Napasuntok siya sa harapan na upuan. Sinuntok niya iyon ng sinuntok ngunit napatigil siya ng bumukas ang pinto ng silid kaya agad siyang napatigil at nilingon kung sino ang naroon.
Walang iba kundi si Erapel. Ang kanilang punong manggamot noon na kasamang naiwan sa digmaan at hindi niya nabalikan.
“Valsen,” tawag ni Erapel sa kanya. “Hindi ka pa ba lalabas? Kung ano man ang sinabi ni Helena sa iyo ay huwag kang magpaapekto,”
Napahinga ng malalim si Valsen at naglakad patungo kay Erapel. Lumalapit pa lang siya dito ay nararamdaman na niya ang pagbawas ng mabigat na nararamdaman sa kanyang dibdib ngunit bumabalik rin ito kapag naaalala niya na hindi niya nasunod ang kanyang pangako sa kanila.
“Magugulat ka kung nakita mo ang babaeng nakita ko sa loob ng bahay,” ani ni Valsen sa dalaga.
Napaisip naman si Erapel sa mga sinabi nito at napaisip sa kung sinong nakita ni Valsen sa loob.
“Si Hadiyaah?” tanong niya. “Ang Hadiyaah na tinutukoy niyo na kalaban niyong demonyo ay ang Hadiyaah na kilala natin?”
Inaasahan na ni Erapel ang isasagot ng binata ngunit lubos pa rin siyang nagulat noong tumango ito. Kaya pala pamilyar ang babaeng kalaban ni Valsen sa bahay ngunit hindi niya to namukhaan at hindi na niya masyado pang inintindi iyon dahil abala siya sa pagsuporta ng kanyang mga kasama lalo na at nakabantay siya sa bawat galaw nila Alejandra. Hindi niya rin alam kung nakita siya n Hadiyaah at kung nakilala siya nito.
Napapikit si Valsen at tumatango.
“Walang iba,” ani ni Valsen. “Ngunit paaanong naging royal si Hadiyaah. Kilala ko siya at kilala mo siya. Isa siyang mabait na babae.”
Napaisip nman si Erapel. Noong mga huling bagay na naalala niya noong digmaan ay nakita niya ang mga galit at hinagpis sa mata ng babae bago siya noon namatay.
Napahinga naman si Erapel sa mga narinig.
“Valsen,” tawag ni Erapel sa kanya. “Malambot ang puso ni Hadiyaah ibig sabihin lamang nito na mahina sya sa emosyon at sa lambot nito ay mabilis rin itong masira at tumigas na parang isang bato. Siguro ay noong araw na iyon ay namanhid na agad ang kanyang puso at nasakop ng kadiliman dahil sa iyong pangako.”
Malamig naman ang mukha na paalis na humakbang si Valsen upang lisanin ang lugar na iyon. Hinawakan siya ni Erapel sa kamay upang pigilan.
“Alam mo namang kailan man ay hindi ako nagalit sa naging desisyon mo,” ani ni Erapel kay Valsen. “Dahil naniniwala ako na may dahilan kaya hindi ka nakabalik ng araw na iyon,”
Binawi naman ni Valsen ang kanyang kamay sa dalaga.
“Walang kapatawaran ang pagsira ko sa ating pangako, Erapel,” ani ni Valsen. “Hindi na dapat ako magdahilan at kasalanan kong hindi ako nakabalik.”
“Valsen,” tawag ni Erapel sa kanya. “Kailangan niyong palayain ang inyong mga sarili sa nakaraan upang mas makalipad ng mas mataas sa kalangitan.”
Napayuko na lamang si Valsen sa sinabi nito. Sa kabila ng lahat ng nangyari ay narito pa rin ang dalaga s akanyang tabi upang palakasin ang kanyang loob. Tila ito ata ay isang parusa sa kanya upang araw araw na masaktan. Kung nakabalik lang sana siya noon ay hindi ito mamatay at wala si Hadiyaah sa royal.
Dumating naman si Fuj at napatingin sa kanila.
“Erapel,” tawag ni Fuji sa kanyang nobya. “Kanina pa kita hinahanap.”
Bumaling naman si Fuji kay Valsen.
“May problema ka ba, Valsen?” tanong nito sa lalaki ngunit imbes na sagutin siya nito ay lumakad na ito paalis. Napatingin naman si Fuji sa kanyang kasintahan na naguguluhan.
“Kay’ lamig ng lalaking iyon,” ani ni Fuji sa nobya.
“Pagka’t malamig rin ang kanyang nakaraan,” ani ni Erapel sa kanya.
“Hanggang ngayon ba ay nababalot pa rin siya ng kadena ng nakaraan?” sabi ni Fuji at napailing iling. “Sabagay sino ba ang hindi?”
Ngumiti naman si Erapel kay Fuji.
“Tara na?” tanong ni Fuji sa kasintahan.
Tumango naman si Erapel sa kanya at nilisan nila ang kanilang lugar.
Si Alejandra naman ay nakasandal lamang sa pader habang nakatingin kanina kung saan nakatayo sila Valsen, Fuji, at Erapel. Batid niyang may koneksyon si Valsen at Erapel maging ang isang demonyong kalaban nila kanina na nagngangalang Hadiyaah. Hindi niya alam kung anong koneksyon ng tatlongunit batid niyang masalimuot ito lalo na noong makita niya ang mga tingin ni Hadiyaah sa kalaban na si Valsen at kung paanong hindi niya ito iwanan ng tingin.
Napatingin si Alejandra sa lalaking papalapit sa kanya. May hawak hawak itong libro sa kanang kamay. Mahilig ito magbasa ng mga librong kinapapalooban ng historya ng mundo.
“Hindi magiging madali nag misyon mo,” ani ni David. “Kaya sasamahan kita habang wala pang naaatas na misyon sa akin.”
“Maraming salamat,” ani ni Alejandra dito habang nag – iisip isip. “May hinuha ka ba kung ano ang kailangan sa akin ng mga demonyo?”
Umiling iling naman sa kanya si David.
“Sa ngayon ay wala pa akong naiisip kung bakit nais ka nilang makuha,” ani ni David habang puno ng katanungan ang isip. “Lubhang kataka taka kung bakit kailangan ka nila. Nangangahulugan lang rin na nasa panganib ang buhay mo. Kung hinahanap natin sila ay hinahanap naman nila ikaw. Mabuti na lamang at natapos ang laban sa lugar na iyon ng walang nasasaktan sa atin.”
“Ngunit mas mabuti sana kung nakahuli tayo ng isa man lang sa kanila,” ani naman ni Alejandra. Maging siya ay ginugulo ng mga katanungan sa isipan. Iniisip niya baka siya ay isa sa mga susi upang maging kulay dugo ang buwan. Iniisip niya rin na kung iyon ang tunay ngang dahilan ay baka kapalit ng dugong buwan ang buhay niya.
“Hind sila madaling mahuli at sa tingin ko ay lalaban sila hanggang sa kanilang huling hininga at medyo malabong maidala natin sila sa kuta ng buhay,” sabi ni David kay Alejandra.