Third Person Point of View
“Pathetic!” sigaw ni Ada sa kanya. “Huwag mo akong hawakan mababang nilalang! Walang sino man ang may karapatan hawakan ang magandang kutis ko. At oo nga pala. Ang sagot sa tanong mo ay oo. Papatayin kita agad kapag sinira mo ang mood ko.”
Hindi naman kumibo si Cassiel.
“Oh, natakot ka na agad?” natatawang ani ni Ada dito. “Wala pa akong ginagawa pero natatakot ka na. Napakamakapangyarihan ko talaga.”
“Adalene Miller,” tawag ni Cassiel sa pangalan ng yumaong artista.
Nawala ang tawa sa mukha ni Ada at sumeryoso ang kanyang mukha noong marinig ang pangalan na ito.
“Magkamukhang magkamukha nga kayo tulad ng na sa mga dyaryo at balita,” dagdag ni Cassiel.
“Ah,” ani ni Ada dito. “Fan ka ba ni Adalene? Naiinis ka sa akin dahil magkamukha kayo?”
“Namatay si Adalene dahil napakaganda niya,” sabi ni Cassiel na hindi pinansin ang sinasabi ni Ada. “Iyon ang una kong nabasa sa dyaryo. Ang ganda ay nakakamatay kaya naman noong kapanahunan niya ay nagsusuot ng belo ang mga kababaihan at natatakot nab aka sapitin nila ang sinapit ng kaawa awang artsta.”
Napahigpit ang pagkakahawak ni Ada sa kanyang mahabang bestida.
“Wala akong panahon para pakinggan ang walang kwentang kwentong iyan!” madiin na sabi ni Ada. “Kaya itigil mo na ang pagsasayang ng laway dahil sawang sawa na ako marinig ang kwentong iyan!”
“Isang sikat na artista dati si Adalene noong kapanahunan niya,” ani ni Cassiel na hindi pinansin muli ang mga pagpapatigil sa kanya ni Ada. “Siya na nga ang basehan noon na perpektong dalaga sa kalupaan. Halos lahat ay sambahin na siya sa ganda. Lahat na nga ng tao ay inihahalintulad siya sa dyosa ng kagandahan ng mitolohiya na si Aphrodite. Sa sobrang ganda niya ay maraming kasamahang kababaihan ang naiinggit sa kanya. Inamin nila sa korte na naiinggit sila kay Adalene dahil laging na sa kanya ang atensyon ng mga tao at napag – iwanan na sila.”
Malakas na himapas ni Ada ang kanyang lamesa.
“Hindi ka talaga titigil?!” banta ni Ada sa babae. “Kung ayaw mong itikom ang bibig mo ay ako ang magpapatikom dito!”
Binuksan ni Ada ang drawer ng kanyang lamesa at mula roon ay kinuha niya ang paborito niyang tiyara, may mga disenyo itong puting mga bulaklak at mangilan ngilan na paro paro. Ang katawan nito ay gawa sag into at kitang kita ang putol na dulo nito.
Matalim ang dulo nito na gagamitin niya pangsaksak sa leeg ng kaharap na dalaga. Agad na nakilala ni Cassiel ang tiyara na iyon. Iyon ang tiyara na suot suot ni Adalene Miller sa larawan na nakita niya sa may internet.
“Ang tiyara ni Adalene Miller na palagi niyang suot sa tuwing dumadalo siya ng kasiyahan,” ani ni Cassiel sa babae. “Nasunog ito at nasira noong mamatay siya.”
“Hindi mo alam kung ano ang ginigising mo babae,” ani ni Ada sa kanya. “Mali ka ng napiling kalabanin.”
Agad na tumakbo patungo kay Cassiel si Ada habang ang dulo ng tiyara ay nakaamba sa itaas at ano mang oras ay handing tumarak sa leeg ni Cassiel.
Agad na kinuha ni Cassiel ang upuan saka iniharang sa daanan ni Ada.
“Si Adalene Miller ay binuhusan ng asido ng kanyang mga kasamahan bago ang kanyang konsiyerto sa malaking entablo,” pagpapatuloy ni Cassiel sa kanyang nilalahad. Batid niyang malapit na niyang mahuli si Ada sa kanyang patibong. “Pagkatapos ay pinanood siya ng mga babaeng ito habang nasusunog at nasisira ang ganda ng dalaga. Pinagtawan nila ito at itinulak sa ikatlong palapag ng gusali.”
Nanginginig ang mga kamay ni Ada sa mga naririnig. Nagbabaga na naman ang kanyang dibdib sag alit pagka’t muling pinaalala ng babaeng kaharap niya ang nangyari sa kanya matagal na panahon na ang nakalipas.
“At ano ang gusto mong palabasin?!” madiin na tanong ni Ada dito. “Na ako si Adalene Miller at nagbalik ako muli sa buhay??”
“Aminin mong ikaw si Adalene Miller,” sagot ni Cassiel sa kanya. “Ipakita mo sa akin ang tunay mong anyo!”
Napapikit si Ada at napangiti. Nabatid niyang hindi pangkaraniwang tao ang kaharap niya ngayon. Katulad niya ay naiiba rin ito sa mg mortal.
Napalakpak si Ada at napadilat.
“Magaling anghel,” ani nito dito. “Magaling talaga kayo sa paninira ng kasukdulan ng buhay ko!”
“Demonyo!” madiin na ani ni Cassiel dito. Wala na siyang dapat pang hulihin dahil kusang umamin na ang kanyang kalaban sa tunay na kaanyuan nito. “Dahil bas a nangyari sa iyo ngayon kaya pinapatay mo ang mga kababaihan?!”
“Oo,” sagot ni Ada sa kanya. “At ano naman ngayon sa iyo kung gawin ko iyon?! Ano naman kung patayin ko lahat ng kababaihang nakakasalamuha ko?! Ano naman ?! Nararapat lamang sa kanila iyon! Ang makakasalanang tulad nila ay nararapat lamang na parusahan sa kamatayan na matatandaan nila kahit sa susunod nilang buhay!”
“Makakasalanan?” tanong ni Cassiel dito. “Ikaw ang makasalanang nilalang Ada! Wala karng karapatan kuhanin ang mga buhay nila ng walang pahintulot sa nakatataas! Isa kang demonyo at ako mismo ang magpaparusa sa iyo!”
Mas lalo namang napangiti si Ada sa mga katagang narinig niya.
“Ngunit may karapatan ba sila para sabuyan ako ng asido?!” tanong ni Ada kay Cassiel. “May karapatan ba sila para sirain angmukha ko at patayin ko? Karapat dapat ba akong mamatay dahil lang sa kanilang inggit?! Sagutin mo ako anghel?! Wala akong ginawang masama noong panahong nabubuhay ako bilang Adalene Miller pero namatay sa hindi katanggap tanggap na senaryo! Sagutin mo ako kung bakit kailangan kong mamatay sa ganoong paraan?! Matagal ko ng hinahanap ang kasagutan sa aking mga katanungan!”
Hindi naman nakasagot si Cassiel sa tanong ni Ada sa kanya. Ang alam niya lamang ay kung paano to namatay at kung bakit ito namatay ngunit hindi niya alam ang sagot sa mga katanungan ng dalaga.
“Wala talaga kayong mga kwenta?!” sigaw ni Ada sa kanya. “Pinaparusahan niyo ang bulaklak palagi pero hindi niyo tinatanong kung ano ang ugat. Hindi mo ba alam anghel kung bakit itim ang bulaklak na namulalak at kung bakit nagkaroon ng tinik ang tangkay ng isang bulaklak? Dahil sa ugat. Ugat na napabayaan.”
“May dahilan ang lahat,” ani ni Cassiel kay Ada. “May dahilan kung bakit nangyari iyon.”
“Wala kang karapatan upang ikwento ang istorya ng isang libro kung ang nabasa mo lamang ay ang unang pahina,” sabi ni Ada sa kanya. “Ibinabalita sa buong dyaryo ang ganda ko at ang lahat ng tagumpay ko ngunit hindi ang pinagdaan ko. Kung hindi mo tatanungin ay sasabihin ko na sa iyo, anghel. Ako pa lang si Adalene Miller ay pangarap ko na ang maging artista. Ako ang inaasahan ng pamilya ko pagka’t panganay akong anak. Halos maabot ko na ang rurok ng aking tagumpay ngunit isang mapait na kamatayan ang sinapit ko. Sinira na nila ang mukha ngunit hindi pa sila nakuntento roon. Itinulak nila ako sa labas ng gusali upang tuluyang mamatay. Sa isang iglap ay nawala sa akin ang lahat kaya papaano mo sasabihin sa akin na may dahilan ang lahat? Anong dahilan? Bakit? Bakit kailangan mangyar iyon? Bakit sa akin? Bakit ako? Bakit kailangan sa akin mangyari ang krimen na iyon samantala lang napakadaming kriminal sa mundong ginagalawan ng mga tao ngunit bakit? Bakit ako ang napili para sapitin ang mapait na tadhana na iyon?! Sa tingin mo ba ay matatanggap ko ang dahilan sa sinapit ko? Hindi!”
“Kaya ang kamatayan mo ay sinuklian mo ng kamatayan. Ang kasalanan nila ay siningil mo ng buhay. Hindi ka nagpatawad at nagalit ka kaya napunta ka sa impyerno at umakyat dito sa lupa upang maghasik ng lagim?! Sa tingin mo ba iyon ang tama?” tanong ni Cassiel sa kanya.
“Anong pakielam ko sa tama?” tanong ni Ada sa kanya. “Sa tingin mo ay may pakielam pa ako sa kung ano ang tama at mabuti? Hindi ako santo para magpatawad! Isa akong biktima at may karapatan akong magalit. Kailanman ay hindi ko mapapatawad ang mga tao. Hinding hindi ko matatanggap ang nangyari sa akin noon kaya kung nandito ka para sabihin sa akin na humingi ako ng tawad at magsisi sa mga ginawa ko ay nagsasayang ka ng oras sa akin dahil hindi mangyayari iyon! Alam mo ba na sa tuwing nakakaita ako ng maganda ay kumukulo ang dugo ko lalo na kapag nakangiti sila?! Paanong sila ay nakakangiti samantalang ako ay nagdudusa.”
Biglang naglaho ang magandang mukha ni Ada. Ang makinis na balat nito ay nalusaw. Nawala ang kumikintab na buhok ng dalaga at tinubuan ng malaking sungay. Lumabas ang bungo ng dalaga hanggang sa kalahati ng katawan nito. Sa ibang parte rin ng ibabang katawan ay makikita ang kalansay na nadulot ng pagkasunog ng kanyang laman dati. Kahindik hindik ang itsura ngayon ng dalaga na kung makikita ng isang ordinaryong tao ay mapapasigaw siya.
Maging ang tiyara ni Ada ay bumalik sa tunay na anyo nito. Basag at sira. Baluktot ito at hindi na hugis korona.
Napaatras si Cassiel sa nakita. Isang royal ang kaharap niya ngayon. Tama. Dahil sa sungay na mahaba ni Ada ay nalaman ni Cassiel na isang royal ito.