XXXXV

1851 Words
Third Person Point of View Matapos pag – usapan ng ni Peter at ng hari ang kanilang gagawing stratehiya ay napatigil naman ang reyna sa pagkain habang pinagmamasdan ang binata. “Parang hindi ito ang unang pagkikita natin,” ani ng reyna sa binata na kumalma na ng mapag – usapan nila ang tungkol kay Calirop. Napatingin naman sa kanya si Aciera at Peter. “Sa pagkaalam ko ay ngayon lamang tayo nagkita reyna Elaina,” ani  ni Peter sa babae. Mariin naman na pinagmasdan siya ni reyna Eleina. “Nais na rin naming magpaalam agad,” ani ni Aciera sa hari at reyna. “May mga trabaho pa kaming dapat asikasuhin sa lupa. Hindi maaaring magtagal pa kami dito.” “Naiintindihan namin,” ani ni haring Abelard. “Ipapahatid ko na kayo palabas sa aming mga kawal.” “Maraming salamat,” ani ni Peter at tumayo na sila ni Aciera. Umalis na silang dalawa habang pinagmamasdan pa rin siya ni Elaina. “Bakit inang reyna?” tanong ng kanyang panganay na anak pagka’t napansin nito ang pagtitig ng reyna sa binata. “Naalala ko na kung saan ko nakita ang anghel na iyon,” sabi ng inang reyna sa kanyang anak. “Siya yung batang nakita ko na nagyeyelo sa  ilalim ng karagatan. Iniwan siya ng kanyang ina roon.” “Nakita ko ang kakayahan ng anghel na iyon,” ani naman ng kanyang panganay na anak. “Gamit ang yelo ay pumaroon siya sa ating kaharian. Kahanga hanga ang mga taglay nilang galing.” “Tunay nga,” ani ng reyna sa kanyang anak.   Napakunot ang noo ni Asmodeuz. Naramdaman niya ang presensya ng mga anghel sa hindi kalayuan. “Calirop,” tawag ni Asmodeuz sa kasamahan. Umahon naman ng tubig si Calirop noong marinig ang boses ni Asmodeuz. “Anong problema?” tanong ni Calirop sa kanya. “Hindi mo ba naramdaman ang presensya ng mga anghel na ito o kaya ng iyong tridente?” tanong ni Asmodeuz na naghihinala sa kanyang kasamahan. “Sa wari ko ay naisaoli na nila ang tridente mo sa inyong kaharian at nakapagtataka na hindi mo man lamang iyon naramdaman.” “Ipagpaumanhin mo,” ani ni Calirop sa lalaki. “Masyado ata akong naging okupado ng pagkasabik ko sa aking tahanan.” Tinignan naman ni Asmodeuz ang dalaga. Nakita niya na nagsisinungaling ito. “Ako pa ba ang lilinlangin mo?” tanong ni Asmodeuz dito. “Alagad ako ng dilim!” Lumapit sa kanya si asmodeuz at sinakal siya. “Anong dahilan at hindi mo inulat agad sa akin ang pagdating ng mga anghel?!” madiin natanong ni Asmodeuz at iniangat sa tubig si Calirop habang sakal sakal. Napahawak si Calirop sa kamay ni Asmodeuz na nakasakal sa kanya. “I-ipagpaumanhin mo,” paghingi ng pasensya ni Calirop habang ang mga kaliskis nito ay unti unting natutuklap dahil nakaangat na siya sa may tubig at direktang natatamaan ng araw. “Ayoko lang naman masira ang mga sandaling ito.” Kumunot naman ang noo ni Asmodeuz sa sinabi ng dalaga. “Nakalimutan mo ata ang pakay natin kung bakit tayo narito,” ani ni Asmodeuz. “Ang makuha ang tridente mo! Kung magiging ganyan ang isipin mo ay wala ka nang kwenta sa akin at pwede ka ng mamatay.” Hinanda ni Asmodeuz ang kanyang sandata at kumislap ang sinag ng araw sa kahahasa niyang espada. Kumalag kalag si Calirop noong makita ito. “Ipagpaumanhin mo, mahal ko,” ani ni Calirop habang nasasakal na. “Hindi na ito mauulit pa. Mali ako na inuna ko ang iba.” Binitawan naman siya ni Asmodeuz sa leeg at nahulog siya sa tubig. Muling tumubo ang mga kaliskis niya sa kanyang paa. Habol ang hininga ni Calirop habang pinagmamasdan ang lalaking mahal niya na nakatingin sa malayo. “Siguraduhin mo lamang,” ani ni Asmodeuz. “Maghanda ka dahil malapit na sila.” Inayos naman ni Calirop ang sarili at napahawak sa kanyang leeg. Halos hindi siya makahinga kanina sa ginawa ni Asmodeuz, Lubos siyang nasasaktan sa iisipin na kaya siyang sakalin nito at ano mang oras ay hindi ito magdadalawang isip na patayin siya. Ilang minuto lang ang nakalipas ay natanaw na nila Aciera at Peter ang dalawa na naghihintay sa kanila. “Na sa tahanan tayo ni Calirop,” ani ni Aciera kay Peter. “Napapaligiran tayo ng dagat kaya mas mabuting huwag tayong lumapag dito.” “Tama ka,” ani ni Peter. “Harangan mo ng tubig ang mga anghel,” utos ni Asmodeuz kay Calirop. “Paniguradong lalagpasan lang nila tayo pagka’t alam nilang na kontrolado mo ang laban ngayon. Sumunod naman si Calirop at hinawakan ang tubig na pinaglalagyan. Mabilis na umakyat ang tubig paitaas. “Hampasin mo sila ng mabasa ang kanilang mga pakpak at hindi makalipad ng mabuti,” utos muli ni Asmodeuz dito. “Mapipilitan silang bumaba sa dagat.” Ginawa naman ni Calirop ang inutos ni Asmodeuz at malakas na hinampas ang mga anghel ng tubig. Napaatras sila Aciera at Peter sa ginawang iyon ni Calirop. Napakunot ang noo ni Asmodeuz. Ngayon niya lamang nakita ang mga mukhang ito. Ang hinuha niya ay ito ang dalawang umalis na anghel na kasama ni Alejandra. Isang malaking alon ang muling tumaas patungo kila Peter. Agad naman na nakaisip ng paraan si Peter at noong dumikit sa hintuturo niya ang alon ay agad na kumalat paibaba ang yelo roon. Napansin agad iyon ni Asmodeuz kaya binuhat niya paitaas si Calirop sa tubig bago pa abutan ng yelo ito. Napangisi siya. Ito ang may gawa ng malamig na klima dati sa kanilang laban. “Nagkita muli tayo suwail na sirena,” ani ni Aciera sa dalaga. Ibinaba naman ni Asmodeuz si Calirop  sa batuhan noong magkaroon na ito ng mga paa. Hindi naman sumagot si Calirop sa kanya. “Ako na ang bahala sa lalaking  may kakayahang gawing yelo ang tubig,” ani ni Asmodeuz kay Calirop. “Ikaw na ang bahala sa kasama niyang babae. Alalahanin mong malaki ang hakbang mo sa kanya pagkat napapaligiran siya ng tubig.” Hindi naman sumagot si Calirop kay Asmodeuz at napansin ito ng demonyo. Nagkatinginan naman si Aciera at Peter at tumango sa isa’t isa. Mabilis na lumipad si Asmodeuz sa may batuhan ngunit agad siyang napatigil ng may mga sinulid na humarang sa kanya. Mabilis niyang hiniwa ito ngunit kasunod noon ay ang malaking yelo ni Peter na patama sa kanya. Agad na bumagsak si Asmodeuz sa tubigan noong tamaan siya ng yelo na ito. Napaangat ang bibig ni Calirop at tinignan ang pinaghulugan ni Asmodeuz. Gumawa siya ng malaking alon ngunit mas naging malala lamang ang nangyari. Nagyelo ito at mas nakulong sa loob ang kanyang kasamang demonyo. Si Asmodeuz naman ay nawalan ng init sa katawan at nabalutan ng lamig. Agad itong nakatulog sa naging epekto ng kanyang pagkakabagsak sa tubig. Tumingin si Aciera ta Peter kay Calirop.   Hindi ito nagsalita. “Ano at napipi ka na ata,” ani ni Aciera sa dalaga. “Sumuko ka na lamang pagka’t talo na ang inyong pwersa.” “Nagkakamali ka anghel,” ani ni Calirop at may mga tubig na tumungo sa kanyang paa. Nilipad siya nito paitaas. “Tahanan ko ang dagat na ito kaya walang sino man ang makakatalo sa akin.” Ibinuka ni Calirop ang dalawang kamay niya at napatingin sila Peter at Aciera sa nabubuong dambuhalang tubig sa likuran nito. “Gumagawa si Calirop ng daluyong,” ani ni Aciera kay Peter. “Yumayanig na ang kalupaan. Magiging mapanganib ito sa mga tao kapag tumuloy ito sa baybayin.” Napatingin si Peter sa mga yelo niya na nagiging tubig muli. Naisip niya agad na ito ang dahilan kung bakit nagiging tubig ang yelo niya dati. “Mukhang magiging walang saysay ang aking kapangyarihan sa kanya,” ani ni Peter kay Aciera. “Kung gagamit tayo ng enerhya ng liwanag ay babagsak agad ang daluyong na ginagawa niya at magkakaroon ng pinsala sa pampang.” “Umalis na kayo dito mga anghel,” ani ni Calirop sa mga ito. “Alam niyo naman kung anong mangyayari kung magmamatigas kayo.” Nagkatinginan si Aciera at Peter. Lumipad naman sila palayo roon. Ibinaba ni Calirop ang kanyang mga kamay at unti unting kumalma ang daluyong na ginawa niya kanina. Pinagmasdan niya ang mga anghel na papalayo at matapos ay pinagmasdan si Asmodeuz sa ilalim ng yelo. Hindi niya alam kung may kakayahan pa itong magising sa lamig. Itinuro niya ang kanyang kamay sa kinalalagyan ni Asmodeuz at nagsimulang maging tubig ang mga yelong nakapaligid dito. Matapos ay binalutan ng tubig ang bewang ni Asmodeuz at itinaas siya nito paangat ng karagatan. Nakita niya na natutulog ang lalaki habang ang itsura ay parang tao lamang. Dinala niya ito sa may pangpang upang patuyuin. “Mahal ko,” ani ni Calirop sa lalaking natutulog. “Alam ko na nais mong magdaig ang kalaban ngunit hindi ko gugustuhin na masira ang aking tahanan o saktan ang mga taong nagmamahal dito.” Napahawak si Calirop sa kanyang leeg. Hinawakan niya sa mukha ang lalaki. “Alam mo namang mahal na mahal kita hindi ba?” ani ni Calirop habang kinakausap ang walang malay na lalaki. “Na handa akong gawin ang lahat para sa iyo. Na nakasakit ako ng mga inosente para sa iyo. Ngunit napaisip ako sa ginawa mo kanina sa akin.” Iniwan ni Calirop ang lalaki at ang kanyang kwintas sa dalampasigan at naglakad pabalik  sa kanyang tahanan. Bago siya lumubog sa tubig  ay lumingon muna siya sa walang malay na lalaki. Matapos ay tumalikod na at tuluyang lumangoy pailalim. Nais hanapin ni Calirop ang kanyang sarili. Labis siyang nasaktan noong malaman na hindi magdadalawang isip si Asmodeuz na patayin  siya. Ayos lang naman kung gagamitin siya ng paulit ulit ngunit ang itapon  na lamang basta basta na tila wala silang pinagsamahang dalawa ay hindi matanggap ni Calirop. Alam niyang demonyo ito at alagad ng kasamahan at pagkakamali niya ang umasang may pag asa itong ibigin siya pabalik. Akala niya kasi ay kahit kaonti ay may puwang siya sa puso ng lalaki ngunit akala niya lamang ito pagka’t puno lamang ng kasamaan ang kanyang iniibig.   Gabi na ng magising si Asmodeuz sa kanyang pagkakatulog at agad siyang napabalikwas noong maalala ang kanyang huling nakita bago nandilim ang paningin niya. Tuyo na siya ngayon. “Calirop,” tawag niya sa babae at agad na tumayo. Walang Calirop ang sumagot sa kanyang tawag. Napatingin siya sa dagat dahil baka naroon lamang ito ngunit alon lamang ang kanyang naabutan. Nagtataka siya na buhay pa siya dahil panigurado naman na hindi siya palalagpasin ng dalawang anghel na nakaharap nila kanina. Ano man ang dahilan ay hindi alam ni Asmodeuz. Napansin niya ang kwintas ni Calirop sa tabi ng kanyang mga paa. Pinulot niya ito. “Napatay ka ba nila?” tanong niya sa kwintas na ito na ang tinukoy niya ay si Calirop. Napahinga siya ng malalim at itinapon ang kwintas ng dalaga sa buhangin saka naglaho na roon paalis.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD