Kabanata 8

1601 Words
Third Person POV Habang naglalakad pabalik sa kanyang munting tahanan si Dark ay napapaisip pa rin ito sa sinambit sa kanya ni ginoong Conrad. Para sa binata kung ang mamamayan ng bayan ng Grandi ay ang hukbong inihanda sa kanya ng kanyang ama, kailangan niyang makumpirma kung totoo ba ito. ‘Gabriel?’ tawag ni Dark kay Gabriel sa kanyang isipan. Agad namang sumagot si Gabriel ng isang mahinang ‘hmmm’ bilang pagsagot. ‘Totoo bang si ama ang nagsabi sa iyo na itakas ako at magtago sa bayan ng Grandi?’ tanong ni Dark rito. ‘Hmmm. Bago pa lumusob sa kaharian ang mga kalaban ay sinambit na sa akin ng iyong ama na kung may masamang mangyari sa kanya ay itakas kita sa bayan ng Grandi, sa tingin ko ay tama ang sinambit ni Ginoong Conrad’ mahinang sambit ni Gabriel, ramdam naman ni Dark ang kakaiba sa boses ni Gabriel dahil dito ay may pag aalala niya itong kinausap. ‘Anong nangyari sa iyo? Tila ba nanghihina ka?’ tanong ni Dark kay Gabriel, natahimik ng ilang sandali si Gabriel at nang balakin muli ni Dark na magsalita ay nagwika si Gabriel. ‘Hindi ba’t lagi akong tulog, Lagi akong natutulog upang matipid ko ang aking enerhiya. Ngunit ngayon na ilang taon na akong hindi nakakabalik sa Demon Dimension ay unti-unting nauubos ang aking enerhiya. Dahil naka semi possession ako sa iyo ng ilang taon ay nakukunsumo ang aking enerhiya. Iba ang Dimension na kinalalagyan niyong mga exousian sa Dimension naming mga Demon. Kinakailangan kong bumalik sa Demon Dimension upang makakuha ng enerhiya, ngunit hindi ko maaari iyong gawin lalo na at delikado kung may makakakita sa totoo mong wangis.’ Sambit ni Gabriel kay Dark, napatigil sa paglalakad ang binata sa narinig. Nakalimutan ng binata na kahit pinipilit ni Gabriel na tipirin ang kanyang enerhiya ay mauubos at mauubos ito, napakunot ng noo si Dark. ‘Kung ganoon ay bumalik ka muna sa iyong Dimension, hindi na lang muna ako lalabas ng bahay o kaya ay mananatili na lamang muna ako kay Ginoong Conrad’ wikang sambit ni Dark kay Gabriel, ito lang ang naiisip na paraan ng binata upang hindi manghina si Gabriel, nakokonsensya din ang binata sapagkat lagi siyang pinoprotektahan ni Gabriel ngunit wala man lamang siyang alam patungkol sa kondisyon nito. Nakalimutan niya na isang Demon si Gabriel at hindi angkop sa Demon na manatili ng matagal sa Dimension ni Dark. ‘Hindi maaaring iwan kita dito, kung babalik ako sa Demon Dimension ay tiyak na matatagalan bago ako makabalik dito sapagkat kailangan ko rin na palakasin ang aking kakayahan upang mas lalong makatulong sa iyo. Ilang taon na din ang lumipas at tiyak ako na napag iiwanan na ako ng iba kong mga kapatid. Mapanganib din kung iiwan kita, kaya naman maaari nating gawin ang isa pang paraan upang mabawi ko ang aking enerhiya at kasabay niyon ay mas mapapalakas din ako’ wika ni Gabriel kay Dark, maririnig sa boses ng Demon ang panghihina ngunit may halong pag aalangan ang tinig nito. ‘Kung ganoon ay sambitin mo sa akin kung ano ang paraan na iyon?’ tanong ni Dark rito. ‘Kailangan kong kumain?’ sambit ni Gabriel, nagtaka naman si Dark. Sapagkat kahit minsan ay hindi niya nakikita na kumain si Gabriel, noong bata siya ay lagi niyang inaaya si Gabriel na sabayan siya sa pagkain at tanging pagkadisgusto lamang ang makikita niya sa mukha ni Gabreil, hindi nito gusto ang mga kinakain niya at noong tinanong niya ito kung ano ang nais nitong kainin ay sinambit nito na ang kinakain nito ay minsan ay mahal pa sa ginto ngunit minsan ay mas mura pa ito sa ligaw na d**o. Nagtaka siya sa sinambit ni Gabriel noon at hanggang ngayon ay nagtataka pa rin siya. ‘Pagkain? Anong klase bang pagkain ang kinakain mo?’ may pagtatakang tanong ni Dark. ‘Ang pagkain ko ay minsan mahal pa sa ginto ngunit may pagkakataong ang halaga nito ay mas mura pa sa presyo ng ligaw na d**o’ may pakahulugang sambit ni Gabriel sa binata, muling napaisip si Dark nahihirapang makaisip si Dark sa kung ano ang pagkain na tinutukoy ni Gabriel. ‘Bakit ba hindi mo na lang sambitin ng diretso kung anong klaseng pagkain ang iyong tinutukoy?’ nagtitimping wika ni Dark, ito na naman sila basta may pagkakataon ay tinutukso pa rin ng paminsan minsan ni Gabriel si Dark. ‘Hulaan mo. Para naman kahit papaano ay magamit mo ang iyong isipan’ pang aasar ni Gabriel sa binata, mahina man ang boses nito ay maririnig ang pang aasar nito sa binata. ‘Tsk, Ikaw lang ang nakita kong makata na Demon’ inis na sambit ni Dark rito. Habang nag iisip ay patuloy na naglalakad si Dark patungo sa anyang munting tahanan. Nang biglang huminto ang binata ng may marinig ito. “Huwag ka ng magtago” sambit ni Dark, walang exousian sa paligid sapagkat nasa bandang dulo ng bayan nakatira si Dark. Ilang sandali pa ay walang lumabas na exousian at nanatiling tahimik ang lugar. Tinagilid ni Dark ng kaunti ang kanyang ulo. “Lumabas ka na diyan Lukas” sambit ni Dark sa paligid, ilang sandali pa ay isang bata na nasa edad trese ang lumabas. Malayong malayo ang itsura nito noong napili ang bata na maging kalahok ng Tournament. Kung dati ay payat at may kaputian si Lukas, ngayon ay may hubog na ang katawan ng bata, may kapayatan pa rin ito ngunit makikita na may kaunti na itong laman at hubog dahil na rin sa pagsusumikap ng bata na magsanay. Ang dating may kaputian na si Lukas ay ngayo’y makikita na bahagyang umitim dahil na rin sa mahilig itong magsanay sa kagubatan ng Grandi kung saan nakkikipaglaban siya sa mga Demon beast na naroroon. Bahagyang ngumiti si Lukas. “Kuya paano mo nalaman na may sumusunod sa iyo?” takang tanong ni Lukas, laging nagsasanay si Lukas at kung ikukumpara ang bilis niya ngayon sa dati ay masasabing malaki ang kanyang binilis. Sa tuwing nakikipaglaban siya ay ginagamit niya ang kayang bilis upang hindi siya mapansin ng Demon beast. “Rinig ko ang kakaibang tunog ng hangin sa tuwing tumatakbo ka. Kung nais mong maging malaks kailangan mong sanayin ang iyong sarili na tumakbo ng mabilis ng hindi nakikita ng kalaban at hindi naririnig sa hangin” sambiy ni Dark rito, napakamot naman sa kanyang batok ang batang si Lukas. “Tumakbo ng hindi nakikita at hindi naririnig. Maganda sa pandinig pero tingin ko mahirap gawin” wika ni Lukas sa mahinang tinig, ngunit narinig iyon ni Dark at binalingan ng tingin si Lukas. “Bawat malalakas na exousian ay naghirap muna sa pagsasanay bago lumakas” sambit ni Dark sa bata, naging isang linya ang labi ng bata ngunit makikita ang determinasyon sa kanyang mata at tumango tango pa ito bilang pag intindi. “Bakit mo nga pala ako sinusundan?’ sambit ni Dark sa bata habang patuloy na naglakad, nasa likod naman niya si Lukas na nakasunod sa kanya. “Uhmm…. Kasi kuya, nag aalala ako sa iyo. Nang dumating ka galling sa Tournament ay parang nawalan ka ng kaluluwa at hindi ka lumalabas ng bahay. Nag aalala kami ni Mang Ted sa iyo, at nang lumabas ka naman ng iyong tahanan upang makipag usap sa isang magandang dilag na may berdeng mata ay matapos niyon ay lagi ka ng wala sa bahay mo. Kaya naman naisipan kong sundan ka at nakita ko nga na madalas kang magtungo sa tindahan sa bungad ng kagubatan” pag amin ni Lukas kay Dark. “Oo nga pala kuya, sa tingin ko ay masamang exousian ang ginoo na nagtitinda sa tindahan na lagi mong pinupuntahan” sambit ni Lukas sa binata, tumingin si Dark kay Lukas at makikita ang pagiging seryoso nito. “Paano mo naman nasabi?’ matapos iyon tanungin ni Dark ay biglang sumama ang mukha ni Lukas na tila may naalala. “Sapagkat noong pumasok ako sa tindahan na iyon upang malaman kung bakit ka laging nagtutungo roon ay marami akong nakitang mga libro. Noong tinanong ko ang may ari kung magkano ang isang libro ay sinambit niya sa akin na nagkakahalaga sa isang gintong barya ang libro na iyon. Doon pa lang ay alam kong hindi mapagkakatiwalaan ang may ari ng tindahan. Hindi ba ang mga manloloko ay masamang exousian” seryosong wika ni Lukas kay Dark bahagyang napataas ang isang sulok ng labi ni Dark sa narinig. “Higit sa lahat noong tinanong ko siya kung ano ang ginagawa mo sa tindahan niya ay kailangan ko daw magbayad ng isang pilak na barya para sa impormasyon. Anong tingin niya sa akin? Madaling maloko!” inis na wika pa din ni Lukas kay Dark, tumingin si Dark sa mukha ni Lukas at makikita ang pagkainis sa mukha ni Lukas ngunit naroroon pa rin ang kainosentehan ng binata. Sa itsura nito ngayon, kung si Dark ang nagtitinda sa tindahan at nakita niya ang mukha ni Lukas ay papasok agad sa isip niya na madali ngang maloko ang bata dahil sa walang kaalam-alam na wangis nito. Ilang sandali pa ay biglang nagbao ang itsura ni Dark at makikita na sumama ang itsura nito. Sapagkat naisip ng binata na ganoon na lamang mag presyo ang ginoo dahil sa wangis ni Lukas na madaling maloko at naalala niya na noong bumili siya ng libro ay mas mataas na presyo din ang ibinigay sa kanya. Kung ganoon ay prinesyuhan siya ng ginoo dahil sa itsura niya na mukhang madali ring maloko. ‘Hehehehe. Ngayon mo lang ba nalaman?” mapang asar na wika ni Gabriel sa binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD