XXII

1001 Words
                Tumungo sila sa kwarto kung saan sila madalas na nagpupulong pulong. Umupo sila sa mga paborito nilang pwesto.                 Ilang minuto lang ang lumipas ay narinig na nila ang takong ni Helena na nag eecho sa labas ng hallway. Sa tunog pa lamang ng takong. Bumukas ang pinto at iniluwa noon si Helena na walang emosyon ang mukha.                 Noong pumasok sila Helena ay pandaliang tumayo ang mga mandirigmang anghel upang magbigay galang sa kanilang Heneral. Itinaas naman ni Helena ang kanyang isang kamay upang paupuin nag mga ito.                 “Nabigo kayo,” malamig na sabi ni Helena sa kanyang mga supremo.                 “Ipagpaumanhin niyo,” ani ni Valsen. “Nakatakas sa amin ang mga demonyo at bigla na lamang silang naglaho sa itim na mga usok.”                 “Isa lamang ang ibig sabihin nito,” ani ni Helena sa kanyang mga supremo. “Mas malakas ang pwersa niyo kaysa sa kanila kaya sila ang umatras, ngunit, gayunpaman ay ikinalulungkot ko ang balitang  nabigo kayo sa misyon niyo ngayon. Iba ang inaasahan kong mangyayari ngunit taliwas pala roon ang kalalabasan. Sinong mga royal ang nakalaban niyo?”                 “Si Asmodeuz, Lilith, at Hadiyaah,” sagot naman ni Cassiel.                 “May isang nilalang ang kasama nila na hindi dapat naroroon,” dagdag naman ni Aciera. “Si Calirop ang prinsesa ng karagatan.”                 “At ano ang ginagawa ng prinsesa roon?” tanong ni Helena na kunot ang mga noo. “Nalaman niyo ba kung naroon ang prinsesa?”                 “Si Asmodeuz ang dahilan,” ani ni David. “Iniibig siya ng prinsesa ng karagatan kaya naman sumama ang prinsesa sa kanya. Bukod pa roon ay kasama siya sa mga kinalaban namin.”                 Bahagyang napatigil si Helena at nag – isip. Maya maya pa ay may mga posibleng mangyari na itong naiisip.                 “Kung na sa panig siya ni Asmodeuz ay hindi malabong sakupin rin nila ang karagatan,” ani ni Helena. “Hindi iyon maaaring mangyari kaya naman magtatalaga ako ng isa sa inyo upang magbantay kasama ng iba pang mga sirena sa dagat. KIlala ko si Asmodeuz at siguradong naiisip na niya ang mga bagay na iyon. Para sa isang nangingibig ay gagawin niya ang lahat makuha ang puso ng kanyang minamahal kaya naman sigurado tayong isang hingi lang ni Asmodeuz ay agad na sasang – ayon ang prinsesa.”                 “Si Lilith,” ani ni Helena. “Delikado ang mga kunai niyon. May katumbas na kamalasan ang bawat talim nito at kung sino man ang madilaan ng dugo ng kanyang kunai ay paniguradong makakaranas ito ng isang dagok sa buhay niya. Wala namang tinamaan ng kanyang mga talim sa inyo hindi ba?”                 Nagkatinginan naman si Cassiel at si Delevin.                 “Tinamaan si Delevin at Cassiel,” ani ni Alejandra. “Ngunit pinagaling na ito ni Erapel. Posible bang mangyari pa rin ang dagok na tinutukoy mo?”                 “Posibleng posible,” sagot ni Helena sa kanya. “Lalo na at nadampian ng dugo niyo ang kunai niya. Maaring mapigilan ang sumpang kamalasan na dala dala nito kung mapapatay ang may – ari ng kunai.”                     Mariin namang huminga is Cassiel at Delevin sa narinig. Ngayon ay may kamalasang nakadikit sa kanila at hindi nila alam kung ano iyon at kung kailan mangyayari.                 “Tuso ang mgta demonyo,” ani ni Helena. “Kung inaakala niyong iyon na lahat ng kakayahan nila ay nagkakamali kayo. Dahil sa likod ng maskara ay may isa pang maskara at hindi niyo alam kung ilang patong ang suot nila.”                 “Naalala ko,” ani ni Clark sa kanila. “nabanggit ni Lilith na kailangan nila si Alejandra panregalo sa kanilang hari na si Urdu.”                 Bumaling sa kanyang banda ang tingin ni Helena.                 “Panregalo?” tanong nito at bumaling naman kay Alejandra. “May alam ka ba dito, Alejandra.”                 Napaisip naman si Alejandra kung bakit sinabi iyon ni Lilith.                 “Maging ako ay nagulat sa balitang sinabi ni Clark,” ani ni Alejandra. “Sa ngayon ay wala akong alam kung bakit ninanais nilang kuhanin ako. Dati rati naman ay wala silang pakielam sa akin. Hindi ko alam na may balak pala sila sa akin na gawin akong alay kung hindi ito nabalit sa atin ni Clark.”                 “Kung ganoon ay alam ko na kung ano ang dahilan kung bakit hindi panagiging dugo ang buwan,” ani ni Helena. “At kung bakit hindi pa sila umaakyat rito sa lupa. Sa tingin ko ay may kailangan sila sa iyo, Alejandra at iyon ang iaatas kong misyon sa iyo. Ang alamin kung bakit at ang protektahan laban sa kanila ang iyong sarili. Ngayon ay meron na tayong alas at panghahawak, na habang narito si Alejandra ay hindi magiging dugo ang buwan.”                 “Ngunit paano tayo makaksiguradong tama ang iyong haka haka?” tanong ni Valsen.                 “Iyon ang misyon mo, Valsen,” ani ni Helena sa kanya. “Ang masiguradong tama nga iyon. Hindi sang ayon ang iba pang heneral na mag sama sama kayo sa isang misyon kaya naman hahatiinin ko na kayo.”                 “Ngunit bakit?” tanong ni Erapel. “Hindi ba ay mas mapapadali ang misyon kung kami kami na lamang ang magkakasama.”                 “Totoo,” ani ni Helena dito. “Ngunit dahil nabigo kayo ngayon ay kinailangan kong hatiin muli kayo. Hindi ko n asana balak pang ihalubilo kayo sa mga tao ngunit ang kinalabasan ng misyon niyo ngayon ang naging dahilan upang bumalik muli kayo sa dati niyong gawain.”                 Hindi naman nakaimik ang mga anghel sa sinabi ng mga ito.                 “Si Hadiyaah,” ani ni Helena. “Ayon sa libro ng karunungan ay siya ang demonyo ng kalungkutan at lumbay. Ang palaso niya ay kabaligtaran ng palaso ni Kupido. Maaring ang dala nito ay lumbay o pagkawasak ng inyong puso.”                 Napaawang ng kaonti ang bibig ni Valsen. Hindi niya talaga inakala na ang Hadiyaah na demonyo ay ang Hadiyaah na kilala niya. Hindi niya akalain sa ganoong sitwasyon pa sila magtatagpo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD