Simula

1116 Words
Third Person POV   Isang binata ang nasa  ikatlong palapag ng Bloom Pavilion, isang bahay aliwan sa kaharian ng Azov. Ang kaharian na ito ay isa sa pinakamalapit na kaharian sa kaharian ng Zendar, maituturring na kapitbahay lamang ng kahariang Zendar ang kahariang Azov. Ang dilaw na mata ng binata ay nakatingin sa bintana na nasa direksiyon ng kaharian ng Zendar, makikita sa labas ng bintana ang isang malaking pader na harang, ang parteng ito ng kaharian ay ang bayan ng Saman. Ito ang bayang tanggulan ng kaharian kung sakaling may umatake rito. Sa labas ng pader na harang ay ang mala disyertong lugar na tanging dilaw na buhangin lamang ang makikita. Isang binata ang lumapit sa lalaking may dilaw na mga mata.   “Mahal na prinsipe, nakahanda ang lahat para sa pagsugod natin sa kaharian ng Zendar isang buwan mula ngayon” sambit ng lalaki, maririnig sa boses nito ang pag galang, ang binatang ito ay may kaayumangging balat at kayumangging buhok. Matalas ang tingin nito ngunit sa tuwing titingin ito sa sa binatang prinsipe ay lumalaambot ang kanyang mata at makikita rito ang paghanga.   Napailing na lamang ang binatang prinsipe sa sinambit ng binata.   “Lukas, ilang beses ko bang sasambitin sa iyo na maaari mo akong tawagin sa aking ngalan kapag tayong dalawa lamang” dahil sa narinig ay napangiti si Lukas Mayein. “Isa kang prinsipe kaya naman hindi na kita maaaring tawaging kuya Dark. Bilang isa sa iyong mga heneral ay marapat lamang na igalang kita mahal na prinsipe” sambit nito at ang kaninang ngiti sa mga labi ay napaaitan ng pagkaseryoso.   “Hmmm. Kung iyan ang gusto mo” pagsukong sambit ni Dark rito, tumikhim si Dark at muling tumingin sa nagtataasang pader.   “Sa tingin mo ba ay kayang sirain ng hangin ang isang malaking  pader?” natanong ng binatang si Dark kay Lukas, napakunot naman ng noo si Lukas sa kanyang narinig. “Depende  iyan sa hangin, mahal na prinsipe” napangiti si Dark sa kanyang narinig. “Tama ka, kung ang hangin ay mahina lamang ay hindi matitibag ang isang malaking pader. Kaya naman ako at ang hukbo ay magiging isang ipo-ipo kung saan, ang bawat madaanan natin ay mawawasak, maliit na tirahan man iyan o kaharian” may pakahulugang sambit ni Dark rito.   “Pumili ka ng sampung exousian na sasama sa akin patungo sa kaharian ng Zendar” nagtaka naman si Lukas sa kanyang narinig at kumunot ang noo ng binata.   “Mahal na prinsipe, maaari ko bang malaman kung ano ang inyong balak?” taking tanong ni Lukas.   “Balak? Simple lang, isa akong prinsipe na magbabalik sa kanyang kaharian kaya naman bakit ko kinakailangan ng hukbo sa aking pagbabalik na tila ba ako ay nagrerebelde. Nais kong ipaalam sa aking kapatid na ang kanyang mahal na kapatid ay magbabalik bilang isang prinsipe at magiging hari sa kahariang kanyang tinatamasa” bahagya pang tumaas ang isang sulok ng labi ni Dark ng sambitin niya ang mga katagang iyon.   “Ngunit magiging mapanganib ang balak niyo kung hindi ninyo isasama ang hukbo sa inyong pagbabalik?”   “Hindi sasabay sa akin ang hukbo sa aking pagbabalik ngunit hindi ko sinambit na hindi sila magtutungo sa kaharian. Ang nakatagong kalaban ay mas nakakatakot kung ikukumpara sa nakikitang kaaway” tumingin si Dark kay Lukas at tinapik tapik ang braso nito.   “Matagal akong naghintay kaya naman magtiwala ka sa mga plano ko” ngiting pahayag nito at tinalikuran ang binata na si Lukas.         Makalipas ang isang linggo   Sa silid ng trono sa kaharian nagpupulong pulong ang mga ministro at ang pinuno ng apat na maharlikang angkan sa kaharian ng Zendar, nakaupo sa gilid ng trono  si prinipe Aaron Sage Kreig, ang trono ng hari sa gitna at sa magkabilang gilid nito ay may dalawag trono na ginawa para sa dalawang prinsipe ng kaharian. Kung ang trono ng hari ay gawa sa ginto, ang dalawang trono naman ng prinsipe ay gawa sa pilak.   Isang tagapaglingkod ang mabilis na lumakad at lumuhod sa prinsipe. Napatingin ang lahat ng ministro sa lapastangang gumambala sa kanilang pagtitipon-tipon.   “Mahal na prinsipe ang inyong kapatid ay nasa tarangkahan ng kaharian” hingal sambit ng tagapaglingkod habang nakayuko ito, ang pawis nanggagaling sa kanyang noo ay unti-unting bumaba patungo sa kanyang ilong at baba hanggang sa pumatak ito sa sahig ng silid. Kumunot naman ang noo ng prinsipe sa kanyang narinig.   “Sinong kapatid?” tanong nito habang nakakunot ag kanyang noo. Lumunok pa muna ang tagasilbi  bago nagsalita na may nanginginig na tono.   “S-Si P-Prinsipe Eros po ay nasa tarangka—” hindi na natapos ng tagasilbi ang kanyang sasabihin sapagkat mabilis na tumayo sa kanyang trono ang prinsipe at agad na lumabas. Sa labas ng tarangkahan ay isang binata ang naroroon. May kulay asul itong buhok at dilaw na mga mata. May suot itong isang simpleng asul na polo na may mga palamuti na gawa sa gintong sinulid. Sa harap ng prinsipe ay ang mga kawal ng palasyo na nakaharang sa pagpasok ng binata. Nakangiti naman ang binata at tila hindi ito ininda. Ang mga exousian sa paligid ay nagtipon-tipon upang makanood sa mga mangyayari.  Ilang sandal pa ay bumukas ang tarangkahan at lumabas roon si Prinsipe Aaron Sage Kreig. Makikita sa mga mata nito ang pagkagulat ng masilayan si Dark sa totoo nitong wangis nito. Ngumiti ito na tila masayang masaya sa pagbabalik ng kanyang kapatid kahit na sa loob ng binata ay nais niyang hindi ito muling makita lalo na at nalalapit na ang koronasyon.   “Mahal kong kapatid! bakit ngayon ka lamang bumalik? Matagal kitang hinanap” ngiting pahayag ng prinsipe at lumapit ito kay Dark, ngumiti naman ng matamis si Dark, isang ngiti ng kainosentehan katulad ng bata siya.   “Kokoronahan ako bilang hari isang buwan mula ngayon kaya naman bumalik ako para sa koronasyon ko” ngiting pahayag nito sa kanyang kapatid.   Dahil sa narinig ay makikita ang galit sa mga mata ni Prinsipe Sage ngunit nakangiti pa rin ito kay Dark.   “Masaya ako na bumalik ka!” ngiti nitong wika at nilapitan si Dark upang yakapin. Nang tumapat ang bibig ng prinsipe sa tenga ni Dark ay muli itong nagwika ng pabulong.   “Hindi ko alam kung ano ang mga plano mo ngunit, pagsisisihan mong bumalik ka pa mahal kong kapatid” bulong na sambit ni Prinsipe Aaron Sage Kreig sa kanyang kapatid na si Prinsipe Aaron Eros Kreig. Marahan naming tinapik tapik ni Dark ang likod ng kanyang kapatid at bumulong sa tenga nito.   “Mali ka. Sapagkat pagsisisihan MO na bumalik pa ako” mabagal na pahayag ni Dark ng pabulong habang nakangiti at nakayakap ng mahigpit sa kanyang kapatid.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD