Third Person Point of View
Napaitsa siya sa likuran na pader at napahampas dito saka bumagsak sa lupa. Nagulat na lamang si Cassiel noong may nag – angat ng kanyang mukha.
Si Lilith iyon na mas mabilis pa sa kidlat ang pagkakalapit kay Cassiel. Hawak nito ang isang kunai at mabilis na isinaksak sa kabilang balikat ni Cassiel.
“Aahhh!” inda ni Cassiel noong bumaon ang kunai sa kanyang balikat.
“Sa akin na ang iyong espiritu,” ani ni Cassiel at inilabas ang isa pang kunai upang hiwain ang leeg ni Cassiel.
Malakas naman na biglang napatalsik si Lilith noong isang malakas na kamao angsumuntok sa kanyang mukha. Napatilapon siya ng kamaong iyon ng ilang hakbang mula sa kinalalagyan.
Kunot ang noon a pinunasan ni Lilith ang gilid ng labi. Tinignan niya ang kamay na ipinangpunas at nakita niya ang kanyang dugo na nabbalutan ng itim na enerhiya.
Napangisi siya ng inis at tinignan ang taong gumawa noon. Si Clark na ngayon ay tinutulungan makatayo si Cassiel.
Inikot ikot naman ni Lilith ng kaonti ang kanyang panga na sa lakas ng pagkakasuntok sa kanya ay nadislocate ang buto niya rito.
“At kung sinuswerte ka nga naman,” ani ni Lilith habang matalim ang tingin sa dalawang anghel. Pagkain na ay naging bato pa! Pakielamero!”
“Ayos ka lang ba?” tanong ni Clark kay Cassiel habang nakatingin sa dalawang sugat nito sa balikat.
“Wala ito,” ani n Cassiel habang tinatakpan ang sugat sa kanang balikat dahil nakahawak naman ng latigo ang kanyang kanang kamay.
“Mga walang silbi!” sigaw niya sa mga alagad niyang demonyo. “Sa dami niyong iyan ay hindi niyo pa mapatumba ang isang anghel na ito?!”
Napaatras naman ang mga demonyo sa pagsigaw ni Lilith sa mga ito.
“Ano pang ginagawa niyo?!” madiin na tanong niya. “Huwag na kayong tumunganga at sugurin niyo sila!”
Agad namang nagsisuguran ang mga tipon ng mga demonyo kila Clark.
Napatingin nama si Lilith sa kanyang bangs na humarang sa kanyang mukha. Napahawak siya sa kanyang ulo at wala na roon ang suot – suot palagi na aguhilya.
“Tsk,” inis na bumaling si Lilith sa likuran niya upang hanapin ang aguhilyang natanggal sa kanyang ulo.
Mula sa di kalayuan ay nakita niya ang kumikinang na aguhilya. Lumapit siya rito at kinuha ito. Mahaba ito at may disensyong mga diyamante na kulay asul.
Ikinulong niya sa palad ang aguhilya noong mapansin na nasira ito at natanggalan ng isang diyamante. Huminga siya ng malalim at pagkatapos ay hinawi ang bangs na nakaharang sa mukha at dahan dahang ikinabit muli sa ulo ang aguhilya.
Napapikit siya noong maalala ang nakaraan.
Saglit na ipinakita sa kanyang memorya kung paano ito isuot ng pinakamamahal niya sa kanyang buhok.
Agad rin niyang idinilat ang mga mata upang iwanan ng panandalian ang mga ala – alang ito. Matapos ay bumaling siya sa kinalalagyan ng dalawang anghel na ngayon ay okupadong nakikipaglaban sa mga alagad niyangd demonyo.
“Humanda kayo!” madiin na sabi ni Lilith at mabilis na tinahak ang kinalalagyan nila Clark at Cassiel.
Agad naman na humarang si Clark sa dadaanan ni Lilith.
“Ako ang kalabanin mo!” ani ni Clark ngunit nagpadulas lamang si Lilith sa gitna ng kanyang paa upang pumunta kay Cassiel.
Tumingin si Clark sa pinaparoonan n Lilith upang habulin siya pabalik ngunit hinarangan na siya ng mga demonyo.
“Hindi pa ba kayo nagsasawa sa akin?” tanong ni Clark habang inaaninag ang kinalalagyan nila Cassiel ngunit hindi na niya makita ito dahil maging sa ere ay may mga nakaharang na demonyo ang patungo sa kanya. “Sige, kung gusto niyo rin magpatagilid ng mukha gaya ng iba ay lubos kong tinatanggap ang inyong paanyaya.
Matapos ay sunod sunod niya pa ulit sinuntok ang mga demonyong papalapit sa kanya. Hindi lang basta basta ang kanyang pagsuntok. Sinisigurado niya na durog ang mga bungo nito kapag tinamaan niya ng kamao.
Habang sa kabilang banda naman ay tahimik na pinagmamasdan ng isang babae sa sulok si Valsen ng mabuti. Ang mga mata ng babae ay may sinasabi habang titig na titig sa binata.
“Paborito mo ba ako?” tanong ni Cassiel habang nakatingin sa babaeng ngayon ay nakatingin na rin sa kanya at malawak ang ngisi. “Hindi mo talaga ako gustong pakawalan.”
“Hinding – hindi,” ani ni Lilith. “Sisiguraduhin kong papatayin kita! Dagdagan natin ang mga sugat mo.”
“Huli mo na iyon,” ani ni Cassiel sa kanya. “Kung gusto mo akong sugatan ay managinip ka.”
“Gaya ng ginagawa mo?” tanong ni Lilith sa dalaga.
Napakunot naman ang noo ni Cassiel sa sinabi ng demonyong kalaban.
Hindi niya alam ang tinutukoy nito.
“Bakit ako mananaginip kung kaya ko naman gawin sa iyo,” ani ni Cassiel. “Gaya kanina ay babalutin kita ng aking latigo at tikman ang pinakamasakit na kamatayan.”
“Hindi iyon ang tinutukoy ko,” ani ni Lilith. “Pero, anong sinabi mo? Pinakamasakit? Huwag mo akong patawanin. Matagal ko ng pinagdaanan ang sakit na tinutukoy mo anghel. Matagal na ang panahon na nakalipas.”
“Ikaw na ang nagsabi,” ani ni Cassiel dito. “Matagal na iyon kaya hayaan mong iparamdam ko uli ang sakit ng realidad at kapalit ng mga nagawa mong kasalanan.”
Napatawa si Lilith.
“Anghel,” tawag niya sa kaharap na anghel. “Kahit milyong taon pa ang lumipas ay hindi ko malilimutan ang sakit na iyon. Imposibleng makalimutan mo iyon. Makakalimutan man ito ng iyong isipan ay patuloy na iiyak ang iyong puso gaya na lamang ng pag iyak ng puso mo sa tuwing naaalala mo sila.”
Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Cassiel sa mga narinig na salita na nanggaling sa demonyong kalaban.
“Anong ibig mong ipahiwatig,” ani ni Cassiel. “Wala kang karapatan panghimasukan ang aking nakaraan, demonyo. Isang kasalanan ang ginagawa mong panghihimasok sa buhay ko!”
Madiin ang bawat salita na lumabas sa bibig ni Cassiel.
“Alam mo,” ani ni Lilith at pinaikot ang kunai sa kanyang palad. “Ang mata ng tao ay parang isang malaking salamin. Nababasa mo rito ang lahat sa kanya, maging ang kaibudturan ng kanyang puso.
Mahigpit na hinawakan ni Cassiel ang kanyang latigo. Hindi siya makagalaw at sunod sunod na pumasok sa kanyang ala – ala ang mga bagay na matagal ng nangyari.
“Prinsesa,” tawag sa kanya ng kanilang heneral. “Nakaayos na ang lahat. Ang senyas mo na lamang ang aming hinihintay.”
Huminga si Cassiel ng malalim at lumabas pa ang usok nito sa bibig, tanda lamang na malamig ang klima sa kinaroroonan nila.
Tumayo siya mula sa kanyang kinalalagyan at napatingin sa batang nakahiga sa isang maliit na duyan.
Malungkot niyang tinignan ang batang kulay ube ang labi at kulay bangkay na ang balat. Nangangahulugan lamang na patay na matagal na itong patay.
Pinunasan ni Cassiel ang tumulong bula sa bibig ng bata gamit ang kanyang paboritong panyo na gawa sa pinakamalambot na tela.
“Ngunit prinsesa,” sabi ng heneral habang nakatangin sa labas ng lona. “Malapit na ang tag – araw. Maaaring bumitaw na ang yelo sa ilog lalo na at hindi biro ang timbang ng ating hukbo. Alalahanin mo rin ang bilin sa iyo ng iyong inang reyna.”
Ngunit kahit subukan mang hikayatin ng heneral si prinsesa Cassiel na huwag ng tumuloy sa laban ay buo na ang desisyon nito at malabo pa sa pagputi ng uwak ang magbago pa ang isip ng prinsesa.
“Hindi tayo naglakbay ng kay’ tagal patungo rito upang sa bandang huli ay sumuko at bumalik sa pinanggalingan natin,” ani ni Cassiel habang ang mga mata ay nakatingin lang sa bata.
Kumunot ang mga noo ni Lilith habang pinagmamasdan ang mukha ni Cassiel na ngayon ay nagbabalik sa nakaraan. Hindi niya masyadong makita ang ibang detalye sa puso nito at hindi niya maabot ng husto ang pinakagitnang nilalaman ng puso ng babae. Ang tanging nakikita niya lamang ay ang isang suson nito kung saan puno ito ng pagsisisi habnag pinagmamasdan ang mga nagagapi niyang mga hukbo at ang pagkahulog ng mga ito sa ilalim ng ilog.
“Malakas lamang ang kutob ko, prinsesa,” ani ng heneral kay Cassiel habang pinagmamasdan ang madulas na yelo sa ibabaw ng ilog. “Mauubos tayo kapag nagkamali ka ng desisyon.”
“Heneral!” madiin na sabi ni Cassiel sa kanya. “Huwag mo ng subukan pa na magsalita patungkol sa pag atras natin dahil kung hindi ay baka sa iyo pa unang tumama ang aking espada. Ang pagsuway sa aking utos ay nangangahulugan lamang ng pagtataksil at kahit ikaw pa ang aking heneral ay ituturing kitang kaayaw.”
Hindi na nagsalita pa ang heneral pagka’t sumuko na siya sa paghimok sa prinsesa na umatras. Alam na niya na sa mga sandaling ito ay hindi na ito magpapapigil pa.
“Ngunit anong gagawin natin sa prinsipe?” tanonng ng heneral na ngayon ay nakatingin na rin sa batang na sa may duyan. “Hindi niyo ba siya ililibing o susunugin ang bangkay upang ibudbod ang kanyang abo sa hangin o sa karagatan. Kung gusto niyo ay sasakay ako ng kabayo at dadalhin ko siya sa bundok upang doon ay isaboy sa tuktok ang kanyang mga abo. Sa ganoong paraan ay lilipad siya ng mataas at makakalaya sa malupit na mundong ito."
“Hindi,” ani ni Cassiel at binuhat ang bata sa duyan saka ikinalong. “Hindi natin siya susunugin o ililibing. Pagkatapos ng digmaang ito ay iiwanan natin siya sa bundok ng timog at hahayaan natin ang kanyang katawan na pansamantalang manatili roon.”
Napaisip naman ang heneral sa sinabi ng prinsesa sa kanya. “Malamig ang klima sa bundok na iyon. Tiyak na maprepreserba ang katawan ng prinsipe. Ngunit sa anong dahilan at gusto mo siyang iwanan doon mahal na prinsesa? Kung iiwanan mo siya roon ay makukulong lamang ang kanyang kaluluwa sa mundong ito. Kailangan niya ng maayos na libing.”
“Hindi ko siya iiwan doon upang lapastanganin lamang ang kanyang katawan,” madiin na sabi ni Cassiel. “Alam mo ba ang paniniwala noong sinaunang panahon patungkol sa mga Valeeryan?”
“Mga Valeeryan?” kunot ang noong tanong ng heneral sa prinsesa at sandaling napaisip. “Naiintindihan ko ang iyong sinasabi, ngunit matagal na panahon na iyon, mahal na prinsesa. Ilang libong taon na ang nakakalipas. Ang kwentong iyon ay mananatiling kwento na lamang at hindi natin alam kung tunay nga ba ang sinasabi nila patungkol sa mga Valeeryan. Maaaring isa lamang haka haka ito o maaaring totoo nga ngunit hindi ba at may mga kapangyarihan rin sila na ngayon ay wala na. Maaring ang prosesong iyon ay hindi na tumalab sa kasalukuyan.
“Naniniwala ako,” ani ni Cassiel dito. “Hangang nabubuhay ang kanilang kwento ay naniniwala ako. Maniniwala ako.”
Malungkot na tinignan ni Cassiel ang bata habang hinahaplos ang malamig na pisngi nito.
Ibinaba na niya uli sa duyan ang prinsipe at kinuha ang ginintuang kupya sa may lamesa.
“Ihanda mo na ang hukbo pagka’t magsisimula na tayo.”
Napahinga ng malalalim ang heneral ngunit bandang huli ay lumabas dinito sa lona upang sundin ang utos ng prinsesa.