Typo and grammatical error ahead!!
# 3_Vience POV:
Para na akong ipinako sa kinatatayuan ko ng magawi ang tingin sa akin ng bagong dating. Napalunok ako. May gustong ipahiwatig ang mga tingin nito. Pero nakikita ko naman na mas mabait ang aura nito kaysa sa bwesit na Dan Bautista na siyang humuli sa anim at nilalait ang tangkad ko.
Pero... Siya na ba talaga si Vienn Anderson na hinahanap ko? Ang makakapag paangat sa estado ko sa trabaho ko. Hindi ko na kailangang maghirap pa sa pagkalap ng larawan nito dahil kung ito talaga si Vienn Anderson ay hulog na siya ng langit para sa ikakadali ng trabaho ko.
Pero saka ko na muna iyon iisipin. Dahil hindi ko na alam ang susunod kong hakbang ngayong nasa harapan ko na ang instant BF ko. Ano ang gagawin ko? Hindi ko naman akalain na sasakyan nila ang kalokohan ko.
"Anong kaguluhan at bakit niyo ako pinatawag dito?" Pormal na tanong nito at inisa isang tinignan ang mga nasa baba ng ranggo nito.
"Gaya ng sinabi ko kanina DG na may nagsabing kilala ka. Or I should say hindi lang kilala kundi sinasabing boyfriend ka niya DG." balewalang sagot ni Dan dito.
Napalunok na naman ako ng sunod sunod ng muling madako ang tingin nito sa akin.
Pero bago pa man siya makapagsalita ay buo na ang pasya ko. Hindi na ako mag iisip ng iba maliban sa kailangan kong makalabas sa sitwasyon kong ito. Mapahiya na kung mapahiya pero kailangan kong kapalan ang mukha ko. Nandito na to. Saka ko na iisipin ang parusa sa kapangahasan ko.
Kaya naman. Mabilis pa sa alas kwatrong nilapitan ko ito at niyakap.
"Hinuli nila ako. Eh wala naman akong ginawang masama." Pag dradrama ko pa. Sinamahan pa ng kunwaring iyak. "Huhuhu.."
Halata naman na nagulat ito sa pagyakap ko dito dahil hindi ito gumalaw. Hindi lang siya ang nagulat dahil pati kasamahan niya ay narinig kong napa big "ohh." Sila sa ginawa ko.
But then... hindi nagtagal ay ako naman ang halos hindi makagalaw dahil naramdaman ko ang pagyakap nito. May kasamang haplos sa likod ko.
Napakislot ako. Para akong napaso at gusto ko itong itulak. Sinasamantala niya ang pagpapanggap ko.
Sandali.
Sandali lang.
Ano ito?
"Relax. Hindi ka nila maikukulong." Bulong nito sa akin. Kaya kinilabutan ako. Oo gwapo siya pero hindi ko naman talaga plano ang ganito. No! Hindi ito maari.
Akma na akong kakawala sa pagkakayakap ko sa kanya ng marinig kong magsalita si Dan.
"DG, hindi mo ba naiisip na maaring ikasira ng imahe mo ang sitwasyon ngayon?" Nasa tuno niya ang katigasan na parang walang silbi ang paggalang niya at pagtawag dito ng Derector General. Na sa tuno niya ay parang mas nakakataas pa siya dito
"Tayo lang naman ang nandito Dan.." Ng kumawala na ako sa kanya pero hindi lumayo. Pero nasa tuno naman ng Vienn na ito na parang bumaba ang tinig sa sinabi ni Dan.
Sandali nga. Baliktad yata ang sitwasyon na parang mas matatawag pa na si Dan ang tawaging DG kaysa sa Vienn na ito.
Ewan ko lang huh! Pero iyon ang napagmamasid ko ngayon. Pakiramdam ko talaga na may mali. Well, kanina pa naman may mali dahil ako ang nagsimula ng isang kasinungalingan.
Naipilig ko ang ulo ko sa mga naisip ko. Masyado yata akong mapagmasid ng hindi naman dapat pinagtutuunan ng pansin.
Ang dapat kong isipin ay kung paano talaga ako ngayon makakalusot sa sitwasyong pinasok ko.
"Pero sana aware ka din DG hindi lang iyong basta basta ka na lang makikipagkita sa karelasyon mo kung sakali." Sagot pa niya kay Vienn.
"Okay! Okay PO1 Bautista." Saka ito lumayo sa akin. Hinawakan ako sa magkabilang balikad at tumitig sa akin.
Magaganda ang mga mata nito. Iyon ang napansin ko ng mapatitig ako dito. Pero naramdaman ko na lang ang paghila sa akin ng bwesit na Dan palayo sa boyfriend ko.
Ahem!
Sandali lang. Boyfriend kuno pala.
"PO1 Bautista." Tawag sa pangalan niya ni Vienn pero hindi niya ito pinansin.
Aba bastos din siya sa totoo lang. Pwede ba yong ginagawa niya at hindi pansinin ang DG nila?
"Yes DG Anderson." Sagot pa nito pero sa binanggit niyang Anderson ay parang ang bigat sa pandinig. Iyong parang pison lang. No! I mean parang may diin sa apelyedo nito.
"Gusto ko lang sabihin na ikaw muna ang bahala sa kanya. Huwag niyo na siyang ikukulong kung ano man ang nagawa niya. Napag uusapan naman iyan ng mabuti at hindi na dapat pang palakihin pa." Kuway saad nito. "Sumaglit lang talaga ako dahil madadaanan ko naman ang station bago ako pumunta sa meeting ng kapulisan." Sabi pa nito bago tumingin sa akin. "Mauuna na ako. See you again cutie."
"Yes DG." halos sabay sabay na sagot nila dito bago tumalikod.
Wait! Sandali nga. Ito na ang pagkakataon ko para makuhanan ng iba pang impormasyon. At sandali. Wait talaga nasaan ba ang phone ko at kuhanan ito ng larawan.
"Wait!." Pigil ko dito ng tumalikod na ito. Lumingon naman siya pero isang ngiti na lang ang isinagot sa akin at kumaway ng nagpapaalam. "Eh!." Gusto ko pa sana itong habulin pero pinigilan na ako ng bwesit na bwesit talagang Dan Bautista na ito. Panira talaga ng moment. Kailangan ko itong habulin para sa mga impormasyong kailangan kung malaman.
"Hindi mo ba narinig. Sabi niya ako na muna ang bahala sayo." Nakangisi na naman ito. At sa paghawak niya sa braso ko ay inalis niya at muli na namang humawak sa kwelyuhan ng damit ko.
"Ano ba? Nawiwili ka na yatang bibitinin ako sa damit ko."
"Depende na iyon sa akin kung paano kita gustong hawakan." Sagit niya sa akin. Ilang sandali pa ay nagsipaalam na ang mga kasama niya at iniwan na kaming dalawa.
"Ano?" Taray na tanong ko ng pasalya niya akong itinutlak paupo sa isang upuan sa may lamesa yata niya. "Kung wala ka ng sasabihin total wala na ang tababoy na iyon at ang boyfriend ko. Baka naman pwede na akong umalis." Hindi ko talaga itinago ang gigil ko dito.
"Yeah! Pwede ka ng umalis total nga naayos naman na ang gusot ng pakikipagtalaktakan mo. Pero baka nakakalimutan mo na sa akin ka na may atraso ngayon."
Nangunot ang nuo ko. At paano akong nagkaatraso sa kanya aber? Huh!
"Baka nakakalimutan mo ang dumapo dito." sabay turo ng pisngi niya. "Maniningil pa ako."
"What?" Doon ko naalala na nasampal ko pala siya kanina dahil sa pagharang niya sa pagsampal ko sana sa baboy na iyon. "Kasalanan ko pa ngayon. Eh! Kung hindi ka humarang hindi ka masasampal. Pakialamero ka kasi." Sabay irap sa kanya pero huli na ng makapagbawi ako ng tingin ng bigla niyang hawakan ang baba ko at pinaharap talaga sa kanya.
"Ang tapang mo talaga. Pero hindi mo kilala ang kausap mo ngayon bata. At alam mo bang sa kakatalak mo ay kanina pa ako gigil na gigil na lagyan ng plaster ang bibig mo para di ka na makapgsalita?" pagbabanta niya na may kasama pang ngisi sa mga labi.
"Hindi na ako bata. Saka pwede ba bitawan mo ako." At marahas na tinabig ko ang kamay niya na umipit na ang darili sa baba ko.
"As you wish but pay me first." nilahad ang kamay niya sa akin. "Madadaan naman sa pera ang pananampal mo sa akin para agad na ma-absuwelto ka na."
"Huh! Kung pera ang kailangan mo sa pagsampal ko sayo. Wala akong pera. Pamasahe ko na lang ang dala ko at pambili ng agahan." Sagot ko sa kanya saka na ako tumayo. Pero sa pagtayo ko at nakayuko naman siya ay nagkauntugan pa kaming dalawa.
"Ugh! Fuck." napamura pa talaga siya sabay sapo ng nuo.
Ako man ay para akong nahilo at sapo na din ang nuo at napaupo akong muli. Naipilig ko pa ang ulo ko para mabawasan kahit papaano ang pagkahilong naramdaman ko.
"Puro kamalas ang natatamo ko sayo." Gigil na sapo parin niya ang nuo.
"Bakit ba kasi ang lapit lapit mo sa akin." Gigil din na sagot ko dito. Pero naisip ko. Kailangan ko palang kuhanin ang loob ng isang ito lalo na kilala si Vienn Anderson na iyon. Kaya dapat mag babait baitan pala ako sa kanya ngayon.
"Ano?" Tanong pa niya sa akin ng bigla akong natahamik.
Well, isang kiming ngiti lang ang isinagot ko. Ah! Uubra kaya iyon? Tignan natin. Dadaanin ko sa isang matamis na ngiti. Malambing na tinig.
"Don't give me that smile little hamster. Dahil hindi mo ako madadaan sa pagpapakyut mo." Galit talaga siya saka siya umayos ng tayo.
"Ikaw naman. Hindi ka na mabiro. Heto na nga sinusuklian na nga kita ng pinakamatamis kong ngiti eh." Sabi ko pa at pinilit na huwag alisin ang ngiti sa labi ko na kahit gusto ko na itong talakan ulit. Parang gusto kong kagatin ang bwesit na Dan na ito.
"Then pay me first."
"Naman eh! Sabi ko naman sayo na wala akong pera diba. Hindi ka ba maawa sa akin. Tignan mo tignan mo." Sabay labas ng pitaka ko at ipinakita ang laman nun. Mabuti na lang at isang daan at tatlong bente lang talaga ang laman nun at tatlong pirasong sampung piso coin.
"See. Asan ang pangbabayad ko sayo. Pamasahe ko pa dito ang trenta pesos mamaya pag uwi ko. Tapos pambili ko pa ng lutong ulam ang 30 pesos para sa dinner ko. Asan naman ang hustisya." Sagot ko sa kanya.
Naiiling na hindi yata makapaniwala sa nakitang laman ng pitaka ko. Eh sa iyon lang talaga ang pera ko sa ngayon dahil hindi talaga ako nagdadala ng maraming cash ko dahil ayaw kong mapagastos ng marami. Kung may pera pa naman akong hawak ay bili ako ng bili sa tuwing may nakikita pa akong lamang pera ang pitaka ko.
Kaya naman minabuti ko na lang na ganito lagi ang gagawin ko.
"Then pay me with your service." Sagot niya na nakapagpalaki ng mga mata ko.
Aba! At bastos pala ang Dan Bautista na ito. Anong akala niya sa akin. Binibinta ang sexy kong katawan???? Manigas siya. Hindi ko balak mawala ang pinakaiingatan kong dangal. I'm still a virgin.
Kaya naman hindi na ako nagpaligoy ligoy pa, agad na dumapo ang palad ko sa pisngi niya na nakapagpatingin ng matalim na tingin sa akin.
"Ang bastos mo. Anong akala mo sa akin. Hinding hindi mo makukuha ang virginity ko kung iyan ang inaakala mo. Bastos -bastos." Pasigaw ko sa kanya. Wala na akong pakialam kung marinig kami ng iba niyang kasamahan. Sinabayan pa ng malakas na hampas sa braso nito.
"You shut up little wild hamster." Gigil na tinakpan niya ang bibig ko ng palad niya. Pero kumilos ako at mabilis na kinagat ko siya sa kamay na nakapagpahiyaw sa kanya. "Urgh!!! You fricking bastard."
Agad akong lumayo sa kanya ng abala siya sa pagpapahupa ng kamay na kinagat ko. Pero bago pa man ako tuluyang makalayo ay nakahawak na siya ng mahigpit sa braso ko at pahilang palapit sa kanya.
"You will pay for it. Not just once, but trice. You slap me twice. At kinagat mo pa ako." Mahina pero may panggigigil na saad niya sa akin at halos gadangkal na lang ang layo ng mukha niya sa mukha ko.
"Y-you... argh.. let me go. K-kkasuhan kita ng physical harassment." Nakangiwi man ako dahil parang madudurog ang buto ko sa kamay na hinawakan niya ay nilangkapan ko parin naman ng tapang ang boses ko. Hindi dapat ako magpatalo sa kanya.
Saka bastos naman talaga ang Dan na ito dahil sabihan ba naman ako ng babayaran ko siya ng serbisyo ko. Ano siya sinuswerte? Asa siya. Over my beautiful sexy virgin body.
"But you can't skip now little hamster. Dahil kabikabila na ang atraso mo sa akin. Saka ano bang iniisip mong serbisyo na sinasabi ko. Ang dumi yata ng utak mo." Kuway saad niya at mas hinila pa niya ako palapit sa kanya.
"W-what are you doing?" Doon na ako kinabahan. Dahil sa mata niya ay nakikita ko ang isang hindi maipaliwanag na tingin. Sa labi ay nandoon ang isang malademonyong ngiti.
"Ang sinasabi ko na serbisyo ay aalukin sana kita na linisan lang ang pad ko. Pero ang layo yata ng iniisip mo sa naiisip ko. Lumipad yata sa kung saan ang utak mo. O baka naman gusto mo lang din ang serbisyuhan at kunwari ay nagpapakipot lang." Paliwanag niya dahilan para makaramdam ako ng kaunting hiya. Oo, kaunti lang. Malay ko ba na iyon pala ang ibig niyang sabihin. Saka okay na sana ang mga nauna niyang sinabi kung hindi lang dinagdagan ng ilan na naman kabastusan. And kapal din talaga ng Dan bautista na ito.
"M-malay ko ba."
"But you think to much little hamster. Ano ba ang gusto mo? Ano ba ang nasa isip mo? Ang serbisyo sa kama ba ang tumatakbo sa isipan mo?" Tanong niya sa akin saka mas inilapit ang mukha sa akin. Halos mabali na ang likod ko sa pagkakaliyad ko dahil sa pilit na paglayo ko sa kanya. "Well, You said na boyfriend mo si Vienn Anderson. Pero ang akala mo ba maniniwala ako. Dahil alam ko kung ano ang pakay mo sa kanya. Dahil dito." Sabi niya sabay ipinagitna ang ID ko bilang isang journalist.
Nanlaki ang mata ko dahil doon.
"Isa kang journalist kaya ka nagsinungaling dahil balak mong kumuha ng impormasyon kay Vienn Anderson. At alam mo ba kung ano ang makukuha mong kaparusahan kapag ginawa mo iyon?"
