Kabanata 28

2091 Words

Dark POV “Basahin niyo ang librong ibinigay ko bago matulog, makakatulong iyon sa inyo. Kung may mga tanong kayo ay naririto lamang ako sa palasyo” pagpaalam ni Tagapamahalang Raphael sa amin matapos niyang magturo patungkol sa mga demon beast. Nang makalabas na ang tagapamahala ay siya namang pagkarinig ko sa malakas na buntong hininga ni Crey. Tiningnan ko ito at kita kong nakasalampak ito sa kanyang lamesa. “Hanggang ngayon napakasakit pa rin ng mga braso at paa ko. Sa tuwing ginagalaw ko ang aking balikat ay mas tumitindi ang sakit” reklamo ni Crey sa amin, hindi ko naman ito pinansin at sumandal sa aking upuan at pumikit. Parehas lamang kami ng nararamdaman ni Crey, hinala ko ay nabigla ang aming mga katawan kaya naman sa tuwing ginagalaw ko ang aking mga paa at braso ay sumasakit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD