “We have to bring down the general,”
"Ilang demonyo kaya ang nasa loob upang maging ganyan kakapal ang enerhiya nila," sabi ni Aciera.
“Hindi natin alam,” sagot ni Valsen, “ Ngunit kailangan niyong maging maingat kahit na mas malaki pa ngayon ang mga enerhiya natin ay siguradong magagawa nilang higupin ang lahat ng ito sa isang pagkakamali lamang.”
“May natatanaw akong ilaw sa loob," sabi ni Cassiel na nakatingin sa maliit na bintana ng gusali. “Mukhang nagkakasiyahan sila.”
Sa di kalayuan ay makikita ang isang malaking gusali na parang abandonado at kalumaan na ang itsura. Mukhang napabayaan na ito ng panahon at puno ng dahon ang paligid. Malalaman mong malaki ito sa unang tingin mo palang.
"Hahatiin natin sa dalawang pangkat ang grupo,” Ani ni Valsen. “Ang unang grupo ay dadaan sa likod at ang pangalawa ay sa harap. Ako ang mamumuno sa unang grupo na sa likod ang daan. Sasamahan niyo ko Erapel, Peter , Delevin at Filomena habang ang isang grupo ay pamumunuan ni Alejandra. Ang misyon natin ay mahuli ang heneral. Lahat ng kawal na demonyo na makakasalubong ay ipinaguutos na patayin. Walang kahit na isa ang patatakasin."
Nagsitanguan naman ang mga anghel at nagsipunta na sa kanila kanilang grupo. Si Alejandra at Valsen ang lider nila ngayon at ano mana ang kanilang ipaguutos ay dapat nilangs sundin kahit ang ibig sabihin pa nito ay kamatayan.
"Mag ingat kayong lahat,” sabi ni Alejandra sa mga kasama. “Sa tingin ko ay hindi lamang isa ang heneral na nasa loob."
"Kayo rin," sabi ni Erapel sa grupo nila Alejandra. “Magtagpo tagpo tayo sa gitna. Huwag niyong hayaang masugatan kayo ng nino man hanggang hindi tayo nagkikita kita.”
Tinignan naman ni Erapel ang nobyong nasa kabilang grupo. Nginitian naman siya ni Fuji.
“Mag iingat ka aking mahal,” sabi ni Fuji. “Magkita tayo sa loob.”
Sumenyas naman si Valsen sa kanila tanda lamang na gagawin na nila ang kanilang mga misyon.