Kabanata 6

1910 Words
Third Person POV Nagpatuloy ang pagtuturo ni ginoong Conrad kay Dark patungkol sa mythical beast. “Pumili ng dugo nila?” takang tanong ni Dark sa ginoo, tumango tango naman ang ginoo sa narinig. “Tama ka, upang maipaliwanag ko sa iyo iyon ng maayos ay maaari mong palabasin ang isa sa mga mythical beast mo” pahayag ng ginoo sa binata, dahil dito ay tinawag ni Dark ang isa sa mga mythical beast niya sa kanyang isipan. May maliit na liwanag ang lumitaw sa gilid ni Dark at ang liwanag na ito ay nagkaroon ng hugis, ilang sandal pa ay nawala ang liwanag at isang kulay puting tigre ang lumitaw. Si Fiend isang heavenly tiger. ROARRRRR!!!!!!!!!! Malakas na nagpakawala ng tunog si Leon isang Golden Wing Lion na mythical beast ng ginoo. Bilang sagot ay inilabas ni Fiend ang mga ngipin nito at matapang na humarap kay Leon. Kahit na magkaiba sa laki ng dalawang mythical beast at halatang mas mabangis at malakas si Leon ngunit matapang pa ring tumingin si Fiend Nang makita ito ng ginoo ay tumango-tango ito sapagkat nagustuhan nito ang ugaling pinapakita ng Heavenly Tiger. “Leon” kalmadong sambit ni ginoong Conrad, tumingin ang Golden wing lion sa ginoo at matapos nito ay tumalikod ito kay Fiend. Pinakalma naman ni Dark ang heavenly tiger, aroganteng tumingin si Fiend sa nakatalikod na si Leon bago sinara ang kanyang bibig upang matakpan ang matutulis na ngipin nito. Lumapit ang ginoo kay Fiend at tinitigan ito ng maiigi. Makikita sa mga mata ng heavenly tiger ang pagiging alerto, ngunit ganoon pa man ay tinago nito ang kanyang mabangis na itsura. Hinimas himas pa ng ginoo ang kanyang baba habang nag iisip. “Hmmmm. Nakikita ko na kahawig ng iyong heavenly tiger ang white tiger na nasa inner region ng Beast Dimension. Ganitong-ganito ang kulay ng balahibo ng white tiger. Kulay puti at itim na balahibo” dahil sa narinig ay tinaas ni Fiend ang kanyang ulo na nagmamalaki dahil sa narinig, nakita ito ng ginoo at bahagyang ngumisi. “Ngunit, ang kulay ng mata ng white tiger ay kulay ginto at malayo ito sa asul na mata ng iyong heavenly tiger. Mas kulay ginto ang mata ng isang white tiger ay mas puro ang dugo nito, at mas puro ang dugo ay mas malakas ito at may tiyansang maging isang Divine beast. Ibig sabihin ang iyong heavenly tiger ay may kaunting porsyento lamang ng dugo ng white tiger sa kanyang dugo. Tsk, sayang” sambit ni ginoong Conrad habang umiiling-iling pa, narinig ni Fiend ang lahat ng sinabi ng ginoo dahil dito ay makikita sa mata nito ang inis, pinakita din nito ang kanyang mababangis na ngipin na tila nais niyang sunggaban ang ginoo dahil sa narinig. Bahagyang tumaas ang labi ng ginoo sa pinakita ni Fiend at kalmado itong umupo muli sa kanyang upuan. “May dalawang lahi ng mythical beast ang nasa dugo ng iyong heavenly tiger. Ang una ay ang white tiger at ang pangalawa ay ang heavenly snow wolf. May kulay purong puti na kagaya sa niyebe ang balat ng heavenly snow wolf at ang kapansin-pansin sa heavenly wolf ay ang kulay asul na mata nito, ang asul na mata nito ay hindi katulad sa kulay ng karagatan na maaliwalas bagkus ang kulay asul na mata ng heavenly snow wolf ay katulad ng isang yelo. Sapagkat sa oras na titigan ka ng heavenly snow wolf ay makakaramdam ka ng panlalamig” paliwanag ni ginoong Conrad at binalingan nito ng tingin si Dark na ngayon ay may pagtataka sa kanyang mukha. “Paano mo nalaman na may iba pang lahi si Fiend?” takang tanong ni Dark, noong unang nakita ng binata si Fiend ay nagtaka rin ito kung bakit kulay asul ang mata ng heavenly tiger at hindi ginto o kulay dilaw. Inakala ni Dark na kaya kulay asul ang mata ni Fiend ay dahil sa ibang lahi na nasa dugo nito. Ngunit hindi nito inaasahan na isang heavenly snow wolf ang ibang lahi ni Fiend. “Hmmmm. Noong lumapit ako sa iyong mythical beast ay ramdam ko kaagad ang kakaibang lamig sa hangin na nakapalibot sa iyonhg heavenly tiger, at nakita ko rin ang kulay asul nitong mata kaya naman na kumpirma ko na may lahi itong heavenly snow wolf” paliwanag ng ginoo kay Dark. “Tama ako hindi ba?” sambit ng ginoo kay Fiend nang binalingan niya ito ng tingin. Napatahimik si Fiend ngunit tumango ito ng marahan bilang pagsang-ayon. “Ilang porsyento ng dugo ng white tiger at heavenly snow wolf ang nasa iyong katawan?” tanong ng ginoo kay Fiend, tumingin si Dark kay Fiend at hinintay ang sagot nito. Napatingin si Fiend kay Dark at nagsalita sa isipan ng binata, matapos nito ay bumaling ng tingin si Dark sa ginoo. “May anim na porsyento lamang ang dugo ng white tiger sa katawan ni Fiend samantalang may siyamnapu’t apat ang porsyento ng heavenly snow wolf sa katawan ni Fiend” sambit ni Dark matapos itong sambitin ng binata ay makikita ang pagkagulat sa mata ng ginoo. “Kung ganoon ay kahanga hanga na kontrolin nito ang hangin ng ganoon kagaling kahit na anim na porsyento lamang ng dugo ng white tiger ang nasa katawan mo” may halong paghanga sa mata ng ginoo, lihim na nakikinig naman ang Golden wing lion sa pag uusap ng tatlo. Narinig nito ang boses ng ginoo na may halong paghanga at dahil sa selos ay gumawa ito ng isang tunog mula sa kanyang ilong. Rinig na rinig iyon ng ginoo at napatingin ito kay Leon na ngayon ay nakatalikod ngunit kitang-kita ang nakatayong tenga nito na halatang nakikinig sa usapan. Bahagyang kumibot ang labi ng ginoo na tila natatawa. ‘Isa kang Golden Wing LION at hindi isang toro kaya bakit ganoon ang tunog na pinakawalan mo?’ may halong pang-aasar ang boses ng ginoo habang kinakausap niya si Leon sa kanyang isipan, dahil sa narinig ay agad na bumaba ang tenga ni Leon na kanina ay nakatayo, ang dalawa pa nitong paa sa harapan ay ginamit nito upang takapan ang kanyang tenga na tila nagsasabi na hindi siya nakikinig sa usapan ng tatlo. Paulit-ulit sinambit ni Leon ang katagang ‘wala akong nakita, wala akong narinig’ sa kanyang isipan. ‘Heh!’ sambit ng ginoo kay Leon bago muling humarap kay Fiend. Tumikhim pa ito. “Kung nasa siymnapu ang porsyento ng iyong dugo bilang heavenly snow wolf ay mas mainam na ito ang piliin mong dugo sa oras na tumungtong ka sa Mythical Core stage. Nasa S+ class ng white tiger ngunit kung ipagpapatuloy mo ang tinatahak mong landas ngayon ay tiyak na ikaw ang magiging pinakamahina sa lahat ng nasa white tiger clan. Mas mainam na maging heavenly snow wolf ka na lamang, ngunit ito ay opinyon ko lamang nasa iyo pa rin ang desisyon kung ano ang pipiliin mo” paliwanag ng ginoo kay Fiend, napayuko si Fiend dahil sa narinig. Alam ni Fiend na may potensiyal siya kung ang dugo ng heavenly snow wolf ang kanyang pipillin, ngunit naalala niya ang sinambit sa kanya ng kanyang ina bago ito namatay. Nais ng kanyang ina na isa ring heavenly snow wolf na pillin nito na mapabilang sa white tiger clan, kahit na siya ang maging pinakamababa sa angkan ng white tiger ay iyon pa rin daw ang dapat niyang piliin. Sinunod ni Fiend ang nais ng kanyang ina at nagsanay ito ng nagsanay sa pagkontrol ng hangin, kahit ramdam ni Fiend na mas may ilalakas pa siya kung ang pagkontol sa yelo ang kanyang gagawin. Ngayon na narinig ni Fiend ang suhestiyon ng ginoo ay agad itong napaisip, bakit nga ba nais ng kanyang ina na mapabilang siya sa white tiger clan kahit na may potensiyal siya bilang isang heavenly snow wolf. Tumingin si Fiend kay Dark at nagsalita ito sa isipan ng binata. ‘Babalik na ako’ mahinang sambit ni Fiend napatango naman si Dark bilang pagsang ayon, kaya naman nagliwanag ang katawan ni Fiend at nawala. Muling tumingin si Dark sa ginoo. “Sa pagpuro ng dugo ng isang mythical beast, kailangan nitong pumili sa isa sa mga lahi nito. Matapos makapili ay aalisin ng maliit na lawa sa bungad ng inner region ang iba pa nitong dugo sa katawan. Ang maliit na lawa sa bungad ng inner region ay tinatawag na ancestor pool. Sa oras na maalis ang ibang dugo sa katawan ng mythical beast ay gagawin nitong puro ang kanyang dugo. Mas puro ang dugo ay mas mataas ang potensiyal nito. Ang isang mythical beast na may sampung porsyento ng purong dugo ay makakatungtong sa Tier 1 Mythical Core stage. Dalawampung porsyento naman sa Tier 2, Tatlumpung porsyento sa Tier 3 hanggang sa umabot sa siyamnapung porsyento at maging Tier 9 Mythical Core” paliwanag ng ginoo kay Dark, makikita na ang buong atensiyon ni Dark ay nasa ginoo. “Gusto kong malaman kung ano ang S+ class?” tanong ni Dark habang nakataas ang kamay na tila nasa isang klase. Napataas ang isang kilay ng ginoo na tila nagtataka na kasama ang bagay na iyon sa hindi alam ni Dark. “May iba’t ibang ranggo ang mga angkan ng mythical beast. Ang ranggong ito ay patungkol sa potensiyal at kung gaano kalakas ang isang angkan ng mythical beast. Ang S+ class ay masasabi na pangalawa lamang sa ranggo ng Dragon Clan. Kung ikukumpara sa kaharian ang ranggong ito ay maikukumpara sa apat na maharlikang angkan, ang S+ class. Malalakas ang mga mythical beast na nasa ganitong angkan at mas mayayaman.” paliwanag naman ng ginoo. Napakunot ng noo si Dark sa narinig. “Kung ganoon ay anong ranggo nabibilang ang heavenly snow wolf?” tanong ni Dark sa ginoo dahil sa narinig ay napabuntong hininga si ginoong Conrad. “Nasa S+ class ang heavenly snow wolf clan noon. Masasabing kapantay nila sa lakas ang white tiger clan noon, ngunit ngayon ay bumaba na ang ranggo ng heavenly snow wolf sa B class. Kung ihahalimbawa ko sa angkan na nasa kaharian ang heavenly snow wolf clan ay isang mayamang pamilya, ngunit hindi ganoon kayaman. Tila ba isang ordinaryong mayamang pamilya ang heavenly snow wolf clan, kaya naman siguro nais ng iyong heavenly tiger na mapabilang sa angkan ng white tiger sapagkat kahit na siya ang maging pinakamahina sa angkan ng white tiger ay magiging mas malakas naman siya mga heavenly snow wolf na nasa heavenly snow wolf clan” paliwanag ng ginoo. Dahil sa narinig ay napakunot ang noo ni Dark, hindi ito naniniwala na nanaisin ni Fiend na mapabilang sa white tiger clan dahil sa ganoong dahilan. Mapagmataas si Fiend at kung alam nito na siya ang magiging pinakamahina sa angkan ng white tiger ay hindi siya sasali doon, hindi ito papayag na maging pinakamahina. Kaya naman nagtataka si dark kung ano nga ba ang tunay na dahilan kung bakit mas nais na kontrolin at sanayin ni Fiend ang hangin kaysa sa yelo. Napaisip si Dark at napagtanto na kahit na may tiwala siya sa kanyang mga mythical beast ay hindi niya pa sila lubos na kilala, nais malaman ni Dark ang kwento ng bawat mythical beast niya. Muling naalala ni Dark ang itsura ni Fiend kanina, noong sinambit nito sa kanya na babalik siya sa Beast Dimension ay iba ang boses nito. Ang dating mapagmalaking boses ay naging mahina at may halong lungkot. ‘Fiend’ mahinang sambit ni Dark sa kanyang isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD