Third Person Point of View
Napahinto sila Alejandra noong tumigil ang bus na hindi pa masadong nakakalayo sa kanilang kinalalagyan.
Nakarinig sila roon ng mga nagssisigawan na mga tao at may parang nagkakagulo ito.
Agad naman na tumakbo palapit roon sila Alejandra at David. Laking gulat nila noong makitang nakahiga sa sahig ang babaeng sumakay kanina sa bus. Naliligo ito sa kanyang sariling dugo. Dilat ang mga mata at puno ng saksak sa katawan.
Hinanap agad ni Alejandra at nakita niya iyon sa dulo ng bus na nakatingin sa bangkay ng babae. Nakanganga pa ito. Batid ni ALejnadra na hindi ito ang may gawa ng krimen dahil baril ang dala nito at hindi kutsilyo.
Nakuha ng atensyon niya ang lalaking mabilis na naglalakad pababa ng bus.
“Sandali!” tawag ni Alejandra dito ngunit hindi siya nito pinansin at tuloy tuloy lang na bumaba sa bus.
Ito ang lalaking tumawag kay Jack kanina. Agad naman na hinabol ni Alejnadra ang lalaking ito. Masama ang kutob niya sa lalaking hindi nila maaninag ang mukha.
“Alejandra,” tawag ni David sa kanya ngunit tila hindi na siya narinig ng dalaga. Tuloy tuloy itong bumaba ng bus.
“Oh my gosh!” ani ng estudyante habang takip takip ang kanyang bibig.
“Tumawag na kayo ng ambulansya!” sigaw naman ng isang ale.
Unang tingin pa lang ni David sa dalagang nakabulagta sa sahig ng bus ay wala na itong buhay. Nakita niya rin ang putting usok nitong nakahiwalay na sa kanyang kawanan.
Nagsimula na ring dumugin ng tao ang bus. Maya maya pa ay narinig na nila ang siren ng sasakyan ng ambulansya at pulis.
Dumating na rin ang grupo nila Atius sa eksena.
“Hindi namin napigilan ni Alejandra ang krimen,” ani ni David sa grupo nila Atius.
Napatingin naman sa paligid si Atius.
“Wala si Alejandra?” tanong nito sa lalaki.
Tumango naman si David.
“Mukhang may hinabol siya,” ani ni David at tumingin sa likurang bahagi ng bus. “Na sa may likod ang suspek.”
Sinenyasan naman ni Atius ang mga kasama na asikasuhin na nito ang namatay na kaluluwa.
“Nakapagtataka lamang,” ani ni Atius. “Wala na sa listahan ang pangalan ng binibini ngunit sa biglang lumitaw ito matapos ang ilang minuto”
Napaisip naman si David sa sinabi ni Atius sa kanya at nasagi sa kanyang isipan ang kakaibang lalaki kanina.
“Sandali!” sigaw ni Alejandra at akmang aabutin na niya ang likuran ng lalaki noong may humigit sa kanyang kamay.
“May hinahabol ka ba miss?” tanong ng pulis na humigit sa kanya.
Napatingin si Alejandra sa pulis na ito ngunit hindi niya gaanong maaninag ang itaas na bahagi ng mukha nito dahil nakasuot rin ito ng sombrero.
Tinignan muli ni Alejandra ang suspek na tumatakbo ngunit nakalayo na ito at hindi na niya matanaw pa.
Binawi ni Alejandra ang kanyang kamay sa pulis. Kakaiba ang naramdaman niya dito at napangiti rin ang pulis dahil naramdaman niya rin ang naramdaman ni Alejandra.
“Demonyo!” madiin na sabi ni Alejandra at inihanda ang kanyang sarili.
Napatingin siya sa likuran ng may tumalon doon at nakita niya rin ang suspek na hinahabol niya.
Hawak hawak ngayon ni Cassiel ang malaking photo album ng artistang pupuntahan niya. Walang iba kundi si Ada.
Pinagmamasdan niya pa lamang ang mga nakangiting litrato nito ay kinalilibutan na siya.
‘Iba talaga ang naitatago ng isang ngiti’ bulong ni Cassiel sa kanyang sarili.
Napatigil si Cassiel sa pagtitig sa larawan ni Ada noong makita niya ang artista na naglalakad papasok ng kompanya. Kasama nito ang isang malaking body guard.
“Ada!” tawag ni Cassiel sa babae habang nakangiti at itinaas ang photo album na hawak hawak.
Hindi siya pinansin ni Ada dahil hindi naman siya nito narinig.
“ADA!” mas nilakasan ni Cassiel ang kanyang sigaw. Napatingin naman si Ada sa gawi niya at biglang nagningning ang mga mata ni Ada ng makita ang isang magandang dalaga.
Pagkain agad ang nasa isip ng artistang babae habang nakatingin dito.
Tinignan naman ng body guard ang kanyang amo at sinenyasan siya ni Ada na paunlakan ang babaeng fan sa kanyang lugar.
Lumapit naman ang kanyang bodyguard kay Cassiel.
“Sumama ka sa akin,” ani nito kay Cassiel.
Gaya ng plano ni Cassiel ay sumama ito kila Ada.
Noong makapasok sila sa kwarto ay magiliw siyang pinaupo ni Ada sa upuan.
Pinagmasdan naman mabuti ni Cassiel ang kwarto ni Ada. Malaki ito lalo na ang cabinet na nasa sulok ng kwarto.
Nagretouch naman si Ada habang sinisilip silip si Cassiel na iniikot ang paningin sa kwarto. Sa katunayan nga ay busog pa siya dahil napakadaming kaluluwa ang nakain niya kagabi sa kanyang konsyerto. Sa unang kita niya pa lang kay Cassiel ay alam niyan malusog ang kaluluwa nito kaya naman pinaunlakan niya na rin kahit hindi pa siya nagugutom. Gagawin niya na lamang itong hapunan mamaya.
Isa pa ay kitang kita niya ang ganda ng dalaga na sadyang masakit sa mga mata ng demonyo.
“Mgapapapirma ka ba?” tanong ni Ada dito habang nakangiti ang pulang pulang labi.
“Oo,” sabi ni Cassiel at ginawang excited ang tono ng boses. “Nasasabik akong makita ang isang tulad mo.”
Napatigil naman sa paglalagay ng lipstick si Ada. Nakakaramdam siya ng kakaiba sa tono ng pananalita nito. Hindi ito katulad ntg tono ng mga fans niyang sa araw araw ay nakakasalahuma niya.
“Tila hindi ko nadarama ang kagalakan at kasiyahan sa tono ng iyong boses,” ani ni Ada kay Cassiel at tumingin dito.
“Sinong nagsabing nagagalak ako at nasisiyahan?” tanong ni Cassiel sa babae.
Nawala ang ngiti ni Ada sa pulang labi.
“Panibagong inggitera nanaman?” inis na tanong ni Ada. “Sobra na ba ang kagandahan ko at ang daming naiinggit sa akin? Sa tingin ko nga ganoon. Wala naman akong ginagawa pero andaming naiinggit sa akin.”
Napatawa naman si Cassiel sa sinabi nito.
“Inggit?” sarkastikong tanong ni Cassiel dito. “Hindi ako inggit. Oo, maganda ka nga, ngunit anong silbi ng ganda mo kung masahol ang ugali.”
“Ang mahalaga ay maganda ako,” ani ni Ada at nginitian si Cassiel. “Huwag mong sirain ang mood ko babae kung ayaw mong maaga iyang buhay mo.”
“Bakit?” tanong ni Cassiel. “Papatayin mo ba ako kung masira ko ang mood mo?”
Sinusubukan ni Cassiel ang babae. Kailangan niya munang mapatunayan ang mga bintang sa babaeng ito bago siya kumilos. Kailangan niyang makita ang tunay na anyo nito o kaya naman ay –
Mabilis na hinawakan ni Cassiel ang nakapatong na kamay ni Ada sa lamesa ngunit mabilis rin si Ada upang ilagan ang kamay ni Cassiel.