Third Person POV Isang lalaki na may kulay itim na buhok ang nakaupo sa isang upuan sa maliit na tindahan. Isang ginoo naman ang nagsasalita habang nakapikit ang binata. “Tingnan mo ang enerhiya sa iyong lalagyan” sambit ng ginoo kay Dark, tiningnan ng binata ang kanyang lalagyan at nakita niya na puno ito ng kulay asul na hamog. “Kailangan mong pagsamahin ang iyong enrhiya at unti-unti itong siksikin na tila ba nasa maliit na kahon sila” sinunod ni Dark ang sinambit ni Ginoong Conrad at pinagsasama niya ang kulay asul na hamog sa kanyang lalagyan. Dahil sa ginawa ng binata ay unti-unting lumalalim ang pagkakulay asul ng mga enerhiya. Dahil sa sinisiksik ni Dark ang enerhiya ay makikita na ang kaninang punong lalagyan ay nagkaroon ng espasyo, tagaktak na ang pawis ng binata ngunit kahit