XVI

2952 Words
    Third Person Point of View     Habang sa kabilang banda ay napaluhod si Valsen noong tamaan siya ng pommel ng sandata ni Asmodeuz sa tiyan. Agad na nakalapit sa kanya ang demonyo noong tumalsik siya sa pagsabog kanina at hindi na niya nagawa pang gumawa ng panangga sa bilis ng demonyong makalapit sa kanya.           Hinawakan siya ni Asmodeuz sa ulo at malakas na hinampas sa kanya ang grip ng hawak nitong malaking espada.           “Kay’ lakas ng loob mong lagyan ako ng posas leeg!” madiin na sabi ni Asmodeuz dito. Pakiramdam ni Asmodeuz ay natapakan ang kanyang kapurihan sa ginawa ni Valsen na iyon kaya naman ngayon ay nagngingitngit siya sa galit. “Tikman mo ang kapalit ng panghahamak mo sa akin anghel.”           Hindi na hinintay pa ni Asmodeuz na bumangon ng kusa si Valsen sa pagkakasadlak sa lupa at siya na mismo ang nagbangon dito. Hinawakan niya muli ito sa ulo at malakas niya sanang hahampasin ito noong naramdaman niya na may bumaon sa kanyang tiyan na matulis at mahabang bagay.           Napatingin siya dito. Ito ay isang kristal. Konektado ito sa palad ni Valsen. Napatingin si Asmodeuz kay Valsen na ngayon ay nakatingin na rin sa kanya.           Agad siyang umatras palayo roon dahil gumagapang pa ang ibang kristal patungo sa kanyang tiyan. Ininda niya ang pag alis ng kalamnan sa kristal na nakabaon sa kanyang tiyan.           “Masyado kang okupado sa pagtira sa akin,” ani ni Valsen. “Kasinungalingan lang pala ang sinabi mo kanina na nararamdaman mo ang mga bagay na tatama sa iyo ngunit natamaan ka ng kristal ko.”           Mas kumunot ang noo ni Asmodeuz sa narinig. Mas nag alab ang kanyang pag kainis sa anghel na kalaban.           Agad namang pinutol ni Asmodeuz ang kristal na nakasaksak sa kanya gamit ang talim ng espada.           Matapos ay hinugot ni Asmodeuz ang matalim na kristal na nakabaon sa kanyang tiyan. Bahagyang nagbago ang kanyang emosyon dahil ininda niya ang sakit nito.           Itinaas ni Valsen ang kanyang dalawang palad at mula roon ay lumabas ang mahahaba at matutulis pang kristal na patungo sa kinalalagyan ni Asmodeus.           Agad namang iniikot ni Asmodeuz ang sandata upang putulin ang mga ito ngunit patuloy lang itong humahaba at hinahabol siya kahit saan siya magpunta.           Muling pinag init ni Asmodeus ang sarili upang magkalamat ang mga kristal ni Valsen.           Nagkaroon ng presyur sa pagitan ng kanilang kapangyarihan. Agad na ini atras ni Valsen ang kanyang kristal dahil sasabog ang mga ito.           Iyon ang kinuhang pagkakataon uli ni Asmodeuz upang sugurin si Valsen. Agad niyang hinataw ang kanyang malaking espada patungo kay Valsen. Sinangga naman iyon ni Valsen ng espada na ginawa niya mula sa kristal.           Buong lakas na  sinipa ni Valsen si Asmodeuz sa kanyang bandang pantog kaya napaatras si Asmodeuz. Ngayon ay si Valsen naman ang tumira rito patungo sa ulo ng demonyo ngunit agad na tinira ni Asmodeuz ang espada ni valsen kaya napalihis ito pababa. Itinira uli ni Valsen ang espada kay Asmodeuz ngunit gaya kanina ay tinira uli iyon ni Asmodeuz pababa at mas malakas na pwersa ang ginamit niya dahilan upang magtama ang sahig at espada ni Valsen.           “Wala pa sa kalingkingan ko ang kakayahan mo sa pag gamit ng sandata, anghel,” ani ni Asmodeuz. “Para kang isang tangang iwinawasiwas ang sandatang hawak mo. Maraming pagsasanay ka pa ang pagdadaanan.”           Hindi nagustuhan ni Valsen ang mga narinig na mga salita na nagmula sa demonyo. Alam niyang hindi siya magaling sa pakikipaglaban gamit ang isang espada ngunit may alam naman siyang gamitin ito kahit papaano.           Itinutok ni Valsen ang kanyang espada sa kalaban. Na sa lebel ito ng kanyang dibdib.           Napangiti si Asmodeuz.           “Mukhang nasaktan ko ang damdamin mo, anghel,” ani ni Asmodeuz dahil napansin niya ang naging reaksyon nito bigla.           “Tignan natin kung sino ang tanga kapag nasugatan ka ng tangang ito,” ani ni Valsen.           Itinaas naman ni Asmodeuz ang kanyang sandata  at itinutok kay Valsen ngunit agad na tinira ito paitaas ni Valsen at iwinasiwas ni Valsen ang kanyang sandata pailalim. Agad naman na umilag si Asmodeuz sa talim ng espada nito at ibinagsak patungo kay Valsen ang kanyang malaking sandata na ngayon ay sinalubong rin ni Valsen ang kanyang tira.           Tumalbog ang kanilang mga sandata sa isa’t isa ng bahagya kaya naman binawi nila ang kanilang espada pabalik.           Mabilis na ibinaba ng bahagya ni Valsen ang kanyang sandata upang saksakin sa bandang dibdib si Asmodeuz ngunit agad rin naman na sinangga ni Asmodeuz iyon at nagkapalit sila ng kinatatayuan .           Sunod sunod na tinira ni Valsen ng kanyang sandata si Asmodeuz at sinangga naman ito ni Asmodeuz. Ang panghuli tira ni Valsen ay muntik ng maabot ang mukha ni Asmodeuz ng kanyang talim ngunit itinaas ni Asmodeuz ang kanyang sandata kaya dumulas ito palihis dito ang hawak na sandatang kristal ni Valsen.           Napangisi naman si Asmodeuz sa nakikitang pakikipaglaban ni anghel. Ginanahan siya noong muntik ng maabot ng talim ng espada nito ang kanyang mukha.           Ngayon ay si Asmodeuz naman ang sunod sunod na tumira. Napapaatras si valsen sa bawat pagtira nito dahil sa bigat ng pwersa na inihahataw ni Asmodeuz sa kanya. Muntik na rin siyang mahagipit ng espada nito sa kanyang mukha ngunit agad niyang nailihis ang mukha sa talim.           Isang malakas na hampas ang ibinigay ni Asmodeuz kay Valsen kaya nabitawan ni Valsen ang kanyang espada. Kasabay nito ay ang paghiwa sa kanyang balikat ni Asmodeuz. Napaatras siya sa ginawang paghiwa ni Asmodeuz at agad na ginamit ang pwersa upang bumalik sa kanya ang tumilapon na sandata. Malakas na tumira pabalik si Valsen kay Asmodeuz ang sinangga ito ni Asmodeuz. Hinati naman ni Valsen ang kanyang espada at kinuha ang kalahati gamit ang kaliwang kamay saka mabilis na isinaksak ito kay Asmodeuz.           Umatras si Asmodeuz upang ilagan ito ngunit naabot pa rin siya ng talim.           Napatingin si Asmodeuz sa kanyang sugat. Tinanggal nito ang ngiti niya sa labi. Ito naman ang naging dahilan upang umangat ang sulok ng labi ni Valsen.           “Ngayon alam ko na ang kalaban ko,” ani ni Valsen dito. “Isang demonyong sa salita lang magaling pero hindi sa gawa.”           “Manahimik ka!” madiin na sabi ni Asmodeuz at itinaas ang kanyang espada at inihampas kay Valsen agad namang sinalo iyon ni Valsen ng kanyang sariling sandata at buong lakas na nilabanan ang pwersa ni Asmodeuz.           Noong mapaatras ni Valsen ang sandata ni Asmodeuz ay sunod sunod niya itong tinira. Akmang nakakita siya ng pagkakataon upang hiwain sa leeg ang kalabang demonyo noong isang demonyo noong isang mabilis at malakas ang pwersa na palaso ang tumama sa kanyang hawak hawak na espada na nagdulot upang mabasag ito.           Napatingin si Valsen sa pinanggalingan nito at maging sila Cassiel at Clark ay napatingin rin sa pinanggalingan nito dahil mabilis na dumaan ang palaso sa kanilang harapan na kung hindi sila agad nakailag ay sapul ang kanilang mg ulo.           Mula sa dilim ay nakita nila ang isang babaeng may hawak na palaso at pana.           Ang pana nito ay halos kasing haba ng kalahati ng katawan ng babae. Kulay itim ang hawak nitong pana at sa magkabilaan ay may disenyong kulay kunig na mga bungo.           Ganoon rin ang kulay ng damit ng babae na kulay itim na may halong kunig na kulay. Mahaba ang damit nito na may malaking hati sa gitna. Kulay kunig rin ang mga bungong sinturon nito sa bewang.           May mga nakasuot na strap ito sa hita kung saan nakalagay ang mga maliliit na kutsilyo na kumikinang sa dilim. Maging ang suot nitong sapatos na abot hanggang tuhod ay kulay itim at ang sintas ay kulay kunig.           Ang kamay nito ay may suot na mga itim na guwantes na abot hanggang sa siko at sa dulo ng kanyang guwantes ay kulay kunig ang makikita.           May suot suot rin ang babae sa mahabang buhok nito na hanggang bewang na palamuti sa ulo nito na ang disenyo ay malaking bungo sa gitna at sumunod naman ang mga diyamanteng maliliit na tila isang talon sa kanyang mahahabang buhok.           Hindi pa binababa ng babae ang kanyang pana. Nakatindig pa rin sa akto kung saan binitiwan ng mga daliri ang hawak na palaso.           Napakunot ang noo ni Valsen. Sa nakikita nito ay hindi ito pangkaraniwang demonyo lamang dahil ang sungay nito ay mahaba ngunit ang pakpak nito ay hindi naman nila matanaw dahil nakatago.           Ngunit ang mas nagpakunot pa ng noo ng binata ay noong mas luminaw ang paningin niya sa itsura ng demonyong may pana at palaso.           Ibinaba ng demonyo ang kanyang pana at matalim na tumingin kay Valsen. Sinuyod niya ito ng tingin mula ulo hanggang paa.           “Hadiyaah,” tawag ni Valsen dito na nagpangiti sa dalaga.           Napatingin naman si Cassiel at Clark kay Valsen at nagtaka kung bakit kilala ito ng kanilang lider ngayon na si Valsen.           “Heneral Valsen,” tawag ni Hadiyaah nito sa tonong sarkastiko. “Papaanong buhay ka pa? Habang ang mga kasamahan mo ay patay na.”           Hindi nakasagot si Valsen sa sinabi nito at mas lalong nagpatiklop mg dila ni Valsen ang mga sumunod na salitang lumabas sa bibig ng dalaga.           “Nakita ko nga pala sa ilalim ng lupa ang kaibigan mo,” ani ni Hadiiyah dito. “At alam mo ba ang sabi niya sa akin? Wala siyang pinagsisihan sa ginawa niya dati. Akala ko ay hindi na muli tayong magkikita pa heneral pero sadya ngang mapaglaro ang tadhana. Biruin mo at binigyan pa ko nito ng pagkakataon upang singilin ka.”           “Hindi ko alam kung anong nangyari sayo at-”           “Talagang hindi mo malalaman dahil ang atensyon mo ay na sa iisang tao lang,” putol ni Hadiyaah sa sinasabi ni Valsen. “Hindi ba tama ako? Mas pinili mo siya kaysa sa amin kaya hindi na ako magtataka kung bakit nagawa sa iyo iyon ng pinakamamahal mong kaibigan.”           Huminga naman ng malalim si Valsen. Hindi niya alam kung ano ang dapat niya sabihin. Maging siya ay hindi niya inaasahang mangyayari ito. Hindi niya alam na sa ganitong pagkakataon pa sila magkikita at mas lalong nagulat siya na malamang isa si Hadiyaah sa mga royal.           Iba ang pagkakakilala niya rito.           “Maliit nga ang mundo,” ani ni Asmodeuz. “Sinong mag – aakalang magkakilala kayo dati pero ngayon pa ba kayo magkakamustahan. Pwedeng humanap ka ng iba mong kalaban at huwag mo kaming pakielaman?”           Tinignan naman ni Hadiyaah si Asmodeuz.           “Hambog,” ani ni Hadiyaah dito. “Kung hindi dahil sa aking palaso ay baka nahiwa na ng anghel ang leeg mo!”           Lumabas na si Hadiyaah sa dilim at lumapit patungo kila Asmodeuz.           “Papaanong ang isang tulad mo ay naging anghel?” hindi makapaniwalang tanong ni Hadiyaah kay Valsen. “Ang kaharap mo Asmodeuz ay hindi mailalayo sa dami ng mortal na napatay niya at namatay dahil sa kanya.”           Napatingin naman si Cassiel kay Valsen habang si Valsen ay walang emosyon na nakatingin kay Hadiyaah. Tinignan ni Cassiel si Clark na ngayon ay tinitimbang rin ang sitwasyon.           “Hindi gustong saktan ka, Hadiyaah,” ani ni Valsen. “Mas makakabutong sumuko ka na lamang ng maayos.”           Npatawa naman si Hadiyaah sa sinabi ni Valsen.           “Huwag kang magpatawa, heneral,” ani ni Hadiyaah dito. “Wala kang karapatan para sabihin sa akin iyan at alam ko na hindi ka rin karapat – dapat sa posisyong mo iyan.”           “Kung ganoon ay wala akong ibang pagpipiliian, Hadiyaah,” ani Valsen at inihanda ang sarili. “Sa ngalan ng kalangitan ay parurusahan kita.”           Mas lalo pang napatawa si Hadiyaah sa sinabi nito.           “Naalala mo ang sinabi ko sa iyo noo?” tanong ni Hadiyaah dito. “Darating ang araw at luluhod ka sa harapan ko at ito na ang mga araw na iyon. Hayaan mong ako mismo ang magpataw sa iyo ng parusa para sa mga kaluluwang pinatay at namatay ng dahil sa iyo.”           “Wala kang karapatan gawin iyon, makasalanang nilalang.” ani ni Cassiel dito.           Inis naman na binalingan ni Hadiyaah si Cassiel. Hindi siya interesado sa anghel na ito. Tanging si Valsen lamang ang nais niyang makalaban ngunit ang anghel na ito ay nakikisingit sa usapan nila.           “May sarili kang kalaban, anghel,” ani ni Hadiyaah dito. “Kung ako sa iyo ay hindi mo dapat tinatanggal ang tingin mo sa kalaban mo.”           Muli sanang titingin si Cassiel kay Lilith ngunit nakalapit na ito sa kanya ay malakas na siyang hinampas na nagdulot upang mapatumba siya sa lupa.           “Cassiel!” tawag ni Clark dito at lalapitan niya sana ngunit isang mabilis na palaso na nanggaling kay Hadiyaah ang humarang sa daan niya.           “Asmodeuz,” tawag ni Hadiyaah sa heneral. “Bakit hindi mo puntahan ang anghel na iyon at hayaan mo na sa akin ang isang ito. Mas magiging maganda ang laban ko kung si Valsen ang magiging katunggali ko.”           “Huwag mo akong utusan,” madiin na sabi ni Asmodeuz. “Kung gusto mo ay ikaw ang lumaban doon.”           Binigyan naman ng matatalim na tingin ni Hadiyaah si Asmodeuz. Nagsukatan naman sila ng tingin ngunit sa huli ay lumakad rin paalis si Asmodeuz.           “Magpasalamat ka anghel dahil dumating si Hadiyaah,” ani ni Asmodeuz kay Valsen. “Dahil kung hindi ay kanina pa pugot ang ulo mo.”           Naglakad na paalis doon si Asmodeuz at tinungo ang kinalalagyan ni Clark.           “Anghel,” tawag ni Asmodeuz kay Clark na ngayon ay katatapos lang suntukin ang hawak hawak na demonyo. “Tama na ang paglalaro at ako na ang harapin mo.”           Tinignan naman ni Clark si Asmodeuz at maging si Asmodeuz ay tinignan rin siya ng mariin. Alam nila sa isa’t isa na hindi pangkaraniwan ang lakas ng kanilang kalaban.           Napangisi naman si Asmodeuz habang si Clark ay nakatingin lang sa kanya at hinihintay siyang sumugod.           Sa kabilang banda naman ay muling nagkatama ang tingin ni Hadiyaah at Valsen.                Napahawak si Valsen sa kanyang dibdib dahil malakas na tumibok ang kanyang puso. Binaba niya rin ito agad.           Naglaho naman ang hawak ni Hadiyaah na pana na parang naging abo sa hangin matapos ay kinuha niya ang maliliit na kutsilyo sa kanyang bandang hita.           Tinignan naman ni Valsen ang mga kutsilyong ito at ito pa rin ang mga kutsilyong gamit ni Hadiyaah noong mortal pa lamang ito.           “Tignan natin kung tunay nga ang sinasabi nila,” ani ni Hadiyaah kay Valsen. “Kung mas nahihigitan ng isang estudyante ang kanyang guro.”           Matapos ay mabilis na tumakbo patungo kay Valsen si Hadiyaah upang sugurin ito.           Agad naman na nagpalabas ng matatataas, maninipis at matatalim na kristal mula lupa si Valsen. Mabilis lamang iyon hiniwa ng kutsilyo ni Hadiyaah at mabilis rin siyang nakalapit kay Valsen.           Habang tinitignan naman ni Valsen si Hadiyaah ay nakikita niya rito ang dating itsura nito na maamo hindi tulad ngayon na mataray na at matalim ang mga binibigay na tingin.           Sinalo ni Valsen ang kamay ni Hadiyaah na may hawak na kutsilyo at tutungo sa kanya.           Isang patibong lamang ito dahil gamit ang isang kamay ay itinutok ni Hadiyaah ang kutsilyo sa tiyan ni Valsen at akmang sasaksakin niya ang binata noong mahawakan rin siya nito sa isang kamay.           “Mas magaling kang humawak ng palaso kaysa kutsilyo,” ani ni Valsen sa kanya.           Ngumisi naman si Hadiiyah at mabilis na tinuhod paitaas si Valsen at umikot siya sa ere saka sinipa muli ang binata sa mukha.           “Yun ang akala mo,” ani ni Hadiyaah at ibinuka ang pakpak at bumalik sa kinatatayuan niya kanina.           “Sumuko ka na, Hadiyaah,” ani ni Valsen sa babae. “Isang makasalanang gawain ang ginagawa mo.”           “Isa akong royal,” ani ni Hadiyaah dito. “At alam mo ba kung bakit? Alamin mo!”           “Kung hindi ka susuko ay mapipilitang akong saktan ka,” ani ni Valsen.           Mas lalo namang lumawak ang ngiti ni Hadiyaah.           “Nakalimutan mo ata na hindi ito ang unang beses na ginawa mo ito,” ani ni Hadiyaah at nawala na ang ngiti sa mukha. “Maghanda ka, Valsen, dahil mamamatay kayong lahat dito.”           Itinaas ni Hadiyaah ang kanyang isang kamay at mula roon ay lumabas na muli ang kanyang pana.           Matalim ang mga tingin ni Hadiyaah na ibinibigay kay Valsen.           “Alam mo naman siguro na hindi lumilihis ang palaso ko,” ani ni Hadiyaah. “Humanda ka.”           Hinatak ni hadiyaah ag lubid at mula roon ay lumabas na ang palaso. Malakas niya itong hinatak sa puntong sagad na ito matapos ay pinakawalan niya ang tira. Mabilis na tinahak nito si Valsen ngunit tumama ito sa pananggalang ni Valsen.           “Balewala kahit diretso ang iyong palaso, Hadiyaah,” ani ni Valsen. “Kung mayroon sasangga nito.”           Kumuha si Hadiyaah ng tatlong kutsilyo mula sa kanyang hita at malakas na iniistsa ito sa ere at mabilis na hinatak ang lubid ng pana. Tatlong palaso ang lumabas roon at itinutok niya ito sa itaas saka pinana ang talong kutsilyo na pahulog na ngayon.           Agad na gumawa si Valsen ng pananggalang sa itaas ngunit napakunot siya noong dalawang kutsilyo lang ang dumiretso sa kanya.           “Ahh,” inda ni Cassiel noong tamaan siya sa pakpak ng mabilis na kutsilyo.           Hindi niya napansin ito dahil abala siya sa paghabol kay Lilith na kanina pa lumilipa sa ere. Agad niyang iwinagwag ang kanyang pakpak upang tanggalin ito.           Bumagsak naman ang kutsilyo sa lupa at dahil malalim ang pagkakabaon nito sa pakpak niya ay kasunod noon ang pagtagas ng kanyang dugo.           “Mukhang hindi lang ikaw ang may paborito sa akin,” ani ni Cassiel kay Lilith. “Maging ang mga maliliit niyong talim.”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD