“Anong sinabi mo?!” malakas na sambit ng batang prinsipe sa heneral, tila hindi makapaniwala sa kanyang narinig. Alam ng bata na malakas ang kanyang ama pagdating sa pag gamit ng exousia kaya hindi ito naniniwala na wala na ang kanyang amang hari. Bilang pagsagot ay lumawak ang pagkakangiti ng heneral.
“Bakit tila hindi ka makapaniwala? Hindi ba’t ito ang gusto mo, makukuha mo na ang trono, wala ng hahadlang pa sa iyo” ngiting pahayag ng heneral kasama sa kanyang pag ngiti ang mga mata nito.
“GUSTO KO ANG TRONO NGUNIT WALA SA USAPAN NATIN NA PAPASLANGIN MO ANG AKING AMA?!” malakas na pahayag ng prinsipe ang kaninang maputi nitong mukha ay ngayo’y namumula dahil sa galit na nararamdaman. Lumapit ang heneral sa batang prinsipe at inayos ang damit nito, ngunit hinawakan lamang ng prinsipe ng kamay ng heneral na tila nandidiri ito sa ginagawa ng heneral. Muling ngumiti si Heneral Rigo at hinawakan nito ang damit ng prinsipe at itinaas niya ito. Inilapit niya ang mukha ng batang prinsipe sa kanyang mukha.
“Akala ko ay matalino ka ngunit bata ka nga lang talaga, lahat ng bagay na nanaisin mo ay may kapalit, kailangang may mawala o isakripisyo upang makamit mo ang iyong nais. Iyon ay ang mga magulang para sa trono. Hindi na masama hindi ba? Higit sa lahat ay huwag mo akong sisigawan dahil isa ka lamang prinsipe ng isa sa mga pinakamababang antas ng kaharian sa emperyo.” pahayag ng heneral habang may bahid ng ngiti sa kaniyang labi at may pilyong mata na nakatingin kay Sage na tila nakatingin sa isang laruan, bahagyang nakadama ng takot ang batang prinsipe, totoo ngang magaling makipaglaban ang prinsipe ngunit ang mga napapatay pa lamang ng bata ay ang mga mababang antas ng mga Demon beast, samantala ang heneral ay nahasa na ang pakikipaglaban at pagpatay sa iba’t ibang klaseng exousian.
“Kawal, dalhin ang prinsipe sa kanyang silid at huwag itong palalabasin hanggat hindi ko sinasabi” saad ng heneral at sinenyasan ang mga kawal nito, ibinaba niya ang prinsipe mula sa pagkaka angat at inayos ang suot nitong kasuotan. Hinawakan ng dalawang kawal ang magkabilang braso ni Sage ng hindi ito kumilos, at pilit na pinalalakad paalis. Lumakad ang heneral sa trono at napansin doon ang isang pilak na korona Pinulot ito ng heneral at pinunasan.
“Sandali” kalmado nitong saad, huminto ang mga kawal at lumapit ang heneral sa batang prinsipe. Binigyan naman ng masamang tingin ng prinsipe ang heneral. Nakita ito ng heneral ngunit nginitian niya ang batang prinsipe. Inilagay ng heneral sa ulo ng bata ang korona nito at lumapit sa tenga ni Sage.
“Sundin mo ang nais ng emperyo at tinitiyak kong ang trono ay mapapasaiyo” bulong na sambit ng heneral kay Sage, bahagyang lumaki ang mata ng prinsipe at nagulat sa kanyang narinig. Hindi ito maapaniwala na ang emperyo ang may kagagawan ng bagay na ito. Ang emperyo, napangiti ng mapait si Sage.
‘Kaya pala natalo si ama ay dahil ang emperyo ang kalaban’ sambit ni Sage sa kanyang isipan, habang patungo sa kanyang silid ay nakakuyom ang mga kamao ng bata.
Isang araw matapos ang kaguluhan sa kaharian patuloy pa rin ang mga exousian sa kanilang pamumuhay. Wala silang alam na ang hari ng kaharian ay pumanaw dahil sa labanan. Walang nangyaring kaguluhan sa mga siyudad sapagkat ang apat na mahaharlikang angkan ay kabilang sa planong pagtatraydor sa hari ng kaharian. Ang mga kawal na sumugod sa kaharian ay nagpanggap na mga kawal ng apat na maharlikang angkan na pinapatawag ng kaharian, kaya ng makita ng mga exosuian ang mga kawal ay hindi sila nagtaka sapagkat madalas na nagpapatawag ng pulong ang hari. Malinis ang naging plano, isang exousian ang gumawa ng pananggalang sa paligid ng kaharian kung saan lahat ng sigaw at ingay galing sa labanan ay hindi maririnig sa labas ng tarangkahan. Isa ring exousian ng ilusyon ang gumawa ng ilusyon sa itaas ng kaharian kung saan makikita na tahimik ang kaharian ngunit sa loob ng tarangkahan ay iba't ibang pagsabog ang naganap.
Sa kagubatan ng Hundred Beast Forest, mainit ang sikat ng araw na tumatama sa mukha ng isang apat na taong gulang na batang lalaki. Magulo ang asul nitong buhok at nakahiga ito sa isang malaking bato. Sa tabi naman ng bata ang isang lalaki na may itim na buhok at pulang mata, ang lalaki ay may matangos na ilong at pulang labi ngunit kataka-takang sa paligid ng kanyang pulang mata ay hindi puti kungdi itim ang nakapaligid rito. Sa mukha ng lalaki ay ang mga kakaibang itim na guhit na tila mga ugat-ugat. Kung mayroon lamang nakakakita sa binata ay matatakot at magtataka ang mga ito kung bakit ganito ang wangis niya. Kataka-taka din na sa paligid ng binata ay wala kang makikitang demon beast, tila ba takot ang mga ito na lumapit sa lalaki.
Ilang sandali pa ay dahang-dahan na nagmulat ng kanyang mata ang batang may asul na buhok, papungas-pungas pa ito at takang tumingin sa kanyang paligid. Bahagya itong nagulat ng makita ang mga puno sa kanyang paligid, nanlaki ang mata ng bata ng maalala niya ang nangyari kahapon.
"Si ama at in--"
"Gising ka na pala" isang boses ang pumutol sa sasabihin ni Eros. Tumingin ang bata sa pinanggalingan ng boses at nakita niya ang isang binata na may kakaibang wangis. Bahagyang natakot ang bata sapagkat hindi niya alam kung nasaan siya idagdag pa na may isang kakaibang binata ang nasa kanyang harapan.
"S-Sino ka?" maririnig sa boses ni Eros ang kaba. Bahagyang tumaas ang isang sulok ng labi ng binata.
"'Nakalimutan mo na? Ako si Gabriel, ako ang tumulong sa iyo upang makatakas sa palasyo" dahil sa narinig ay muling nagbalik sa ala-ala ni Eros ang nangyari. Tumingin ang bata kay Gabriel.
"Isa kang--"
"Demon" si Gabriel na mismo ang nagtapos ng sasabihin ni Eros, bahagya pang ngumisi si Gabriel na tila pinagmamalaki kung ano siya.
"Sina ama at ina? Alam mo ba kung ano ang nangyari sa kanila?" may pag-aalalang tanong ng bata, hindi na nito pinansin kung anong klaseng demon ba si Gabriel, bagkus ay mas nag aalala ito sa sinapit ng kanyang magulang. Hindi pa rin nawala ang ngisi ni Gabriel..
"Wala na sila" kalmado ang boses ni Gabriel ng sinambit niya iyon ngunit naroroon pa rin ang ngisi ng binata sa kanyang mukha.
"Anong wala na?" alam ni Eros ang kahulugan niyon ngunit hinihiling ng bata na mali ang pakahulugan ng salitang iyon.
"Wala na. Patay na. Pumanaw na si--"
"SINUNGALING KA!!! ISA KANG DEMON KAYA HINDI KA NAGSASABI NG TOTOO!" malakas na wika ni Eros at masama nitong tinignan si Gabriel dahil dito ay lumawak ang pagkakangisi ng binata.
"Sinugaling. Heh, maaari ngang nagsisinungaling ako paminsan-minsan” napatigil ang binata “Maaring madalas akong magsinungaling ngunit kahit na isa akong demon ay walang wala ako sa iyong kapatid na siyang dahilan kung bakit nakapasok ang mga kalaban sa kaharian" ngising pahayag ni Gabriel dahil dito ay nagulat si Eros at namula ang kanyang mukha dahil sa inis at galit.
"SINUNGALING!!! Hindi iyan magagawa ng kuya ko. SINUNGALING KA! HINDI PA PATAY SINA AMA AT INA, HIGIT SA LAHAT HINDI NAGTRAYDOR SI KUYA!" galit na turan ni Eros kay Gabriel, bumaba si Eros mula sa malapad na batong hinigaan niya at lumapit kay Gabriel. Tumingala si Eros kay Gabriel at binigyan ito ng masamang tingin matapos ay malakas nitong tinapakan ang paa ng binata.
Tumagilid ang ulo ni Gabriel ng makitang tinapakan ng maliit na paa ni Eros ang kanyang malaking paa. Ngumisi ito ng mapang asar.
"Hindi masakit" asar na wika nito.
Dahil dito ay mas lalong naasar si Eros kaya naman tinaas nito ang kanyang nakaapak na paa at muli itong binaba. Inapakan ni Eros ang paa ni Gabriel ng paulit-ulit. Nang mapagod ay tumingala si Eros at tumingin kay Gabriel na ngayo'y muling nakangisi.
"Hindi masakit" muli na namang saad nito na mapang asar. Inis na inis ang batang si Eros at tumalikod sa direksiyon ni Gabriel at sinimulang tumakbo. Nguni bago pa makalayo ang bata ay hinablot ni Gabriel ang kasuotan ito at ini-angat ito patungo sa kanyang mukha.
"Saan ka pupunta?" nakangisi pa rin nitong pahayag
"Sinungaling ka! Ayaw ko sa iyo! Pupuntahan ko sina ama at ina pati na rin si kuya, kaya bitawan mo ako!" malakas na sambit ni Eros habang pilit itong kumakawala sa kay Gabriel.
"Hindi ako nagsisinungaling. Ang ama ko ang demon ng iyong ama, may ugnayan ako sa aking ama at ramdam kong naputol ang ugnayan ng aking ama sa mundong ito, ibig sabihin niyon ay wala na ang iyong ama. Sapagkat mapuputol lamang ang ugnayan ng Demon Summoner sa Demon kung mamamatay ang Summoner o kung sapilitang pinutol ng summoner o ng aking ama ang ugnayan. At alam kong hindi magagawa ng ama mo o ng aking ama ang ganoong bagay"
"HINDI AKO NANINIWALA! BITAWAN MO AKO! UUWI AKO KAY AMA, INA AT KUYA!" malakas na sambit ni Eros habang nagpupumiglas, kumunot ang noo ni Gabriel, isang Demon si Gabriel at wala siyang pasensya sa mga ganitong bagay.
"Sige ibabalik kita roon nang makita mo ang ginawa ng iyong kapatid" matapos sambitin iyon ni Gabriel ay unti-unting n
aging itim na usok ang katawan ni Gabriel kasama na rin si Eros at ang itim na usok na ito ay pumasok sa lupa. Mabilis itong kumilos na mistulang anino, kung may makakakita lamang nito ay magugulat sila dahil may isang anino ang mabilis na kumikilos.
Makalipas ang dalawampung minuto isang bata ang lumitaw sa hardin ng kaharian. Nagpalinga-linga ito, at inalala ang direksiyon. Ilang sandali pa ay lumakad ito ng diretso, ilang minuto ding nagpaklakad lakad si Eros nang makita nito ang pigura ni Sage sa labas ng hardin kasama ng panganay na prinsipe ang tiyuhin ni Eris. Ito ay si Leon North.
Mabilis na tumabo si Eros patungo kay Sage.
"Kuya!" malakas na sambit ni Eros napalingon si Sage at nakita nito ang nawawala nitong kapatid na si Eros. Kumuyom ang kamao ni Sage, “Bakit bumalik ka pa? Kung hindi dahil sa iyo ay hindi ko sana magagawa ang bagay na iyon, kung hindi dahil sa iyo ay buhay pa sa ama at ina. Kasalanan mo ang lahat!” Iyan ang nasa isip ni Sage, kahit na kasalanan niya ang lahat ay sinisisi niya kay Eros ang kasalanang hindi naman nito ginawa. Tuluyan ng nagpadala si Sage sa mga boses sa kanyang isipan. Nang mawala ang kanyang mga magulang ay nakadama ng matinding konsensya si Sage, naging mahina ang pagiisip nito kaya naman mabilis siyang nadala sa mga boses sa kanyang isipan.
"Ginoong Leon, ikaw na ang bahala" ang sambit ni Sage kay Leon North matapos nito ay tinalikuran niya si Eros na tumatakbo palapit sa kanya. Napatigil sa pagtakbo si Eros at takang tinignan ang kanyang kuya na hindi siya pinansin, akala nito ay hindi siya narinig ni Sage kaya naman balak sanang lumapit ni Eros kay Sage ng may isang kamayang humawak sa kanyang leeg at itinaas siya. Hinawakan ni Eros ang kamay na nasa leeg niya at pilit itong binubuksan. Nahihirapang huminga ang bata dahil sa pagkakasakal. Tumingin siya sa harapan at nakita niya ang berdeng mata na katulad ng kay Eris, ang mga mata ni Eris na kakulay ng kagubatan na gustong-gusto niyang tinitingnan, ngunit ngayo'y tanging takot ang kanyang nadarama ng makita ang mga berdeng mata na nasa harapan niya. Gustong tanungin ni Eros ang lalaki kung bakit siya nito sinasakal.
Ngunit hindi niya matanong ang lalaki dahil nanghihina siya at nanlalalabo ang kanyang paningin. Bago pa tuluyang mawalan ng malay si Eros ay kumilos si Gabriel upang itakas ang bata, unti-unting naging isang itim na usok si Eros at naging isang anino. Mabilis ang naging kilos ng anino at nakalabas agad ito ng kaharian. Tumagilid ng bahagya ang ulo ni Leon at tila nagiisp at ilang sandali pa ay ngumisi ito.
"Interesante, mukhang hindi iniwan ni Arnold ng walang proteksiyon ang kanyang paboritong anak" sambit ni Leon at binanggit nito ang pangalan ng namayapang hari.