XII

1614 Words
Third Person Point of View     Napatigil naman si Alejandra noong maramdaman ang pagyanig ng kaonti ng kalupaan. Sa tingin niya ay hindi ito lindol.     “Peter,” tawag niya sa kasama. “Mukhang gumuguho ang yelong ginawa mo.”     Pumakit naman si Peter upang pakiramdaman ang nangyayari sa kanyang paligid.     Naramdaman niya ang mga nangyayari sa kinalalagyan nila Fuji at Aciera dahil na rin naroon ang mga yelong ginawa niya.     Gamit ang malaking enerhiya ay itinaas niya ang isang malaking tipak ng yelo at initsa sa kalaban na nararamdaman niya.     “Anong nangyayari?” tanong ni Alejandra sa binata.     “Mukhang hindi maganda ang naging laban sa labas ng bahay,” ani Peter. “Ngunit napuruhan ko ang kalaban nila.”     “Sino ang mga na sa labas ng bahay?” tanong ni Alejandra sa binata.     “Si Aciera at Fuji,” ani ni Peter.  “Nararamdaman ko ang enerhiya nila roon. Ngunit ang kalaban nila ay kakaiba. Hindi enerhiya ng demonyo ang nababalot sa kanya. Ibang nilalang ang kalaban nila. Base sa mga naramdaman ko ay nagawa nitong lusawin ang aking yelo na ginawa.”     “Nalusaw,” paguulit ni Alejandra. “Maaaring gamit ang apoy o tinawag niya mula sa mga yelo ang tubig.”     “Ngunit imposibleng kumontrol ng tubig ang mga demonyo,” ani ni Filomena sa mga kasama.     “Tama,” sagot ni Alejandra sa kanya. “Apoy lamang ang kinokontrol nila dahil mula sila sa ilalim ng lupa na puno ng apoy na karagatan. Doon nagmumula ang kanilang kapangyarihan. Kailangan na nating magmadalig mahanap sila Valsen.”     Nagsimula na nilang tahakin muli ang daan papasok pa ng bahay.      Habang sa kabilang banda naman kung nasaan sila Valsen ay nasusunog na ang mitsa ng laban.     "At sino naman ang nagpapunta sa inyo dito mga anghel?" tanong ng babaeng demonyo. “Pinapadali niyo ba an gaming mga trabaho at kayo na ang naghuhukay ng libingan niyo?”     “Si Helena,” ani ni Asmodeuz. “Si Helena na heneral nila ang paniguradong nagpadala sa kanila dito.”     “Helena?” natutuwang pag – uulit sa pangalan ng babae. “Minsan ko ng nakaharap ang heneral niyo ngunit hindi ko pa siya nakalaban dahil ang grupo nila Asmodeuz ang humarap dito.”     Nanatili namang tahimik ang mga anghel. Napapaligiran na sila ng mga demonyo at hindi nila lubos na naisip na hindi lang isa ang demonyong may mataas na ranggo ang naligaw sa kutang ito.     “Hmm,” ani ng babae habang nag – iisip. “Mukhang hindi niyo kasama ang anghel na nag ngangalang Alejandra. Ang anghel na may itim na mga pakpak tulad ng amin. Sayang naman at gusto kong makita ang itim na pakpak niya. Naririnig ko lang kasi ito ngunit hindi ko pa nakikita at syempre gusto kong makita siya upang may panregalo naman ako kay Urdu.”     Nagkatinginan naman ang mga anghel sa sinabi nito. Ang mga salitang binitawan ni Lilith ay nag – iwan ng mga katanungan sa kanilang isipan.     Tinignan ni Asmodeuz si Lilith.     Si Lilith ay ang isa sa mga namumuno sa impyerno tulad ni Asmodeus na kampon ni Urdu. Siya ang komander ng mga demonyo.     “Ano ka ba, Asmodeuz?” natatawang sabi ni Lilith. “Alam mo namang madulas ang dila ko.”     “Manahimik ka na lamang kung wala kang sasabihing maayos,” sabi ni Asmodeuz dito.     “Ilang daang taon na rin ba mula ng makaharap ko ang mga supremo?” tanong ni Lilith at napahawak ng noon a parang inaalala ang nakaraan. “Ito na ba ang mga bagong miyembro? Mukhang mahihina. Mukhang sasayangin ko lang ang oras ko sa inyo. Mabuti pa at tawagin niyo na lamang si Alejandra at siya ang iharap niyo sa amin.”     “Huwag mo kaming mamaliitin, demonyo,” ani ni Valsen dito. “Ibig sabihin lamang niyon na mas malakas kami sa mga dating supremo kaya napalitan ang miyembro ng mga bago.”     “Ganun ba?” tanong ni Lilith dito. “Lilith nga pala ang pangalan ko kaya huwag mo na akong tawagin pang demonyo. Lung ganon napalitan na rin si Alejandra? Ngunit ang balita ko ay nakikipaglaban pa rin siya dahil maingay ang itim niyang pakpak sa impyerno.”     “Ako ang kaharap mo, demonyo,” sabi ni Valsen dito. “Huwag ka ng maghanap pa ng iba. Sapat na ang kapangyarihan namin para patumbahin kayong lahat.”     Tumawa naman si Lilith sa sinabi nito.     “Mukhang kailangan kong putulin ang tenga mo para ibulong sa iyo ang pangalan ko,” sabi ni Lilith at pumunta sa kinaroroonan ni Asmodeus. “Nang sa ganoon ay hindi mo na malimutan pa ang Lilith na pangalan.”     “Hindi mo na kailangan pang gawin iyon,” sabi ni Valsen. “Mamamatay ka na rin naman dito kaya hindi na importante pa ang pangalan mo.”     Napadiin ng pagkakahawk si Lilith sa kanyang Kunai.     Pakiramdam niya ay sinusubukan siya ng anghel na binata ngunit hindi ang mga lalaki ang gusto niyang kalabanin kundi ang katulad ng dalagang nasa likuran lang ni Valsen. Si Cassiel. `Nagsukatan ang dalawang babae ng tingin. `“Matapang ka upang tignan ako ng ganyan, anghel,” sabi ni Lilith dito. “Napakaganda ng iyong katawan. Halatang dalagang – dalaga. Hayan tuloy at tignan mo. Pag pinagmamasdan pa lamang kita na walang anak ay naiinis na ako ng husto. Gusto na kitang dalhin sa impyerno upang doon ay lagyan ng anak sa iyong sinapupunan at pagkatapos ay iaalay mo sa akin ito.”     “Huwag kang magpatawa, hangal,” ani ni Cassiel dito. “Kung nais mo ng anak ay magbuntis ka ng sarili mo at pagkatapos ay ialay mo sa iyo. Huwag mo akong idamay sa walang kwenta mong interes.”     Napatawa naman si Asmodeuz sa sinabi ni Cassieldahilan upang mas lalong mainis si Lilith.     Sa sinagot ni Cassiel na iyon ay napuno ng galit ang mukha ni Lilith. Hindi rin nito nagustuhan ang sagot ni Cassiel sa kanya.     “Tumahimik ka  sa pagtawa, Asmodeuz,” madiin na sabi ni Lilith sa heneral. “Hindi ata nakikilala ng anghel na ito ang kaharap niya. Ako ang komander ng impyerno at hindi ako tumatanggap ng pagtanggi sa nais ko.”     “Wala akong pakielam kahit ikaw pa ang prinsesa ng impyerno,” ani ni Cassiel dito. “Isa kang makasalanang anghel at wala kang karapatan upang utusan ako.”     “Matapang ka, babaeng anghel,” ani ni Lilith habang bahagyang nakabukas at nakangiti ang bibig, nakasilip dito ang maliliit na pangil. “Ngunit tignan na lamang natin kung hanggang saan ang tapang mo.”     Matapos ay iniharap na ni Lilith ang dalawang hawak na kunai sa mga anghel.     “Valsen,” tawag ni Clark sa kasama. “Ano na ang gagawin natin? Napapaligiran tayo ng mga demonyo. Siguradong hindi sila mauubos ng basta basta dahil nandito tayo ngayon kung saan nakabukas ang kanilang portal.”     “Ano pa ba?” ani ni Valsen sa kasama. “Lalaban tayo hanggang sa dumating ang grupo nila Alejandra.”     “Mas mabuti sigurong hintayin na natin sila,” ani ni Cassiel sa lider. “Umatras na muna tayo. Maaaring lumabas pa sa portal ang ibang lider ng impyerno.”     “Hindi!” matigas ang tono na sabi ni Valsen. “Hindi tayo aatras. Ito na ang pagkakataon nating makahuli ng isang heneral. Hindi pwede silang makatakas!”     “Hindi sila tatakas, Valsen,” ani ni Cassiel. “Malakas ang loob nila. Isa lamang ang ibig sabihin niyon. May iba silang kasama at kayang kaya nila tayong gapiin.”     “Ano pa ba ang inaasahan mo sa isang demonyon, Cassiel?” tanong ni Valsen sa dalaga. Wala siyang balak umatras ni kahit isang porsyento ay hindi niya naisip ito. “Kahit mahihina sila ay mayayabang ang mga iyan. Ipangangalandakan nila na mas malalakas at makakapangyarihan sila kahit hindi naman.”     “Tatlo na lamang tayong narito,” ani ni Cassiel. “Wala na si David sa loob. Hindi ko na nararamdaman ang enerhiya niya.”     “Hindi ka nararapat na mapabilang sa supremo kung ganyan ka mag – isip,” ani ni Valsen sa kasama. “Ako ang lider ngayon kaya susundin niyo ang lahat ng utos ko. Hindi tayo aatras!”     Tinignan naman ni Cassiel ang lider nila. Nakikita niya ang pag - aalab nito kahit hindi niya nakikita ang mukha ni Valsen. Matapos ay tumingin siya kay Clark na napatingin rin sa kanya.     Bahagya nitong iginalaw ang ulo na nangangahulugan lamang ang pagsang – ayon kay Valsen.     Binalingan na ni Cassiel ang demonyong kalaban nila. Hindi na siya umimik pa. Inihanda niya ang latigong hawak – hawak.     “Ano pa ba ang pinagbubulungan niyo mga anghel?” tanong ni Lilith sa mga ito. “Para kayong mga bubuyog na bulong ng bulong. Nakakatawa kayo. Nagdadasal na ba kayo para sa mga buhay niyo?”     “Humanda kayo mga demonyo,” sabi ni Valsen. “Dahil ngayon ay pababagsakin namin kayo!”     Napatawa ng malakas si Asmodeuz sa sinabi ni Valsen. Isang malakas na tawa na puno ng sarkastikong tono.     “Ilang libong labanan na ang pinagdaanan ko,” sabi ni Asmodeuz at mahigpit na hinawakan ang malaking espada. “Ilang daang digmaan na rin ang natapos ko at hindi ako mapapabagsak ng tatlong anghel lamang. Hinding hindi!” Ibinuka ni Asmodeuz ang malaking itim na pakpak saka mabilis na lumipad patungo sa kinaroroonan nila Valsen. “Akin ang babaeng anghel,” ani ni Lilith sa mga demonyo. “Kayo na ang bahala sa isa.” Si Clark ang tinutukoy nito na isa pa. Ibinuka na rin ni Lilith ang mga maliliit na pares ng pakpak saka tumungo papunta kay Cassiel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD