Typo and gramatical error ahead!!
# 4_Vience POV:
Hindi ko mapigilang tapunan ng matalim na tingin ang Dan Bautista na ito. Kakainis. Akala ko pa naman i lelebre ako pero hindi naman pala.
Niyaya niya ako sa isang mamahaling resturant tapos kanya kanya palang bayad. Kung alam ko lang na ganun ang mangyayari kanina ay malamang hindi ako umurder ng maraming pagkain. Natakam pa naman ako. Eh sinabi ko naman sa kanya na wala akong pera. Nakakainis talaga. At ngayon, ang ipinangbayad niya daw sa kinain ko ay idadagdag niya sa atraso ko sa kanya.
Napakaganid niya. Nakakaasar talaga at gustong gusto ko na naman siya talakan kung hindi ko lang iniisip na siya ang makakatulong sa pwede kong isulat sa balita ko. Pagtitiisan ko na muna ang bwesit na Dan Bautista na ito kahit na gusto ko ng ibaon sa lupa ng hindi na ako mamihasa pa.
"You owe me once again." At nakangisi pa patalaga siya. "And this..." inilabas ang phone at may kung anong tinitignan doon.
Wait! Magkapareho ba kami ng phone??
No! Cellphone ko ang hawak niya at paano nasapakamay niya iyon ng hindi ko namamalayan.
"You-."
"Huwag mo akong talakan kung gusto mong makaluha ng impormasyon sa DG namin." Putol niya sa sasabihin ko sana at inilayo ang phone ko na hawak niya ng tangkain ko iyong agawin sa kanya.
"Mandurugas ka ba? Paano mo nakuha ang phone ko na nasa bag ko? Kanina ang ID ko tapos ngayon ang cellpohe ko." nanggigil na paninita ko sa kanya.
"I said shut up. Ang ingay mo! Ang gandang lagyan ng isang rolyong tissue ang bunganga mo." Gigil na sabi niya sabay kamot pa ng tainga niya.
Iimik pa sana ako ng muli na naman niyang tignan ang phone ko.
Hmp! Bahala siya. Hindi naman niya mabubuksan ang phone ko dahil may password iyon.
But then. Mabilis na kinuha niya ang kamay ko na ikinagulat ko kaya hindi ako agad nakagalaw at inilagay sa fingerprint scanner ang daliri ko bago ako binitawan ulit.
Aba! Aba! Sinusubok talaga ako ng lalaking ito.
"Hoy! PO1 Dan Bautista. Sumusobra ka na yata." Gigil pa ako na tumayo sa kinauupuan ko at padabog na ipinatong ang mga palad ko sa lamesa na halos nakapagpakalansing ng mga pinagkainan namin.
"Hey! You, keep quite." Sita sa akin ng isang customer. Bigla naman tuloy akong nakaramdam ng bahagyang pagkapahiya kaya napayuko na lang ako at muling umupo.
Pero mas nainis ako ng makita ko na nakangisi pa ang bwesit na Dan na ito at barang gusto pa akong bilatan dahil sa pagkapahiya ko.
"Ano? Pahiya ka! Para ka naman kasi nasa palengke kong umasta. Pwede ba, itikom mo naman ang bibig mo kahit isang minuto lang." Pang aasar pa niya sa akin. "Oh! Ayan. Ayan ang address ng condo ko. At nandyan na din ang number ko." Saka niya ibinalik sa akin ang phone ko. "Huwag mong iisiping indyanin ang usapan natin. Aalalahanin mo. Nasa mga kamay ko nakasalalay na ang trabaho mo." Sabay kindat pa sa akin at sinabayan na ng tayo.
"Grrrr!." Hindi ko talaga mapigilang manggigil dahil doon.
"Bye for now little hamster." Tumalikod na ito. Hindi pa man ako nakakasagot at nakakabawi sa inis ko ay iniwan na niya ako nagsimula ng maglakad palabas ng reataurant.
Nakakagigil. Kuyom ang kamao ko na nakahawak na sa phone ko sa gigil, inis, asar ko sa kanya. Ah basta. Parang gusto kong ibato ang pinggan sa harapan ko na wala ng laman ng makita niya kung hindi ko lang naisip na babayaran ko iyon kapag nabasag.
Naiinis pa man ako ay napilitan na akong tumayo para makaalis na sa bwesit na restaurant na kinainan namin. Ang sasarap nga ng mga kinain ko pero ng bigat naman sa bulsa at hindi ko na ulit gugustuhing pumasok sa ganitong klaseng restaurant.
"Grrrr! Talaga." Gigil na napasunod ako sa kanya pero ang luko! Hindi ko na naabutan pa sa labas at ang sinakyan naming kotse ba niya yon ay wala na. "I hate you Dan Bautistaaaaa." gigil na pilit na kinalma ang sarili ko na huwag sumugaw.
Padabog na naglakad pa ako palayo sa restaurant. Gigil much na ako at gusto ko talagang magsisisigaw sa inis ko sa lalaking iyon.
Ang layo pa naman ng restaurant na iyon sa working place ko.
"Aaaaaaahh!." Gusto ko tuloy sabunutan ang sarili ko dahil sa katangahan ko sa pagsama sa bwesit na Dan na iyon. Pero wala na akong magagawa dahil tapos na. Doble doble kamalasan ako sa araw na ito at nagkaroon pa ako ng utang ng wala sa oras.
Hmmp! Eh hindi ko na lang kaya siputin at sundin ang kasunduan namin.
Dibale, alam ko na kung saan ko na makikita ang Vienn Anderson na iyon at kung magkakasalamuha kaming ulit ay siguradong mamumukhaan ko siya.
"Oo, ganun na nga." Ngisi na akong pumara ng tricycle para makabalik sa maliit na kumpanyang pinagtratrabahuan ko at isusulat ko ang kaunting kaalaman na nalaman ko ngayon araw. Maliit man iyon pero sigurado naman na may maganda ding masasabi sa akin ang boss ko.
=
"At saan mo namang lupalop nakalap ang impormasyong ito?" May gigil na parang hindi makapaniwala ang boss ko sa ipinasa kong report sa kanya.
"Nakita ko talaga siya boss. Nakausap, nakahawakan at naya-." Oops! Hindi ko pala sasabihin na nayakap ko siya baka mas lalong hindi siya maniwala o di kaya naman ay luluwa ang mga mata niya sa inggit.
"Huwag mo akong pinaglululoko Vience." padabog na binitawan ang naisulat ko.
"Boss naman, bakit naman ako magluluko eh trinabaho ko yan kaninang umaga. Tapos muntik pa nga akong nakulong dahil diyan."
"Wala akong pakialam kung makulong ka. Aba! Di ko kasalanan yon dahil umiral ang pagkataklesa mo."
Gusto ko sanang belatan ito pero pinigil ko ang sarili ko baka ihagis lang niya ang mga ibinigay ko sa kanyang report ko.
"Interviehin mo siya. I record mo ang mga pag uusapan niyo ng maniwala ako."
"Boss naman, baka pwedeng iyan na lang muna sa ngayon. Atleast nakakalap tayo ng impormasyon na hindi lang siya basta pulis kundi isa siyang DG ng kapulisan."
"Shut up! Hindi ko iyan ipa publish kong walang sapat na katibayan. Umalis ka na." Pagtataboy pa niya sa akin."
Tuluyan na akong napasimangot dahil doon. Wala man lang konsidirasyon ang boss ko. Kakagigil din ito gaya ng kung anong gigil ko sa Dan Bautista na iyon. Sarap lang nilang pagkakalbuhin.
Hihirit pa sana ako pero huwag na lang. Umalis na lang ako na laglag ang balikat ko.
Bahala na nga siya dito. Uuwi na lang ako. At mag iisip ng magandang paraan kung paano ko muling makikita ang Vienn Anderson na iyon.
Hindi na naalis alis ang pagkakalukot ng nuo ko at pagkasimangot ko ng pauwi na ako.
Naalala ko tuloy ang tababoy na nakabungguan ko. Kakagigil kasi iyon na kung hindi dahil sa kanya ay hindi ako magkakautang sa Dan na iyon. Pero sandali... may iginanda din naman pala dahil sa tababoy na iyon ay nagkaroon ako ng pag asa na makilala si Vienn. My boyfriend.
Ahem!
Okay! Forget about that fatty man. Napatawad ko na siya sa kasalanan niya sa akin.
Kaya naman kahit papaano ay gumaan gaan din ang pakiramdam ko na kahit gulong gulo ang utak ko sa kakaisip kung paano ko muling makikita ang boyfriend ko.
At natapos ang buong araw ko na pakiramdam ko ay parang isang taon agad ang lumipas dahil sa pagod ng katawan ko ng buong araw.
=
"Anak ng kabayo." Napatalon pa ako paatras ng makita ko si Dan sa labas ng apartel ko ng buksan ko ang pintuan para sana pumunta sa condo niya para maglinis.
Ano ang ginagawa niya dito? At bakit siya nandito?
"Bakit mukha ba akong kabayo sa tingin mo?" Kunot nuo siyang tumingin sa akin. Naglakad palapit sa akin kaya naman napaatras ako papasok ng bahay.
"Hey! Hindi kita pinapapasok." Pigil ko sa kanya ng deretso pasok siya sa loob ng inuupahan ko.
Nakita ko pa ang pagngiwi niya ng maigala ang paningin sa paligid.
"Bahay mo ba matatawag ito? Parang lungga lang ng daga." pamimintas niya sa maliit na tirahan ko.
"Aba't‐." Ginigigil na naman niya ako. Narito ba siya para lang insultuhin ang maliit kong tirahan. "Anong pakialam mo? At ano bang ginagawa mo dito?" panigaw na tanong ko.
"Well, maniningil lang naman ako. Baka nakakalimutan mo na may utang ka sa akin. At balak mo yatang pagtaguan ang utang sa akin."
"H-hindi ah." Sagot ko sa kanya na kalahating katutuhanan at kalahating kasinungalingan.
Kasi limang araw na simula nung insedenting iyon. At naiisip ko na paano kaya kong umalis na lang ako sa trabaho ko at maghanap na lang ng iba. At ang Dan na ito ay iiwasan ko pa.
Pero napag isip isip ko. May oras pa ako para magawa ang trabaho ko at siya na lang talaga ang makakatulong sa akin. So here I am now! Pupunta na sana sa condo niya para maglinis doon ng mabayaran ko na ang pagkakautang ko sa kanya.
"Then? Bakit hindi ka na nagpunta sa condo ko para maglinis?"
"Heto na nga, pupunta na sana ako kaso bigla ka na lang sumulpot sa harapan ng bahay ko."
"Naniniguro na ako. Dahil baka takbuhan mo ang utang mo sa akin."
"Hoy! Hindi naman ako marunong takbuhan ang utang ko."
"Mas mabuti na ang nakakasiguro. Halika na. Ng makapaglinis ka ng condo ko habang wala akong duty ngayon."
Hindi pa man ako nakakasagot ay hinila na niya ako palabas ng bahay ko.
"S-sandali. Ano ba? Isasarado ko pa ang bahay ko. Baka mawalan na naman ako ng asin sa kusina ko pag uwi ko."
"Asin lang yan. Pag iinteresan pa." Saad niya pero binitawan naman ako para maikandado ko ang pinto.
"Asin lang pero binibili iyon hindi ninanakaw." Bubulong bulong pa ako. Pero agad niya akong hinila ng maisarado ko na ang pintuan. "Ano ba? Nagmamadali? Nagmamadali?"
"Ayaw ko lang magtagal sa lugar na ito. Mabuti at napagtitiisan mo." Sabay kamot pa ng ilong.
Nagrereklamo pa. Sino ba kasi ang nagsabi na pumunta siya dito tapos mag rereklamo na mga naamoy? Aba!
Pero totoo din naman kasi. Mapanghe ang paligid. Maraming nagkalat na basura dahil sa mga walang kwenta ko ding mga kapit bahay na hindi man lang alam itapon sa tamang basurahan ang mga kalat nila.
Nagkalat din ang mga pampers dahil sa marami ang mga batang panganak lang.
At ayon. Minsan din hindi ako nakakatulog ng maayos dahil sa mga iyak ng bata.
"Wala naman akong magagawa kung hindi pagtiisan dahil dito lang ang kaya ng budget ko. Saka pwede ba! Walang nagsabi na pumunta ka dito? At paano mo ba nalaman na dito ako nakatira. Aba! Pinamamanmanan mo ba ako?"
"Ang dami mong dada! Isa lang naman ang tinanong ko."
"Eh sa gusto kong magsalita. At katanong tanong naman naman talaga ang pagpunta mo dito. Nagpahinga lang naman ako nitong huling araw kaya hindi ako agad nakapaglinis sa condo mo."
"Whatever. Just shut your mouth."
Hindi na nga lang ako nagsalita hanggang sa marating namin ang sasakyan niya.
Yayamanin talaga ang isang ito. Iba na naman ang kotse na gamit niya.
Pero PO1 Lang naman siya! Saan naman siya nakakuha ng pambili ng mga ganitong kagagarbong sasakyan.
Ah! Baka kinukutungan niya ang mga nahuhuli nila kaya siya nagkakapera.
Bad!
"Ano pang hinihintay mo? Sakay na." Untag niya sa akin na nakasakay na pala siya ng hindi ko napapansin. "Huwag mong hintayin na ipagbukas pa kita."
"Oo na!." Pasigaw na tanong ko. Pero bago ko pa man mahawakan ang hawakan ng pintuan ay kusa na iyong umangat para bumukas.
Hindi ko tuloy mapigilang humanga ng wala sa oras. Mapapa WOW na lang talaga ako sa gara ng kotse niya.
"What? Sakay na." Muli ay malakas na sita niya sa akin ng bigla na naman ako napatigil. Eh! Kasi naman. Sinong hindi mapapanganga sa ganito.
Dibale na nga! Saka na ako mag day dreaming kapag natapos ko na ang trabaho ko ngayong araw.
"Pero yong kundisyon natin. Na kapag nalinis ko ang condo mo bibigyan mo ako ng impormasyon tungkol sa boyfriend ko." Sabi ko ng makasakay na ako ng tuluyan.
"Boyfriend?" At inulit pa talaga. "Tigilan mo ang pag iilusyon mo little hamster dahil hindi ka papatulan ng DG namin." At itinuon na ang pansin sa kalsada.
"Ahhhhh! Ano ba? Paliliparin mo ba ang kotse mo sa bilis?" Napasigaw talaga ako dahil bigla na lang niya pinasibad ng mabilis ang sinasakyan namin na parang walang makakasalubong. "Baka mabangga tayo."
"Watch little hamster. Mabagal pa ito kapag may hinahabol kaming mga lumalabag sa batas." Nakangisi pa niyang sagot at tumingin sa akin.
"Damn you! Sa kalsada ka tumingin." Sigaw kong muli. Hindi naman sana ako magmumura pero napapamura na lang ako dahil sa kaba ko. Saka nagmamayabang pa yata.
Mahigpit na lang ang pagkakahawak ko sa seatbelt. Halos ayaw ko na din yatang huminga dahil sa takot ko. Isang kamali lang namin ay siguradong mababangga kami at kapag nangyari iyon.
Naku huwag naman sana! Hindi ko pa nahahalikan si Mr. DG nila.
Behave Vience! Kontra ko sa isip. Erase! Erase!
At saka na lang ako nakahinga ng tumigil ang sinasakyan namin sa harapan ng isang malaking gusali. At basta na lang lumabas ng kotse na hindi man lang ipinaparada ng maayos ang kotse niya.
"Kailangan ko pa bang sabihin na sasakay o bababa ka para kumilos ka?" Muli ay sita niya sa akin kaya agad akong tumalima para bumaba.
May lumapit sa amin na isa sa guard siguro ng building.
Sisitahin siguro siya kaya ito lumapit. Buti nga sa kanya kung sitahin siya. Para kasing pagmamay ari niya ang building eh kung makapagparada ng kotse.
"Park it for me." Pero ganun na lang ang pagkalaglag ng balikat ko ng ihagis pa niya sa lalaki ang hawak na susi na nasalo naman nito.
"Yes sir."
"Lets go." Napasunod na lang ako ng maglakad na siyang papasok ng building. At lahat ng nakakasubong namin ay nagbibigay galang sa kanya.
Ang gagalang yata ng nga tao ngayon at parang kilalang kilala siya. Lalo na sa mga kababaihan na halatang kinikilig sa tuwing ngingitian niya.
Nah!
Mga malalandi.! Sa isip isip ko at napapairap na lang ako habang napapatingin sa mga ito na sumusunod naman sa kanya.
"Ouch!." Sapo ko pa ang tungki ng ilong ko ng bumangga ako sa likuran niya. "Ano ba? Bakit ka ba bigla na lang titigil."
"Eh anong gusto mo? Banggain ko ang pintuan ng elevator?" Sagot naman niya kaya naman napatingin ako sa harapan namin. "Ikaw na nga ang bumangga sa akin ikaw pa ang may ganang manigaw."
Napalabi na lang ako at bahagyang napakibit balikat ng makita ngang nasa harapan kami ng saradong pinto ng elevator at naghintay na lang na bumukas iyon.
*****
To be Continued..
*****