Third Person POV Iminulat ni Fiend ang kanyang mga mata at kulay pulang langit ang bumungad sa kanya. Hindi na maramdaman ni Fiend ang sakit ng kanyang katawan na kanina lamang ay kanyang nadarama. Pula ang kalangitan at ganoon na rin ang lawa, ngunit kung kanina ay nakalublob siya sa lawa ngayon ay nasa itaas siya ng lawa na tila ba isang patag na lupa ang kanyang tinatapakan. “Mayroon kang dugo ng isang White Tiger at Heavenly Snow Wolf” isang baritonong boses ang narinig ni Fiend, inilibot niya ang kanyang paningin ngunit walang sino man ang naroroon sa lugar, nang banggitin ng misteryosong boses ang White Tiger ay isang imahe ng White Tig er ang lumitaw sa kaliwang harapan ni Fiend. Kitang kita ang kulay puti at itim na balahibo nito, ang ginintuang mata nito na makikitaan ng katapa