Kabanata 7

1187 Words
Third Person POV “Ngayon naman matapos kong maipaliwanag ang pagiging mythical summoner. Hayaan mong ipaliwanag ko naman sa iyo ang patungkol sa pagiging isang Demon Summoner” sambit ni ginoong Conrad kay Dark. Kumunot naman ang noo ni Dark sa narinig. “Isa ka rin bang Demon Summoner?” tanong ni Dark sa ginoo, bahagyang napatawa ang ginoo sa kanyang narinig at hinimas himas nito ang kanyang baba na parang mayroong bigote ang naroroon kahit na bagong ahit ng balbas ang ginoo. “Hindi ako isang Demon Summoner. Hindi mo ba alam na hindi maaaring magkaroon ng dalawang klaseng Summoner sa iisang exousian. Maaaring magkaroon ng dalawang exousia ang isang exousian ngunit hindi maaari na ang isang exousian ay maging dalawang klaseng Summoner. Ang Mythical Summoner ay maaaring magkaroon pa ng isa pang exousia ngunit hindi siya maaaring maging Demon Summoner o kaya ay Phantom Summoner.” Mahabang paliwanag ni ginoong Conrad sa binata. Mas lalo naming kumunot ang noo ni Dark sa narinig. Makikita sa mata ni Dark ag pagkalito. “Kung ganoon ay bakit kayang kong magsummon ng mythical beast at demon?” nakakunot na noong tanong ni Dark, ilang sandali pa ay tila naliwanagan ito. “Dahil ba isa akong King Summoner kaya ang bawal na ito ay maaari kong gawin?” tanong pa ni Dark sa ginoo. Umiling naman ang ginoo sa tanong ni Dark. “Hindi bawal kungdi hindi maaari. Sapagkat ang katawan ng exousia ay balanse lamang, kung may kaayaya-aya ay mayroong hindi maganda, kung may mahina ay mayroong malakas. Ang bawat bagay ay may kabaligtaran, ganoon din ang katawan ng exousia lalo na ang isang summoner. Halimbawa ang isang Mythical Summoner ay may malakas na pisikal na enerhiya, ang enerhiyang ito ay ginagamit sa pagsummon ng mga mythical beast. Ngunit ang Demon Summoner ay gingamit ang kanilang spiritual na enerhiya upang maisummon ang Demon sa dimensiyon natin. Ang isang Mythical Summoner ay may mahinang spiritual na enerhiya na kinakailangan upang maging isang Demon Summoner.” Paliwanag ng ginoo kay Dark, gayunpaman ay hindi pa rin nababawasan ang pagkakunot ng noo ni Dark, bagkus ay mas lalo pang makikita ang pagkalito sa mga mata ng binata. Nasiyahan si Ginoong Conrad sa nakikita niya sa binata, makikita na uhaw sa kaalaman si Dark na gustong-gusto ng ginoo sa mga tinuturuan niya. “Alam kong nalilito ka pa rin kaya naman hayaan mong ipaliwanag ko sa iyo ng mabuti. Ang iyong ina at ang iyong ama ay pinigilan ng angkan ng Taylor sa kanilang pagpapakasal. Hindi dahil sa may alitan ang angkan ng mga Demon Summoner sa angkan ng mga Mythical Summoner, kungdi dahil hindi sila maaari sa isa’t isa. Malaki kasi ang tiyansa na kung ang Demon Summoner at ang Mythical Summoner ay nagsama ang kanilang magiging anak ay maaaring hindi makagamit ng exousia. Mawawalan sila ng kakayahan, ito ay dahil sa pagsasama ng dalawang klase ng enerhiya. Ang pisikal na enerhiya at ang spiritual na enerhiya, ang dalawang enerhiya na ito ay kailan man ay hindi maaaring maging balanse sa katawan ng exousia. Sapagkat tila ba magkasalungat ang enerhiyang ito, tila ba sila mga araw at buwan na hindi maaaring magtagpo. Ang iyong ama ay may malakas na spiritual na enerhiya at ang iyong ina naman ay may malakas na pisikal na enerhiya. Sa oras na makabuo ang dalawa ng kanilang supling ang dalawang malakas na enerhiyang ito ay magtatagpo sa gitna at mag aaway, magugulo ang buong sistema ng isang exousian. Ang balanse ay masisira at dahil sa pag aaway ng dalawang enerhiya na ito, hindi mo sila makokontrol at magagamit kaya magiging ordinaryong exousian ka na lamang” mahabang sambit ng ginoo. Saglit itong tumigil sa pagpapaliwanag upang bigyan ng kaunting panahon si Dark na intindihing maigi ang sinambit ng ginoo. “Ordinaryong exousian?” tila ba may isang saradong pintuan ngayon ang nagbukas sa harapan ng binata ng marinig ang katagang ito. “Hmmmm. Ordinaryong exousian. Sila ang mga exousian na hindi nagagamit ang kanilang pisikal na enerhiya ngunit may kakayahan pa rin sila sapagkat mas malakas ang kanilang katawan sa isang exousian na nagagamit ang kanyang pisikal na enerhiya. Ang mga ordinaryong exousian ay kayang makipaglaban sa isang demon beast ng hindi ginagamit ang kanilang pisikal na enerhiya sapagkat malakas ang kanilang pangangatawan, maaari naman silang maging mabilis kung ikukumpara sa mga exousian na ginagamit ang kanilang pisikal na enerhiya o kaya naman mas maging matalino. Hindi nila nagagamit ang kanilang pisikal naenerhiya kaya naman napag iiawanan sila dahil dito. Sapagkat higit na ninanais nila na magtrabaho upang kumit ng salapi kaysa sa magsanay sapagkat alam nilang wala silang laban sa isang exousian na nagagamit ang kanyang pisikal na enerhiya” nakangiting paliwanag ng Ginoo kay Dark, ang kaninang pagkalito ay unti-unting nagkaroon ng kalinawan. Tumingin ng mariin si Dark sa ginoo. Isang ala-alala ang nagbalik sa isipan ng binata. Si Allan na nasa bayan ng Grandi ay may malakas na pangangatawan kaya naman mahilig itong mangaso sa kagubatan ng mga Demon Beast, si Lukas ay mabilis at hindi niya ramdam na gumagamit ng pisikal na enerhiya ang bata. Nakikita niya na napapagod sa pagtakbo si Lukas ngunit kailan man ay hindi niya ito nakikita na nauubusan ng pisikal na enerhiya, si mang Ted at aling Marta na magaling sa pagkilala ng mga halamang gamot at maalam sa pag gawa ng potion at pills kahit na walang nagturo sa kanila noon. Unti-unting bumukas ang nakasaradong pintuan kay Dark. Hindi makapaniwala si Dark na maraming sikreto ang nakatago sa maliit na bayan ng Grandi. “Kung ganoon, ang mga mamamayan sa bayan ng Grandi……… isa ba silang--?” makikita ang pag aalinlangan sa boses ni Dark. Bahagyang lumawak ang pagkakangiti ng ginoo. “Tama ka. Ang mga exousian sa bayan ng Grandi ay ang mga anak sa pagitan ng dalawang Summoner na nagsama. Walang paaralan na nagtuturo sa mga mamamayan dito sa bayan sapagkat hindi nila nagagamit ang kanilang pisikal na enerhiya. Akala ng mga exousian sa bayan ay ang ganitong bagay ay ordinaryo lamang sapagkat lahat ng naninirahan dito ay ganoon” tila ba isang pagsabog ang namutawi sa bibig ng ginoo, hindi makapaniwala si Dark sa kanyang narinig. “Ang Demon na nasa katawaan mo ba ang nagsabi na dito sa bayan na ito ka magtungo upang makapagtago.” Sambit ng ginoo kay Dark, hindi iyon isang tanong kungdi isang pahayag. “Paano mo nalaman?” tanong ni Dark sa ginoo, iniisip ng binata kung may sikreto rin ba ang pagtungo niya sa bayang ito noong tumatakas siya. Mas lalong lumawak ang pagkakangiti ng ginoo. “Sa tingin ko ay sinambit ng iyong ama sa iyong Demon na maaari kang magtago sa bayan ng Grandi. Sapagkat ang bayang ito ay simple lamang at hindi pinagtutuonan ng atensiyon ng kaharian, higit sa lahat….” mariing tumingin ang ginoo kay Dark, napalunok si Dark dahil sa titig ng ginoo at kinakabahan ang binata na sa tingin niya ay napaka importante sa kanya ang sasabihin ng ginoo. “Higit sa lahat ang mamamayan sa bayang ito ay ang hukbo na inilaan ng iyong ama para sa iyo”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD