Third Person POV Malamig ang simoy ng hangin sa paligid at madilim pa ang kalangitan. Sa loob ng isang tolga ay makikita ang tatlong lalaki na mahimbing na natutulog. DING… DING… DING… Tatlong sunod na tunog ng kampana ang umalingaw-ngaw sa tahimik na lugar. Ang lalaki sa pinakadulo ng tolga ay mabalis na nagmulat ng mata, babangon na sana ang binata ng binaling nito ang kanyang paningin sa kanyang tiyan kung saan nakita niya ang isang paa na nakadagan sa kanya. Sinundan niya ng tingin kung kanino ito galling at kita niya na ang may ari ng paa ay si Crey na kasalukuyang naghihilik pa. Dahan-dahang inalis ni Dark ang paa ng binata at mabilis na tumayo, mabilis itong nagbihis ng pang ensayong kasuotan. Dalawang minuteo lamang ang tinagal ng binata sa pagbibihis at mabilis niyang ginisiin