Third Person Point of View
“Ngunit saglit lang naman,” ani ni Calirop. “Hindi ba gustong maramdaman ang yakap ng tubig?”
“Hindi para sa akin ang tubig,” ani ni Asmodeuz sa dalaga. “Nag – aapoy ang aking katawan sa init at manghihina ako sa lamig na taglay ng karagatan ninyo.”
Tumalikod si Calirop upang pagmasdan ang malawak na dagat. Wala siyang pag – asa na patirahin ang tulad ni Asmodeuz sa kanyang tahanan.
Kailanman ay malabong mangyari ito dahil mag – kaaway ang apoy at tubig.
“Huwag kang masyadong palalayo,” ani ni Asmodeuz sa dalaga. “Hindi pwedeng makatawid ng dagat ang mga anghel. Dapat ay maharang natin sila agad dito sa baybayin.”
“Mag – uulat agad ako kapag mayroon akong naramdaman,” ani ni Calirop dito at muling sumisid sa dagat.
Nakarating na malapit sa kalagitnaan sila Peter at Aciera.
“Narito na tayo,” ani ni Peter at hiniwa ang tali ng bangka. Tuluyang nahulog ang bangka sa tubig.
Napatingin naman si Aciera sa paligid. Normal na dagat at kalangitan lang ang nakikita niya.
“Tara na,” ani ni Peter dito.
Napatingin naman si Aciera sa may ibaba.
“Tatalon tayo?” tanong ni Aciera habang nakatingin sa bangkang nasa may ibaba.
“Bakit? Hindi ka ba sanay? Para naman hindi ka tumatalon sa mas maitaas pa riyan,” ani ni Peter dito.
“Nasa anyong tao ako,” ani ni Aciera sa kanya. “Baka mamaya ay mapilay ako riyan.”
“Makakalagpas na tayo sa arte mo,” ani ni Peter at binuhat siya saka diretsong tumalon sa may bangka.
Nagawa ni Peter lumapag ng hindi nasasaktan dahil balanse ang pagkakatalon niya.
Binaba niya si Aciera.
“Oh ano?” sabi ni Peter sa dalaga. “Napilay ba ako? Gusto mo lang atang buhatin kita. ”
Napatawa naman ng sakastiko si Aciera sa sinabi ng binata sa kanya.
“Huwag kang assuming lalaki,” ani ni Peter dito. “Ano ba ang ginagawa ng isang katulong sa amo niya? Di ba dapat ay buhatin niya ito pababa.”
“Dapat ay itinulak na lamang kita,” ani ni Peter at umupo saka nagsimulang magsagwan.
Narating nila ang bahagi na madilim at puno ng hamog. Halos walang makita sa kapaligiran nito.
“Ito pala ang gitna ng dagat na ito,” ani ni Aciera. “Bakit hindi sila dumadaan dito?”
“Dahil mapanganib,” ani ni Peter. “Marami na ang nawalang mga barko dito. May mga ibang nilalang rin ang umaakyat paitaas dito dahil ito ang daan sa kayamanan ng dagat. Ito ang pinaksentro ng mga nilalang na naninirahan sa dagat.”
Napatango naman si Aciera at sumalop ng tubig sa kanyang palad.
Itinigil ni Peter ang kanyang bangka. Nakalayo layo na sila.
“Dito tayo dadaanan,” ani ni Peter kay Aciera.
“Paano?” tanong ni Aciera dito.
Hinawakan naman ni Peter ang tubig at mula sa kamay niya ay kumalat ang yelo paibaba.
Nagkaroon ng hagdan na daan sa may karagatan at ang hagdan na iyon ay malayang madadaanan ng hindi ka nababasa.
“Akala ko ba ay itago ang enerhiya bakit gumagamit ka ngayon,” ani ni Aciera dito.
“Dahil malayo na tayo sa pangpang at barko,” ani ni Peter sa dalaga.
Gumawa rin si Peter ng isang malaking taliaan ng kanilang bangka.
Bumaba si Peter sa may hagdan at pumasok dito.
“Ano pang hinihintay mo?” tanong ni Peter kay Aciera na nakatitig lamang. “Dalhin mo na ang tridente at tara na.”
“Masusunod prinsipe,” ani ni Aciera at kinuha ang tridenteng nakabalot sa tela. “Akala mo prinsepe kung makapag utos.”
