Third Person POV Sampung minuto matapos lumabas ni Crey sa silid ay bumalik ang binata na may namumutlang mukha, nakahawak pa rin ang lalaki sa kanyang tiyan ng umupo ito sa kanyang upuan. Kasabay ng pagkaupo ng binata ay ang pagbukas naman ng pinto, pumasok sa silid si Heneral Saavedra. Napatingin ang grupo sa pagpasok ng heneral, hindi katulad kahapon na tila wala ito sa kanyang sarili. Ngayon ay matalas ang kanyang mga mata at nangungusap ng kaalaman, maayos ang tindig ng heneral at nararamdaman ng grupo ang otoridad sa bawat hakbang ng heneral. Nagtaka si Dark at bahagyang nagulat sapagkat ibang-iba ang ayos ng heneral ngayon. Kahapon lamang ay may balbas pa ang heneral at may dala-dalang bote ng alak. Ngunit ngayon sa halip na bote ng alak ay may dala itong limang libro, ang simpl