Third Person Point of View
Hanggang sa dumating na nga ang kinabukasan. Magkatapat na sila ngayon ni Hadiyaah sa entablado. Ito ang magiging huling laban nila at ang magsasabi kung sino talaga ang tunay na karapat dapat sa kanila.
Napatingin si Valsen kay Erapel na nakaupo sa pinakaharap na hilera ng upuan. Matamis na nakangiti ito sa kanya.
Napatingin naman si Hadiyaah sa tinignan ng binata at nakita ang punong manggagamot na si Erapel. Matapos ay binaling na niya muli ang tingin sa binatang kalaban.
“MAGHANDA!!!” sigaw ng tagahatol ng kanilang laban na na sa may gitna nila nakapwesto. “LABAN!!!”
Ibinaba nito ang nakataas na kamay na ang ibig sabihin lamang ay simula na ng kanilang laban.
“HADIYAAH! HADIYAAH! HADIYAAH!” rinig ni Valsen na sigaw ng mga kumpol ng tao sa gilid ng entablado. Malaki talaga ang kanilang paniniwala kay Hadiyaah. Babae man ito ay mas boto sila dito
Habang si Erapel naman ay nakangiti lamang na nanonood sa laban nila Valsen. Alam niya na ang kalalabasan ng laban na ito. Ang dahilan kung bakit mananalo si Valsen ay ang dahilan kung bakit hindi si Hadiyaah ang pinili niya.
Nagtama ang mga espada na hawak ng dalawang magkatunggali sa entablado. Tumutunog ito ng malakas sa bawat pagtama ng matitibay na sandata. Ang bawat isa ay nais sugatan ang kalaban ngunit agad na naiilagan nila ang tira ng bawat isa.
Ilang oras pa ang nagdaan ay nahuli na ni Valsen ang dalaga sa dulo at itinutok niya na dito ang kanyang talim ng hawak na sandata. Hindi gaya ng dati ay hindi siya masyadong nahirapan sa laban nila ngayon.
Nakarinig siya ng pagkadismaya sa kumpol ng mga tao. Mga bulung bulungan at lait sa kalaban ng babae.
Itinaas ng tagahatol ang kanyang kamay.
“AT ANG NAGWAGI AY SI VALSEN!!!” malakas na sigaw nito.
May mga ibang nagsigawan para sa kaniyang pagiging wagi kasama na si Erapel na ngayon ay pumapakpak sa kanya. May ibang hindi sang ayon at bakas sa kanilang mga mukha ang pagkadismaya ngunit gayunpaman ay masaya si Valsen sa kanyang pagkapanalo. Masakit lang sa kanya sa mga naririnig na mga masasakita na salitang binabato nila ngayon sa dalagang kalaban na si Hadiyaah.
Napatingin siya rito na nasa may kabilang panig niya lamang. Nagulat siya noong makitang nakangiti ang labi nito.
Nakayuko man ang dalaga ay natanaw niya ang ngiti nito sa labi na mabilis ring naglaho.
Natapos ang laban na sa kanya ang panalo. Tinanghal siyang heneral at naging kagrupo niya rin si Hadiyaah. Mas naging malapit pa sila ni Erapel pagka’t lagi itong na sa may tabi niya. Lagi siyang hinihimok nito na mas galingan pa. Lagi nitong pinapalakas ang kanyang loob.
Habang sa kabilang banda naman ay naging maging magkaibigan rin sila ni Hadiyaah. Hindi ito kasing tapang tulad ng mga naririnig niya. Malambot ito at mukhang inosente. Lagi rin itong nakangiti sa tuwing nagkikita sila.
Nais niya nga itong tanungin kung ano ang nararamdaman nito dahil natalo niya ang dalaga ngunit ayaw niya namang sirain ang masayang atmospera sa pagitan nila. Natatakot siya na biglang lumayo na lang ang dlaga kung itanong niya iyon kaya naging kuntento na lamang siya sa pagkakaroon ng tanong sa isipin.
Hindi nagtagal ay naging tanyag na rin ang pangalan ni Valsen dahil ilang laban na ang kanyang naipanalo. Sa bawat laban na iyon ay hindi maiiwasang maging mas malapit sila ni Hadiyaah sa isa’t isa dahil magkasama sila sa iisang grupo at nagising na lamang si Valsen isang araw na tinitibok na ng kanyang puso ang babae.
Hindi namna lingid sa kaalaman nilang dalawa na iisa ang ritmo ng kanilang puso ngunit may takot sa kanilang puso na kung itutuloy nila ang bagay na iyon at aamin sa isa’t isa ay baka masira pa ang pinakaiingat ingatan nilang matibay na koneksyon sa kanilang dalawa kaya nanatili silang ganoon na lamang.
Hanggang sa isang araw ay nagkaroon ng malaking digmaan sa pagitan ng kanilang kaharian at sa kaharian na dati nilang kaalyansa. Nagkaroon ng bitak ang pagsasamahan ng dalawang panig na kaharian dahil ayaw ipakasal ng kanilang hari ang kanyang anak sa kaalyansa ng kanilang kaharian.
Natipuhan ng hari ng kabilang kaharian ang anak ng kanilang hari ngunit hindi ito pumayag dahil bukod sa may asawa na ang hari ay masyadong matanda ito para sa kanyang anak. Naniniwala rin ang hari nila na karapat dapat ang anak niya sa posiyong reyna at hindi sa kalunyang posisyon lamang. Doon nagsimula ang away nila na nagdulot pa ng digmaan sa kanilang pagitan.
Naatasan ang grupo nila Valsen sa posisyon na pagprotekta sa prinsesa ng kanilang kaharian.
Ang akala nilang mas malakas na pwersa nila ay unti unting nagapi ng kalaban.
Hinawakan ni Valsen ang kamay ng haro pagka’t napuruhan ito ng kanilang kalaban.
“Heneral Valsen,” tawag nito habang umuubo ng dugo. “Sagipin mo ang aking anak pagka’t siya ang magiging ilaw sa mga susunod na henerasyon pa. Sa iyo na lamang ako umaasa.”
Napabitiw na ang hari sa kanya at nawalan na ito ng buhay.
Puno ng baluti na pumasok muli sa gyera ang heneral na si Valsen.
“Nasaan ang prinsesa?” tanong ni Valsen kay Hadiyaah na ngayon ay sugatan na rin at ginagamot ni Erapel.
“Na sa may dulong palasyo siya,” ani ni Hadiyaah sa kanya. “Ano mang oras ay mahuhuli na rin siya ng kalaban. Kuhanin natin ang pagkakataon na iyon upang sagipin ang mga tao at tumakas dito.”
Napatingin naman si Valsen sa sinabi ni Hadiyaah.
“Sinasabi mo bang aabandunahin mo ang prinsesa upang ilgtas ang iyong sarili?” tanong ni Valsen dito.
Hindi naman makapaniwala si Hadiyaah sa narinig mula sa bibig ng kaniyang minamahal.
“Ano ang ibig mong sabihin? Ano klaseng pag – iisip iyan, Valsen?” hindi makapaniwalang tanong ni Hadiyaah. “Hindi pang sarili ko lamang ang iniisip ko! Hindi ba nakita ang napakaraming taong mamamatay kapag iniwan mo ang posisyon mo dito? Isuko na natin ang prinsesa at doon ay makakaligtas ang marami!”
“Iyon ang ang utos sa atin, Hadiyaah!”ani ni Valsen. “Responsibilidad nating protektahan ang prinsesa ng ating kaharian!”
“Sinasabi mo ba na abandunahin ang mga taong ito na siyang dapat prinoprotektahan ng kaharian para lamang sa prinsesa?!” tanong ni Hadiyaah na naiiyak na. Iba ang nais niya sa nais na mangyari ni Valsen. “Iiwan mo kami at hahayaan mo kaming mamamatay dito?”
Niyakap naman bigla ni Valsen si Hadiyaah.
“Babalikan ko kayo,” ani ni Valsen. “Dadalhin ko lamang sa ligtas na lugar ang prinsesa at muli ko kayong babalikan dito.”
Tila kumalma naman si Hadiyaah sa sinabi nito. Bago lumabas na ng lona si Valsen ay napatingin siya kay Erapel na nakatingin sa kaniya.
“Babalikan ko kayo, Erapel,” ani ni Valsen dito at niyakap rin.
“Naniniwala ako sa desisyon mo, Valsen,” bulong ni Erapel sa kanya. “Mag – iingat ka.”
Napahigpit ng yakap si Valsen sa sinabi nito. Nagkaroon siya ng lakas dahil na rin siguro sa magaan na presensya ni Erapel. Bumitaw siya sa yakap at tumingin kay Hadiyaah. Malungkot ang mga mata nitong nakatingin.
May takot ito na baka may masamang mangyari kay Valsen at wala siya roon at natatakot rin siya na hindi sila balikan ni Valsen sa digmaan lalo na at ang prinsesa ang pinag uusapan nila. Hindi naman lingid s akaalaman ng lahat na paborito ng prinsesa ang heneral at base sa mga nakikitang tingin ni Hadiaayah sa mga tingin na tinatapon ng prinsesa sa kanyang minamahal ay interesado siya dito.
Lumapit si Hadiyaah kay Valsen at mahigpit na niyakap ito.
“Mag – iingat ka, mahal ko,” ani nito sa binata.
Hinalikan naman siya ng binata sa ulo at matapos ay nagpaalam na at tuluyang nilisan ang lugar kasama ng kaibigan nito na si Algo na siyang kanang kamay rin ng heneral.
Napahawak si Valsen ng madiin sa kanyang ulo sa mga naalala. Hindi na niya nabalikan pa ang kanyang mga kasama sa lugar na iyon.