Nalunok ko yata bigla ang dila ko dahil sa sinabi niya. Bukong buko pala ako sa simula pa lang. Pero sandali. Bakit nasa kanya ang ID ko? At paano niya nakuha iyon ng hindi ko napapansin.
May lahi ba siyang mandurukot?
"Pero bakit nasayo ang ID ko." nandoon na naman ang pagtataray ko. "Mandurukot ka ano.?"
"Shut up. Now, mamili ka. Pay me with your service or makukulong ka dito ng isang linggo?" Hindi niya pinansin ang pagtataray ko at talagang pinamili pa niya ako.
Kasi naman ang service na iyan. Iba sa pandinig ko. Grrrr. Gigil much talaga ako sa kanya.
"Iba ako mainip little hamster. Mamimili ka ba o makukulong ka na lang pwede ding bayaran mo na lang ako ng pera. Sa pagsampal mo. At sa pagkagat mo sa akin."
"Hmmp!." Kung gusto lang siguro umusok ng ilong ko at magbuga ng apoy ang bibig ko ay kanina ko pa ginawa. Marahas na pilit na inalis ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko saka ako humalukipkip.
Ano ba?
"Sige, pero sa isang kundisyon." Hihirit pa ako baka sakaling makalusot.
"At ikaw pa ang may ganang humingi ng kundisyon ngayon."
"Para patas. Look at this." Sabay turo ng braso kong namula dahil sa pagkakahawak niya. "Para patas tayo. Maglilinis ako sa pad mo. Pero magbibigay ka sa akin ng kaunting impormasyon tungkol kay Vienn Anderson."
"At bakit ba gustong gusto mong makakuha ng impormasyon tungkol sa kanya?"
"Iyon kasi ang inutos sa akin ng boss ko. At kung hindi ako nakakuha ng impormasyon tungkol sa kanya. Mawawalan ako ng trabaho." Totoo ng sagot ko.
"Pero alam mo ba na sisirain mo ang pananahimik ng DG namin sa gagawin mo."
"Kaunting impormasyon lang naman. Kung ayaw niyang magbigay at maikalat ang tungkol sa kanya kahit basic na lang. Hindi ko na din ilalathala ang larawan niya."
"Hmmm!" halata na napaisip din ito.
Dumalangin din ako na sana pumayad siya sa gusto ko.
"Sige. Pero sa isa ding kundisyon."
"Huh!."
"Sa bawat impormasyon na ibibigay ko sayo. May bayad na paglilinis sa pad ko kung kailan ko gusto."
"What?"
"Take it or leave it."
Napaisip ako. Ayaw ko man sanang makita pa ito. Pero kung iyon na lang ang paraan ay sige. Pagbibigyan ko siya. Basta huwag lang akong mawalan ng trabaho.
"Deal." Pagpayag ko sa kanya. Saka ko inilahad ang kamay ko para i sealed ang kasunduan namin.
Napatingin siya sa kamay ko. Saka ngumiti.
Napalunok ako. Sandali nga. Bakit parang nakyu-kyutan ako sa ngiti ng bwesit na Dan na ito.
Grrr! Bwesit!
Pero natawa na lang siya bigla ng tanggapin niya ang pakikipagkamay sakain kasabay ng pagkulo ng tiyan ko dahil sa gutom.
Napasimangot ako.!
"Ano nakakatawa! Sa gutom na ako." Gigil na sita ko sa kanya.
"Hahahaha! Sa kakatalak mo! Gutom na ang mga alaga mo sa tiyan."
"Paki mo."
"Whatever! Now lets go." sabay hila sa akin palabas ng police station.
"Hey! Saan mo ako dadalhin." At nakipaghilaan ako sa kamay ko.
"Just shut up. Ang ingay mo. Kakain lang tayo."
Magrereklamo pa sana ako. Pero pagkarinig ko ng kakain ay natahimik ako. Kaya naman kusa na lang akong sumama kung saan man niya gustong kumain.
*****
To Be Continued..
*****