XXXIX

1786 Words
Third Person Point of Viewing Hindi na muling sumagot pa si Alejandra. Hindi naman niya responsibilidad ang ipaliwanag pa sa mga ito kung bakit. Tama nga at nagkasala siya ng malaki sa kalangitan dahil ginawa niya ang isa sa mga bagay na pinagbabawal nila. Kung bakit ba kasi kakaiba pumana ng palaso si kupido at nahulog siya sa anghel na nakatira sa ilalim ng lupa. Walang ibang anghel ang tinutukoy ni Alejandra kundi ang kaniyang mahal na si Leviar. Mahigpit na ipinagbabawal ang pag ibig sa pagitan ng dalawang anghel na nagmula sa magkabilang kaharian. Ang anghel ng kalangitan ay para lamang sa anghel ng kalangitan at anghel sa ilalim ng kalupaan ay para lamang sa anghel na naninirahan sa ilalim ng kalangitan. Gayunpaman ay hindi siya nagalit kay kupido pagka’t hindi niya pinagsisihan ang unang pagkikita nila ni Leviar sa harap ng papalubog na araw at kung mauulit muli ang mga bagay na iyon ay handa siyang ulitin muli ito ngunit bago iyon ay hihilingin niya sa kataas taasan na pagbigayan at bigyang basbas ang kanilang pag – iibigan. Handa si Alejandra na bumaba sa ilalim para sa pag ibig niyang ito at pagkatapos ng kanyang misyon ngayon ay iyon ang hihilingin niyang kapalit ng kanilang tagumpay – ang makasama si Leviar. Tandang tanda pa ni Alejandra kung paano siya parusahan noon habang dala dala niya ang kanyang putol na pakpak ay dumating si Leviar upang ibigay sa kanya ang sariling mga pakpak. Tama, lumuhod si Leviar sa harap ng maraming anghel upang saluhin ang kasalanang nagawa nila ni Alejandra. Sa kanya halos pinataw ang parusa at hindi napatalsik si Alejandra sa kalangitan ng dahil sa kanya. Ang katwiran nito ay siya ang unang lumapit sa dalaga at siya mismo ang gumawa ng paraan upang mahulog ito kaya tinanggap ng kalangitan ang kanyang dahilan at muli ay pinababa na siya sa ilalim ng lupa. Hindi alam ni Alejandra kung anong kaparusahan ang binigay kay Leviar ngunit iyon ang huli nilang pagkikita at mapahanggang sa ngayon ni kahit anino ng kanyang minamahal ay hindi niya  na makita. Alam niyang na sa ibaba lamang ito ng lupa at iyon na nga ang labis na ikinatatakot ni Alejandra pagka’t napupuno ng kasamaan ang impyerno ngayon at lagi niyang hinihiling na sa na ay hindi nalason ang utak ng kanyang minamahal, na sana ay hindi ito kinain ng kasamaan, na sana ay hindi ito umakyat sa lupa pagka’t sa oras na umakyat siya sa lupa ay kailangan niyang kalabanin ito. Binuka ni Alejandra ang kanyang malaking mga pakpak na orihinal na pakpak ni Leviar. “Siguro ay ito na ang oras upang isaoli mo ang pakpak na hindi sa iyo,” ani ni Callum kay Alejandra. “Wala kang karapatang kuhanin sa akin ito,” ani ni Alejandra dito. Napatawa naman si Callum sa sinabi nito. “Huwag mo akong patawanin, anghel,” ani ni Callum dito. “Ako dapat ang nagsasabi sa iyo niyan. Isa kang malaking lapastangan!” Pilit tinignan ni Callum ang mga mata ni Alejandra upang alamin ang kahinaan nito at kung paano nito nakuha ang mga itim na pakpak na ito ngunit matagal na si Alejandra sa kanyang trabaho at walang sino man ang nakakapasok sa kanyang puso.                Malakas na ang pader na nakaharang na hindi kayang tibagin ng basta basta lamang. Napasimangot naman si Callum noong walang makita sa mga mata nito kundi liwanag lamang. “Ano pa at tinatakpan mo ito?” tanong ni Callum dito. “Natatakot ka na malaman ko ang katotohanan?” “Wala kang karapatan upang panghimasukan ang aking nakaraan at buhay,  demonyo,” ani ni Alejandra dito. “Isang kasalanan ang ginagawa mo.” “Nagsalita ang hindi nagkasala,” ani ni Callum kay Alejandra at muling napatawa. “Makasalanan akong nilalang kaya kahit ilang ulit ko pang gawin iyon ay ayos lamang.” Napakunot ang noo ni Alejandra. Biglang nawala sa paningin niya si Harriet. Inikot niya ang kanyang tingin. Mula sa kanyang likuran ay nabuo ang katawan ni Harriet mula sa itim na enerhiya at malakas na itinarak paabante kung nasaan si Alejandra ang kanyang hawak hawak na palakol. Naramdaman ni Alejandra iyon kaya mabilis siyang tumalikod at ipinangsangga ang hawak hawak na espada. Kasunod ng pagtira na iyon ay ang malakas na pagdamba sa kanya ni Callum na mabilis ring nakalapit sa kanya. Agad na nasangga ni Alejandra ang dambang iyon gamit ang kabilang kamay ngunit hindi na niya nasalo pa ang pagsiba sa kanya ng dalawa. Malakas siyang tumilapon sa mga malalaking drum na patong patong sa gilid. Agad namang tumayo si Alejandra at pinalipad ang mga drum na iyon upang gamitin panlaban kila Callum at Harriet. Agad nyang itinara patungo kila Callum at Harriet ang mga malaking drum ngunit agad naman na pinasisiklaban nila Callum at Harriet ang mga drum at nasisira ito bago pa tumama sa kanila. Inuga kaonti ni Alejandra. Ngayon ay naubos na ang mga drum at dalawa na lamang ang naititira. “Anong klaseng tira iyan?” tanong ni Harriet dito. “Sa tingin mo ba ay uubra sa amin ang ganyang mga tira?” Sa likod ng mga drum na ito ay may mga kasunod ng tig – isang lalagyan ng mga gasolina na mas maliit sa drum kaya hindi nakikita nila Callum at Harriet. Sa oras na sumabog ito sa harap nila Callum at Harriet ay pipitas siya ng isa at uunahin niya si Callum patayin dahil hindi ito masyadong magaling sa pisikilan ay mas madaling mapupuruhan ito ni Alejandra kumpara kay Harriet na sanay na sanay makipaglaban ng malapitan gamit ang kanyang palakol. Nakahanda na ang espada ni Alejandra na nagniningning sa liwanag. Agad niyang initsa kila Callum at Harriet ang natitira pang drum at inihanda ang pakpak. Noong tamaan na nila Callum at Harriet ng apoy ang mga ito ay lumipad agad si Alejandra. “ANGEELLLSS!!” sigaw ng tumatakbong bata patungo sa kanila habang hawak hawak ang kanyang lollipop at nakabuka ang mga bisig na tila yayakapin sila. Bago pa sumabog ang gasolina ay agad na lumpad si Alejandra patungo sa batang ito upang protektahan sa pagsabog. Gamit ang kanyang malaking pakpak ay itinago niya silang dalawa dito at niyakap ang bata. Malakas na pagsabog ang naulinigan sa lugar na iyon na narinig ni David kaya napahinto siya sa pagtakbo. Sa kabilang direksyon ang tunog na iyon kaya naman lumiko siya upang tahakin ang lugar kung saan nagkaroon ng pagsabog. Malakas ang kutob ni David na naroon sila Alejandra at ang demonyong hinabol nito. Napadiin si Alejandra sa kanyang pagkakayakap sa bata noong maramdaman niya ang maiinit na patalim na tumama sa kanyang likuran kung saan nakatubo ang kanyang pakpak. Labis siyang nanghina sa ginawang iyon sa kanya pagka’t halos kalahati ng kanyang enerhiya ay doon nanggagaling. May tinamaang ugat ang talim ni Harriet sa likod ni Alejandra. Sunog pa ang kalahating mukha nito dala ng pagsabog ngunit muli rin naman bumalik sa dati ang mukha nito. Ibinuka naman ng malakas ni Alejandra ang kanyang pakpak at tinamaan si Harriet nito saka napatilapon sa malayo ngunit agad ring napatayo. Binalutan ni Alejandra ang bata ng liwanag upang hindi ito magalaw nila Harriet at Callum. Ito ang batang nakakita sa kanila kanina sa pinakamataas na gusali. Bumaba ito dahil nagkaroon ng interes sa mga nakikita. Itinulak niyang bahagya ang batang iyon upang mapalayo sa kanila at agad na humarap kila Callum. Isang bala na tumama sa kanyang dibdib ang agad na sumalubong sa kanya at napaitsa pasubsob sa lupa si Alejadandra sa balang iyon. Shotgun ang ginamit ni Callum dito. Hinipan pa nito ang dulo ng baril ng tamaan si Alejandra sa dibdib. Napahingal si Alejandra sa nangyari sa kanya. Hindi niya naramdaman agad ang balang iyon at huli na ng mararamdaman niya ang presensya nito. Nagdurugo na ang kanyang likuran. Agad na nagilaw ang kanyang katawan at napalitan ng suot pandigma ang kanyang kasuotan upang mas maprotektahan niya ang kanyang sarili sa mga susunod pang tira. Agad na tumalon si Alejandra patayo upang lumaban muli. “Mukhang hinihingal ka na anghel,” ani ni Harriet kay Alejandra at dinilaan ang dugong naiwan sa palakol nito. Tila nabuhay ng dugo si Harriet ng malasap ang dugo ng anghel. “Kay’ sarap. Iba talaga ang enerhiya niyong mga anghel. Pinapalakas kami.” Sa isang iglap ay mabilis na nakalapit sila Callum a Harriet kay Alejandra at nakadamba sa kanya ang baril ni Callum at ang palakol ni Harrite agad niyang sinangga ito ng kanyang espada at itinulak palayo sa kanya ang dalawa. Siya naman ang sumugod at itinira ang kanyang espada. Naiilagan ito ng dalawang demonyo at nasasangga. Agad na naglabas ng itim na enerhiya ang dalawa at ipinatama kay Alejandra. Tinamaan si Alejandra at muling napaitsa. Bago pa muling makatayo si Alejandra ay isang malakas na tira na ang ginawa sa kanya ni Callum. Hinampas siya nito sa mukha ng hawak nitong baril. Sa likod naman niya ay naroon si Harriet at puputulin na ang kanyang pakpak. Agad na napansin  ni Alejandra ito kaya mabilis niyang tinago sa likod ang mga pakpak. Dumiretso sa lupa ang palakol ni Harriet. “Ngayon na,” ani ni Callum. Malakas na sinipa ni Harriet si Alejandra paabante. Napaabante naman si  Alejandra ng ilang hakbang at nakaramdam siya ng tila kinuryente ang kanyang buong katawan ng may mahawakan siyang bagay.  Napatingin siya sa kanyang paligid. Na sa may  loob na siya ngayon ng isang malaking hawla na gawa sa metal at napapaligiran ng itim na enerhiya. Isinara na ni Callum ang pinto habang nakangiti. “Mission success!” natutuwang sabi ni Harriet. Hinampas hampas ni Alejandra ang hawla gamit ang kanyang espada ngunit bumabalik lang sa kanya ang kanyang pwersa na nagdudulot ng kanyang panghihina. “Hindi ka makakawala sa hawlang iyan,” ani ni Callum. “Siguro naman ay alam mo kung gaano katibay iyan. Nagsasayang ka lamang ng lakas.” “Tara na,”aya ni Harriet sa kasama. Napaligiran ng itim na enerhiya ang dalawang demonyo at naglaho sa lugar na iyon. Nawala ang balot na liwanag sa katawan ng bata. Napatingin ito sa paligid at hindi na niya makita ang mga anghel. Nagsidatingan naman ang mga tao na naalarma sa pagsabog kanina. Tumalikod ang bata at nakita niya ang isang lalaki roon na naksuot ng leather na itim na jacket. Nakatingin ito sa kanya ng diretso. Kahit nakasuot ng sombrero ay kitang kita ng bata ang pulang mga mata nito. Kadadating lamang ng lalaki. Hindi naman na pinansin ito ng bata at lumingon muli kung nasaan sila Alejandra. Isang balahibo na lamang ng pakpak ang naiwan nito sa lupa. Pinulot iyon ng bata at pinagmasdan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD