Third Person POV
Sa isang maliit na tindahan sa bungad ng kagubatan ng Grandi, sa loob ng tindahan ay may isang lalaki ang nakaupo sa isang upuan na gawa sa kahoy, sa tapat ng lalaki ay isang ginoo na nasa edad kwarenta ngunit naroroon pa rin ang tikas ng katawan nito.
“Upang malabanan mo ang iyong kapatid kailangan mong lumakas. Napanood ko ang laban mo sa Tournament at masasabi kong maganda ang pinakita mong laban, ngunit kulang pa iyon. Balita ko ay malapit ng maabot ng iyong kapatid ang pagiging Grandmaster Summoner, kaya naman sa loob ng dalawang taon kailangan mong mahabol ang agwat ninyong dalawa” wika ni Ginoong Conrad kay Dark na ngayon ay nakaupo sa harapan ng ginoo at nakikinig. Mayroong binigay na isang buwan ang kaharian upang makapagpahinga ang mga nanalo sa Tournament, kaya naman nandito siya ngayon sa harapan ng ginoo upang sanayin siya at bumuo ng plano upang lumakas at makalaban sa kanyang kapatid.
“Grandmaster Summoner?” takang sambit ni Dark kay ginoong Conrad, walang kalam-alam si Dark sa iba’t ibang antas ng pagiging Summoner. Napakunot ang noo ng ginoo sa kanyang narinig at mariing tiningnan si Dark.
“Hindi mo ba alam ang iba’t ibang antas ng pagiging summoner?” tanong ng ginoo sa binata, umiling si Dark bilang sagot na wala itong alam.
“Magsisimula dapat ang opisyal na pagsasanay ko sa edad na limang taong gulang, ngunit nangyari ang bagay na iyon kaya naman wala akong alam sa sinasabi mo. Ang tanging alam ko lang ay mga kaunting impormasyon patungkol sa pagiging mythical simmoner sapagkat may nabasa akong libro patungkol doon sa silid aklatan na ama” paliwanag ni Dark sa ginoo, napatango naman si ginoong Conrad sa narinig.
“Kung ganoon ay hayaan mong ipaliwanag ko sa iyo ang pagiging Mythical Summoner” muling sambit ni ginoong Conrad at hinimas nito ang kanyang baba na tila nag iisip.
“Simulan natin sa iyong pisikal na enerhiya. Sa ibaba ng ating tiyan ay may isang ‘lalagyan’ dito nakalagay ang ating pisikal na enerhiya. Ang pisikal na enerhiya ay kung titingnan mo ng maiigi ay tila hangin na kulay asul para sa mga Mythical Summoner at kulay itim na haagin naman sa Demon Summoner. Sa ibaba ng lalagyan ay isang butas at sa butas na ito ay maraming mga ugat ang nakakonekta, ang mga ugat na ito ay nakakonekta sa ibat ibang parte ng ating katawan. Sa ating kamay, paa, ulo, leeg, likod, dibdib. Dito dumadaloy ang pisikal na enerhiya, kaya ito tinawag na pisikal na enerhiya dahil ang enerhiyang ito ang nagpapagana sa ating mga katawan” sambit ni Ginoong Conrad at matapos nito ay umupo ito sa harapan ni Dark.
“Ngayon naman ay ipapaliwanag ko sa iyo ang iba’t ibang antas ng Mythical Summoner. May anim na antas ang pagiging Mythical Summoner. Ang unang antas ay Beginner Summoner, sunod ay Intermediate Summoner, Master Summoner, Grandmaster Summoner, Saint Summoner at ang huli ay pagiging Divine Summoner. Maituturing na Beginner Summoner ang isang summoner kung kaya nitong maisummon ang isang Tier 1 Mythical Beast hanggang Tier 4 Mythical Beast. Isang Intermediate Summoner naman ay may kakayahang mag summon ng Tier 5 mythical beast hanggang Tier 9 mythical beast, may kakayahan din ang isang intermediate summoner na makipag merge sa kanilang mythical beast, at base sa pinakita mo sa Tournament ay isa kang Intermediate Summoner” wika ni Ginoong Conrad, napatango si Dark sa kanyang narinig ngunit may halong pagtataka pa din sa isipan ng binata.
“Ang Master Summoner naman ay kayang magsummon ng isang Tier 1 Mythical stage na mythical summoner hanggang Tier 4. Sa antas na ito ay kaya nang summoner na gumamit ng weapon form” napansin ng ginoo ang pagtataka ni Dark, sapagkat kaya ng binata na gumamit ng weapon form gayong isa lamang siyang intermediate summoner.
