Kabanata 9

1746 Words
Third Person POV Sa kagubatan ng Grandi isang binata ang nakikipaglaban sa isang mythical beast. Isang Golden Winged Lion ang sumugod sa likuran ng binata, upang maka iwas ay isang malakas na pagtalon pataas ang ginawa ni Dark. Nagmintis ang atake ni Leon, ngunit mabilis ang naging pagkilos ni Leon at mabilis nitong binuka ang kanyang mga pakpak upang lumipad paitaas. Iniharap ni Dark ang kanyang palad kay Leon na ngayo’y patungo sa kanyang direksiyon. Ang pakpak ni Leon ay unti-unting nagkaroon ng yelo simula sa pinakadulo ng balahibo ng kanyang pakpak patungo sa gitna. Ngunit hindi nagtagal ang yelo na iyon sapagkat ang pakpak ng Golden Wing Lion ay nagkaroon ng apoy. Natunaw ang yelo at kasabay ng paglakas ng apoy ay ang mabilis na pag atake ni Leon kay Dark, upang makaiwas ay ginamit ni Dark ang hangin sa paligid upang gumalaw sa ere palayo sa atake ni Leon. Dahil sa ginawa ng binata ay malakas na nagpakawala ng tunog si Leon. ROARRRRRRRRRRR Natigilan si Dark at unti-unting bumaba galling sa ere. Nang makalapag sa lupa ay napakamot ng batok ang binata. “Pasensya na nakalimutan kong hindi ko maaaring gamitin ang hangin sa pagsasanay na ito” wika ni Dark kay Leon, nagsasanay ngayon si Dark na gamitin ang kakayahan ni Fiend sa pagkontrol ng yelo sapagkat ilang araw mula ngayon ay magtutungo siya sa Beast Dimension upang maiangat sa antas ng Mythical Core stage si Fiend. At sa oras a mangyari iyon ay ang dugo ng Snow wolf ang pipillin ni Fiend, kaya naman dapat hanggang maaga pa ay masanay na siya sa pagkontrol sa yelo. ROARRRRRRRRRRR Matapos marinig ang sinambit ni Leon ay naging seryoso si Dark. “Naiintindihan ko, bigyan mo lamang ako ng ilang minuto” saad ni Dark sa mythical beast. Matapos nito ay inalis niya ang pagkakamerge kay Fiend. Ang kaninang putting buhok ni Dark ay muling naging kulay itim. Lumitaw din sa tabi ni Dark ang isang heavenly tiger na hanggang balikat niya ang laki. “Magsanay na muna kayo ni Leon, Fiend. Babalik ako mamaya” wika pang muli ni Dark matapos niyon ay tumalikod ang binata at nagtungo sa ibang bahagi ng kagubatan. Habang papalayo si Dark sa lugar kung saan kasalukuyang naglalaban ang dalawang mythical beast ay narinig naman niya ang mahihinang yabag na nasa kanayang likuran. Mahina lamang ang mga yabag na ito at kung hindi pakikinggan maigi ay hindi mo mahahalata. Mabilis na tumakbo si Dark at mabilis naman na sumunod sa binata ang mga yabag ng paa. Kahit na tanging ag pisikal na enerhiya lamang ang gamit ni Dark sa pagtakbo ay mabilis pa rin ito. Lumiko ang binata pakanan, may maliit na lawa sa direksiyon na tinatahak ni Dark sa gilid ng lawa ay ang mga malalabong na mga d**o na hanggang balikat sa paligid ay mga puno. Nang makarating si Dark sa malalabong d**o ay mabilis siyang tumalon doon at nagtago. Umihip ang hangin sa kaliwang direksiyon at sinabayan ni Dark ang kanyang pag gapang sa kaliwang direksiyon. Ang lalaking humahabol kay Dark ay napatingin sa paligid sapagkat hindi niya makita ang binata. Sabay sabay ang pag galaw ng mga d**o sa paligid,, sinasabayan nito ang hangin sa kaliwang bahagi, ganoon din ang ginagawa ni Dark, pagapang itong naglakad patungo sa kaliwang bahagi kaya naman hindi malaman ng lalaking humahabol kay Dark kung saan nagtatago ang binata. Naglakad ito ng padiretso sa mga malalabong at bawat limang hakbang nito ay lumilinga-linga ang lalaki upang hanapin si Dark. Samantala si Dark naman ay gumagapang patungo sa likuran ng lalaki, sa bawat paghinto ng hangin ay humihinto din si Dark kaya naman nahihirapan ang lalaki na mahanap ang binata sapagkat sabay-sabay ang kilos ng mga d**o sa tuwing iniihip ito ng hangin. Ilang sandali pa ay mabilis na hinawakan ni Dark ang paa ng lalaki at hinatak ito. THUDDDDD! “AHHHHH!” naging sigaw ni Lukas ng madapa ito sa damuhan dahil sa may humila sa kanyang paa. Agad na lumingon si Lukas sa kanyang likuran at nakita niyang nakatayo roon ang kanina pa niyang hinahanap na si Dark. “Kuya naman!” angil pa ni Lukas habang hinimas himas ang kanyang mukha, namula pa ang kaliwang bahagi ng pisnge ng batang si Lukas dahil sa pagkakabagsak ng kaliwag bahagi ng kanyanng mukha. “Hindi ka ba magpapaliwanag kung bakit mo na naman ako sinusundan?” tanong ni Dark, habang nakakunot ang noo ng binata kay Lukas. Tumingala si Lukas at tiningnan si Drak habang inaalis nito ang mga damong nasa uluhan. “Ang totoo niyan ay galing ako sa sentro ng bayan, nakita ako ni mang Tunio, iyong naghahatid ng mga liham dito sa bayan at ibinigay sa akin ang isang liham na galling sa kaharian. Sinambit ni mang Tunio na para sa iyo daw ang liham na ito at ibigay ko raw sa iyo” wika ni Lukas kay Dark, Tumayo ang bata matapos linisin ang mga d**o na nasa kanyang ulo, pinagpag pa nito ang kanyang likuran at ang kanyang dalawang kamay. Matapos niyon ay may kinuha itong puting sobre sa kanyang bulsa at inabot kay Dark, kinuha naman ito ni Dark at tiningnan si Lukas. “Nakita kita na papasok sa gubat kaya naman sinundan kita, tapos nakita ko na nagsasanay ka kasama nung isang Demon beast. Kaya naman nanood ako” pakamot kamot sa ulong sambit ni Lukas kay Dark. “Tsk!” sambit naman ni Dark at tinalikuran na ng binata si Lukas, sumunod naman si Lukas sa binata. “Kuya, uhmm……. Kasi…….. gusto ko sanang sumama sa iyo upang magsanay din” muling sambit ni Lukas, dahil sa narinig ay lumingon sa kanyang gilid si Dark kung saan naroroon si Lukas. Nagpapahiwatig na nakikinig siya sa sinasabi ng bata. “Napag isip-isip ko kasi noong pinalitan mo ako bilang kalahok sa Tournament, na para sa mga katulad nating mahihirap at mahina para sa iba walang halaga ang buhay natin. Ngunit kung mayaman ka naman at malakas katulad ng matataas na opisyales mahalaga ang buhay mo at titingalain ka ng lahat” matapos sambitin ni Lukas ang mga katagang iyon ay napatigil ito sa paglakad. ‘Ang pagkain ko ay minsan mahal pa sa ginto ngunit may pagkakataong ang halaga nito ay mas mura pa sa presyo ng ligaw na d**o’ nagbalik kay Dark ang sinambit ni Gabriel sa kanya kahapon. Mura pa sa ligaw na d**o at mahal pa sa isang ginto. Natigil sa pag iisip si Dark ng muling magsalita si Lukas. “Kuya” seryosong wika ni Lukas at nakakuyom ang mga kamao nito. “Gusto kong maging malakas, hindi ko nais na habang buhay na manatili dito sa bayan natin, maging isang mahinang exousian at walang magawa sa oras na magsambit ng pasya ang mga nakatataas patungkol sa direksiyon ng aking buhay. Gusto kong maging katulad mo. Gusto kong makatulong din sa iyo” sambit ni Lukas, makikita ang sa batang mukha ni Lukas na seryoso siya, ang dating tila