Kabanata 1

2035 Words
Third Person POV “Mainit ang mata nila sa atin mahal ko, lalo na ng malaman nila ang patungkol kay Eros” isang malamyos na tinig ng babae ang narinig ng isang batang lalaki ng dumaan ito sa isang silid. Kilala ng batang lalaki ang boses na ito sapagkat lagi niya itong naririnig sa araw-araw, boses ito ng kanyang mahal na ina. “Hindi sila maglalakas ng loob na sumugod sa kaharian, ngunit kung sakali mang maging mapangahas sila ay may plano na akong nakalatag. Kaya hindi mo kailangang mabahala mahal ko” sambit naman ng isang baritonong tinig na ama ng batang lalaki, akmang kakatok ang batang lalaki sa pinto ng napatigil ito. “Patungkol kay Eros, sigurado ka na ba na siya ang nais mong humalili sa iyong posisyon? Paano na lamang si Sage?” kumuyom ang kamay ng batang lalaki na si Sage matapos marinig ang sinambit ng ina. “Haaa! Si Eros ang itinakda upang maging hari, kung hindi dumating si Eros sa buhay natin o kaya naman ay wala ang palatandaan sa kanya ay si Sage ang papalit sa akin ngunit higit na mahalaga ang matagal na layunin ng mga Summoner” “Paano ang ating panganay na anak?” hindi na nais pakinggan pa ni Sage ang pag uusap ng kanyang mga magulang. Mabilis itong umalis ng nakakunot ang noo at mababahiran ng galit sa kanyang mga mata. Isang batang lalaki ang naglalakad sa pasilyo ng isang kaharian, kapansin pasin sa bata ang kulay asul nitong buhok at kulay dilaw na mga mata. May suot itong isang eleganteng polo na kakulay ng kanyang buhok na may palamuti sa magkabilang manggas na ginamitan ng kulay dilaw na sinulid. Tila ba korteng ulap ang binuo ng kulay dilaw na sinulid. Sa itaas ng ulo ng bata ay isang maliit na korona na gawa sa pilak. Sa likod ng bata ay ang mga tagsilbi nito at apat na kawal ng kaharian. Sa edad na labing isang taong gulang ay makikita sa bata ang pagiging pinuno, simula sa ayos at lakad nito ay talagang mapapatigil ang lahat, makikita rin ang otoridad sa bata nitong mukha. Habang naglalakad sa pasilyo ay isang batang kaedad lamang ng batang prinsipe ang sumulpot sa gilid nito. Ang bata ay may suot ng itim na polo na dinisenyuhan ng kulay pilak na sinuliid. Bumulong ang bata sa prinsipe, ang matalas na kilay ng prinsipe ay unti-unting nagsalubong at napatigil ito sa paglalakad. Lumiko ang binata at nagtungo sa isa sa mga silid sa kaharian. Gawa sa kahoy ang pintuan ng silid ngunit may disenyong ulap at sa itaas nito ay isang ulo ng dragon ang nakaukit sa pintuan. Binuksan ng batang pri[nsipe ang pinto ngunit bago pumasok ay nagsalita muna ito. “Maiiwan kayo rito, Rima, ikaw ang sumunod sa akin” kalmado nitong sambit, matapos nito ay pumasok ito sa silid at sinara ng batang lalaki na may ngalang Rima ang pinto. Pagkabukas ng silid ay bubungad isang lamesa na gawa sa kahoy at isang upuan rito. Sa paligd ng silid ay makikita ang iba’t ibang klaseng libro na nakalagay sa lalagayan na pinagawa ng mismong hari para sa kanyang anak na prinsipe sapagkat mahilig itong magbasa at may mapaglagyan ang mga libro nito. Umupo ang prinsipe sa nagiisang upuan sa silid at binigyan ng tingin si Rima. Binuksan ni Rima ang kanyang polo ng bahagya at makikita ang isang simpleng damit panloob, may kinuhang isang sobre ang batang lalaki mula sa bulsa ng kanyag panloob na damit at inabot sa prinsipe. Kinuha ng prinsipe ang sobre at binuksan ito, hindi na nagtaka ang prinsipe sapagkat madalas niyang natatanggap ang sulat na ito noong sampung taong gulang siya. Itinago niya sa kanyang amang hari ng patungkol sa bagay na ito. Matapos basahin ng prinsipe ang sulat ay makikita ang pagiging kalmado nito. Ang kaninang asul na buhok nito ay nagbago at naging kulay itim, ang kanyang dilaw na mata ay nagging kulay pula at isang kulay lila berdeng apoy ang lumabas sa kamay ng prinsipe, sinunog nito ang sobre at tanging abo lamang ang naiwan sa itaas ng lamesa. Tumayo ang prinsipe sa kanyang kinauupuan. “Linisin mo ang abo, magtutungo ako kay ama” simple at kalmadong wika nito sa batang lalaki, matapos nito ay lumabas na sa silid. Sa ganitong oras ay nasa silid aklatan ang kanyang ama at alam iyon ng prinsipe kaya naman nagtungo siya roon. Dalawang tagasilbing lalaki ang nasa labas sa pinto ng silid aklatan. Pawang mga lalaki ang tagasilbi ng kanyang ama upang maiwasan na magselos ang kanyang ina, sapagkat noong kumuha ng babaeng tagasilbi ang kanyang ama noon ay nahalata ng kanyang ina ang mga balak ng ito para sa kanyang amang hari, galling sa apat na maharlikang angkan ang mga babaeng tagasilbi noon at inaasam ng mga ito na maging bahagi ng kanilang pamilya at maging babaae ng kanyang ama. Kaya mula noon ay hindi na kumuha ng babaeng tagasilbi ang kanyang amang hari na hindi sinang ayunan ng mga ministro. Marami sa mga ministro ang nais hikayatin ang hari na magkaroon ng maraming asawa upang magkaroon ng maraming anak at mapakalat ang kanyang lahi, sapagkat isang henyo kung maituturing sa larangan ng exousia ang hari, at tiyak na ang magiging anak nito ay magiging henyo rin. Hindi nga nagkamali ng akala ang mga ministro, si Prinsipe Aaron Sage Kreig ay isang henyo na pinupuri ng kanyang mga guro sa akademya ng Demi dahil sa husay nito sa paikipaglaban mapa pisikal man na aspeto o ang pag gamit ng exousia. Nakakalungkot nga lamang sapagkat iniisip ng mga ministro na kung mag aasawa ang hari na galling sa apat na maharlikang angkan ay tiyak na mahihigitan ng magiging anak ng hari na mula sa apat na angkan ang anak nito sa reyna iyon ang nasa isip ng maharlikang angkan at ang mga ministro, may mga usapan din na ang reyna ay hindi kayang gamitin ang kanyang exousia sapagkat napinsala ang ‘lalagyan’ nito. Tinanggi naman ng hari ang usapang ito at nagwika na ang reyna ay may kakayahang kumausap ng mga demon beast, ngunit alam ng prinsipe na totoo ang mga usapang ito. Pumasok ang prinsipe sa silid aklatan matapos siyang payagan ng mga tagabantay. Matapos pumasok sa siilid ay bumungad sa prinsipe ang hari na may hawak hawak na libro at seryosong nagbabasa, dahil sa ingay nang sumara aang pinto ay napaangat ng tingin ang hari at nabungaran niya ang mukha ng kanyang panganay na anak. Katulad ng buhok at mata ng kanyang reyna ang buhok at mata ng dalawa niyang anak ngunit kawangis niya ang kanyang panganay na anak lalo na ang matalas na kilay nito, samantala mas kawangis naman ni Eros ang kanyang ina. Ngumiti ang hari sa kanyang panganay na prinsipe at sinenyasan na umupo. Sumunod naman ang prinsipe at umupo sa tapat ng kanyang ama. “Kamusta ka at ang pag aaral mo sa akademya ng Demi?” tanong ng hari kay Sage, ngumiti naman ang batang prinsipe na may halong pagkainosente. “Maayos naman ako ama, ang mga guro ko sa akademya ay panay ang papuri sa akin. Sinambit nila na kung ipagpapatuloy ko ang aking ginagawa ay magiging magaling akong hari katulad mo ama” ngiting wika ni Sage sa anyang amang hari, napatigil naman ang hari dahil sa narinig ngunit ngumiti rin ito agad, napayuko naman si Sage sapagkat nakita niya ang bahagyang pagtigil ng kanyang ama, ang kaninang malinaw na dilaw na mata nito ay nababalutan ng kadiliman. Muling naalala ni Sage ang liham na kanyang nabasa. Pagbati, mahal na prinsipe, Kamusta, mahal na prinispe? Ikaw pa rin ba ang magiting na prinsipe ng kaharian. Maraming nagsasabi na ang prisipe ng kahariang Zendar ay isang henyo at kahanga-hanga pagdating sa pakikipaglaban. Sa edad na labing isa ay masasabi na napakagaling nito sa pakikipaglaban kung ikukumpara sa mga ka edad nito. Ngunit kabaliktaran nito ang iyong kapatid. Si Prinsipe Aaron Eros Kreig ay napakapilyo, noong ka edad mo ang iyong nakababatang kapatid ay sanay ka na sa pag gamit ng iyong exousia, marami ka na ring mga kaalaman na iyong nabasa sa mga libro, ngunit ang iyong kapatid sa edad na apat ay tanging pagtakas sa mga guro nito ang alam at tanging pakikipaglaro lamang ang nais. Ngunit gayunpaman ay hinahayaan ng iyong ama at ina ang ganitong pag uugali ng iyong kapatid, ikaw din mahal na prinsipe ay iniisip na walang mali sa inaasta ng iyong kapatid. Ngunit iyon pa rin ba ang iyong iisipin kung sasambitin ko sa iyo na ang mahal mong amang hari ay may balak na ibigay ang trono sa iyong nakababatang kapatid. Tama ang pagkakabasa mo mahal na prinsipe, ang henyo at magiting na prinsipe ng kahariang Zendar ay mananatili lamang bilang prinsipe sapagkat ang pilyong nakababata mong kapatid ay ang magiging hari. Ang lahat ng papuring natatanggap mo ngayon ay hindi magtatagal sapagkat ang iyong kapatid ang pupuriin ng lahat sa oras na maging hari ito. Ang lahat ng pinaghirapan mo ay mawawala na lamang. Alam ko na bilang anak ng hari ay nagsanay ka ng husto sa halip na maglaro, nagbasa ka ng maraming libro sa halip na magpahinga. Tinago mo ang totoo mong ugali at tanging inosenteng ngiti ang pinapakita mo sa iyong ama. Ang mga boses sa isipan at puso mo ay pilit mong tinatago sa pinakailalaliman ng iyong pagkatao sapagkat natatakot kang makita iyon ng iyong ama at hindi niya magustuhan ito. Mahal na prinsepe, isa kang demon summoner at ang mga boses sa iyong isipan ay likas na bagay lamang sa mga demon summoner. Lahat ng ginagawa mo ngayon ay magiging walang silbi sapagkat ang nakababata mong kapatid ang magiging hari at hindi ikaw. Alam kong hindi mo ako paniniwalaan kaya naman bakit hindi mo tanungin ang iyong ama patungkol rito. Hindi mo kailangang itago sa pinakailalaiman ng iyong pagkatao ang mga boses sa iyong isip at puso. Bakit hindi mo sila sundin? Bakit hindi mo gawin ang talagang nais mo mahal na prinsipe. Kung nakapag desisyon ka na ay maaari mo akong sulatan. Maaari kang maging hari kung tutulungan mo ako. Hanggang sa muli, -R Muling bumalik sa isipan ni Sage ang liham na kanyang nabasa, tinago ng batang prinsipe at totoo nitong damdamin at muling inosenteng tumingin sa kanyang ama. “Ama, sa tingin mo ba ay magiging magaling akong hari katulad mo” ngiting pahayag nito sa kanyang ama, ngumiti ang hari sa narinig. ‘Ama, huwag mo akong biguin katulad ng hindi ko pagbigo sa iyo sa tuwing nais mong ako ang maging pinakamagaling na prinsipe’ matiim na pinagmasdn ni Sage ang ama, naghihintay sa sagot nito. “Alam mo naman na maraming kalaban ang iyong ama, Sage. Nais ko na sa oras na mawala na ako ay magtutulungan kayong magkapatid para sa kaharian. Ikaw man ang maging hari o hindi ay sana hindi mawawala ang kabutihan sa iyo. Pinangalanan kitang Sage sapagkat ang kahulugan nito ay mabait at matalino kaya naman hiling ko na lumaki kang mabait at matalino gaya ng iyong ngalan. Mahal ko kayong dalawa ng kapatid mo” wika ng hari habang nakangiti kay Sage, sinenyasan niya ang batang prinsipe na yakapin siya kaya naman lumapit si Sage sa kanyang ama at lumakad. Ngunit hindi nakita ng hari ang pagbabago ng mga mata ni Sage ang kaninang inosenteng mata nito ay nagbago at unti-unting dumilim. “Ama, bakit binigo mo muli ako” ‘Sinabi ko naman sa iyo, paborito ng iyong ama si Eros at dahil roon ay siya ang nais nitong maging hari na dapat ay ikaw’ ‘Ikaw ang karapat dapat sa trono ngunit ng dumating ang iyong kapatid ay nabalewala na ang lahat ng pinaghirapan mo’ ‘Kung hindi nais ng iyong ama na ika’y maging hari, ikaw na lang mismo ang gumawa ng paraan upang maging hari ka’ Sari-saring boses ang naririnig ni Sage sa kanyang isipan, lumalakas ito habang patagal ng patagal. Kung dati ay binabalewala ito ng batang prinsipe, ngayon ay nais niyang sundin ang mga sinasambit ng mga ito. ‘Patawad ama, matagal kong sinunod ang nais mo, hayaan mo namang sundin ko ang nais ko. At ang nais ko ay maging hari!’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD