Napatingin si Fuji sa babaeng naglalakad papunta sa kanila. Mahaba ang buhok nito na hanggang sa bintian. Wala itong saplot sa katawan. Mula sa mahabang buhok ng babae ay tumutulo ang mga patak ng tubig. Parang may pinagbalatan din ang mga binti nito. Dahan dahan itong lumalakad papunta sa kanila. Masama ang kutob niya dito. Nagmula ito sa pinasukan nila Valsen.
Hindi kaya ay may masama ng nangyari sa kanila. Iyan ang tumatakbo sa isip ni Fuji. Ang nakakapagtaka pa ay nakatitig ito ng diretso sa kanyang mata. Kulay berde ang pares ng mga mata nito at napakaganda. Ngunit paano siya nakikita nito maski sa mata ng demonyo ay hindi siya nakikita kapag ginamit niya ang abilidad niya. Demonyo rin kaya ang kaharap nila. Tinapik ni Fuji si Aciera.
"Sa tingin mo nakikita tayo ng babae?" bulong ni Fuji kay Aciera.
“Mag – iingat ka sa kanya, Fuji,” banta ni Aciera sa kasama habang hinahanda ang mga sinulid. “Ang babaeng iyan ang nakapagpatulog kay David.”
“Nakapagpatulog?” gulat na tanong ni Fuji. “Napatulog ng babaeng ito si David? Tila imposible ata iyan. Ngunit hindi demonyo ang kaharap natin ngayon. Ibang nilalang ito. Wala itong sungay at napakagana na na animo ay hindi makabasag pinggan.”
“Sirena ang babaeng iyan,” ani ni Aciera. “Base sa mga nangyari sa loob ay kalaban ang babaeng ito dahil kinalaban niya si David.”
“Mukhang nakikita niya tayo kahit na nagtatago tayo sa kawalan,” sabi ni Fuji habang nakatitig sa babae.
“Huwag kang titingin sa kanyang mga mata,” banta ni Aciera. “Aakitin ka ng sirenang iyan!”
“Alam ko,” sagot ni Fuji kay Aciera. “Iyon naman talaga ang kanilang Gawain at kilala sila roon kaya sa ilong niya ako nakatingin. Ngunit anong gagawin natin sa kanya?”
“Hindi tayo susugod,” ani ni Aciera. “Hantayin natin ang susunod niyang galaw. May dala siyang tredente kanina at nakuha ko ito dahil nabitawan niya.”
“Hindi man ako nakatingin ng diretso sa mata niya ay nararamdama ko ang bagsik ng tingin niya sa atin,” ani ni Fuji.
“Alam ko na kung paano niya tayo nakikita,” ani ni Aciera. “Dahil isa sa mga kapangyarihan nila ang maglaho rin sa tubig upang hindi makakuha ng atensyon ng mga tao kaya. Balewala na ang pagtatago natin Fuji. Sa dami ng makakalaban natin ngayon ay napunta pa tayo sa kalabang nagiging walang kwenta ang kakayahan mo.”
Napaismid naman si Fuji. “Hindi lang naman ang maglaho ang kayang gawin,” ani nito. “Kaya ko rin maglabas ng enerhiya sa aking mga palad.”
“Alam ko,” ani ni Aciera. “Ang espesyal sa iyo na abilidad ang tinutukoy ko.”
Ngumisi si Calirop ng mahanap na ang kinalalagyan ng mga kalaban. Dalawa ito ngunit naniniwala siyang kaya niyang tumbasan ang kakayahan ng mga ito.
“Sa wakas at nakita ko rin kayo,” ani ni Calirop sa dalawa. “Babae, ibigay mo na ang tridente ko. Hindi mo iyon pag – aari kaya dapat lamang na ibalik mo sa tunay na may – ari ang bagay na iyon.”
“Habang nabubuhay ako ay hindi ko hahayaan na mapasakamay mo ang tridenteng iyon,” ani ni Aciera sa babae. “Hindi nararapat sa iyo ang isang tridente. Ginagamit lamang ito ng mga sirena upang gapiin ang mga masasamang nilalang hindi upang kalabanin ang mga anghel ng kalangitan!”
“At sino ka para pagsabihan ako?!” madiin na tanong ni Calirop dito. “Sa akin ang tridenteng iyan kaya ako ang magdedesisyon kung saan at kailan ko yan gagamitin.”
“Bilang mandirigma ng kalangitan ay may karapatan akong bawiin sa iyo ang tridente na pag – aari mo dahil ginagamit mo ito sa kasamaan!”
“Lapastangan!” ani ni Calirop. “Wala kang karapatan anghel kaya ibalik mo na sa akin ang aking tridente.”
“Hindi ka ba marunong umintindi?” tanong ni Aciera sa sirena. “Kailangan ko pa bang itranslate sa lengwahe niyo ang mga sinabi ko? Hindi ko ibibigay sa iyo ang tridente kahit sa iyong kamatayan kung gagamitin mo lamang ito sa kasamaa ay mabuti pang ibalik ko na lamang ito sa dyos na nangangalaga sa karagatan!”
Napatawa naman si Calirop.
“Talaga namang nakakainis ang mga tulad niyo,” ani ni Calirop. “Mga pakielamero. Hindi na bale. Papatayin na lamang kita upang makuha ko ang tridenteng sa akin. Maghanda ka anghel dahil gamit ang aking mga ngipin ay puputulin ko iyang mga kamay mo na ginagamit sa pagkontrol ng sinulid. Masyado ng nakakaperwisyo ang mga sinulid mo. Oras na para putulin.”
“Sa iyo nga ba ang tridente o ninakaw mo lamang?” tanong ni Aciera rito. “Tanging mga mahaharlika lamang ng karagatan ang may karapatang humawak sa mga tridenteng nagtatangi ng kapangyarihan.”
“Ako ang prinsesang Calirop,” ani ni Calirop. “Isa kang lapastangan upang pagbitangan akong ninakaw ko ang isang tridenteng sa akin naman talaga!”
“Sinungaling!” madiin na sabi ni Aciera. “Mabuti ang mga namamahalang maharlika sa karagatan. Kilala namin ang hari at reyna ng karagatan at mabubuting sirena sila. Hinding hindi sila aanib sa kasamaan.”
“Ngunit umanib na ako,” sagot ni Calirop dito. “Hindi ka namamalikmata. Ang isa sa mga prinsesa ng karagatan ay alagad na ng impyerno.”
“Dapat sa iyo ay pinuputulan ng buntot!” madiin na sabi ni Aciera. “Isa kang taksil at hindi ka na dapat pang makabalik sa iyong tahanan bilang parusa!”
Ngumisi naman si Calirop sa mga narinig.
“Darating ang panahon at ako na ang mamumuno sa karagatan, anghel,” ani nito sa mga anghel na kaharap niya. “Nakakapanghinayang lamang na hindi mo na iyon maaabutan dahil mamamatay ka na ngayon.”
“Bakit hindi natin tignan kung sino ang mamamatay ngayon,” ani ni Aciera. “Ipagpaumanhin mo ngunit sino man ang umanib sa kasamaan ay pinagutusan kaming patayin silang lahat kahit prinsesa pa ng karagatan.”
Ibinuka naman ni Calirop ang kanyang bibig upang kumanta ngunit agad ring inutusan ni Aciera ang mga sinulid upang tahakin ang nakabukang bibig ng sirena para matakpan ang boses na nanggagaling sa lalamunan nito.
Noong makita ni Calirop ito ay agad niyang isinara ang bibig niya saka inilagan ang mga sinulid. Gaya kanina ay nasugatan muli siya ng mga ito.
Tinignan ni Calirop ang kapaligiran at nakita niya ang malalaking bloke ng yelo sa paligid.
Napangiti siya sa mga nakikita. Itinaas niya ang kanyang mga kamay at mula sa mga yelo ay lumabas ang mga tubig. Ginamit iyon ni Calirop upang gapiin ang mga sinulid na ginagamit ni Aciera.
“Fuji,” tawag ni Aciera sa kasama. Tumango naman si Fuji at naglabas ng maliit na enerhiya sa kamaya saka parang isang bala na ibinato niya kay Calirop at mabilis na tinahak nito ang babae.
Tinamaan si Calirop sa kanyang balikat na naging dahilan ng sugat dito.
“Ahh,” inda ni Calirp dahil masakit ang pagkakatama sa kanyang balikat.
“Sinusubukan niyo talaga ako!” madiin na sabi ni Calirop at itinaas ang dalawang kamay. Naging tubig ang halos lahat ng yelo sa paligid.
Agad naman na kinontrol ni Calirop ito at pinatama kila Fuji. Agad naman na lumipad paalis roon sila Fuji at Aciera.
“Hindi ko akalain na magagamit sa atin ang kapangyarihan na ginamit natin pangpahina sa mga demonyo,” ani ni Fuji.
Malakas naman na inihampas ni Calirop ang tubig patungo kila Aciera. At agad naman na gumawa ng panangga si Aciera gamit ang libo libong sinulid para proteksyunan sila.
Hindi roon tumigil si Calirop at sunod sunod niya pang hinamapas ng malalaks na hampas ang sinulid na panangga ni Aciera.
Ilang minuto pa ang lumipas ay nagsisimula ng lumusot sa mga sinulid ni Aciera ang mga tubig na kinokontrol nila Calirop.
Napadiin naman ng kamao si Aciera habang tinitibayan ang panangga. Hindi niya aakalain na ganito kalakas ang sirenang kalaban nila. Iniisip niya na ito ang pangalawang anak ng hari ng mga karagatan na pinupuri ng lahat dahil sa angkin na kagalingan ngunit lubos siyang nagtataka kung paanong ang prisensang kagaya niya ay naligaw sa kuta ng mga demonyo. Siguradong may dahilan kung bakit narito ito at sigurado rin siyang ginagamit lang siya ng sino mang demonyo na nagsama sa kanya rito.
“Sumuko na kayo!” sigaw ni Calirop. “Mukhang ito lamang ang kaya niyo mga mahihinang nilalang.”
“Huwag kang pasisiguro!” ani ni Fuji at lumabas sa panangga ni Aciera.
Mabilis na pinatama ni Fuji ang enerhiyang hawak hawak sa kamay patungo kay Calirop .
Bumagsak namna bigla sa lupa ang tubig noong tamaan sa tiyan si Calirop ni Fuji.
Napahawak si Calirop sa tiyan matapos ay gamit ang isang kamay ay pinatamaan niya ng tubig si Fuji na agad namang nailagan ng lalaki.
Habang okupado ang utak ni Calirop sa kalaban na si Fuji ay kinuha naman ni aciera ang pagkakataon na ito.
Nagulat na lamang si Calirop noong napatigil siya sa pag galaw. Nababalutan na siya ng mga sinulid sa katawan.
“Huwag mong susubukang gumalaw dahil kung hindi ay mapuputol ng mga sinulid na ito sa ilang daang piraso ang katawan mo!” sabi ni Aciera.
binatang kalaban niya kanina.
Hindi siya kumibo at naghihintay ng pagkakataon upang gumalaw.
"Patulugin mo na iyan,” utos ni Aciera kay Fuji.
Tinignan naman ni Fuji ang dalaga at sakto naman na agad lumingon si Calirop kaya nagtama ang kanilang mga mata.
Malaking pwersa ang ginamit ni Calirop upang maakit agad si Fuji sa kanyang alindog. Agad nyang inutusan ito gamit ang isipan na sugurin ang kasama.
Nagulat si Aciera noong sinugod siya ni Fuji kaya nabitawan niya ang sinulid na nagdudugtong sa tali ni Calirop.
“Fuji!” tawag ni Aciera sa binata. “Anong ginagawa mo??”
Nagtataka si Aciera kung bakit ganoon na lamang ito makareact ngayon ngunit napansin niya ang kakaiba sa mata ng binata na animo ay isang robot at puno ng hipnotismo ang mga mata.
Napatingin si Aciera sa sirena at nakangiti ito sa kanya.
Agad namang gumawa ng kahon si Aciera upang itago si Fuji sa sirena ng sa gayon ay maputol ang koneksyon ng dalawa.
Matapos magawa ni Aciera iyon ay tumingin uli siya kay Calirop ngunit wala na ito.
Nagtago ito sa hangin.
“Balewala ang pagtatago mo sa akin, Calirop,” ani ni Aciera rito. “Nararamdaman ng mga sinulid ko ang galaw sa paligid kahit hindi ko nakikita.”
Pumikit naman si Aciera upang pakiramdaman si Calirop. Noong malaman niya kung nasaan ito ay agad niyang sinugod ito ng mga sinulid at agad namang sumigaw si Calirop ng napakalas at nagdulot na mapatalsik si Aciera sa pader na yelo.
Sa lakas ng pwersa ng boses ni Calirop ay nabasag ang yelo na tinamaan ni Aciera.
“Argh,” inda ni Aciera at dahan – dahan na tumayo.
“Kaya mo kaya labanan ang sigaw ko?” tanong ni Calirop kay Aciera at muling naghanda sa pagsigaw.
Agad naman na gumawa si Aciera ng sinulid na panangga upang bawasan ang impact ng pwersa ni Calirop ngunit nasira na agad ito dahil inabutan siya ng sigaw ng sirena.
Napatlsik si Aciera muli sa pader na yelo.
Napatakip rin ang dalaga sa mga mata dahil tuloy tuloy ang sigaw ni Calirop na sinisira ang pandinig niya at nawawalan siya ng pakiramdam sa paligid.
Mas lalo pang nilakasan ni Calirop ang boses kaya nagbitak bitak na ang mga yelo na pader.
Napatingin naman si Aciera sa taas at binagsakan siya ng mga bloke ng yelo.
Napangiti si Calirop sa nakikita at mabibilis na nag anyong sirena dahil na rin nabasa na ang kanyang mga paa pati na ang kapaligiran.
Mabilis niyang tinungo ang kinalalagyan ni Aciera matapos ay sinakal ito sa leeg.
“Nasaan ang tridente ko, anghel?” tanong ni Calirop dito.
"Mukhang hanggang ngayon ay hindi mo pa rin naiiintidihan ang sinabi ko,” ani ni Aciera dito. “Hindi ko ibibigay sa iyo ang tridente mo!”
“Sige,” ani ni Calirop. “Tignan natin kung hindi ka pa magsalita kapag binunot ko ang mga pakpak mo.”
Tumingin naman si Calirop sa pakpak na nakalabas. Inilabas niya ang mga matatalim na kuko at akmang ibabaon niya ito sa likod ni Aciera noong tamaan siya ng lumilipad na tipak ng yelo na naging sanhi upang mabitawan niya si Aciera.
Sa lakas ng pagkakatama sa kanya ay nahilo si Calirop dito.