XV

1584 Words
Third Person Point of View Matapos ay biglang nagbago ang mga senaryo sa utak ni Cassiel.                    Hinawakan niya ang heneral noong bumaon ang mga paa nito sa yelo.                    Napatingin siya sa kanyang mga hukbo na nahuhulog sa ilog. Ang mga iba ay tinatamaan ng mga palasong galing sa kalaban. Maging ang kanyang heneral ay tinamaan nito noong sanggain nito ang pana na patungo sa kanya.                    “Huwag kang bibitaw, heneral Xi!” malakas na sabi niya rito at mas lumubog pa ito sa may yelo. Lumubog na ang kalahati ng katawan nito. “Hindi ka pwedeng mamatay.”                    Balot man ng baluti ang heneral ay ramdam niya ang malamig na tubig ng ilog na bumabalot sa kanyang katawan. Naparalisado na ang kanyang mga paa at bahagyang nanginginig na siya salamig nito.                    “Mahal na prinsesa,” tawag ng heneral sa kanya. “Hindi pa huli upang sumuko. Bumalik ka na sa ating kaharian kasama ng mga natitirang hukbo.”                    “HINDI!” madiin na sabi ni Cassiel. “Umahon ka riyan heneral. Kasama ka naming babalik sa kaharian.”                    “Prinsesa,” ani ng heneral at ngumiti rito. “Kung mananatili pa kayo rito ay mamatay kayong lahat pagkat nagbitak na ang mga yelo at ano mang oras ay guguho na rin ang ibang parte nito. Sabihin mo sa iyong ina at ama na ako ang nagpilit sa iyong makipaglaban. Ako ang nag udyok sa iyong dumiretso sa digmaang ito. Sinabi ko na rin sa aking kanang kamay ang mga dapat niyang sabihin sakaling mangyari ang bagay na ito. Naghihintay siya sa dulo ng ilog, mahal na prinsesa.”                    Hindi namalayan ni Cassiel na tumutulo na ang kanyang mga luha.                    “Heneral,” ani niya rito habang umuulan na ng palaso sa buong paligid. “Bakit? Dapat magalit sa akin. Kaya dapat na mabuhay ka para parusahan ako sa aking pagkakamali.”                    “Wala ng oras, mahal na prinsesa. “Nakikita ko na ang mabilis na pagbibitak ng yelo. Hayaan mong mamatay ako rito bilang pagsuway ko sa iyo.”                    “GENSHIN!!” malakas na sigaw ng  heneral. “IPINAGUUTOS NG PRINSESANG UMATRAS NA!!! BUMALIK NA KAYO SA KAHARIAAN!!!”                    Isang lalaki naman ang napalingon sa kinaroonan nila.                    “ILAYO NIYO NA ANG PRINSESA SA DIGMAAN!!” dagdag pa ng heneral.                    Pilit kumawala si Cassiel habang hinahatak siya papalayo roon ng hukbo ng heneral.           Napahawak si Cassiel sa kanyang ulo. “Heneral Xi,” bulong Cassiel habang nakikita niya sa isipan kung paano ito tuluyang nilamon ng ilog.                    Napatingin si Cassiel sa iba niya pang kasamahan. Nahuhulog ang mga ito sa ilog. Tumingin siya sa lona kung saan nakalagay ang prinsipe.                    “HINDI!!!” sigaw niya at kumawala sa pagkakahawak sa kanya ng kanyang mga kawal. Matapos ay tumakbo pa siya patungo sa lona upang kunin ang prinsipe roon. Ngunit huli na. Kasama na siyang nahulog sa malamig na ilog.           Nagising si Cassiel sa realidad at napatingin siya kay Lilith na ngayon ay naguguluhan sa kanyang ala – ala. Pilit nitong pinapasok ang kaibudturan ng kanyang puso ngunit bigo ang demonyong gawin ito.           “Pilit mong itinitago sa akin ang kaila ilaliman ng iyong puso, anghel,” ani ni Lilith dito. “Ngunit gayunpaman ay wala na akong pakielam sa iba mo pang ala – ala basta ang alam ko lang ay namatay ang iyong hukbo ng dahil sa iyo.”           Ikinurap – kurap ni  Cassiel ang kanyang mata. Hindi niya alam ang sinasabi ni Lilith na itinatago niya rito. Malabo ang ibang ala – ala niya ngunit tandang tanda niya ang masakit na senaryo sa nakaraan.           “Manahimik ka na lamang,” ani ni Cassiel dito. “Lumaban ka ng patas, demonyo.”           “Anong klaseng paniniwala iyan?” tanong ni Lilith at napatawa. “Wala ng patas sa mundo, anghel. Tanging kahinaan lamang ng iyong kalaban ang magpapanalo sa iyo. Ano? Sumasakit na ba ang ulo habang inaalala ang iyong mga kasalanan?”           Ang pagtawa ng demonyong si Lilith ang mas lalong nagpasakit ng ulo kay Cassiel.           Ngunit agad nakaisip ng paraan si Cassiel upang guluhin rin ang pag – iisip ni Lilith. “Demonyo,” tawag niya rito. “Kung makatawa ka ay parang hindi ka nagdaan sa ganoong yugto ng buhay. Gaya ng sinabi mo kanina ay may mga bagay na nagpasakit sa atin na hindi natin kailanman makakalimutan. At sabik na sabik akong malaman kung ano ang bagay na pinagdaan mo, demonyo! Anong kasalanan ang nagawa mo upang parusahan ka ng ganyan. At gaano kalaki ang galit mo upang hindi ka magsisi sa iyong mga kasalanan.”           Nawala naman  ang mga ngiti sa labi ni Lilith sa sinabi ni Cassiel sa kanya.           “Nakita mo na,” ani ni Cassiel at nginisihan si Lilith ngunit nagulat siya noong ngumisi si Lilith sa kanya.           “Alam mo anghel kung bakit mas malakas ako sa iyo?” tanong ni Lilith kay Cassiel “Dahil makasalanan akong nilalang at sanay akong masaktan. Kaya naman kahit anong sabihin mo at kahit milyong beses mo pa ipa alala sa akin ang nakaraan ay hindi mo ako maiisahan. Hindi tulad mo na tumitigil ang mundo kapag naaalala ang nakaraan mong buhay.”           Napahigpit ang pagkakahawak ni Cassiel sa kanyang latigo.           “Sino nga ba si Heneral Xi?” tanong ni Lilith dito. Narinig niya na binanggit ni Cassiel ang pangalan iyon at nakita niyar rin iyon sa  ala ala ng dalaga. “Ikwento mo nga uli sa akin kung paano siya namatay ng dahil sa iyo? At kung paano niya pagtakpan ang isang malaking pagkabigo mo!”           Napahawak si Cassiel sa kanyang ulo. Hindi siya maaaring magpadala sa katusuhan ng kanyang kalabang demonyo.           Pumikit si Cassiel at huminga ng maluwag. Inisip niya ang nais niyang gantimpala sa oras na matapos niya ang kanyang misyon. Pagkatapos ay dumilat siya at mabilis na sumugod kay Lilith.           Hinanda naman ni Lilith ang kanyang sarili at bahagyang nainis pagka’t hindi niya nagawang linlangin ang kalaban ng sukdulan.           Malakas na hinampas ni Cassiel ang kanyang latigo kay Lilith. Agad naman sinangga ni Lilith ang latigong iyon ngunit nagulat siya ng nagawang mapabitaw siya ni Cassiel sa hawak niyang kunai.           Tumilapon ang kunai sa kanyang gilid. Hindi pa roon natapos ang pagtira ni Cassiel at tinira muli niya si Lilith ngunit gaya ng kanina ay napabitaw muli si Lilith sa kanyang kunai at nasugatan siya ni Cassiel sa kanyang palad ng latigo.           Napaismid si Lilith at binunot sa kanyang tagiliran ang kanyang iba pang kunai.           Siya naman ngayon ang sumugod kay Cassiel. Agad na humapas si Cassiel sa kanyang harapan noong makalapit si Lilith sa kanya ngunit mabilis na tumungo sa kanyang likuran si Lilith at hinampas siya sa kanyang likuran.           Napa abante si Cassiel ng ilang hakbang at bahagyang napayuko ngunit agad rin siyang tumuwid at tumingin sa kinaroonan ni Lilith.           Lumipad si Lilith pataas upang paulanan sana si Cassiel ng kanyang kunai ngunit agad na hinabol siya ng latigo ni Cassiel sa kanyang paa at malakas siya nitong ibinagsak sa lupa.           Agad na pinaligiran si Cassiel ng mga demonyo. Agad siyang umilag sa suntok ng isang demonyo at siniko niya ito. Pinatid niya naman ng kanyang latigo ang tumatakbong isang matabang demonyo patungo sa kanya. Habang ang isang nakalapit sa kanya ay sinalo niya ang suntok nito at pinaliputan ang kamay ng tali saka iniikot niya sa ere at malakas na ibinagsak sa may sahig.           Tumingin siya kay Lilith na ngayon ay nakatayo na at nakatingin rink ay Cassiel.           Patakbong lumapit si Cassiel dito ngunit hinarang siya ng mga demonyo. Agad niya namang sinipa ang mga ito at ang isa sa harap niya na hindi pa nakakalapit ay pinaliputan niya ng kanyang mahabang latigo at inikot sa ere at ibinagsak sa kanyang likuran ngunit ito ang naging pagkakataon ni Lilith upang mabilis na lumapit sa kanya at sinipa siya ng malakas.           Napaitsa si Cassiel ng ilang hakbang ngunit tumayo rin siya agad. Sumalubong sa kanya ang apat na matatalim at mabibilis na kunai ni Lilith pagkatayo niya. Agad niya namang sinangga ito ng kanyang latigo at ang isang kunai ay binuhulan niya ng latigo sa hawakan saka ibinalik patungo kay Lilith.           Inipit naman ni Lilith ang kunai sa pagitan ng kanyang hintuturo at palasingsingan bago makarating sa kanyang mukha.           Muling lumipad si Lilith paitaas at lumipad na rin si Cassiel kasabay nito gamit ang kanilang pakpak.           Tinungo ng latigo ni Cassiel si Lilith habang tinungo naman ng kunai ni Lilith si Cassiel. Natalo ang mga kunai ni Lilith at dumiretso kay Lilith ang mahabang latigo ni Cassiel. Pumalipot ito sa kanyang leeg. Hinawakan ni Lilith ang latigong na sa kanyang leeg at pilit tinanggal. Agad naman na buong lakas na itinaas ni Lilith ang kanyang kamay at sumunod dito ang latigo niya. Sa dulo nito ay kasunod din si Lilith at tumama ito sa bubungan. Agad rin itong bumagsak paibaba sa semento dahil tumama ito sa matigas na yelong nakaharang sa itaas.           Salubong ang kilay na tumayo si Lilith sa pagkakadapa. Masaki tang pagkakatama niya sa yelo at sa semento. Mas lalo siyang nainis sa kalabang anghel.           Pumalipot sa kanyang buong katawan ang latigo ni Cassiel at alam ni Lilith ang susunod na gagawin nito. Ito ay ang higpitan ang pagkakatali sa kanya kaya naman gumamit siya ng mainit na mainit na apoy na mabilis gumapang sa lubid ni Cassiel at agad tinungo ang kanyang kamay. Agad na ipinabitaw ni Cassiel ang kanyang latigo sa kanyang kalaban na demonyo upang hindi siya tuluyang kainin ng apoy nito.                           
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD