Kabanata 14

2359 Words

Third Person POV Outer Region, Black Market Isang dilag ang nakatayo at tumitingin ng paninda sa isang estateng gawa sa kahoy na pininturahan ng kulay pula. Nakalagay sa mga mababasaging bote ang isang kulay berdeng likido na nakahilera sa harapan ng tindahan. Kumuha ng isang bote ang dilag at binuksan ito, bahagyang inamoy ng dalaga ang laman ng bote at makikita na bahagyang gumalaw ang matangos na ilong nito na tila hindi nagugustuhan ang kanyang naamoy. Napansin naman ito ng tindero kaya naman ngumiti ito sa dalaga. “Binibini, kahit na may kaunting amoy ang aking produkto ay nasisigurado ko sa iyo na epektibo ito. Ilang araw lamang na pag gamit ay tiyak na mas lalong gaganda ang iyong kutis at mawawala ang kahit na ano mang marka sa iyong mukha” paliwanag ng may ari habang nakangiti.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD