Third Person POV “Katulad nang nauna kong sinabi may anim na antas ang pagiging summoner. Ang una ay ang Beginner Summoner, Intermediate Summoner, Master Summoner, Grandmaster Summoner, Saint Summoner at Divine Summoner. Bawat antas ay nagbabago ang wangis ng enerhiya sa ating katawan. Kung titingnan mo ang iyong lalagyan makikita mo tila hamog o hangin lamang ang iyong enerhiya, ito ay nangangahulugang ikaw ay nasa antas ng pagiging Beginner Summoner. Ang isang Intermediate Summoner naman ay tila isang patak ng tubig ang kanilang enerhiya, ang Master Summoner naman ay may tila lawang enerhiya. Ang mga patak ng tubig na enerhiya ay magsasama-sama kung saan magiging itsurang maliit na lawa ito. Sa antas na ito mas puro ang iyong pisikal na enerhiya at hindi agad ito madaling maubos sa paki