Third Person POV Inner region, Black Market. Inilibot ng dalaga ang kanyang paningin sa loob ng tindahan, kakaiba ang kulay sa paligid, kulay abo ang dingding ngunit ang nakakamangha ay ang kulay ng sahig. Tila ba bituin sa kalawakan ang inaapakan ng dalaga, tila namalikmata pa ang dilag sapagkat nakita niya na bahagyang lumiwanag ang isa sa mga maliliit na bituin na nasa sahig. Sinawalang bahala iyon ng dalaga at tumingin sa ginoong nakaupo sa isang kulay itim na upuan na may disenyong bituin, sa harap ng binata ay isang mababasaging lames ana may nakatayong mga baraha na tila tore. Tumayo ang binata at ngumiti sa dalaga. “Maligayang pagdating sa Faustian Deal” wika ni Gabriel, nilapitan niya ang dalaga at habang papalapit ang binata ay may lumabas na usok sa kamay nito na maya-maya pa