batang si Lukas ay ngayon kung titinginan ay makikita sa mata nito ang determinasyon na wala dapat sa edad niya ngayon na trese anyos. Bahagyang tumaas ang isang sulok ng labi ni Dark, hindi dahil nasisiyahan ito kungdi dahil kinukutya nito ang kanyang sarili dahil sa kanyang kapalaran. “Alam mo ba kung bakit gusto kong maging malakas? Lukas hindi mo kailangang pilitin ang iyong sarili, bata ka pa. Hindi ka ba masaya na mamuhay ng simple katulad dito sa bayan. Mababait ang mga exousian dito at masiyahin, simple lang at walang masyadong gulo. Heh, maliban nga lang kapag naririyan si Allan” ngiting sambit ni Dark kay Lukas, at nagpatuloy ito sa paglalakad. “Alam ko ang naisin ko kaya nga gusto kong magpalakas. Ikaw ba kuya ano ba ang dahilan mo kung bakit mo nais magpalakas? Maaari kitang tulungan sa ano mang dahilan na iyan” ngiting wika ni Lukas ngunit makikita na seryoso ito sa kanyang sinasabi. NApangiti na lamang si Dark at napailing sa sinambit ng bata, hindi nito siniseryoso ang winika ni Lukas, hindi dahil sa wala itong tiwala sa sinambit ng bata kungdi dahil hindi niya nais na ilagay ito sa kapahamakan. “OO nga pala! Kasabay ng liham na iyan ay nagtungo din ang iilang kawal ng siyudad. Dala dala nila ang mga salapi at iba pang premyo na napanalunan mo sa Tournament. HMPH! Sigurado ako na mapupunta na naman iyon sa bulsa ng namamahala sa bayan” napatigil si Dark sa kaniyang narinig ngunit tumuloy ito sa paglalakad. Kinagabihan. Matapos magsanay ni Dark sa kagubatan ay nagsindi ito ng apoy gamit ang mga kahoy sa paligid. Hindi takot si Dark na magsindi ng apoy na maaaring dahilan upang maakit ang mga demon beast patungo sa direksiyon niya. Balak ni Dark na sa kagubatan na matulog at magsanay pang muli bago tuluyang magpahinga. Wala nang suot na pang itaas na damit si Dark sapagkat, sira sira na ito dahil sa pagsasnay kanina. Muling naalala ni Dark ang sulat na binigay sa kanya ni Lukas kaya naman kinuha niya ito at binuksan. Sa gilid ng puting sobre ang tila gintong guhit. May tatak ng letrang Z ang pinakadulo ng bukasan ng sobre. Binuksan ni Dark ang sobre at lumitaw sa kanyang harapan ang isang kulay itim na liham, binuksan niya ito at nakasulat sa puting tinta ang liham. Ilang minutong binasa ni Dark ang liham, matapos ay bumuntong hininga. ‘Gabriel’ tawag ni Dark sa kanyang isipan. ‘Hmmm’ ‘Ano sa tingin mo ang mabilis na paraan upang makakuha ng maraming kaluluwa?’ wika naman ni Dark rito. ‘Aanhin mo naman ang kaluluwa ng exousian?’ pagmama-angang sambit ni Gabriel kay Dark. ‘Hindi ba’t kaluluwa ng isang exousian ang pagkain mo. Mura pa sa damong ligaw at mahal pa sa ginto. Ang kaluluwa ng isang mahina at mahirap na exousian ay mura pa sa ligaw na d**o, at ang kaluluwa ng mayaman at malakas na exousian ay mahal pa sa ginto’ paliwanag ni Dark kay Gabriel, bahagyang tumaas ang isang sulok ng labi ni Dark na parang may naisip. ‘Isang linggo mula ngayon ay magtutungo ako sa Kaharian upang doon magsanay kaya naman may isang linggo lamang ako upang mangolekta ng kaluluwa g isang exousian. At sa tingin ko mas mainam kung umpisahan natin sa mga kakampi ng aking kapatid.’ ‘Tiyak na mahal ang mga kaluluwa ng mga iyon’ wika ni Dark habang lumalalim ang kulay pulang mata ng binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD