Third Person Point of View
Napatingin ang lahat sa may pintuan noong mabilis na bumukas ito at iniluwa ang isang binata at isang dalaga na tila nag – aargumento.
Kasunod nila ay ang iba pang mga miyembro ng mandirigma ng kalangitan.
"Maaari bang lumayo ka sa akin, binibini?" ani ni Clark sa dalagang si Delevin na kanina pa siya kinukulit. “Hindi ako komportable sa sitwasyong ganito.”
Napabitaw naman si Delevin sa pagkakapit sa braso ng binata. Biglang nawala ang ngiti nito sa mga mata dahil sa narinig na mga salita.
"Ipagpaumanhin mo,” Paghingi ng pasensya ng dalaga. “Sadyang nasasabik lamang ako sa tuwing ikaw ay nakikita. Hindi ko mapigilan ang sarili kong lumapit sa iyo.”
Nagkaroon naman ng kaonting pagkagulat si Clark noong marinig ang mga katagang iyon ngunit hindi niya ipinahalata sa dalaga ngunit napansin iyon ni Alejandra na ngayon ay humihigop na ng kapeng binigay sa kanya ni David kanina.
Nauna ng naglakad si Clark sa dalaga. Nilampasan niya na ito upang magkalayo sila.
Naglakad naman nantg bahagya pagilid si Delevin na tila napahiya sa nangyari.
"Mga anghel sa lupa," sabi ni Filomena na nasa pinakalikod na papasok rin ng silid. “Aba’y dalian niyong maglakad dahil papasok rin ako.”
Sunod sunod naman ng nakapasok ang ibang miyembro pa ng mandirigma ng kalangitan. Kasunod nila si Helena na gaya ng dati ay walang ekspresyon kang makikita sa kanyang mukha.
Si Helena.
“Mga mandirigmang anghel ng kalangitan,” tawag ni Helena sa atensyon ng lahat. “Maghanda kayo mamayang gabi. Isa sa mga pinagkukuhanan natin ng impormasyon ang nagpadala sa atin ng balita. Ibinigay niya sa amin ang isang lokasyon kung saan sinasabi nilang pinagpupugaran ng mga demonyo ngayon at hindi lamang iyon, ay kasama silang heneral.”
“Heneral?” tanong ni Valsen kay Helena. “Sinong heneral ang tinutukoy niyo upang mapaghandaan naming mabuti.”
“Malalaman mo kapag pumunta kayo roon,” sagot ni Helena sa binata. “Ngayon, ang misyon niyo at patayin ang lahat ng demonyong naroon pwera lamang sa heneral. Huhuliin niyo siya at dadalhin sa ating kuta. Gawin niyo ang lahat upang mahuli siya. Ipapadala ko kayo lahat roon upang makasigurado. Naiiintidihan niyo ba?”
“Copy!” Sabay – sabay na sagot nilang lahat.
"You’ll bring the general here no matter what it takes," madiin na sabi ni Hela sa mga mandirigmang anghel. “Am I clear?!”
"Yes, general!" sabay – sabay uling sagot ng mga mandirigmang anghel.
"Good!” madiin na sabi uli ni Helena. “Si Alejandra at Valsen ang mamumuno ngayon. Patunayan niyo na karapat dapat kayong maging lider.”
“Masusunod,” sabay na sabi ni Valsen at Alejandra.
“Good!” sabi uli ni Helena. “Make sure to be well prepared and don’t do any mistakes! You are all train for this!”
“Yes, general!” malakas na sambit nila.
Matapos ipaliwanag ang kanilang misyon ay lumabas na si Helena ng kwarto upang asikasuhin ang iba pang trabaho. Hindi madali ang kanyang posisyon at tambak pa ang kanyang mga gawain.
“Isang heneral ang makakaharap natin mamaya,” ani ni Aciera sa mga kasama. “Isang demonyong mataas ang posisyon na hindi natin mahanap hanap ngunit nakuha nila ang lokasyon. Kamangha - mangha talaga maghanap ng mga demonyo ang grupo ni Aeitus”
Si Aciera ang anghel na kanyang kumontrol ng mga bagay kahit hindi niya ito nahahawakan. Gamit lamang ang sinulid na napapaligiran ng kanyang enerhiya mula sa taas.
"Tama lamang iyon para sa pangalan niya,” wika ni Peter at ngumiti. “Isa pa iyon naman talaga ang trabaho ng kanilang grupo – ang humanap ng mga demonyong nakaakyat na sa lupa.”
Si Peter – ang anghel na mahilig gumawa ng yelo. Maging ang armas at kapangyarihan na kanyang ginagamit sa labanan ay yelo.
Kung meron mang Jollibee sa lupa ay meron rin sa kalangitan at silang dalawa iyon. Nagsusukatan sila ng galing at talino.
"Si!" (Yes!) sagot ni Aciera sa wikang espanyol. “Tienes razon.” (You are right!)
Tumaas naman ng kaonti ang labi ng binata sa sagot na nakuha. Hindi siya magpapatalo. Isa siyang magaling na anghel.
“E’to,” (You know) sagot naman ni Peter sa kanya na ginagaya pa ang mga boses ng isang hapones . “Watashiwa kashikoi tenshidesu. Watashi was subete o shitte imasu.” (I am an intelligent angel. I know everything.)
Ngayon ay si Aciera naman bahagyang napangisi na tila hindi makapaniwala. Napataas din ang kilay niya.
“Peter ssi,” (Mr. Peter) sagot ni Aciera sa wikang hangul. “Modeun geos eul aneun salam eun amugeosdo moleunda. Molla? Da andago saeng gag haess eo” (He who knows everything knows nothing. You don’t know? I thought you know everything.)
“Tum sirph isalie kah rahe ho kyonki tum moorkh ho” (You are just saying that because you are a fool.) sabi ni Peter sa lengwahe ng mga hindu.
“Seria?” mapanghamon na sabi ni Aciera sa wikang Portuguese. “Então, por que não fazemos um ao outro uma pergunta que achamos que o outro não pode responder?” (Then why don't we ask each other a question that we think the other can't answer?)
“Sige,” sagot ni Peter na bumalik na sa wikang tagalong. “Ako ang unang magtatanong.”
“Deal!” confident na payag ni Aciera.
Napailing naman si Filomena sa dalawa.
“Mabuti at hindi pa lumalagpas sa linya ang dalawang ito,” mahinang sabi ni Filomena.
“Hindi pa,” sabi ni Dail. “Sa ngayon.”
“Buong pangalan ni Rizal?” tanong ni Peter sa binata.
“Sinong Rizal?” tanong ni Aciera. “Napakadaming Rizal sa mundo!”
“Si Dr. Jose Rizal!” sagot naman ni Peter sa dalaga.
“Ilang doctor sa mundo ang may pangalan ni Rizal,” ani ni Aciera. “Huwag mo akong dayain, mokong!”
“Yung bayani ng pilipinas,” sabi naman ni Peter. “Andami ko ng clue na binigay.”
Napatawa naman ng sarkastiko si Aciera sa sinabi ni Peter.
“Clue?” sarkastikong tanong ni Aciera. “Hindi naman maayos ang tanong mo. Masyadong malawak. Ano ba ako? Anghel ako hindi babaylan.”
“Dami pang sinasabi,” ani ni Peter. “Hindi mo siguro alam ang sagot kaya pinapahaba mo pa.”
“Napakadali!” sabi ni Aciera. “Jose Protacio Rizal Mercaso y Alonso Realonda! Kailan siya ipinanganak?”
“Ikalabinsiyam ng hunyo taong isang libo’t walong daan at siyam na pu’t anim!” sagot naman ni Peter dito. “Anong nangyari sa mga bata?”
Napatigil si Aciera sa tanong ni Peter sa kanya. Tila ang isang bagay na unti unti na niyang nakakalimutan ay tumarak muli sa kanyang isipan at bumaon ng higit pa dahil lamang sa ilang mga salitang tinanong sa kanya.
Ngumisi naman si Peter sa dalaga. Alam niya na hindi nito masasagot ang tanong.
Hindi agad nakasalita si Aciera at pinutol ang tingin kay Peter.
“Ang lakas ng loob mong tanungin sa akin iyan,” mahinang sabi ni Aciera. “Baka mamaya ay mapababa ka sa impyerno.”
“Bababa agad?” tanong ni Peter. “Tinanong ko lamang ang bagay na hindi mo kayang sagutin. Panalo ako sa larong ito.”
“Sino nang – iwan sa iyo?” tanong ni Aciera pabalik kay Peter. Nanlaki bigla ang mga mata ni Peter sa tanong ni Aciera. Hindi niya akalaing kayang tanungin ng dalaga sa kanya iyon gayong takot ito na lumagpas sa linya. “Bakit hinayaan ka lamang?”
“Hindi ka na dapat nagtatanong,” sagot ni Peter. “Hindi mo nasagot ang tanong ko kaya wala kang karapatan gumawa ng bago.”
Naglabas naman si Aciera ng mga sinulat sa kamay at pinaligiran nito ang kinalalagyan ni Peter.
Nagsimula namang lumamig ang paligid hatid ng paboritong kapangyarihan ni Peter.
“Bakit hindi tayo magsanay ngayon?” tanong ni Aciera kay Peter. “Mukhang ito ang pinakamagandang oras upang gawin iyon.”
Inilingon lingon naman ni Peter ang kanyang leeg na tila nagwawarm up na sa magaganap na pagsasanay.
"Masyado ka namang seryoso, Aciera” sabi ni Peter sa dalaga at tinakpan ng ngiti ang sakit na dulot ng mga ala ala. “Pero kung iyan ang gusto mo ay pagbibiyan kita.”
“May mga bagay na hindi na dapat tinatanong, Peter,” sabi ni Aciera sa lalaki. “Hayaan mong turuan ka ng sinulid ko ng leksyon. Tutal ay madami ka pang hindi alam.”
Agad namang ikinumpas ni Aciera ang sinulid patungo kay Peter ngunit agad rin itong sinangga ni Peter ng yelo at hinarangan ang sarili upang hindi madaplisan ng sinulid ng kalabang babae.
"Oh, baka mamaya naman niyan magkatuluyan kayong dalawa " nakakalokong sabi ni fuji sa dalawa habang nakatingin sa nagkakainitang dalawang anghel. “Paalala lang mga ka anghel. Diyan rin nag umpisa ang love story ng aking lolo’t lola tapos namatay.”
Si Fuji. Ang anghel na nagtatago sa hangin.
“Maaaring tumahimik ka ginoo,” baling sa kanya ni Aciera. “O baka sa iyo tumama itong mga sinulid ko.”
Ngunit iyon ang naging pagkakamali ng dalaga. Ang alisin ang tingin sa kalaban niya. Pagbaling ni Aciera kay Peter ay matutulis na yelo na ang nasa tapat ng mata niya. Patama na ito sa mata niya at hindi na niya kayang pigilan.
Sa sulok ay nakaupo si Valsen at pumitik. Bago pa tumama ang mga matutulis na yelo sa mata ni Aciera ay nabasag na ang mga ito na parang tumama sa isang matigas na bagay. Bahagyang bahagya lang ang pagitan.
“Itigil niyo na iyan,” ani ni Valsen sa boses na malaki at malalim. “Huwag niyong sayangin ang enerhiya niyo sa walang kwentang bagay.”
Si Valsen. Ang mandirigmang anghel na kayag gumawa ng panangga at kayang gawing sandata ang pananggang iyon.
“Si Aciera ang nagsimula,” maikling sabi ni Peter.
“Imbis na magpatayan kayo,” ani ni Valsen “Bakit hindi niyo ihanda ang sarili niyo sa magaganap na labanan mamaya. Masyado niyo atang minamaliit ang heneral ng mga demonyo. Paalala ko lang heneral ang makakalaban niyo at hindi siya tinagurian na heneral lang ng basta basta. Ibig sabihin ay may angking lakas siya. Gamitin niyo ang mga tapang na iyan mamaya. Nais kong makita.”
Tinignan naman ni Aciera si Peter. Nginitian naman siya ng binata.
“Mayroon pa lang anghel na makapal ang mukha,” ani ni Aciera. “Kay’ lakas ng loob mong ngitian ako.”
Matapos ay nilisan na ni Aciera nag silid.
“Mabuti na lang at hinarang mo Valsen kung hindi ay baka nabulag na si Aciera” nag aalalang wika ni Erapel. kay Valsen.
Si Erapel. Ang healer ng kanilang grupo. Kaya niyang pagalingin ang mga kasama maging ang sarili. Kaya niya ring ibigay ang buhay niya sa taong namatay na.
“Sa tingin mo ba ay bubulagin ko talaga si Aciera?” tanong ni Peter sa dalaga. “Sinusubok ko lamang ang galin niya.
Napailing na lang si Erapel at bumaling sa phone ko upang tignan ang impormasyon para sa misyon nila mamaya.
“Maghanda na kayo para mamaya,” utos ni Valsen at lumabas na rin ng silid.