III

1049 Words
Alejandra  Point of View   “Alejandra,” tawag sa akin ni Abaron habang hawak hawak ang malaki niyang tabak sa kanang kamay. Si Abaron ang tagapag - parusa sa mga anghel na nagkakasala. Nakaluhod ako ngayon sa gitnang entablado kung saan nagpupulong pulong ang maramihang anghel at kung saan inaanunsyo ang mga bagay sa amin. “Isa kang anghel na nagkasala,” dagdag nito sa akin. “Sumuway ka sa panuntunan at ginawa mo ang isang bagay na hindi dapat. Bilang kaparusahan ay inatasan ako ng kaitaas taasan na putulin ang iyong mga pakpak!” Napayuko na lamang ako upang tanggapin ang aking parusa. Nagkamali ako at dapat kong panagutan ang aking naging maling aksyon. Ngunit hindi ko kakayanin na mawala ang pakpak kong ibinigay sa akin. Ito ang pinakamahala sa lahat ng mga anghel. Hindi na ako muli pang makakalipad. Napaiyak ako. “Tanaggapin mo ang iyong parusa,” sabi nito at itinaas ang kanyang tabak. Napapikit na lamang ako at naramdaman ko ang pagtama ng matalim na tabak sa aking duluhang pakpak kung saan nakakabit ito. Naramdaman ko ang pagbagsak ng aking mga pakpak na lalong nagpaluha sa akin. Dumilat ako at tinignan ang aking mga pakpak. Napahagulgol ako noong makita ang mga itong nakahiwalay na sa akin. Kitang kita ko ang mga sariwang dugo. Ramdam ko rin ang pagtulo ng dugo sa aking likod. “May anghel mula sa ibaba!” Sigaw ng isang anghel sa amin. Napatingin naman ako sa anghel na tinutukoy nila. Mas lalo akong napaluha ng makita siya. “Leviar!” madiin na tawag ko. Napabalikwas ako sa pagkakahiga mula sa mahimbing kong pagkakatulog. Agad kong nilanghap ang hangin dahil kinukulang ako ng hininga. Wala na ang sakit na nadama ko sa panaginip ko kanina pero kumikirot ang puso ko. Napanaginipan ko ang nangyari sa akin matagal na panahon na ang nakalipas. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang sakit noong tinabak ni Abaron ang aking pakpak. Walang kasing sakit. Napahawak ako sa mukha kong punong puno ng luha. Agad kong pinunasan ito. Ibinuka ko ang aking pakpak na tumama pa sa lampshade na nasa tabi ko lamang. Napahinga ako ng maluwag. Hindi pwedeng mawala ang pakpak na ito sa akin. Napakahalaga nito. Leviar. Pang ilang beses ko na ito. Lagi kitang napapanaginipan. Nangangahulugan lamang na ako ay nangungulila sa iyo. Binuksan ko ang drawer na nasa tabi ko at itinago ang aking pakpak. Mula roon ay kinuha ko ang singsing na gawa pinakamakinang na bato at ginto. Nagniningning ito sa aking mga mata. Napalunok ako at agad na itinago uli ito sa aking aparador Tumayo ako upang kumuha ng tubig sa ibaba. Pagdating sa sala ay binuksan ko ang ref saka kinuha ang isang pitsel ng malamig na tubig. Umupo muna ako sa upuan upang ipahinga ang sarili na tila pagod na pagod sa panaginip na nagyari kanina .Tila lahat ng nangyari doon ay nangyari ulit. Hindi ko mapaliwanag ang sakit nito. Labis akong binabagabag nito mula noon pa. Napatingin ako sa orasan sa may pader. Ala sais na ng umaga. Oras na ulit para pumasok sa trabaho. Agad akong umakyat ng kwarto upang maligo. Pag pasok ko ng cr ay napahinto ako sa malaking salamin sa loob. Tinignan ko ang liod ko. Naroon pa rin ang simbolo ng aking pagkakasala noon. Nagiwan ito ng malaking peklat sa aking likod. Pumunta na ako sa shower upang maligo. ***** "Alejandra kamusta ang nangyari sa demonyo kahapn. Nagsalita na ba ito?" Tanong ni David sakin habang nasa office kami.   Si David ay isa rin sa mga may ranggo sa heaven warriors. The angel of reflection. Salamin lamang ang gamit niya sa pakikipaglaban. Naging paborito na niya itong armas. "Gaya ng dati ay wala pa rin kaming napala," sabi ko sa kanya. “Tinuso lang kami. Dinispatsya na siya ni Filomena.”   "Ganun ba,” Sabi ni David sa akin habang diretsong nakatingin sa aking mga mata. “May problema ba?” tanong ko kay David. Nakatitig lang kasi siya sa akin. “May tanong ka pa ba?” Napaiwas naman siya ng tingin a muling tumingin sa akin. “I just remember the first time we met,” sabi nito sa akin. “Suot suot mo ang maganda mong kalasag at nakabuka ang pakpak mong mas makintab pa sa perlas. Nakakasilaw tulad ng iyong ganda.”  Napangiti naman ako. “Ah,” sabi ko. “Yung mga panahong hari ka pa.” Tumango naman siya sa akin. “Kung isa ka lamang prinsesa noong panahon na iyon ay tiyak na ikaw ang aking pakakasalan,” sabi nito. “Ngunit isang anhel ka at wala akong karapatan upang makipag isang dibdib sa iyo.”     "Ngunit anghel na kayo ngayon pareho,” sabi ni Cassiel kay David na nakikinig rin pala sa amin. “Pwede mo na siyang pakasalan.”   "Isa akong anghel na nabahidan ng kasalanan,” sabi k okay David. “Hindi ako nararapat sa isang purong katulad mo. You deserve better.” Napayuko ako. Tama naman ang aking sinabi. Hindi niya ako deserve. He deserves better.   "Naiintindihan ko na hanggang ngayon ay nagdudusa ka pa rin sa iyong nakaraan," Sabi nito sa akin. Wala pa siya noon ngunit nabalitaan na niya ang nangyari sa akin. “Hihintayin kitang maghilom at kapag handa ka na ay saka ko hihingin ang iyong kamay.” Nginitian ko siya. Maghihilom? Ang sugat ko  sa puso ay tila walang gamot. Isa pa ay bababa na ako sa ilalim pagkatapos ng misyong ito. “Hindi mo na ako dapat hintayin, David,” ani ko sa kanya. Huminga naman siya ng malalim. "I am a fire who cross the ocean for the sun," sabi nito sa akin. “I will keep on crossing it just to be with the sun.”   Hindi naman ako kumibo. Inabutan niya ako kape. “Ito ang paborito kong kape,” dagadag nito.   "Salamat." Sabi ko at inabot. Binuksan ko ito saka ininom. "Kilala mo ba Serene?" tanong ko sa kanya. "Si Serene?" tanong niya. "Ang babaeng nakarating sa buwan." "Siya nga," ani ko sa kanya "Apollo waited for her but she does not chose him." "But I'm not Apollo neither Archibald," sabi ni David sa akin. "Your not  Serene too." Ngumiti naman ako. Pero ikaw si Apollo kung iyon ang ating kwento.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD