XXXVIII

1878 Words
Third Person Point of View Lumapag ang anghel na si Cassiel sa itaas ng kanilang gusali. Dahil sa hina ng kanyang pakpak ng mga oras na iyon ay hindi na niya nagawa pang sumayad sa sahig bago pa  itigil ang pagkumapas ng malalaking pakpak. Bumagsak na siya mula sa itaas at nagpagulong gulong na tumama sa mga bakal roon. Hindi akalain ni Cassiel na aatras siya sa laban nilang dalawa ni Adalene ngunit nagpapasalamat siyang nagpunta lamang siya roon mag – isa dahil kung hindi at isinama niya pa ang mga kagrupo niya ay baka nasunog na ang mga ito ng asido at walang awang pinatay ni Adalene. Sakto naman na naninigarilyo si Khalid sa itaas ng gusali. Isa sa mga kagrupo ni Peter. Napatingin si Khalid sa bumagsak na tao sa kanilang gusali. Tanaw niya agad ang mga sunog nito sa damit. Napakunot ang noo niya dahil hindi niya alam kung saan nanggaling ito. Tumingala pa siya sa ere upang tignan kung mayroong eroplano o helicopter sa taas ngunit ang malawak na kalangitan lamang ang sumalubong sa kanyang mga mata. Itinapon ni Khalid ang sigarilyo sa sahig at tinapakan ito ng kanyang itim na sapatos. Lumapit siya sa bumagsak na anghel at napagtanto niyang si Cassiel ito. Noong mas makalapit pa ang lalaki ay nakita niya ang mga sugat nito sa katawan na tila nalapnos. Iniharap niya sa kanya ang babaeng nakasubsob sa sahig at bumungad sa kanya ang mahabang sugat nito sa mukha na dumudugo pa at sariwang sariwa. “Damn!” madiin na mura nito ng makita ang sugatang babae. “Sino ang naghulog sa iyo dito?” Napatingin naman si Cassiel at napagtanto niyang si Khalid. “Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Cassiel pagka’t hindi dapat naroon si Cassiel. “Mahigpit na pinagbabawal ang pagpunta niyo dito sa rooftop.” “Nanigarilyo lang,” ani ni Khalid. “Gusto ko lang naman makita kung anong meron dito.” Hindi alam ni Cassiel kung nakita ba nito ang kanyang mga pakpak na itinago niya na kanina bago pa siya tuluyang bumagsak sa lupa. Binuhat siya ni Khalid sa bisig  nito upang dalhin sa kanilang klinika. “Anong nangyari  sa iyo binibining Cassiel?” tanong ni Khalid dito habang tinatahak ang elevator pababa. Hindi naman na sumagot si Cassiel kaya hindi na nagtanong pa si Khalid. Dumiretso sila sa palapag kung nasaan ang klinika at sakto naman na naroon rin si Peter at Aciera pagbukas ng elevator. “Anong nagyari?!” tanong ni Aciera kay Khalid. “Nakita ko lang siyang bumagsak sa rooftop,” ani ni Khalid dito. “Hindi niya nabanggit sa akin kung anong nangyari sa kanya.” Sinipat naman  ni Peter si Cassiel. “Sige at idiretso mo na ang binibini sa klinika nila Erapel,” ani ni Aviera sa kasamahan ni Peter “ Hindi ba at bawal ang tulad mo roon.” “Nagkakamali ka ng iniisip, binibining Aciera,” ani ni Khalid dito. “Wala akong masamang ginawa kay binibining Cassiel. Nanigarilyo lang ako saglit sa taas at tinignan kung gaano kaganda ang tanawin roon.” “Mag – usap tayo mamaya, Khalid.” Ani ni Peter sa kasama. Tumango naman si Khalid sa kanyang lider. Ipinasok na nila si Cassiel sa klinika at naabutan nila roon si Erapel at Fuji na nag – uusap. “Ibaba mo siya rito,” ani ni Erapel kay Khalid. Inilapag naman ni Khalid ang babae sa isang higaan. “Sige, makakalabas ka na, Khalid. Kami na ang bahala dito.” Yumuko naman si Khalid at nagpaalam na. “Hindi ko gusto ang kakulitan ng kagrupo mo,” ani ni Aciera kay Peter. “Ako na ang bahala sa kanya,” sabi naman ni Peter at nag – aalalang tumingin kay Cassiel. “Anong nangyari sa iyo?” tanong ni Erapel at sinimulang gamutin ang mga lapnos at sugat ni Cassiel. “Si Adalene,” pagsisimula ni Cassiel. “Nakalaban ko siya kanina at isa siya sa mga royal. Kinailangan kong umatras kanina dahil napuruhan niya ako. Hindi ko akalain na mapupuruhan ako ng ganito dahil lamang sa itinatagong baraha ng royal na iyon. Nag – paulan siya ng asido sa silid na pinaglalabanan natin.” “Adalene,” ani ni Peter dito. “Nagkalat na nga ang mga royal sa lupa. Ngunit ang mahalaga ay ligtas ka at mayroon na tayong alam patungkol sa isa sa mga royal.” Napakagat naman ng labi si Erapel. “Cassiel,” tawag nito sa dalaga. “Ikinalulungkot kong ibalita ito sa iyo ngunit naisara ko lamang ang sugat sa iyong mata ngunit hindi na muling makakakita ito dahil sa lalim ng tama.” “Inaasahan ko na ito,” sabi ni Cassiel. “Siniguardo ni Adalene kanina na mapupuruhan ng todo ang mukha ko sa kanyang pagtira. Ang mahalaga ay may isa pa akong mata na nakakakita. Sapat na ito.” Napayuko naman si Cassiel. Alam niyang malaking kawalan ang pagkwala ng kanyang isang mata ngunit nagpapasalamat pa rin siya na hindi napuruhan ang dalawa. Sapat na ang isa upang makita niya ang kanyang hinahanap. Bumukas sa mukha ni Cassiel ang malaking peklat. Kitang kita ito sa kanyang magandang mukha. “Tila may galit sa iyo ang Adalene na tinutukoy mo,” ani ni Fuji sa kanya. “Malaki ang iniwang peklat nito sa iyong mukha.” “Tama ka,” ani ni Cassiel. “Malaki ang galit ni Adalene sa mga kababaihan pagka’t ito ang nagbuhos ng asido sa kanyang mukha ng siya ay nabubuhay pa bilang tao kaya ngayon ay naghihiganti siya at sinisira niya rin ang mga mukha ng mga babaeng nakakasalamuha niya.” Napahawak siya sa kanyang mukha at naramdaman niya ang peklat doon. Bahagya siyang nalungkot. “Ibuka mo ang iyong mga pakpak at bibigyan ko rin ng lunas,” sabi ni Erapel. Ibinuka naman ni Cassiel ang pakpak niyang nasunog din. “Salamat, Erapel,” ani ni Cassiel. “Tara na, Peter,” aya ni Aciera rito. “Alalahanin mong kailangan pa nating isaoli ang tridente ni Callirop dahil baka maunahan pa tayo na dumating ang sakuna.” “Masyado kang nagmamadali,” ani ni Peter dito. “Nasasabik ka na bang makita muli si Calirop? Kaya mo na ba siya?” “Minamaliit mo ba ang kakayahan ko?” tanong ni Aciera dito. “Tama na iyan, Peter,” ani ni Cassiel sa kanya. “Tama naman si Aciera. Kailangan niyo ng magmadali sa pagsasaoli ng tridente ni Callirop.” “Kung ganoon ay magpapaalam na kami,” sabi ni Peter at matapos ay lumabas na sila ni Aciera ng klinika.   Bahagyang napaatras ang dalawang kamay ni Alejandra habang pilit na pinipigilan ang itim na enerhiyang patama sa kanya. Naglalaban ang enerhiya niya at ng dalawang nasa harap niya ngayon. Napapaligiran rin ng apoy ang kanyang paligid. Maging ang paa niya ay napapaatras na rin sa lakas ng pwersa ng dalawa. Gamit gamit rin nila Callum at Harriet ang kanilang dalawang kamay at mula roon ay lumalabas ang kanilang itim na enerhiya. “Sumuko ka na, Alejandra,” ani ni Harriet sa kanya. “Hind mo kami matatalo. Anong laban ng tulad mo sa isang royal?” Nagsalubong ang mga ngipin ni Alejandra habang pilit na hinihigitan ang pwersa ng dalawa. Noong magagapi na siya ay initsa niya ang pwersa sa gilid. Napahingal siya sa labanan nilang iyon. Muling naglabas ng apoy sia Callum at Harriet saka pinatamaan ang kanyang kinalalagyan. Mabilis naman na lumipad paitaas si Alejandra ngunit agad ring initsa ni Harriet ang kanyang bolang apoy sa isang kamay. Iyon ang pagkakataon na hinihintay niya – ang lumipad ang anghel. Tinamaan sa pakpak si Alejandra at mabilis rin na bumagsak sa lupa ngunit nakontrol ng dalaga ang kanyang pagbagsak. Mabilis niyang hinawi ng hangin gamit ang pakpak ang apoy sa kanyang paligid kaya namatay ang mga ito. “Sigurado ka bang hindi ka naliligaw?” tanong ni Harriet dito. “Itim rin ang iyong pakpak tulad ng sa amin. Ang tulad mo ay nababagay sa impyerno.” Hindi naman sumagot si Alejandra sa tanong ng lalaki. “Nakapagtataka nga,” ani ni Callum sa kasama. “Ang isang anghel sa itaas ay may itim na mga pakpak? Ngunit bakit iba ang nabasa ko sa pahinang napulot ko?” Ang pahinang tinutukoy ni Callum ay ang isa sa mga pahinang nawalay sa libro ng katotohanan. Inilabas ni Callum sa loob ng kanyang suot ang isang papel na may kalumaan na at binukat ito. Lumiwanag ang pahina at lumabas ang mga letrang nakasalat sa kakaibang lengwahe. Ang tunay na mga letra. Napatingin si Harriet dito. “Iyan ba ang tinutukoy nilang pahina ng libro ng katotohana?” tanong ni Harriet dito. “Ito nga!” sabi ni Callum at napatawa. “Biruin mong nagbabaon lang ako ng bangkay ay nakapulot pa ako nito. Panigurado akong hinahanap rin nila ang pahinang ito.” Napatingin naman si Alejandra sa pahinang hawak hawak ni Callum. Ito ang  isa sa mga hinahanap ng grupo ni Lola at ang naatas na trabaho kay Delevin. Tumingin naman si Callum kay Alejandra at napansin niyang nakatngin dito ang dalaga. “Huwag kang masyadong masabik dito,” ani ni Callum sa kanya. “Isang pahina lang ito kumpara sa mga pahinang hawak hawak ni Anais,” Inisip ni Alejandra ang pangalang iyon. Narinig na niya ito ngunit hindi niya pa nakita ang  nilalang na tinutukoy ng kanyang kalaban. “Hmm,” sabi ni Callum at sinipat ang pahinang hawak hawak. “Isang anghel na nangngangalang Alejandra ang kilala sa kalangitan dahil sa napakagandang mga puting pakpak nito na mas maliwanag pa sa araw.” Tumingin naman si Callum sa pakpak na itim ni Alejnadra. “Kasinungalingan,” ani nito. “Itim naman ang mga pakpak mo. Ang panget naman ng font ng pahinang ito. Sa itaas lang may sulat.” “Bahidan mo ng dugo,” sabi ni Harriet dito. “Upang lumabas pa ang ibang nakasulat.” “Sigurado ka?” tanong ni Callum at kinagat ang hintuturo saka ipinahid sa ibabang bakanteng pahina na hindi na inantay pa ang sagot ni Harriet. Muling umilaw ang pahina at nagkaroon ng sulat maging sa ibaba. “Aba, oo nga,” sabi ni Callum at napangiti. “Mayroon pa ngang nakasulat ang hindi ko nabasa. Ngunit ang anghel na ito ay nagkasala at pinutol ang kanyang magagandang pakpak ni Abaron sa harap ng maraming anghel upang masaksihan nila ang kabayaran sa isang kasalanan.” Tinignan ni Harriet at Callum si Alejandra. “Hangal,” sabi ni Callum dito. “Hindi sa iyo ang pakpak na iyan. Hiniram mo lang yan sa mga nahulog na anghel kaya pala itim ang mga pakpak mo. Isa kang magnanakaw.” Napakuyom ang kamay ni Alejandra sa sinabi ni Callum. “Paanong nakakapasok ang isang tulad mo sa kalangitan gayong nagnakaw ka ng pakpak na  hindi sa iyo,” madiin an sabi Harriet. “Hindi ako magnanakaw,” ani ni Alejandra sa kanila. “Kasinungalingan!” ani ni Harriet sa kanya. “Walang sino man ang magbibigay sa iyo ng pakpak dahil galit ang lahat sa mga anghel sa itaas pagka’t doon galing ang sumumpa sa aming tahanan!” Napahawak si Alejandra sa kanayng braso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD