Typo and grammatical error!!
# 2_Vience POV:
"Ano ba? Bitawan mo ako?" Gigil na gigil na talaga ako sa mamang pulis na patuloy parin sa paghila sa akin papasok ng prisinto . Akala mo naman kung sino makaasta. Kaya ko namang maglakad mag isa pero para naman akong batang hinahawakan ang kwelyuhan ng damit ko at binibitin talaga ako.
Akala mo naman matangkad siya.
Hmmp!
Titinangala lang naman ako. Aba, matangkad na ako sa hieght ko kaya huwag niya akong mamaliitin. Oo, nga at mas matangkad talaga siya. Pero hindi naman ako papahuli.
Pang dalagang pilipina lang talaga ang tangkad ko. Hindi ako pandak at hindi din katangkaran. Tama lang. Kumbaga saktong sakto lang. Basta sapat na sa akin ang tangkad ko. Hindi niya ako madadaan sa tangkad lang. Hindi ako natatakot sa kanya.
At ngayon, iniinis yata ako ng mamang pulis na ito at kung makaasta talaga. Grrrr! Nakakagigil. Makikita niya. Oras na bitawan niya ako humanda talaga siya sa akin.
"Bitawan mo ako. Ano ba." Pang uulit ko ng hindi niya ako pinakinggan. Binigwasan ko pa talaga siya pero hindi umabot ang mga kamay ko sa kanya dahil agad siyang nakalayo kahit hawak parin niya ang damit ko.
"Ang ingay mo! Baka gusto mong mas makulong sa kakatalak mo?" Kalmado man na sabi niya ay nakita ko ang pagkimpian ng mga ngipin niya sa pinipigilang pagkairita sa kaingayan ko. Mairita siya hanggang sa gusto niya dahil mas lalo akong mag iingay kung hindi niya ako bibitawan.
"Bitawan mo kasi ako? Ano bang problema mo? Kaya ko naman maglakad ah ng hindi mo ako hahawakan. Ano ako lumpo?" Gigil na nagpatuloy ako sa pagtalak. Mas nilakasan ko ang boses ko para ma lalo itong mabingi. Nilingon ko din ang matabang baboy ay este matabang lalaki na bumungo sa akin ay tahimik lang at parang maamong tupa dahil nasa presinto kami. Nawala ang tapang nito kanina na awayin ako tapos titiklop lang pala ngayon. Huh! Ang sarap lang kutungan eh. Ang sarap isalang sa kawali para masisi ang mantika sa katawan.
Grrr!! Babawi ako mamaya. Sasampalin ko din siya, At hindi lang isang sampal kundi triplets na sampal pa ang iganganti ko. Ang sakit kaya ng pagsampal niya sa akin na hanggang ngayon ay nangangapal parin yata ang pisngi ko. Ewan ko na lang kung nagmarka ang pald niya mismo sa pisngi ko.
Aba! Kapag may nakita akong marka mamaya sa pisngi ko. Humanda talaga sa akin ang baboy na iyan.
"Anong kaso na naman yan, PO1 Bautist?." Tanong ng isa pang pulis na sumalubong sa amin.
"Nag away sa pathway eh! Nakakaistorbo sa mga dumadaan. At ang lalaki namang ito, kalaki ng katawan papatulan ba naman ang patpating maliit na to." Sabay hila pa talaga ng damit ko at itinaas na naman kaya napatingkayad na naman ako.
Matalim na ang mga mata kong nilingon siya.
"Ano ba? Sumusobra ka na ah. Hindi ako patpatin. Makita mo. Aba maganda yata ang katawan ko. Sexy ako. May hubog.. as in sexy talaga."" Gigil na sabi ko dito na hindi ko na alintana na nagsingisian ang mga kasama niya dahil sa sinabi ko.
"Mukhang taklesa pa ang isang iyan." Sabad pa ng isa at tumingin sa akin. "So ano ang kaso."
"Wala akong kasalanan. Kaya wala kayong ikakaso sa akin." Sabad ko din dito. "Naglalakad lang ako kanina tapos itong tababoy na ito binunggo ako tapos sinampal pa ako." sabay duro sa pandak na baboy na tahimik lang.
"Tapos? may patunay ka? May nakakita ba na sinampal ka?" tanong ulit nito.
"Sila." Sabay turo ng mamang pulis na nakahawak sa akin.
"And you slap me too." Sagot naman niya. "So what the case about it? Physical injury? Huh?" umaawat lamang ako pero sinampal mo ako."
"Humarang ka kasi at hinbdi ko sinadya. kaya ikaw ang may kasalanan dun.. Kung di ka humarang nakaganti sana ako. Saka pwede ba? Kaliit liitang problema pinalalaki mo. Tapos dinala mo pa kami dito. Gigil mo ako eh." kuyom pa ang kamao ko na itinaas at itinapat iyon sa mukha niya. Mabilis naman na inilayo ang mukha niya sa kamao ko. As if naman maisusuntok ko iyon sa kanya. Nahihirapan na nga ako sa paglingon sa kanya.
"Haha! Sa akin ka pa ngayom nanggigil. Aba, umayos ka. Baka sa gigil mong iyan mainlove ka sa akin." Ngisi pa talaga siya ng sinabi niya iyon.
"Ayieeeh" at nakisabay pa ang mga kasamahan niya. Ang sarap lang pagbubuhulin.
Mas tumalim ang maging tingin ko sa kanya.
"Ang kapal naman ng mukha mo. As if naman super gwapo mo. duh!! Hindi mangyayari iyon. Dahil walang wala ka sa boyfriend ko." Gigil na sumbat ko. Wala na akong pakialam kung nasaan ako. Hindi ako patatalo sa mamang pulis na ito. Ini-ismol niya kasi ako.
"Ikaw?" saka niya ako tinignan mula ulo hanggang paa. "May boyfriend. Hahaha! Huwag kang magpataw.." At nilakasan pa talaga ang tawa niya na sinabayan din ng iba. "Hijo, lalaki ka. Hindi babae. Baka nakakalimutan mo? Baka girlfriend ang ibig mong sabihin?"
"Maka hijo ka naman wagas. Bakit? Ilang taon ka na ba? Aba. 23 na ako. Uugod ugod ka na ba?" Saka ko din siya tinignan mula ulo hanggang paa. "Well, tingin ko naman lagpas kalendaryo na ang edad mo. Di na masama. Gwapo ka. Pero mas gwapo ang boyfriend ko sayo." Sabay irap sa kanya. Pinag cross ko pa ang mga kamay ko sa dibdib ko kahit na nakatingkayad parin ako dahil nasa ere parin ang kamay niyang nakahawak sa damit ko.
"Lakas naman ng tiwala mo sa sarili mo. Sino ba ang boyfriend mo. At ng makilala namin. Nakakalimutan mo yatang nasa presinto ka. Baka pati ang boyfriend na sinasabi mo ay baliwalain ka kapag nalamang nandito ka sa prisinto."
"Hindi ko nakakalimutan kung nasaan ako. Hmmp! Hindi niya ako mababalewala. Isusumbong ko talaga kayo sa boyfriend ko."
"Then tawagin mo." Paghahamon pa nito. "Pangalanan mo. Baka naman kilala namin at kami na mismo ang tatawag sa kanya."
"Sure." Taas nuo kong sabi dito. Ito na ang pagkakataon ko. Kung sakaling kilala nila ang boyfriend na sinasabi ko. Siguradong tagumpay na ako sa trabaho ko.
"Name." Tinaasan niya ako ng kilay na sinabayan ng ngisi.
"Baka magsisi ka kapag nalaman mo kung sino siya. Hmmp." Tinaasan ko din siya ng kilay. "Kaya bitawan mo na ako. Kanina mo pa ako inilalambitin. Kala mo naman katangkaran ka."
"Bibitawan kita. Pero sabihin mo muna sa amin kung sino naman ang lalaking pumatol sayo."
"Sige."
"So...."
"Vienn Anderson." Taas nuo kong sagot sa kanya. Halatang nagulat siya sa pangalang binigay ko. Wala naman talaga akong balak idawit ang pangalan ng taong hinahanap ko. Nagbabakasakali lang. Bahala na na si Wonder Woman sakaling magkalukuhan na.
Kunot nuo pang tumitig siya sa akin. "Ano? Ulitin mo nga?" halatang nagulat pa ito sa narinig na pangalan binanggit ko.
"Sabi ko. Vienn Anderson ang pangalan ng boyfriend ko. Kaya bitawan mo na ako." Malakas na boses na muling sabi ko.
Napatingin pa siya sa mga kasama niya na halata na pinipigilan ang pagtawa.
Sandali nga? May nakakatawa ba sa pangalang binanggit ko?
"Huwag niyo akong pagtawanan." Gigil na sita ko sa kanila. Na naging dahilan para tuluyan ng humagalpak sila ng tawa. Kahit siya ay natawa na din at nabitawan na ako.
"Hahaha! You make me laugh< little hamster. Hahahahaha!!" at mas lumakas pa nga ang naging tawanan nila.
"E anong nakakatawa sa sinabi ko?" Gigil na sita ko sa kanya. Nakakairitang pakinggan ang tawa nila. Inisa isa ko silang tinignan ng masama.
"Hahaha! Si Derector General ang boyfriend mo?" Natatawa pang ulit ng isa sa mga kasama niya na tumingin pa talaga sa kanya. "Aba Dan, may boyfie pala ang DG natin ah." Sabay tapik pa ng balikat niya.
So, Dan ang pangalan niya. And wait. Police Derector General si Vienn Anderson?
Lihim akong napangisi. Ika-copy ko yan.
Tignan mo nga naman ang pagkakataon. Kung sinuswerte nga naman ako. May isa na akong lead sa kanya. Isa pala si Vienn sa pinakamataas na nakaluklok sa kapulisan pero hindi alam ng nakakarami.
Kulang na lang ay ang mukha niya. Need ko talagang mabigyan ng mukha ang Vienn Anderson na iyon sa lalong madaling panahon para di ako mawalan ng trabaho.
"Shut up." Kuway sita niya sa kasama.
"Sorry boss."
Hindi ko mapigilan ang pangunutan ng nuo. Ang lakas naman ng loob niya na sitahin at pagtaasan ng boses ang kasama niya gayong nakikita naman sa suot nilang uniform na mas mataas ang ranggo nito kaysa sa kanya. P01 lang siya gayong yong sinigawan niya ay SPO2.
Ano yon? Baliktad na ba ang panahon ngayon? Ewan ko na lang kung hindi siya mapatalsik sa kabastusan niya sa nakakataas sa kanya.
"PO1 Dan Bautista, baka nakakalimutan mo kung ano ang ranggo mo?" Kuway sabi ng pinapatahimik niya kanina pero nandoon ang talim ng tingin na ipinukol niya dito. Aba! matapang nga naman. Hindi takot sa sinabi ng kasama.
"Pasensya na SPO2 George." Pero sa paghingi niya ng paumanhin ay parang wala naman sa loob niya. Saka niya ako binalingan. "Ang boyfriend na sinasabi mo ay siya mismong DG namin dito sa kapulisan. Hindi lng dito kundi buong kapulisan ng bansa. Sigurado ka ba sa sinasabi mo??" Kunot nuo niyang tanong sa akin at hinawakan pa ako sa braso.
Napangiwi naman ako. "Aray, nasasaktan ako. Kakasuhan din kita ng physical harassment. Saka isusumbong kita sa Boyfriend ko." Tinaasan ko siya ng kilay.
Ang pagtawa niya kanina ay nawala at naging seryuso.
"Siguraduhin mo lang na nagsasabi ka ng totoo. Dahil kung nagsisinungaling ka. Ikukulong kita dito sa prisento hindi lang 24 hours kundi isang buwan hanggang sa tatlong buwan."
"What? No! You can't. Hindi pwedeng makulong ako dahil may trabaho ako. Baka tuluyan akong mawalan ng trabaho pag nagkataon." Bigla akong naalarma. Sa tingin niya na ipinukol niya sa akin ay hindi siya nagbibiro. "Paano na ako kung sakali. Iyon na lang ang bumubuhay sa akin. Saka, s-sige. Tawagan niyo siya ngayon. Sabihin niyo na nandito ang BF niya." Muli ay pinatatag ko ang boses ko at pinangatawanan ang pagsisinungaling ko.
"Eh bakit hindi ikaw ang tumawag?" Muli niyang saad na naging dahilan para madismaya ako. Wala din yata akong mapapala sa mga ito. Hindi yata uubra ang taktika ko.
"Ayaw ko siyang estorbuhin." Sagot ko na lang. "Saka pwede bang tapusin na natin ito. Baka naman, manong pulis. May trabaho pa akong naghihintay." Pang iiba ko na lang ng usapan.
"Whatever. Napakataklesa mo. Kalalaki mong tao. Then lets see, kung kilala ka ng sinasabi mong BF." Kuway sabi niya kaya naman parang may kung anong ilaw ng bumbilya sa mga mata ko dahil sa kaunting pag asa na makikita ko si Vienn Anderson.
Hindi na ako umimik ng makitang kinuha nito ang walkie talkie nito.
"Good morning Derector General. This is PO1 Dan Bautista."
"Ano ang maipaglilingkod ko sayo PO1 Bautista."
"DG, mayroon po kasing isang bata at maliit na lalaki dito na nagsasabing Boyfriend ka daw niya." sagot niya dito. Hindi ko mapigilang mapasimangot dahil sa pagkakadiscribe niya sa akin.
"What?"
Napangiwi ako ng marinig ko ang basag na boses nito na parang nagulat din sa sinabi niya dito.
"Yes DG, kaya kung maari pumunta kayo ngayon din dito. As in now." Sabi pa nito.
Sandali nga, bakit parang may mali talaga. Kung makapag demand siya ay parang siya ang nakakataas sa kanila. O sadyang hindi talaga niya alam ang ranggong kinaluluklukan niya.
"Sure enough PO1 Bautista. In a minute." Saka na nawala sa kabilang linya ang kausap niya
Doon na ako kinabahan. Makikita ko na ba ng tuluyan ang tinagurian mailap at walang mukhang Vienn Anderson.
Me gosh! I ka copy ko talaga iyan. Minalas nga ako sa matabang baboy na nakabunguan ko kanina pero mukha sinuwerte naman ako ngayon dahil mapapadali yata ang trabaho ko.
"Humanda ka, dahil kung hindi ka kikilalanin ng DG namin ay ikukulong talaga dito." May talim na sabi niya sa akin. Saka binalingan ang matabang baboy na bumunggo sa akin. "At ikaw, habang naghihintay tayo na dumating ang sinasabi niyang BF kailangan mong panagutan ang pananakit mo sa maliit na taong ito."
Aba! Aba! Namumuro na sa akin ang PO1 na ito ah! Gigil niya talaga ako. Matangkad ako at hindi maliit. Matangkad nga lang siya sa akin mukha akong naging maliit para sa kanya.
"Pasensya na boss. Hindi ko naman sinasadya. Masyado lang siyang mapanakit magsalita." Kuway sagot naman ng matabang lalaki.
Umirap ako. Ano ang mapanakit na salitang binitawan ko? Sinasabi ko lang naman ang totoo na para siyang matabang baboy na naglalakad sa daan at halos hindi na kasya sa daanan. At hindi talaga pwedeng kasalubong ito sa makikipot na daanan dahil talagang titilapon kapag binangga ka nito.
"Pero hindi mo na dapat siya dinapuan ng mga kamay mo. Sa lapad ng kamay mo, mabuti at hindi na durog ang mukha ng sinampal mo."
"Pasensya na talaga boss. Hihingi na lang po ako ng tawag basta bawiin niya ang mga masasakit na salitang binitawan niya."
"Aba! Bakit ko naman babawiin." Sabad ko bigla sa kanila dahilan para tapunan na naman ako ng tingin ni PO1 Bautista pero di ko siya pinansin. "Nagsasabi lang ako ng totoo. At bawal magsinungaling. Aba! Kapag sinabi ko bang payat ka may maniniwala sa akin. Di para ko na ring pinagsinungalingan ang mga mata ko." sagot ko. Hindi nakaligtasn sa paningin ko ang ngiti ng mga pulis na nakikinig sa usapan namin ng matabang baboy.
"Pwede ba tumahimik ka na lang." Gigil na sita naman niya sa akin.
"Hmmp!." Umirap ako. Masisira talaga ang gandang lalaki ko dito.
"Pagsasabihan ka lang namin sa ngayon. Warning kumbaga. Kaya umayos ka Mr. Dahil hindi din talaga maganda ang basta mo na lang dadapuan ng kamay ang mga taong nakakabanggaan mo."
"Opo boss. Pasensya na po talaga. "
Ilang minuto din silang nag usap usap. Hindi na ako nakisali at kunway napatawad ko na ang matabang lalaki.
Ilang sandali pa ay pinayagan na nila itong umalis pero ako ay nanatili sa presinto dahil sa paghihintay namin na dumating ang instamt BF ko na si Vienn Anderson.
Pero kinikilabutan ako. Naiisip ko kasi na baka isa ding palamuning baboy ang hitsura nito. Mataba at pandak din gaya ng nakaaway ko. O di kaya naman ay matandan na at uugod ugod. Pero nasabi naman ng boss kong panut na nasa 30's pa lang ang Vienn na iyon. Pero sana naman gwapo ito at maipagmamalaki ko. Karamihan kasi ngayon sa mga pulis na nasa matataas na ranggo ay mga pangit o di kaya naman malalaki ang mga tiyan. Hindi naman sa namimintas ako pero iyon talaga ang totoo.
Ilang mga sandali pa ang lumipas na pinaghintay namin. Hanggang sa sabay sabay na nagsitayuan ang mga kasama kung pulis sa loob ng may pumasok sa isang pintuan.
"Good Morning Derector General." Sabay silang lahat sumaludo dito. Nagbigay galang.
Ako man ay parang nag slow motion pa ng mapatingin ako.
Mabagal na napatayo. Nakatitig sa bagong dating. Well, gwapo siya. Gwapo ang Vienn Amderson pero mas gwapo yata ang Dan Bautista na nanglalait sa akin. Pero okay na rin. At least hindi pangit. Hindi bundatin ang tiyan.
Matanggkad din ito. Kasing tangkad ni Dan.
"Good mOrning too." Pormal na sagot nito. Kinabahan na ako ng madako ang tingin niya sa akin.
Ano?
Ano na ang gagawin ko? Para na akong na estatwa at ayaw na gumana ng utak ko....
*****
To Be Continued..
*****