XXXXIII

1877 Words
Third Person Point of View Pumasok naman si Fuji sa silid at naabutan niya sila David at ang mga kagrupo nito na nagkwekwentuhan. Narinig na ni Fuji ang patungkol sa nangyari kay Alejandra. “David,” tawag niya sa ginoo kaya napatingin ang tatlo sa kanila. “Pinapatawag ka ni heneral Helena.” Agad naman na napatayo si David sa kanyang inuupuan. Agad rin siyang lumabas ng kanilang silid. Isinara naman ni Fuji ang pintuan habang naiwan sila Olang at Estich sa loob. Sumunod naman si Fuji sa kanya. --- “Ikaw ang magbabalik kay Alejandra dito,” sabi ni Helena kay David habang umiinom ng kape ang babae. Katabi nito si Patricia na may sariling ginagawa. “Ako lamang?” tanong ni David dito. “Isasama mo si Fuji,” ani ni Helena. “Okupado na ang ibang supremo kaya naman isasama mo si Erapel at Fuji pati na si Aetius. Si Ateius ang magiging radar niyo upang mas madali ang paghahanap kay Alejandra.” “Paglabas niyo ng pinto ay simulan niyo na ang paghahanap. Batid na rin nila Aetius at Erapel ang gagawin niyong misyon.” “Masusunod,” ani ni David at tumalikod na. “Mag – iingat kayo,” ani ni Helena. “Hindi gusto na mabawasan pa kayo.” Humarap si David kay Helena. “Ako na ang bahala,” ani ni David dito at tuluyan ng lumabas kasama si Fuji. “Sa tingin mo ay mahahanap nila si Alejandra?” tanong ni Patricia habang nag aayos ng mga papel. “Sa tulong ni Aetius ay mahahanap nila si Alejandra,” ani ni Helena. “Ngunit paano kung hindi?” tanong ni Patricia. “Kailangan natingmaghanda para sa paparating na gulo, “ sagot naman ni Helena sa kapatid.   “Napakalayo ng karagatan ng kanilang kaharian,” ani ni Aciera habang naglalakad. Tinatahak nila ang daan patungo sa kaharian nila Callirop. “Natatanaw na natin ang dagat,” ani ni Peter sa kanya. “Kanina pa natin natatanaw ito ngunit hanggang ngayon ay hindi natin marating,” wika ni Aciera sa kanya. “Sana ay hindi ka na sumama,” ani ni Peter dito. “Kung makareklamo ka ay akala mo isa kang prinsesa.” “Bakit ? prinsesa lang ba ang may karapatan magreklamo?” tanong ni Aciera dito. Naglabas naman si Peter ng malaking balabal sa kanyang bag at initsa ito sa kanyang kasamang dalaga. Sinalo naman ni Aciera ito ngunit tumama pa rin sa kanyang mukha ang ibang bahagi. “Ano ito?” tanong ni Aciera. “Maaring naghihintay na sa atin sila Asmodeus at Callirop kaya naman makikihalo tayo sa publiko,” ani ni Peter dito. Binalot naman ni Aciera ang kanyang leeg. Napatingin sa kanya si Peter. “Hindi ganyan,” sabi ni Peter at hinatak ang balabal sa ka ibinalot sa ulo ni Aciera kung saan nakatago ang mukha ng dalaga. Napatingin si Aciera kay Peter habang itinatali nito ang kanyang balabal sa ulo. Minsan ay naitatanong niya sa sarili kung bakit ang katulad ni Peter ay iniwan na lamang sa yelo. Masakit rin sa kanyang damdamin ang mga bagay na ito lalo na at may kaugnayan sa kanyang nakaraan ang mga bata. “Anong tinitingin tingin mo riyan?” tanong ni Peter at itinulak siyang bahagya. Hindi naman agad nakasagot si Aciera dito. Isang balabal pa ang kinuha ni Peter sa kanyang bag at binalot naman sa kanyang sarili. Nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang sa nakarating sila sa pila ng isang barko. “Sasakay tayo?” bulong ni Aciera kay Peter. “Oo,” ani ni Peter. “Itago mo na ang enerhiya mo at maging isa kang tao.” Sinunod naman ni Aciera ang utos ni Peter sa kanya. Hinarang sila ng taong kumukuha ng mga ticket. “Ticket?” tanong nito sa dalawa. Inabot naman ni Peter ang binili niyang ticket. “Next,” sigaw ng lalaki. Dumiretso naman sila Peter at Aciera sa loob ng malaking barko. “Bakit kailangan nating sumakay dito?” tanong ni Aciera sa kanya. “Dahil sa gitna tayo ng karagatan tayo dadaan,” sabi ni Peter sa kanya. “ Alam mo ba iyon?” tanong ni Aciera sa kanya habang lumalapit sa dulo ng barko. “Malamang! Ano ba ang tingin mo sa akin,” sabi ni Peter at isinasara ang bulsa ng bag. “Tara dito.” “Saan?” tanong ni Aciera. “Basta sumunod ka na lamang,” sabi ni Peter. Narating nila ang kinalalagyan ng mga maliliit na bangka sa gilid ng barko. Inilabas naman ni Peter ang malit na kutsilyo sa kanyang bag at tumingin tingin sa kanyang paligid. Wala na siyang natatanaw na tao. Okupado ang mga ito sa pagtingin sa magandang tanawin ng karagatan. Lumapit si Peter sa isa sa mga maliit na bangka at sinimulang hiwain ang mga tali nito. Napatingin naman si Aciera sa kanya at napatingin tingin sa paligid saka muling bumaling kay Peter. “Anong ginagawa mo?” tanong nya kay Peter. “Hindi naman halata na tinatanggal ko ang mga tali nito,” ani ni Peter habang pilit na binabaklas ang mga tali ng bangka. “Alam ko,” sabi ni Aciera at luminga linga sa paligid. “Ngunit bakit mo ginagawa iyan. “Kailangan natin ito mamaya,” sabi ni Peter kay Aciera. “Hindi dadaan ang barko sa gitna kaya ito ang gagamitin natin mamaya,” “Sira,” sabi ni Aciera sa kanya. “Mamaya pa pala natin iyan gagamitin  bakit binabaklas mo na?” “Para hindi na tayo mahirapan mamaya,” sabi ni Peter.  “Hindi ka nagiisip. Ano ilang oras mo iyan hahawakan? Hanggang sa makarating tayo sa gitna?” sabi ni Aciera dito. “Anong pinagsasabi mo?” tanong ni Peter dito. “Bahala ka dyan,” sabi ni Aciera dito. “Hindi kita tutulungan.” “Ano ba kasi yung tinutukoy mo?” tanong ni Peter at nabaklas na ang pinakahuling tali. Tuloy tuloy na dumiretso ang bangka sa dulo at dumulas pahulog ng barko. “UYYY!” ani ni Peter saka mabilis na hinabol ang tali at hinawakan ito upang mapigilan na dirediretsong mahulog. Nakatingin naman sa kanyan si Aciera habang inaayos muli ang lumilipad na balabal sa kanyang mukha. “Tulong naman,” ani ni Peter kay Aciera. “Sinabi ko na kasi sa iyo,” sabi ni Aciera at lumapit kay Peter saka tinulungan siyang maghatak ng tali ngunit biglang bumigay ang tali ng kabilang bangka at tumama kay Aciera ang malaking tali sa itaas kaya namaan napaikot siya sa kabilang panig. Agad na nahawakan ni Peter ang kanyang kamay bago siya bumagsak sa ibaba. “Mas mabigat ka pa sa bangka,” ani ni Peter dito habang pilit na hinahatak paitaas ni Peter ang dalawa. “Alam mo naman na mas mahalaga ang misyon natin hindi ba?” “Anong ibig mong sabihin?” tanong ni Aciera. “Kailangan natin ang bangka para makarating sa gitna,” sabi ni Peter. “Kaya kung papipillin ako ay alam mo na. Alam mo namang lumangoy hindi ba?” “Huwag mo akong patawanin,” sabi ni Aciera dito. “May isa pang bangka sa likod mo kaya hindi mo ko kailanganan bitawan.” “Hindi ko na kaya,” ani ni Peter at binitawan si Aciera. “AHHH!” sigaw ni Aciera ng mapawalay sa kamay ni Peter ngunit saglitan lamang ang pagbitaw ni Peter at hinawakan siya sa kamay muli. Napatawa si Peter sa naging reaksyon ni Aciera. “Natatakot ka?” tanong ni Peter. “Sa dagat o ang mahulog.” Napairap naman si Aciera sa kanya. “Ang mabuti pa ay itali mo iyang tali ng bangka sa bakal at pagkatapos ay itaas mo na ako,” sabi ni ni Aciera sa kanya. “Paano pag ayoko?” tanong ni Peter dito. “Bakit kita susundin? Paano pag gusto kong itaas ka muna bago ko itali yung bangka.” “Ang dami mong sinasabi,” sabi ni Peter. “Baka mamaya ay mabitawan mo pa kaming dalawa dahil puro ka daldal. Napatawa naman si Peter. “Huwag kang mag – alala,” ani ni Peter sa kanya at sinimulan itali ang malaking tali sa may bakal. “Pwedeng mabitawan ko ang bangka ngunit hindi ikaw” Napatigil naman si Aciera habang nakatingin siya kay Peter habang tinatali nito ang tali ng bangka sa may bakal. Dumulas ang balabal sa kamay ng dalaga at tuluyang nilipad ito ng malakas na hangin. Sumiwalat ang buhok niya sa ere habang sumasayaw ito kasabay ng hangin. “Yung balabal mo!” sigaw ni Peter at noong maitali na ng mahigpit ang tali ay pilit inabot ang balabal na lumipad ngunit hindi na niya naabutan. Napatingin siya sa dalaga na nakatingin sa kanya. “Ano na naman at nakatingin ka nanaman sa akin,” ani ni Peter na nagpagising kay Aciera sa pagtitig. Agad siyang umiwas ng tingin. Inakyat naman siya paunti ni Peter. Tumapak si Aciera sa gilid ng barko at humawak sa railings ngunit biglang dumulas ang kanyang mga paa. “Dahan dahan,” ani ni Peter at malakas siyang iniangat. Agad naman na tumapak si Aciera sa may railings kaya nagsalubong ang kanilang pwersa at napabagsak siya kay Peter. Napadaan naman ang mga kababaihan sa kanilang kinalalagyan at nagsigawan na tila nagulat. “Oh my gosh!” ipit na tili ng isang babae. “Iba na talaga ang mga babae ngayon,” Napahagikgik naman ng tawa ang ibang kasamahan nito. Napatawa si Peter sa mga sinasabi ng mga babae. “Tara na nga,” ani ng isa sa kanila. “Baka naaabala natin sila.” Tuluyang nilisan ng mga ito ang lugar. “Nag enjoy ka na ata, binibini,” ani ni Peter kay Aciera na hindi pa rin tumatayo. Tumayo naman bigla si Aciera at napatingin sa dagat. “Ano at kanina ka pa napapatulala?” tanong ni Peter sa dalaga. “Huwag mong sabihing nainlove ka na sa akin. Pasensya na pero hindi ko tipo ang mga katulad mo. Masyadong malayo ang agwat ng isip nating dalawa.” “Asa ka,” ani ni Aciera at pinulot ang bumagsak na tridente ni Calirop at tinakpan muli ng tela ang trdente. --- Napaahon si Calirop sa tubig at tumabad sa kanya si Asmodeuz na nakaupo sa malalaking bato habang nakatanaw sa malawak na karagatan. Nabaling ang kanyang tingin kay Calirop na kaaahon lamang. “Anong problema?” tanong ni Asmodeuz kay Calirop pagka’t umahon ito. Naliligo ang dalaga ngayon sa dagat at sinusulit nito ang tubig bago sila umalis doon. Naramdaman ni Calirop ang pwersa ng kanyang tridente saglitan ngunit bigla rin itong nawala. May hinuha siya na narito  ang mga anghel na may dala ng kanyang tridente. “Wala naman,” ani ni Calirop at ngumiti kay Asmodeuz. Ayaw niyang umalis pa sa kanilang knalalagyan at nais niyang namnamin ang mga oras na ito kasama ang kanyang minamahal. Hindi naman sumagot si Asmodeuz dito at ipinagpatuloy ang ginagawang paghasa sa kanyang espada habang nakatingin sa karagatan. “Gusto mo bang  sabayan ako sa pagligo?” tanong ni Calirop dito. “Wala akong panahon upang sumabay sa iyong pagligo,” ani ni Asmodeuz sa kanya. Napayuko naman si Calirop dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD