XXI

1002 Words
Third Person Point of View                 Napaismid si Calirop noong makita si David na nasa may loob na rin ng bahay.                 “Mahal ko,” ani ni Calirop. “Batid kong nais mong pugatan ng mga ulo ang mga anghel na ito, ngunit kung ating susumahin ay sisirain lamang tayo ng malaki ng laban na ito. Mapapatay mo ang iba ngunit hindi lahat sila. Mauubos kayo at sila ang magiging matagumpay sa huli kapag nangyari iyon.”                 Hindi nais ni Asmodeuz na pangunahan siya sa mga desisyon ngunit alam niyang tama si Calirop sa mga sinabi nito. Napatitig si Asmodeuz kay Alejandra. Ito ang nakikita niyang pinakamalakas sa lahat maliban na lamang kung makakalaban niya pa ang ibang kasama nito ay baka biglang magbago ang isip niya. Isa pa ay alam niyang matagal na si Alejandra sa pakikidigma. Noon pa man ay naririnig na niya ang pangalan nito sa labanan kaya naman alam niya ring hind ito basta basta matatalo.                 Kakaiba rin ang aking kakayahan ng babae, kaya alam niyang mahihirapan sila sa pakikipaglaban.                 “Kung ganoon ay hanggang sa muli,” ani ni Asmodeuz at humawak naman sa kanya si Calirop sa balikat. “Sa susunod na pagkikita natin ay sisisguraduhin kong matatapos ang ating laban.                 Sa isang iglap ay naglaho sila Asmodeuz kasama si Calirop na parang isang itim na usok.                 Alam na rin nito nila Lilith at Hadiyaah na hudyat na kailangan nilang umatras. Tinapunan una ni Lilith ng tingin si Cassiel bago naglaho sa lugar na iyon habang si Hadiyaah ay naglaho na rin habang nakatingin kay Valsen. Sinubukan siyang pigilan maakalis ni Valsen sa lugar na iyon ngunit usok na lamang ang timaan ng kanyang kamay.                 “Nawala sila!” ani ni Cassiel at luminga linga sa paligid.                 Napasipa naman si Valsen sa sahig dahil isa lang ang ibig sabihin nito. Nabigo silang mahuli ang kahit isa sa mga miyembro ng royal.                 Kunot naman ang noo ni Alejandra habang inoobserbahan ang paligid. Hindi siya kampante habang may nararamdaman siyang mabigat at madilim na enerhiya.                 “Wala na sila,” ani ni Alejandra. “Sarado ang portal sa bahay na ito kaya malamang na lumipat sila ng lugar na pagkukutaan.”                 Napadiin si Valsen sa hawak niyang kristal.                 “Hahanapin ba natin sila?” tanong ni Clark sa mga kasama.                 “Hindi na,” malamig na sabi ni Valsen. “Magsasayang lang tayo ng oras kung gagawin natin iyon dahil imposibleng matunton pa natin sila.”                 “Ngunit paano ang sinabi ni Helena?” tanong ni Erapel sa mga kasama. “Sinabi nito na dapat ay gawin natin ang lahat para makapag – uwi ng demonyo sa ating kuta.”                 “Wala na tayong magagawa pa roon,” ani ni Alejandra. “Kailangan nating maghintay muli ng pagkakataon. Babalik na tayo sa ating kuta.”                 Sakto naman na nakabalik na sila Peter at Filomena.                 “Nasaan ang mga kalaban?” tanong ni Filomena kila Alejandra. Napaikot naman ng tingin si Peter sa may bahay.                 “Wala na sila,” ani ni Cassiel. “Nakatakas sila sa atin. Panandalian silang umatras dahil may kutob silang hindi nila kakayanin an gating pwersa.”                 Lumapit naman si Delevin kay Clark.                 “Ayos ka lang ba?” tanong ni Delevin dito. Nag – aalala si Delevin sa lalaki at batid iyon sa tono ng kanyang boses at sa emosyon sa kanyang mukha.                 Imbes naman na sumagot ay sinipat ni Clark ang mukha ni Delevin at hinawakan ito. Tinignan niya kung may tama roon ang dalaga. Nakahinga siya ng maluwag ng makitang walang sugat sa pisngi nito.                 “Wala ka bang nararamdaman na masama?” tanong ni Clark dito. “Maaaring may lason ang kunai ng demonyong iyon.”                 Bigla naman napatingin si Cassiel sa kanila. Umiling iling namna si Delevin dito tanda lamang na wala siyang nararamdaman na kakaiba.                 “Wala naman,” ani ni Erapel. “Wala akong nakitang lason sa kunai ng demonyong kalaban niyo.                 Napabitaw naman bigla si Clark mula sa pagkakahawak sa mukha ni Delevin noong makitang nakatitig sa kanya ang dalaga at agad na bumaling kay Cassiel.                 “Bakit?” tanong ni Clark dahil nakatingin sa kanila si Cassiel. “Ah! Ayos ka lang ba? Ikaw ang pinakanapuruhan sa laban natin ngayon.”                 Napahawak naman si Cassiel sa kanyang balikat.                 Lumapit naman si Aejandra sa kanila.                 “Bumalik na tayo sa ating kuta,” ani ni Alejandra sa mga kasama. “Hindi makakabuting manatili pa tayo rito ng mas matagal pagka’t maaari nila tayong balikan kasama ng kanilang mga hukbo.”                 Sumang ayon naman ang iba sa kanila at bumalik na sila sa kanilang kuta. Muli nilang itinago ang mga nakalabas na pakpak sa kanilang likod at nagdamit ng normal.              Mga bigo silang umuwi ngayon ngunit wala silang magagawa roon. Hindi nila hawak ang kapalaran. Mga anghel lang sila. Mga anghel na mandrigma. Ang kaya lang nilang gawin ay makipaglaban sa mga demonyo at ipagtanggol ang sanlibutan.             Nakasalubong nila si Aticus na nakikinig pa ng musika sa malaking pang - ulong hatinig. Noong makita sila ay tinanggal nito ang pang - ulong hatinig sa tainga.             Tinignan nito ang likuran ng mga anghel at sinilip kung mayroon itong dalang demonyo ngunit bigo siyang may makita.             Napansin niya rin ang mga mukha ng supremo na walang bahid ng kasiyahan. Namumukod tangi ang magaan na presensya ng kanilang taga gamot na si Erapel.             "Ayos lang iyan," ani ni Aticus sa kanila. "Marami pang pagkakataon. Ang dami niyo pang nakapilang mga misyon at mga pagkakataon niyo iyon upang mahuli sila."             Hindi naman pinansin ni Valsen ito at nagtuloy tuloy na lamang. Nanghihinayang siya sa pagkakataon na iyon dahil tatlong heneral na ang nakaharap nila ngunit wala pa silang nahuli.             Ngumiti naman si Erapel at Alejandra kay Aticus.             "Salamat, Aticus." ani ni Alejandra. "Tama ka nga riyan."               Bahagya namang yumuko si Aticus na ang ibig sabihin lamang ay walang anuman. Tumuloy na ang mga supremo sa paglalakad.             Pinanood naman ni Aticus ang kanilang mga likod habang naglalakad papasok ng kanilang kuta.             
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD