Third Person POINT OF VIEW
Tuluyan nang nakapasok ang grupo ni Alejandra at Valsen sa loob ng bahay na pinagkukutaan ng mga demonyo. Maingat ang bawat galaw nila. Lahat sila ay alerto sa lahat ng posibleng mangyari. Ang buhay nila ngayon ay parang nakasabit sa manipis na sinulid na maaaring mapigtas ano mang oras kung hindi sila mag – iingat.
Narating nila Valsen ang bungad ng bahay at agad silang nagtago sa may mataas na dingding ng bahay noong makita nila ang tumpok ng mga demonyo sa isang malaking espasyo ng sala. Maingay ang mga ito at nag iinuman na animo’y may kaganapang ipinagdidiwang.
Maririnig mo ang mga halakhak na masakit sa tenga kung papakinggan at nakakapanindig balahibo kung maririnig lamang ng mga tao. Mapapansin mo agad ang malaking aquarium na pinapaligiran nila.
Lahat sila ay okupado ng panonood sa nilalang na nasa loob ng malaking aquarium. Isang nilalang na lumalangoy pataas at paibaba na tila gustong kumawala.
Isang sirena ang nasa loob nito. Kalahating tao at kalahating isda ang katawan. Kulay abo ang mahabang buntot nito at tila walang buto kung gumalaw. Mahaba ang buhok nito na kulay itim. Ang mata nito ay kulay berde na kitang kita sa asul na tubig. Animo ay umiilaw ang mata sa madilim na kulay ng tubig na nilalanguyan. Ang daliri nito ay konektado sa isat isa. Hindi ito tulad ng sa tao na magkakahiwalay. Ang tenga nito ay kakaiba din katulad ng sa mga dwende. Patulis at pahaba. Umaangil ito at nilalabas ang matutulis at matatalim na ngipin na patusoktusok tulad ng sa isang pating.
"Isang sirena," mahinang sabi ni Clark habang pinagmamasadan ang sirenang lumalangoy paitaas at paibaba sa malaking espasyo ng aquarium. “Dumakip sila ng isang sirena? Malamang ay magalit sa kanila ang dyos at dyosa na nangagalaga sa buong karagatan.”
"Tama ka," pag – sangayon naman ni Cassiel kay Clark. “Walang sino man ang maaaring dumakip sa mga nilalang na nabubuhay sa ilalim ng tubig ng walang pahintulot ng mga bathala nito ngunit ang tanong ay kung dinakip ba siya o kusa siyang sumama. Sa nakikita ko ay napakalaki ng aquarium na kinalalagyan niya na tila ginawa talaga upang pamahayan niya. Hindi mo gagarahan ng ganyan ang aquarium kung ikukulong mo lamang ito.”
"Mag ingat kayo sa mga mata nito,” banta ni David sa mga kasama habang pinapanood ang mga demonyong tuwang tuwang pagmasdan ang sirena. “ Kilala sa karagatan ang mga sirena maging sa mga lalaki na binabadbad ang tubig. Maaring akitin kayo nito tulad na lamang ng ginagawa ng sirena sa mga demonyong nanonood sa kanya.”
"Hindi ko masyadong makita ang kabuuan. Mukhang wala sa tumpok na yan ang heneral," sabi ni Vansel na kanina pa nag – oobserba at hinahanap ang tunay na pakay nila.
"Mukhang lumalakas na ang enerhiya ni Peter," naalarmang sabi ni Dail nang makitang nagsisimula ng magyelo ang tubig sa may Aquarium. “Nagyeyelo ang tubig sa aquarium!”
"Maghanda na kayo sa ilang segundo lang malalaman na nilang napasok sila dito,” sabi ni Vansel. “Gaya ng utos huhulihin ang heneral at papatayin ang mga maiiwan.”
Biglang namang nagwala ang sirena sa may Aquarium. Malakas nitong pinupukpok ang babasaging Aquarium at humuni ng malakas dahil sa nararamdamang lamig.
Hindi naman masakit sa balat nito ang lamig na nararamdaman. Sa katunayan ay sanay ito at mas malamig pa nga ang klima sa ilalim ng dagat kung saan sila naninirahan ngunit hindi nais ng dalagang sirena na magyelo sa loob ng aquarium.
Lubha rin itong nagtataka kung bakit nangyayari ang mga bagay na ito gayong mainit ang mga katawan ng mga demonyo.
"Aaaahhhhhhh!!!!" Isang malakas at masakit sa tengang sigaw ang kumawala mula sa bibig ng sirena. Tila isang boses na nakalubog sa tubig at galing sa ika – ilalilaliman.
Ang sigaw nito ay nakapagpatupi sa tenga ng ilang mga demonyo.
Sunod - sunod uling hinampas ng sirena ang sariling aquarium. Nakaramdam naman na ang mga demonyo ng lamig at ibinukas ang kanilang mga pakpak na kamukha ng mga sa paniki. Ang iba ay nagsikamot sa kanilang mga balat na tila kating kati at hindi alama ang gagawin.
"Napakalamig," wika ng isang demonyo at lumipad ng mabilis paitaas sa bubong dahil hindi mapigilan ang sarili na hindi pa alintana ang nakaharang na yero ngunit mabilis din itong bumagsak paibaba na parang may tinamaan sa itaas.
Tinignan naman ng mga demonyo ang nahulog na kasama nila matapos ay sabay – sabay rin silang tumingala upang tignan ang nabutas na yero sa itaas at mula roon ay natanaw nila ang malaking yelong nakaharang na nagdulot ng kani – kanilang pagpapanik.
"NAPASOK TAYOOOO!! HANAPIN NIYO SILA!!!" sigaw ng isang dambuhalang demonyo habang lingon ng lingon at maiging pinagmamasadan ang bawat sulok.
Nagkakagulo na ang lahat dahil sa nangyari.
"Ngayon na," utos ni Vansel nang tuluyan ng naging yelo ang tubig sa aquarium at kasamang nagyelo ang sirena sa loob.
Lumabas na sila sa pinagtataguan nila kaya agad din silang napansin ng tumpok tumpok na demonyo.
Agad silang sinugod ng mga ito ng walang pag aalinlangan.
Hinawakan naman ni Cassiel ang hawakan ng ginintuang lubid sa kanyang tagiliran at mabilis na kinuha ito mula roon at iwinasiwas sa nga demonyong papalapit sa kanya. Agad na bumagsak ang mga ito noong hatawin ng lubid ni Dail. Dahil na rin sa lamig ng klima na sa loob ay nahihirapan ang mga demonyong makipaglaban.
Ipinaikot – ikot pa ni Cassiel ang kanyang lubid sa korteng pa paru – paru saka binalingan ang iba pang mga demonyo. Malakas ang pagkakahampas niya sa mga ito na nagdudulot ng kay’ laking sugat na mag uugat ng kanilang kamatayan.
Gaya ng utos ng kanilang Heneral na si Helena ay papatayin ang lahat maliban sa heneral.
Habang sa kabilang banda ay itinaas ni David ang kanyang dalawang palad na nakaharap sa kanyang harapan. Nagkaroon ng apat na salamin sa lahat ng direksyon niya na tila isang pader. Tinakpan niya ang lahat ng espasyo na tila nilagay niya ang sarili sa isang saradong kahon.
Ngayon ay hindi na siya nakikita pa ngunit nakikita niya ang mga ito dahil sa salamin na gamit. Ang lahat ng mapapatingin sa kanyang direksyon ay mahuhulog sa kanyang ilusyon at sino man ang magtatangkang patamaan ang direksyon na iyon at babalik sa kanya ang pwersa.
Tatlong malalaking dambuhalang demonyo ang nakakita kay David kung paano ito biglang naglaho na tila nagbalakatyong hangin kaya naman kinuha nila ang malalaking kahoy na pamalo upang hampasin ang lugar kung saan naglaho ang nakita nilang lalaki kanina.
Sigurado ang mga itong naroon lang si David at nagtago lamang ito.
Mabilis na tumakbo ang tatlong demonyo at itinaas ang mga malalaking pamalo sa ere habang iniipon ang pwersa. Matapos ay malakas nilang hinampas ang pamalo sa hangin upang makasigurado ngunit agad na napaupo at nahilo ang tatlong demonyo pagka’t sa kanila humapas ang lakas ng pagkakahampas nila sa hangin.
“Bakit mo ako hinamapas?!” galit na tanong ng isang demonyo habang hawak hawak ang mukha na namamaga dala na nga ng lakas ng pwersang ginamit niya.
“Anong ako?!” sagot naman ng isang demonyo na katatayo lamang. “Ikaw ang humapas sa akin! Isa ka talagang malaking tanga! Dapat ay naging taga – punas ka na lamang ng mga paa!”
Agad namang kinuwelyuhan ng demonyong unang nagtanong ang demonyong sumagot.
“Minamaliit mo ba ako?!” inis na sabi ng demonyo habang dilat na dilat ang mga malalaking mata. “Baka gusto mong basagin ko iyang bungo mo! Di’ hamak na mas malakas ako sa iyo!”
Napatawa naman ang pangalawang demonyo.
“Tanga!” sigaw ng pangalawang demonyo sa una. “Huwag mo akong sinisindak! Hindi ako natatakot sa iyo! Baka bungo mo pa ang basagin ko kasama ng kamay mong duling!”
“Manahimik kayong dalawa!” madiin na sabi ng pangatlong demonyo. “Mga tanga! Hindi niyo tinamaan ang isa’t isa. Bumalik lang sa atin ang ting pwersa.”
Napatingin naman sa kanya ang dalawang demonyo na nagaargumento kanina.
“Tinawag mo ba akong tanga?!” ani ng isa na hindi pinansin ang paliwanag ng kasama.
“Tanga ka naman talaga!” sabi naman ng pangalawa.
Habang nagtatatlo ang tatlong demonyo ay sinamantala naman ni Clark ito. Agad niyang isinuot ang tatlong bayonet sa kamay na napupuno ng selestiyal na enerhiya at mabilis na pinatama sa tatlong demonyong nagaargumento.
Sapul ang mga ito sa ulo. Ilang segundo pa ang lumipas ay diretsong naging abo ang mga ito.
Matapos ay ilang demonyo pa ang sumugod kay Clark na nilabanan niya ng pisikalan. Sinasakal niya ito at binabalot ng enerhiya ngunit sa dami ng pasugod sa kanya ay kailangan niyang gumamit ng malaking enerhiya upang agad na mapatay ang hawak na demonyo.
Hindi ito maganda pagka’t mabilis na mauubos ang kanyang enerhiya.