Inilabas nila ang kanilang mga pakpak upang mas mabilis makarating sa kanilang kinaroroonan. Gumagawa ng daan ang yelo ni Peter para sa kanilang dalawa.
Nagpadala na rin siya ng mensahe sa kaharian na paparating sila kaya naman naghihintay na rin sa kanila ang mag sirena at walang humaharang sa kanilang daan.
Inalis na rin ng mga sirena ang tubig sa kanilang kaharian upang malayang makalakad sila Peter ng hindi nababasa.
Ilang minuto ang nakalipas ay mabilis nilang narating ang pinto ng malaking kaharian. Doon tumigil ang yelo ni Peter.
Agad na lumabas sila sa may yelo at pumasok sa pinto.
Nakapaligid ang mga kawal na sirena sa kanilang daaanan.
“Sumunod po kayo sa akin,” ani ng isang sirena na may mga paa na dahil walang tubig sa kanilang kinalalagyan. “Ako ang naatasan na magdala sa inyo sa hari at reyna.”
Tumango naman sila Peter at sumond sa babaeng ito.
Narating nila ang kinalalagyan ng reyna at hari.
“Magandang araw, haring Abelard at reyna Eleina,” bati ni Peter sa mga ito.
“Magandang araw rin sa inyo mga anghel ng kalangitan,” ani ng hari sa kanya. “Nakarating sa amin ang inyong mensahe at lubos na ikinalulungkot ko ang nilalaman niyon patungkol sa anak kong si Calirop.”
“Ngunit nasaan na siya ngayon?” tanong ni reyna Eleina sa dalawa.
“Kasama siyang umalis ng mga demonyo sa pagtatapos n gaming laban,” ani ni Aciera sa kanila. “Ayon sa aming mga kasama ay kasama ito ni Asmodeuz. Mukhang nahulog ang loob ng inyong anak sa demonyo ng impyerno kaya ito ang pinagsisilbihan niya ngayon.”
Humigpit ang pagkakahawak ng haring Abelard sa kanyang upuan.
“Ano pa nga at tama ang nakikita niyo mga anghel,” ani ni haring Abelard sa dalawa. “Tunay na nahulog ang aking anak sa isang demonyo at ipinagpalit niya ang kanyang tahanan para lamang dito. Kasalanan ko na binigyan ko siya permiso upang pumaibabaw sa karagatan. Dahil sa pagpunta niya sa lupa ay nakilala niya ang lalaking iyon at masama pa roon ay kalaban ang nagustuhan niya. Ipagpaumanhin niyo ang katampalasan ng aking anak na nilaban pa kayo para sa walang kwentang lalaking iyon.”
“Akam niyo naman ang patakaran sa amin,” ani ni Aciera sa hari at reyna. “Na wala kaming magagawa para sa prinsesa kundi ang labanan din ito. Isa na itong kaaway kaya sakali man na magkakaharap kami ay maaaring mapatay na ang inyong anak pagka’t kampon na rin siya ng kasamaan.”
Napatayo ang reyna sa kanyang kinauupuan.
“Alam ko na makasalanan ang aking anak,” ani ni reyna Eleina sa mga ito . “Ngunit hindi naman kamatayan ang sagot dito. Nakikiusap ako na kung maaari ay huwag niyong kitilan ng buhay si Calirop bagkus ay ikulong niyo na lamang siya at ibalik dito sa aming kaharian. Ako na ang bahalang magparusa sa kung ano mang nagawa ni Calirop. Ipinapangako ko na papaspasan ko siya ng mga aral.”
“Ngunit hindi kagustuhan ng inyong anak ang bumalik pa rito sa inyo,” ani ni Peter sa kanila. “Naikwento sa akin ng ibang supremo na wala na itong balak magbago.”
“Eleina, mahal ko,” ani ng hari sa kanyang asawa. “Alam ko na amsakit para sa iyo ngunit suwail na ang iyong anak. Hayaan natin na ang liwanag na ang magbigay sa kanya ng nakaampat na parusa.”
“Hindi!” madiin na sabi ni reyna Eleina. “Anak mo rin siya Abelard. Nagkaganoon lamang si Calirop dahil sa pag – ibig. Sino ba sa atin ang hindi nagkakasala hindi ba?”
Napapukpok naman si haring Abelard sa kanya.
“Reyna Eleina!” madiin na sabi ni Abelard sa kanyang asawa. “Ayusin mo ang iyong mga pananalita! Anghel ng kalangitan at liwanag ang mga kaharap natin!”
Napaatras naman ang reyna na si Eleina sa kanyang kinatatayuan at bahagyang napayuko.
“Ipagpaumanhin niyo ang aking katampalasan,” ani ni reyna Eleina sa dalawa. “Isa lamang akong ina na nagmamahal sa kanyang anak. Ang nais ko lang naman ay ang maisaoli sa amin si Calirop at ang hayaan niyo siyang mabuhay.”
“Naiintindihan ko ang iyong nararamdaman,” ani ni Aciera sa reyna. “Ngunit wala sa amin ang desisyon kung ano ang mangyayari sa prinsesa Calirop. Isa pa ay na kay Calirop pa rin kung pipiliin niya ang mabuti at tama. Na sa kanya pa rin kung gugustuhin niya na makasama kayo.”
“Huwag kayong mag – alala,” ani ni Peter. “Patuloy namin hihimukin si Calirop na bitawan ang kasamaan at piliin ang kabutihan.”
“Nagagalad akong marinig iyan,” ani ng har. “Sana lamang ay hindi na siya magmatigas.”
“Narito rin kami upang isaoli ang tridenteng napasakamay namin,” ani ni Peter sa kanya at tumingin kay Aciera.
Inilabas naman ni Aciera sa nakabalot na tela ang tridente ni Calirop na umilaw pa.
“Nakuha namin ito noong nakipaglaban siya sa amin,” ani ni Aciera habang hawak hawak niya ang tridente ni Calirop.
Inutusan naman ng hari ang isang kawal na kuhanin ito.
Lumapit kay Aciera ang kawal at ibinigay niya ang tridente dito.
“May balak na sakupin nila Asmodeuz at Calirop ang karagatan upang magamit sa kasamaan,” ani ni Aciera sa kanila. “Paniguradong gagawa sila ng paraan upang mabawi ang tridente at para masakop kayo. Ito ay isang babala sa inyo upang kayo ay makapaghanda.”
Nalungkot naman ang reyna sa kanyang narinig.
“Maraming salamat sa inyong babala,” ani ng hari. “Pati na sapagbabalik ng trident eng aking anak. Tanging ang aming tapat na paglilingko ang maisusukli namin sa inyong kabutihan.”
“Naatasan rin akong bantayan ang karagatan upang makasiguradong hindi masasakop ito,” ani ni Peter sa kanila. “Nasa taas lamang ako upang magmasid. Pag usapan natin ang mga detalye kung sakali na kailangan niyo ng tulong sa ilalim.”
“Naghanda kami ng salo salo sa inyong pagdating,” ani ng haring Abelard. “Hayaan niyong imbatahan ko kayo roon at doon natin pag usapan ang mga detalye.”
Nagkatinginan naman si Aciera at Peter saka tumango sa isa’t isa.
Muling umahon si Calirop sa kanyang pagkakasisid.
Naipabatid sa kanya ng dagat na nasa kaharian na ang kanyang tridente.
Tinignan niya si Asmoedus na okupado pa rin sa paghasa ng kanyang espada.
“Hindi mo ba sasabihin sa kanya?” tanong ng maliit na octopus sa gilid ni Calirop. Ito ang kanyang alalay noon pa mang nasa kaharian niya siya naninirahan.
“Hindi na muna,” ani ni Calirop dito. “Pumaroon ka sa kaharian at magmasid doon. Alamin mo rin kung saan nila itatago ang aking tridente.”
“Masusunod, mahal na prinsesa.” Sabi ng octopus sa kanya at pumailalim na.
Ang balak ni Calirop ay siya na mismo ang kumuha nito sa kaharian gayong alam niya na walang laban si asmodeuz sa ilalim ng tubig. Hindi niya gugustuhin na maaresto ng kanyang mga magulang ang kanyang minamahal.
Magiging madali lang naman sa kanya ang pagkuha ng tridente gayong siya ang may ari nito pwera na lamang kung may makikielam.
Sigurado si Calirop na ang isa sa mga magbabantay doon ay ang kanyang kapatid na pinamanahan ng kanyang trono. Ang kapatid niya na kinaiinisan.
Ang kapatid na umagaw sa kanya ng dapat ay kanya.
Sinisigurado ni Calirop na papatayin niya ito sa oras na magsalubong ang kanilang landas.