Third Person POV
May limang siyudad na nasasakupan ang kaharian ng Zendar. Napapalibutan ng mga siyudad na ito ang kaharian. Sa pinakagitna o ang pinaka sentro ng lugar ay ang kaharian ng Zendar. Sa hilagang bahagi ng kaharian ay ang siyudad ng Weinan, tinatawag din ang siyudad na ito na hangganan. Ang siyudad na ito ay ang hangganan ng nasasakupan ng kaharian, ito rin ang siyudad tanggulan ng kaharian sa oras na may sumugod sa kahariang Zendar. Sa kaliwang bahagi ng kaharian ay ang siyudad Lineo, sa paligid ng siyudad ay ang karagatang Zefar, pinangalan ang karagatang ito mula sa ngalan ng kahariang Zendar at ang kahariang Khagfar na nasa kabilang dulo ng karagatang Zefar. Ang siyudad na ito din ang pinakasentro sa palitan ng mga produkto sa kahariang Zendar at sa mga karatig kaharian nito. Sa kanang bahagi ng Kaharian ay ang pinakamalakas na siyudad, ang siyudad Irioas. Matatagpuan sa siyudad ng ito ang iba’t ibang bundok. Sa timog bahagi naman ng kaharian matatagpuan ang siyudad Demi at Yule. Ang dalawang siyudad na ito ay ang pinakamaliit na siyudad sa buong kaharian. Ang pinagsamang laki ng dalawang siyudad ay katumbas lamang sa laki ng siyudad Lineo. At ang pinakamalaking siyudad sa kaharian ay ang siyudad Irioas.
Sa paligid ng kaharian ay may mga maliliit na eskenita. Ang lugar na ito ay pinangalanang kalye isa hanggang kalye labingdalawa. Sa bawat kalye ay may makikita kang iba’t ibang klaseng istraktura, madalas ay may makikita kang mga kabahayan rito. Naglalakihang kabahayan at iba’t ibang klaseng istraktura na nagsusumigaw ng karangyaan. Sa labing dalawang kalyeng ito, ang kalye labing isa ang pinaka kakaiba sa lahat. Sapagkat hindi mga nag gagandandahang kabahayan o naglalakihang tindahan ang bubungad sa iyo, dahil matatagpuan sa kalye labing isa ang mga bahay aliwan at bahay inuman. Dikit sidikit din ang mga istraktura dito hindi katulad sa iba pang mga kalye. Sa bawat kalye ay may makikita kang mga kawal na nagpapatrolya.
Alas diyes ng gabi, isang lalaki na may suot ng itim na roba, at natatakpan ng itim na roba ang ulo ng lalaki, at tanging bibig lamang ang makikita sa binata. Ang kalye labing isa ay ang natatangi sa lahat ng lugar sa kapitolyo. May labing dalawang kalye ang kapitolyo. Pumasok ang binatang may itim na roba sa kalye labing isa, ang kalye labing isa ay tinatawag din ng ilan sa mga manginginum na kalye Bartina. Sa isang kulay berdeng pinto na gawa sa kahoy pumasok ang binata. Sumalubong sa binata ang amoy ng tabacco at alak ng pumasok siya sa loob ng bahay inuman, ang bahay inumang ito ay kilala ng marami. May ngalang Bart shop ang bahay inuman, kilala ito sapagkat mura lamang ang mga inuming alak na tinitinda rito, higit sa lahat may lihim na tindahan ang nasa ilalim ng bahay inuman.
Matapos makapasok ang binata sa bahay inuman ay dumiretso ito sa isang lalaki na may katabaan na nagtitinda ng alak. Gamit ang dulo ng mga daliri ng binata, gumawa ito ng tunog. Iniangat ng binata ang kanyang mga daliri at may katamtamang lakas na ibinagsak iyon sa isang mahabang lamesa. Tatlong mabilis na tunog ang pinakawalan ng binata matapos ay huminto ang tunog ng ilang segundo at muli na namang binagsak ng binata ang kanyang daliri ng isang beses upang lumikha ng tunog. Ang ulo ng matabang lalaki ay nakalapat sa mahabang lames na tila natutulog. Ngunit ng marinig nito ang ginawang tunog ng binata ay iniangat nito ang kanyang ulo upang tingnan ang binata. Ngumiti ito at makikita ang kulay dilaw nitong ngipin.