“Alam kong may pagtataka ka, sapagkat kaya mong gumamit ng weapon form. Isa kang King Summoner kaya naman ang mga imposibleng Gawain ay maaaring maging possible para sa iyo. Iba ka sa lahat Eros, kaya nga kahit na isang henyo ang nakakatanda mong kapatid ay ikaw pa rin ang pinili ng iyong ama na magmana sa trono sapagkat isa kang King Summoner” paliwanag ng ginoo kay Dark, muling napakunot ng noo si Dark sa narinig. Narinig na ni Dark ang salitang King Summoner sa Ice Phoenix, at ngayon ay muli niya iyong narinig sa ginoo kaya naman hindi na nito mapigilang magtanong.
“Ano ba ang ibig sabihin ng King Summoner? Ang Ice Phoenix ay sinambit rin sa akin na isa akong King Summoner ngunit hindi nito ipinaliwanag sa akin kung ano ba talaga ang King Summoner” makikita sa mga mata ni Dark ang pagtataka, nais malaman ni Dark kung anon ga ba ang salitang iyon na naging dahilan upang siya ang piliin ng kanyang ama bilang kapalit nito sa kanyang trono.
“Ang isang King Summoner ay may palatandaan sa parte ng kanyang katawan. Isang hugis koronang palatandaan. Ang mga imposible para sa isang ordinaryong summoner ay magiging possible sa kamay ng King Summoner kagaya na lamang ng kayang gamitin ang weapon form ng iyong mythical beast kahit na isa ka lamang intermediate summoner. Mas malakas din ang pisikal na katawan ng King Summoner. Higit sa lahat ang King Summoner ay ang hari o pinuno ng mga summoner. Sa oras na mabuksan ng King Summoner ang kanyang potensiyal ay mararamdaman ng mga ordinaryong summoner ang otoridad ng King Summoner na kinakailangan nilang sundin” lumapit ang ginoo kay Dark at pinakatitigan ito.
“Ibig sabihin ang isang King Summoner ay magkakaroon ng isang hukbo na binubuo ng mga summoner kung nanaisin niya. Sapagkat hindi maaaring balewalain ng ordinaryong summoner ang utos ng King Summoner” wika ng ginoo kay Dark, makikita ang pagkagulat sa mukha ng binata at napakuyom ito ng kamao.
‘Isang hukbo’ sambit ni Dark sa kanyang isipan.
‘Hukbo. Kung mayroon kang hukbo ay tiyak na may laban ka sa mga tauhan ng iyong kapatid’
‘Isang hukbo ng mga alipin’
‘Isang hukbo ng mga alipin’
‘Isang hukbo ng mga alipin’
‘Hehehehehehe’ sari-saring mga boses ang naririnig ni Dark sa kanyang isipan, ang mga boses na iyon ay tila tukso sa isipan ni Dark na unti-unti siyang hinihila sa kailalaiman ng dilim na nakatago sa kanyang pagkatao. Ang kulay pulang mata ni Dark ay bahagyang dumilim, napansin iyon ng ginoo.
“Tsk” malakas na palatak ng ginoo, natauhan si Dark at tiningnan ang ginoo.
“Kailangan mong kontrolin ang mga boses sa iyong isipan, kung ayaw mong kainin nila ang buo mong pagkatao” payo ng ginoo kay Dark, nagulat ang binata sa kanyang narinig.
“Paano mo alam na may mga boses sa aking isipan?” tanong ni Dark rito.
“Normal lamang iyan sa mga Demon Summoner. Kailangan mo lamang kontrolin at huwag mag padala sa kanila” muling payo ni Ginoong Conrad, napatango si Dark bilang pag intindi. Tumikhim ang ginoo at muling nagseryoso.
“Muli nating ipagpatuloy ang aking pagtuturo. Ang isang Grandmaster Summoner ay kayang mag summon ng isang mythical beast na nasa Tier 5 Mythical Stage hanggang Tier 9. Ang Saint Summoner naman ay kayang mag summon ng Tier 1 mythical beast na nasa Divine stage hanggang Tier 4. Kaya namang mag summon ng Tier 5 mythical beast na nasa Divine stage hanggang Tier 9 ang Divine Summoner. Kaya naman sa antas mo ngayon malayo layo pa ang kailangan mong lakbayin upang maging malakas” sambit ng ginoo, napaisip si Dark, ngayon pa lamang ay hindi pa nakakalahati ni Dark ang iba’t ibang antas ng pagiging isang summoner kaya naman wala siyang karapatang magmalaki. Akala ng binata na dahil nanalo siya sa Tournament ay may maipagmamalaki na siya kahit papaano, ngunit mali siya sapagkat hindi pa talaga siya tuluyang malakas.
“Ngayon naman ay ituturo ko sa iyo ang iba’t ibang antas ng isang mythical beast at ng demon beast. Ang demon beast ay may tatlong antas. Demon Transformation, Blood Origin, Soul Core Formation. Bawat antas ay may siyam na hakbang. Hindi ko na ipapaliwanag sa iyo ng mabuti ang bawat antas na ito, maaari mong malaman ang impormasyon patungkol sa mga Demon Beast sa pamamagitan ng pagbili ng librong ito” matapos sambitin iyon ng ginoo ay may isang libro itong pinakita kay Dark, ang pabalat ng libro ay gawa sa balat ng Demon Beast, sa ibaba ng pamagat ay ang pangalang Sebastian Taylor. Bahagyang kumibot ang gilid ng labi ni Dark at tumingin sa ginoo na ngayo’y nakangiti. Kitang kita ang mga ngipin nito sa lawak ng ngiti ng ginoo.
Labag man sa kalooban ni Dark ngunit bumunot ang binata ng isang pilak na barya sa kanyang bulsa at inilapag iyon sa maliit na lames na nasa harapan niya. Tumingin sa pilak na barya ang ginoo at muli itong tumingin kay Dark na tila nagsasabi na kulang ang inilabas niyang salapi. May pang gigigil man ay pinilit ni Dark na kumalma, at muling bumunot ng isa pang pilak, tumingin lamang doon ang ginoo at binigyan ng may pagkadisgustong tingin ang binata na nagsasabing masyado itong kuripot. Halos magkiskisan na ang ngipin ni Dark ng muli itong maglabas ng isa pang pilak na barya at muling tumingin doon ang ginoo. Bumalik ang tingin ni Ginoong Conrad sa mukha ni Dark, dahil sa inis ay inalis ng binata ang salitang Sebastian sa pabalat ng libro na nakapatong sa pangalang Conrad. Nagulat ang ginoo at napatingin sa kanyang libro at ng makita nito ang kanyang pangalan sa kanyang libro ay dali-dali nitong kinuha ang tatlong pilak na barya sa lamesa at ibinigay kay Dark ang libro. Kahit naiinis ay napabuntong hininga na lamang si Dark habang paulit-ulit na sinasabi sa kanyang isipan, na kailangan niyang magpasensya.
Muling tumikhim si ginoong Conrad at nagseryoso, wala na ang kaninang ngiti nito sa kanyang mukha ngunit makikita mo ang ngiti sa mga mata nito. Ganitong ganito ang mga mata ng mga manlolokong tindero sa siyudad sambit ni Dark sa kanyang isipan.
“Ang Mythical Beast ay may tatlo ding antas. Mythical Foundation, Mythical Core, Divine Stage. Bawat antas ay may siyam na hakbang, ang mythical foundation sa antas na ito ay pinapalakas ng mythical beast ang kanilang kakayahan. Sa mythical core naman ay nakasentro sa pagpuro ng kanilang mga dugo. Ang karamihan sa mythical beast sa outer region ay may iba’t ibang klaseng dugo o lahi sa kanilang katawan. Upang makatungtong sa antas na ito ay kailangang pumili ang isang mythical beast sa isa sa mga dugo nito upang palakasin. Ang mga mythical beast na nais makatungtong sa antas na ito ay nagtutungo sa bungad ng inner region ng Beast Dimension upang lumublub sa isang maliit na lawa upang maging puro ang kanilang dugo” paliwanag ng ginoo. Seryoso naming nakikinig si Dark sa bawat winiwika ni Ginoong Conrad.
“Mahabang proseso ang kakailanganin upang mapalakas ang isang mythical beast ang summoner nito. Kaya naman Dark nais kong malaman mo na hindi ka maaaring magmalaki sapagkat wala ka pa sa kalahati ng iyong paglalakbay. Kung nais mong manalo sa iyong kapatid ay kailang makatungtong sa antas na ito ang iyong mg mythical summoner”
Dahil sa narinig ay nagkaroon ng determinasyon sa mata ng binata.
‘Tama, malayo pa ang lalakbayin ko upang maging malakas. Malayo pa kaya kailangan kung tumakbo ng mabilis upang makahabol’