“Ano atin?” may pagkalasing na sambit nito, maaamoy sa hininga ng matabang lalaki ang alak. Makikita na pa pikit pikit ang mata ng lalaki na tila inaantok. Naglapag ng isang gintong barya ang binata sa tapat ng matabang lalaki. Nang makita ito ng matabang lalaki ay biglang nawala ang antok nito at napadiretso ng upo. Kinuha nito ang gintong barya at kinagat upang mapatunayang totoo. Nang makita ng matabang lalaki na may nag marka ang kagat nito sa gintong barya ay pinunas niya ito sa kanyang suot na damit. Tumayo ito at tumingin sa binata.
“Halika at may bakante pang upuan para sa espesyal na inumin ng aming tindahan” ngiting wika ng matabang lalaki.
“Nais kong bumili ng espesyal ninyong itim na inumin” wika ng binata sabay abot muli ng isang gintong barya. Mas lalong lumawak naman ang ngiti ng matabang lalaki at sinenyasan ang binata na sumunod sa kanya.
Hinawi ng lalaking mataba ang kurtina at bumungad sa binata ang mga iba’t ibang exousian na nakaupo sa mga lamesa na may kanya kanyang inumin na hawak, sa tabi nila ay ang mga nag gagandahang mga babaeng exousian. Nakahalera sa kaliwa at kanan ang mga lamesa na gawa sa kahoy. May mga lamesa na mahahaba at ginawa para sa mga magkakagrupo na gusting uminom, meron namang lamesa na maliit lamang at para lamang sa pang isahang exousian na nais mapag isa. Ngunit may pag kakaiba man ang mga lamesa sa silid na iyon may pagkaparepareho naman ang mga exousian na naroroon sa silid sapagkat lahat ng naroroon ay kapwa uminom at may suot na mga roba ang mga ito. May suot ding maskara ang lahat ng exousian sa silid na iyon. Pinauna ng matabang lalaki ang binata sa pagpasok sa silid at ng makapasok sa silid ay agad isinara ng matabang lalaki ang kurtina. Nang makapasok ang binata ay nagsitinginan sa kanya ang lahat ng mga naroroon sa silid.
“Matabang Jeff! Mukhang may bago ka atang mamimili ngayon.” sambit ng isang exousian na may kulay lilang buhok at may malaking pangangatawan, at mayroon itong yakap yakap na isang magandang dilag sa kaliwang bahagi nito.
“Hehehe. Bihira nga naman ang mga bagong mamimili ngayon, alam mo naman nagiging mahigpit na ngayon ang kapitolyo, sana maging pampaswerte ang isang ito” sambit ni matabang jeff habang tinatapik tapik ang likuran ng binatang naka itim na roba. Wala namang reaksyon ang binata sa pagtapik sa kanyang likod.
“Halika na at sumunod ka sa akin.” sambit muli ng matabang lalaki, at nauna ito sa paglalakad. Sa pinakadulo ng silid ay may isang pintuan na gawa sa kahoy. Binuksan ito ng matabang lalaki at pumasok, sumunod naman doon ang lalaking naka itim na roba. Pagkapasok ng binata ay bumungad sa kanya ang mga estante na gawa sa kahoy, at sa loob ng estante ay mga malalaking bariles. Amoy na amoy ang alak sa buong silid. Inilibot ng binata ang kanyang paningin sa paligid, napansin niya na ang estante ay gawa sa kahoy na tinatawag na brown jade wood. Ang kahoy na ito ay matatagpuan lamang sa hilagang bahagi ng emperyo, ang punong brown jade tree ay matatagpuan sa malamig na lugar. Ang hilagang bahagi ng emperyo ay may malamig na klima. Ang balat ng kahoy na ito ay kulay puti dahil na rin sa nyebe na bumabagsak sa hilagang bahagi ng emperyo, ngunit sa oras na maalis ang balat ng brown jade wood ay makikita ang kulay kayumanggi nitong loob na may pagkamakintab na maihahalintulad sa isang jade. Matibay ang ganitong uri ng kahoy at mainam itong ginagawa bilang isang bariles na pinaglalagyan ng mga alak. Sapagkat hindi agad nasisira ang kahoy na ito kahit ilang taon pa ang lumipas. Alam ng binata na mahal ang ganitong klase ng kahoy kaya naman napag alaman ng binatang nakaitim na roba na ang bahay inuman na ito ay hindi basta-basta. Natitiyak ng binata na may isang mayaman at makapangyarihang exousian ang nasa likod ng bahay inuman.
“Kung mahilig kang uminom ay maaari kang bumili sa akin ng iba’t ibang klaseng inumin. Ang silid imbakan na ito ay may iba’t ibang alak na naka imbak. Ang ilan rito ay nasa isang daang taon na nakaimbak. Mas masarap ang mga iyon, ngunit mas mahal ‘hic’” sambit ni matabang Jeff sa binata habang sumisinok dahil sa kalasingan. Hindi naman nagsalita ang binatang naka itim na roba, matapos madaanan ang mga bariles ng alak ay bumungad sa binata ang isa na namang pintuan sa dulo ng silid. Binuksan ito ng matabang lalaki at pumasok roon ang binata. Pagkapasok ay bumungad muli sa binata ang isang maliit na silid, kulay pula ang dingding ng silid at may mga bakal na estante na nakadikit sa dingding ng silid. Sa estante ay ang mga alak na nakalagay sa isang kulay berdeng mababasaging bote. Tama lamang ang pagkaberde ng lagayan ng alak upang makita ang kulay ng alak sa loob ng bote. Ang kalahati ng alak sa silid ay kulay pula at ang isa pang kalahati ay kulay itim. Sa kaliwang bahagi ng silid ay nagtungo ang matabang lalaki. Sa ikalimang linya sa kaliwang bahagi ay kinuha ng matabang lalaki ang isang alak, kulay itim ang alak na ito. Pagkaalis ng alak ay biglang umangat ang dingding sa mismong pinagkuhanan an estante. Hinila iyon ng matabang lalakii at binuksan, bumungad sa binata ang isang lihim na daanan. May hagdan pababa at madilim ang daanan ng makita ito ng binata.
“Mayroon ka lamang dalawang oras, matapos niyon ay kailangan mo ng bumalik rito” sambit ng matabang lalaki. Tumango naman ang binata na nakaroba, matapos nito ay pumasok ito sa lihim na daanan. Matapos makaapak ng lalaking nakaroba sa hagdan ay biglang nagsara ang pintuan at nabalot ng kadiliman ang binata. Ngunit ilang segundo pa ay umilaw ang paligid, ang dingding sa paligid ng hagdan ay may parisukat nab utas kung saan may nagmumulang liwanag roon. Matapos makita ang liwanag ay nagpatuloy sa pagbaba ng hagdan ang binatang nakaroba.
‘Gabriel, sigurado ka bang dito ko mabibili ang mga bagay na sinambit mo sa akin?’ tanong na sambit ng lalaking naka roba sa kanyang isipan. Ang lalaking nakaroba ay walang iba kungdi si Dark, tinanong ng binata kay ginoong Conrad ang lokasyon ng black market sa kaharian at napag alaman nga niya na sa ilalim ng kalye labing isa matatagpuan ang black market. Dalawa sa bawat sampung tindahan ng kalye labing isa ay mayroong lagusan patungo sa Black Market, at ang bahay inuman na kanyang pinasok ang isa sa mga pinakamadaling lugar upang magtungo sa Black Market, basta ba ay may sapat kang ginto ay makakapasok ka lagusan ng bahay inuming ito.
‘Sigurado ako na naririto ang isa sa mga kalahi ko sa Black Market ng kahariang Zendar. Ang ama ko mismo ang nagwika sa akin na ang mga mababang klase ng demon ay madalas na umalis sa Demon Dimension at nagtutungo sa Black Market upang magtinda ng mga produkto na galling sa aming dimension. Lahat ng Black Market sa emperyo ay tiyak na may isang demon doon na nagtitinda’ paliwanag ni Gabriel kay Dark. Matapos mag wika ni Gabriel sa isipan ng binata ay bumungad kay Dark ang isang liwanag,b umilis ang lakad ni Dark at sa pinakababa ay bumungad sa binata ang mga exousian na naka roba. Iba’t iba ang kulay ng mga suot na roba ng mga exousian sa Black Market, may iba’t iba ring klaseng maskara ang suot ng mga exousian na naroroon. Ang ibang maskara ay may mukha ng mga iba’t ibang demon beast, ang iba naman ay may maskarang may pinta ng bulaklak o kaya ng paro-paro. Ang maskara na suot ni Dark ngayon ay isang simpleng maskara na tanging mata at ilong lamang ng binata ang natatakpan. Kulay itim ang maskara at may kulay pulang pinta na tila bang mga dugo na naiwan sa maskara.
Lumingon si Dark sa paligid at nakita ng binata na ang mga nagtitinda sa bungad ng black market ay walang kanya kanyang istraktura kung saan sila magtitinda. Tanging isang tela lamang ang nakalapag sa gilid ng daanan na nagsisilbing tindahan ng mga nagtitinda roon. Maron din namang maliiit na tindahan doon na gawa sa kahoy at simpleng simple lamang. Lumakad ang binata upang magtungo sa pinakasentro ng Black market kung saan sinambit sa kanya ni Gabriel na ang ibang mga kalahi nito ay madalas magtinda roon. Hindi pa nakakalayo si Dark ay iba’t ibang tindero na ang naririnig niyang sumisigaw upang kunin ang atensiyon ng mga mamimili sa paligid.
“Mga Ginoo at Binibini halina kayo, at tingnan ang aking tinitinda na dalawang libro patungkol forbidden technique! Bilhin niyo na ang mga ito sa presyong isang daang ginto, maliligtas nito ang inyong buhay sa oras ng panganib kaya naman bilhin niyo na!”
“Mga MATITIKAS at MAGAGANDANG exousian, tingnan niyo ang aking paninda na LIFE PILLS! Ang pills na ito ay maaaring gumamot ng nag aagaw buhay na exousian. Mayroon na lamang akong limang bote na may lamang isang pills sa bawat bote. Kaya naman nais kong ibenta ang pills na ito sa may pinaka mataas na mag aalok na bilhin ang mga PILLS na ito!”
Iilan lamang iyan sa mga naririnig ni Dark, nais sumilip ni Dark sa mga tindahang may tindang forbidden technique at life pills ngunit dahil limitado lamang ang oras ng binata ay kailangan niyang magmadali. Higit sa lahat ang mga nagtitinda sa bungad ng Black Market ay walang kasiguraduhang totoo ang kanilang mga tinitinda.
Ilang minuto ding nag lakad si Dark ng bumungad sa kanya ang lugar sa Black Market na may pisikal na tindahan. Luminga linga si Dark sa paligid, at makikita na hindi ganoon siksikan ang bahaging ito ng black market. Malawak ang daan sa bahaging ito kaya naman hindi siksikan katulad ng nasa bunagad ng black market.
‘Hayaan mong kontrolin ko ang iyong katawan upang mas lalo kong maramdaman kung nasaan ang aking kalahi’
Matapos marinig ni Dark ang sinambit ni Gabriel ay sumang ayon ito, pumikit si Dark at nanatiling nakatayo sa kinaroroonan niya. Bumagal ang pag hinga ng binata at ang maamo nitong mukha sa ilalim ng maskara ay biglang napalitan. Mayroong mga tila itim na ugat ang ang kumalat sa itaas na bahagi ni Dark, unti-unti itong kumalat patungo sa kanyang mga mata. Nang umabot sa mata ni Dark ang itim na mga ugat na iyon ay biglang dumilat ang kanina lang na nakapikit na mata ng binata. Nang dumilat ang binata ay tila ba sinipsip ng mata ng binata ang itim na mga ugat nito sa kanyang mukha at ang kulay puting parte ng mata nito ay unti-unting naging kulay itim, kasabay ng pagkulay itim ng mata ni Dark ay ang unti-unting pagkawala ng itim na ugat sa kanyang mukha. Ilang sandali pa ay tuluyang nawala ang kulay itim na ugat sa itaas ng mukha ng binata, kung hindi nga lamang nagbago ang kulay ng mata ng binata ay aakalain mo na walang nangyaring kakaiba sa binata. Matapos idilat ni Dark o tamang sabihing si Gabriel ang kanyang mata ay biglang nagbago ang kaninang maamo nitong mukha. Makikita sa itim at pula nitong mata ang pagkapilyo nito isama mo pa ang bahagya nitong nakataas na isang sulok ng kanyang labi, kung saan nakikita ang isang maliit nitong pangil. Malakas na huminga si Gabriel at dinama ang bawat amoy na kanyang nalalanghap, pinaghalong amoy ng dugo na may kasamang matamis na amoy mula sa iilang kaluluwa na nasa mga exousian sa paligid.
Dinilaan ni Gabriel ang kanyang ibabang labi na tila natatakam, ramdam ng binata ang pagkulo ng kanyang tiyan sa gutom. Matagal-tagal na rin siyang hindi nakakakain ng kaluluwa sa isang exousian. Hindi katulad ni Gabriel na nakikita ng binata ang mga kinikilos ni Dark kapag nasa loob siya ng katawan ng binata, si Dark naman ay hindi nakikita ang mga kinikilos ni Gabriel kapag siya ang may control sa kanyang katawan, sapagkat mas malakas ang spiritual na enerhiya ni Gabriel kaysa kay Dark kaya naman hindi makikita ni Dark ang kinikilos ni Gabriel kung nanaisin nito.
‘Gabriel nais kong makita ang ginagawa mo ngayon’ sambit ni Dark sa isipan ni Gabriel, bahagya namang nanigas ang ngisi ni Gabriel dahil sa narinig.
‘Wala ka bang tiwala sa akin?’ reklamo ni Gabriel kay Dark at agad naman itong sinagot ng binata,
“Wala.” Diretso at walang paligoy-ligoy na sagot ni Dark sa binata, napa ‘tsk’ na lamang si Gabriel sa narinig. Ilang sandali pa ay nakita ni Dark kung ano ang ginagawa ni Gabriel, nakita niya na nakatayo lamang ito sa kaninang pinagtayuan niya at hindi gumagalaw, ang iilang exousian sa paligid ay nakatingin na lamang sa binata at nagtataka kung buhay pa ba ang isang exousiang ito.
‘Gabriel! Hanapin mo na agad ang iyong kalahi upang mabili na natin ang ating kailangan’ agad na wika ni Dark kay Gabriel, muli na namang napa ‘tsk’ si Gabriel sa narinig.
‘Minsan na nga lamang ako makalabas, pakikilusin mo agad ako. Hayaan mong aliwin ko muna ang aking sarili. Mayroon pa naman tayong dalawang oras kaya naman hayaaan mong magsaya muna ako’ sambit ni Gabriel kay Dark, kumunot naman ang noo ni Dark sa narinig at naisip ng binata na nagkamali siya na palabasin si Gabriel. Hinilot ng binata ang kanyang sentido.
‘Sige mag saya ka’ tugon ni Dark, lumawak naman ang ngisi ni Gabriel sa narinig.
‘Upang hindi ka kaagad makakakain’ dugtong naman ni Dark sa kantang sunambit, bigla namang nawala ang ngisi ni Gabriel dahil dito.
‘Ikaw naman hindi ka mabiro, masyado kang naniniwala sa salitang ng isang demon’ seryosong sambit ni Gabriel, matapos nito ay mabilis itong naglakad sa direksyon kung saan naroroon ang isa sa kanyang kalahi.
Sa isang malaking mansyon na pagmamay ari ng angkan ng North. Isang pagdiriwang ang nagaganap. Naroroon ang pinakamaimpluwensya sa kaharian. Magarbo ang pagdiriwang sapagkat kaarawan ito ng pinuno ng angkan ng North. Maraming mga haligi ng tahanan ang nagtutungo sa lamesa kung nasaan si Prinsipe Sage, kasama nila ang kanilang babaeng anak. May mahinhin, mapang akit, masigla, tahimik, maamo ngunit kahit isa ay hindi ito tinapunan ng tingin ng prinsipe bagkus ay palinga-linga ang lalaki sa paligid na tila may hinahanap.
“Pababa na ang aking pamangkin. Bakit hindi ka muna sumayaw kasama ang ibang nag gagandahang dilag, mahal na prinsipe” sambit ni Leon na katabi ng prinsipe.
“Ang pagsasayaw ay isang pagsasaya, wala itong silbi sa akin kung iba ang makakasayaw ko” ngiting sagot ng binata, napangiti naman ang Ginoo sa narinig.
“Tito” isang malamyos na tinig ang narinig ni Sage sa kaniyang likuran, binalingan niya ito ng tingin at nasilayan ang babaeng kanina pa niya hinihintay.
“Samantha” nasambit ni Sage matapos makita ang dilag.
“Naririto ka na pala, kanina ka pa hinihintay ng iyong prinsipe” ngiting pahayag ni Leon habang sumisimsim ng mamahaling alak. Tumayo si Sage sa kaniyang kinauupuan at inabot ang kaniyang kamay.
“Maaari ba kitang maisayaw” nakangiting sambit ng binata, tumingin si Samantha sa kaniyang tiyuhin at ng makita itong tumango ay mahina siyang napabuntong hininga, inabot ng dalaga ang kaniyang kamay sa binata at naglakad ang dalawa sa gitna ng silid kung saan malayang nagsasayaw ang iba pang mga bisita sa malamyos na musika.
“Napakaganda mo ngayon aking reyna” sambit ni Sage habang ang kaliwang kamay nito ay nasa bewang ng dalaga at ang kanan naman ay nakahawak sa kamay ni Samantha. Titig na titig ito sa dalaga na tila ayaw niyang mawala ito sa kaniyang paningin.
“Reyna? Heh!” ngumiti ng makahulugan ang dalaga “Alam natin na hindi ako magiging reyna at kung magiging reyna man ako ay hindi ikaw ang aking magiging hari” bahagyang dumilim ang mukha ni Sage sa narinig.
“Alam mo ang pa—”
“Kinausap ako ng iyong heneral” umigting ang panga ni sage sa narinig at bumuntong hininga.
“Huwag kang mag alala, gagawin ko lahat ng aking makakaya upang maging reyna kita. Ngunit kung maikasal ako sa prinsesa ng emperyo ay higit pa sa kapangyarihan ng reyna ang igagawad ko sa iyo” malamyos na sambit ni Sage habang nakatitig kay Samantha.
“Hindi mo pa din naiintindihan. Nakikipagsayaw ako sa iyo hindi dahil nais ko” makahulugang tiningnan ng dalaga si Sage, ramdam ni Samantha ang paghigpit ng hawak ng binatab sa kaniya. “Maging reyna mo man ako o maikasal ako sa iyo, hindi kita mamahalin” nagpantig ang tenga ni Sage sa narinig at mabilis na hinila ang dalaga palyo sa mga nagsasayaw. Dinala niya ito sa pangatlong palapag ng mansyon at pumasok sa isang kwarto. Mabilis na tinulak ni Sage ang dalaga sa pader at nang akmang lalapit ang binata ay may pumulupot sa kaniyang paa at kamay ng tingnan ito ng binata, ito ay mga halaman na nakapatong sa balkonahe ng silid. Ginamit ni Samantha ang kaniyang exousian upang patigiln ang prinsipe.
Huminga ng malalim si Sage at ng mapansin ng dalaga na kumalma na ito ay tinanggal ng mga halaman ang pagkakatali sa binata.
“Sino ang mahal mo?”
“Alam mo kung sino” umiling si Sage sa narinig.
“Hindi. Hindi ako naniniwala na mahal mo ang aking kapatid. Anong alam ng isang bata sa pagmamahal, sandaling panahon lamang kayong nagkasama ng aking kapatid at mga bata pa kayo noon.” Mariin at seryosong pahayag nito.
“Hindi mo alam kung ano ang pagmamahal Sage. At kung hindi man ang iyong kapatid ang mahal ko ay hinding hindi ako iibig sa iyo” kmuyom ang kamao ng binata sa narinig.
“Bakit? Bakit?! Ginawa ko ang lahat para sa iyo, LAHAT. Hindi ko sinunod ang mga sinasabi ng ibang maharlikang angkan para sa iyo, nagiging sunud sunuran ako sa iyong angkan para sa iyo kahit na isa akong prinsipe, ipinaglaban kita sa heneral ng emperyo—”
“Kaya mo bang talikuran ang kaharian para sa akin?” napatigil si Sage sa narinig. Ngumiti si Samatha ng mapangutya.
“Ang pinakamahalaga sa iyo Sage ay ang trono lahat ng hahadlang sa iyo ay kaya mong pagtaksilan. Bakit ako iibig sa isang exousian na kayang paslangin ang kaniyang magulang at kapatid para sa kapangyarihan. Tanging pagmamahal lamang sa trono ang kaya mong gawin, hindi ako iibig sa ganoong klaseng exousian” mariing tinitigan ni Samantha ang binata at tinalikuran ito.
“Ang kapatid ko” mahinang sambit ni Sage dahilan upang huminto ang dalaga. “Kaya ba niyang talikuran ang trono para sa iyo?” nilingon ng dalaga ang binata, nagtama ang paningin nila at bahagyang ngumiti si Samantha.
“Sasamahan ko siya sa trono” matapos bitawan ang salitang iyon ay umalis ng silid ang dalaga. Napaupo ang binata sa sahig na tila nawalan ng lakas. Tinakpan ni Sage ang kaniyang mukha gamit ang dalawang kamay at ilang sandali pa.
“HAHAHAHAHAHA”
“HEHEHEHEHEHE”