¤¤¤
VIENCE POV:
¤¤¤
Kilay.. Check.
Eyeliner.. Check.
Foundation Cream.. Check.
Lipstick.. Check.
Totally makeup over. Check na check.
Nakangiti pa akong nagpaikot sa whole lenght mirror sa maliit na apartel na tinitirahan ko. Kailangang maganda akong tignan sa harapan ng head writer namin. Kahit ang kagandahan ko na lang muna ang maipagmamalaki ko sa ngayon.
Kahit na alam ko naman na nanganganib na ang career na tinatahak ko dahil wala na akong magandang naisusulat na magandang balita ay dapat hindi ako mawalan ng pag asa.
Ang pagsusulat ko na lang ng balita ang bumubuhay sa akin, Kung hindi ako magsisipag sa trabaho ko ay baka sa kangkungan na ako pulutin.. Hindi ko kasi nakilala ang tunay kong mga magulang. Tanging ang walang hiyang tiyahin ko lang ang nakagisnan ko simula ng magkaisip ako. At naranasan ko ang hirap na mabuhay na walang tubay na mga magulang na aalalay sa paglaki at magpaparamdam ng pagmamahal.
Well, walang hiya ba ang nasabi ko kanina. Totoo iyon dahil hindi naman niya ako itinuring na pamangkin. Ginawa nila akong alila kasama na ang mga pinsan kung hilaw. Naiisip ko nga kung kadugo talaga niya ako o hindi dahil mas masahol pa sa kulungan ng baboy niya ako pinapatulog noon, ng marunong na akong kumita ng pera ay kumakayod ako para sa sarili ko. Ang maliit na perang kinikita ko ay inilalaan ko sa pag aaral ko... para lang makapagtapos ako ng pag aaral. Halos kulang kulang pa nga ang kinikita ko sa pag me-makeup pero nakikihati pa siya. At hindi lang siya, pati mga anak niya na walang ibang alam gawin kundi lumamon. Tapos naiinggit sila sa akin. Eh bakla daw lang ako pero bakit ang ganda ko daw at ang ganda ng hubog ng katawan ko.
Edewow! Sila ba naman ang kumain lang ng limang beses sa isang araw at nakaupo lang. Ewan ko na lang kung hindi sila magmukhang baboy. Ni tubig na iinumin lang nila ay ipapakuha pa sa akin kung nasa bahay nila ako. Kulang na lang ako pa ang maghugas ng pwetan nila kapag nagbabawas.
Tapos ang ang panganay na kapatid nilang lalaki na pinsan ko ay minsan na niya akong pinagtangkaang gahasahin. Kaya naman nagpasya na akong umalis sa kanila kahit na anong pigil sa akin ng tiyahin ko.
Keso daw lasing lang pinsan ko kaya nito nagawa iyon. Pero ng hindi ako nagpapigil ay bigla na lang nito ako bubungangaan at pagsasabihan na wala akong utang na loob. Saka bakla naman daw ako, ano bang mawawala sa akin sakali mang natuloy ang balak ng demonyo kong pinsan.
Kaya naman galit na galit ako na nilisan ang bahay nila. Hindi ko na pinansin ang pagpaparinig nila sa akin. Bahala sila. Sabihin man nilang bakla ako, ay hindi ko nanaising mapagsamantalahan. Over my beautiful virgin body. Hindi ko basta iwawala ang kiniingatan kung dangal kahit na ganito lang ako. Proud ako sa buong pagkatao ko. Ganito na akong lumaki...
Hayst!!!
Back to reality na nga tayo.. Hindi dapat sila ang naiisip ko ngayon. Hindi naman sila kawalan sa akin dahil sila ang nawalan ng utusan. Sila ang nawalan ng nagbibigay ng maliit na pera sa kanila. Pagtutuunan ko na lang ng mabuti ang trabahon ko. Hindi ko hahayaang mawala ang kaunting pinagkukunan ko ng maliit na income para mabuhay ako.
And now, this is my last chance. Kailangan kong mapakiusapan ang head writer namin para hindi niya ako tanggalin sa trabaho ko.
Iyon na lang ang alam kong trabaho. Hindi ko naman pwedeng ibenta ang katawan ko dahil wala naman akong boobs na pagsasawaan ng bibili sa akin kung sakali. Pero kung paseksehan lang naman at pagandahan ng hubog ng balakang... ahemmm..
Tunog ng cellphone ko ang nakapagpabalik sa tamang pag iisip ang utak ko. Agad ko iyong dinampot at hindi ko na tinignan kung sino ang tumawag.
"Yes, hello. This is Vience Viernes, how may I help you?" pormal at may galang na sagot ko sa kabilang linya.
"Vience, ang mama. Nasa hospital, we need your help. Kailangan ni mama ng maoperahan sa apdo pero wala kaming kapera pera." Agad na saad nito.
Edewow ulit. Hindi ko mapigilan ang magtaas ng kilay. Nawala ang pagkamagalang ko ng mapagsino ko ang nasa kabilang linya. Ni hindi man lang nagpasakalye ang bruha. Ang lakas ng loob na tumawag sa akin at manghihingi ng tulong gayong tudo ang panlalait nila sa akin noon. Saka lang naman nila ako kilala at magiging mabait kapag may kailangan sila. Pero hindi ko sila tutulungan. Sapat na ang ilang taon ng paghihirap ko habang sa kanila pa ako nakatira para maging alila nila. Ngayon, bahala na sila sa mga buhay nila. Saka wala na nga akong pera, dahil tama lang ang kinikita ko sa pagbabayad ko ng upa ng bahay ko, tubig at kuryente at sa pang araw araw na gastusin. Minsan na lang naman ako nakakapag side line sa pag me-makeup dahil kailangan kong mag fucos sa trabaho ko.
"Wala akong pera, Ate Berta, pasensya na pero hindi ko kayo matutulungan sa ngayon." walang pasakalyeng sagot ko dito. Hindi ko na ito hinintay na makasagot dahil ako na ang pumutol ng linya dahil panigurado na madami pang salitang bibitawan ito bago tapusin ang usapan.
Muli kong inayos ang sarili ko. Pinasadahan ng mabuti ang ayos ko. I'm beautiful. And 100% perfect na perfect ang ayos ko.
Sinigurado ko na munang naka lock ang pintuan ng bahay ko para hindi mapasok ng mga magnanakaw. Minsan na kasing pinasok ang bahay ko at pati asin ko sa kusina nawala. Mga walang hiyang mag nanakaw dahil gamit ko sa kusina dinamay pa.
Wala naman mahahalagang bagay ang makukuha kung sakali sa bahay ko. Mga damit lang siguro at mga makeup ko.
Bahala sila. Basta kapag lumalabas ako ay dala dala ko lahat ng mahahalagang gamit ko.
=
Pagkabilaang panig ng kalsada ako nakarinig ng mga pagsipol.
"Tumingin ka naman dito Vience."
"Dito na lang baby ko." Parinig pa nila sa akin kaya naman nakangiti na tinapunan ko sila ng tingin sabay palipad ng halik.
"Dami talaga humahanga sayo." Si mang Kanor ng makasakay ako ng tricycle niya na ito ang nakapila.
"Naku, hindi iyan paghanga mang Kanor."
"Sa dati ba?" Tanong muna nito na sinagutan ko ng oo. "Dami mo kasing nahihigitan na magagandang dilag dito sa atin kaya ka nila hinahangaan." Halos pasigaw na sabi nito dahil sa ingay ng motor.
"Kasalanan ba ang maging maganda mang Kanor, lalo na, alam nilang hindi ako babae."
"Hindi ah, bata ka talaga oo, inggit lang ang iba sayo. At hindi mo kasalanan kung sino ka at kung ano ka man."
"Naku, iba ka talaga mang Kanor, kaya love na love kong sumakay sa motor niyo eh."
"Totoo naman iyon Vience, kaya huwag mong intinidihin ang iba. Basta maging totoo ka lang sa sarili mo at wala kang inaapakang tao, hindi magiging kasalanan kung ano ang kasarian mo."
"Thank you po."
Natataon na si mang Kanor ang lagi nakapila kapag palabas na ako papuntang trabaho, at ganito lagi ang ginagawa namin. Nag kukwentuhan kaya naman buong biyahe ko ay hindi boring hanggang sa maihatid ako sa maliit na kompanya na pinagtratrabahuan ko.
"Ito na po ang bayad mang Kanor, salamat."
"Sige, mag ingat ka."
"Kayo din po. Ingat po sa maghapong biyahe." Saka ko sinabayan ng pagsaludo dito.
Agad na tinahak ko ang ikatlong palapag ng gusali kung saan nandoon ang maliit na publishing company na pinagtratrabahuan ko.
"Magandang umaga boss." Nandoon ang tanbinging ngiti ko ng tapunan ako nito ng nakamamatay na tingin.
Gaya ko, isa din siyang bakla pero laging inis sa akin dahil di hamak na mas maganda ako.
Hindi naman sa nanlalait ako huh! Isasalaysay ko lang kung ano ang hitsura ng boss ko. Mmmm, paano nga ba? Ganito, nakawig siya. Kasi alam niyo na. Tumatanda na at medyo napapanot na ang ulo at delekado na ang makakasalubong nito kapag mataas na ang init ng araw dahil masisilaw ka sa makinis niyong ulo.. Pandak din siya. Mas matanggkad ako ng 5 pulgada dito. Well, 5'3" ang hieght ko. Alam niyo na siguro. Tapos ang boss ko, mmmm. Ano pa nga ba? Ah! Malaki kaunti ang tiyan niya. Mean lagi siyang busog dahil sa parang lobo ang tiyan nito. At iyon kung paano ko i discribe ang hitsura ng boss ko kaya alam niyo na siguro ang salitang insecure. Insecure nba insecure sa ganda ko.
"Walang maganda sa umaga kung mas maganda ka sa akin." Galit na sagot nito sa akin, kung hindi siguro ako nakailag at tumama sa akin ang ibihagis nitong diyaryo. Pinulot ko din naman iyon.
"Boss naman, umagang umaga ang init agad ng ulo niyo, kaya siguro naglalagas ang buhok niyo." Hindi ko mapigilang biro dito na lalong nakapag painit yata ng timpla ng mood nito. Parang uusok na din ang ilong nito dahil halatang namumula na.
"Gusto mo na yatang mawalan ng trabaho." Pabalibag na ipinatong ang kamay sa ibabaw ng lamesa nito saka tumayo.
"Sorry boss. Kayo naman di na kayo mabiro." Hingi ko ng tawag. Pinipigilan ko ang matawa.. "Sa totoo naman eh." Dagdag ko pero ako na lang ang nakarinig na may lihim na pahagikjgik.
"Umayos ka Vience, kung hindi ka lang nagmakaawa sa akin matagal ka ng walang trabaho. At ngayon, wala ka na bang alam ibang ibalita maliban sa mga artista."
"Sila po ang sikat sa industriya natin boss at maraming nag aabang ng mga tungkol sa kanila."
"Sumasagot ka pa. Hindi lang sa mga artista umiikot ang industriya." Galit na saad nito. Napasimangot ako ng wala sa oras dahil doon. "Bakit? Magrereklamo ka sa sinabi ko?"
"Naku! Hindi boss. May naalala lang ako kaya ako napasimangot." Palusot ko.
"Siguraduhin mo lang. Ito, bibigyan kita ng assignment, gusto ko na sa loob ng isang linggo, makakalap ka ng balita tungkol sa kilalang negosyante at kilalang pamilya."
Kinuha ko dito ang inabot nitong invelope saka ko iyon tinignan.
Vienn Anderson? Pangalan lang? Ni walang larawan? iisa lang ang laman ng invelope at tanging ang papel na may nakasulat ngang pangalan na Vienn Anderson.
"May tao ba na wala man lang larawan?" tanong ko pa sa boss ko.
"Siya, kaya nga ibinibigay ko iyan sayo. Bahala ka ng umalam kung paano mo siya mabibigyan ng larawan. Kung paano mo mabibigyan iyan ng totoong mukha."
"Boss naman, napakaimposeble naman ng ipinapagawa niyo. Kahit stolen shot lang. kahit nakatalikod lang. Wala ba kayong maibibigay?" magkakasunot na tanong ko.
"Kung mag rereklamo ka, maluwang ang pintuan ng kompanya para umalis ka." Sabay turo ng pintuang palabas.
"Hehe! Yakang yaka ko to boss, ako pa. Ako yata si Darna. Sige boss. Aalis na ako, para makakalap na ako ng balita para sa taong ito."
"Go." Walang pag aalinlangang pagtataboy nito sa akin.
Pagtalikod ko dito at hindi ko na pinigilan ang sarili ko na mapasimangot at laglag ang balikat na lumabas sa opisina nito.
Nagpakawala pa ako ng malalim na buntong hininga ng tuluyan na akong makalabas.
"Saan ko naman kaya hahagilapin ang taong ni hindi ko alam ang hitsura." Kausap ko sa sarili ko.
At habang mag iisip, kakain muna ako ng agahan. Ganito naman ang maganda sa trabaho ko. Ang hindi ko kailangang mag stay sa loob ng kompanya. Kailangan ko lang lumabas para makakalap ng mga balitang maisusulat.
"Hindi mo ba tinitignan ang daraanan mo." Sigaw sa akin ng isang katabaang lalaki at pandak kaya naman para itong palamuning baboy gaya ng mga pinsan ko.
Aba! Siya na nga itong nagmamadaling maglakad at nakabunggo sa akin ito pa ang may ganang magalit.
"Hoy! Mister tababoy, ikaw ang bumangga sa akin. Halos lumipad na nga ako dahil sa lakas ng impact ng pagkakabunggo mo sa akin, tapos ako pa ang sisisihin mo." Galit na dinuro ko ito. Ang akala siguro nito ay matatakot ako dahil malabalyena ang katawan nito.. Huh! Vience Viernes yata ako.
"At bakit? Nagmamadali nga ako, pero hindi sayo ang daan dahil sa gitna ka naglalakad." Galit din na sagot nito sabay duro din ny nuo ko.
"Aba mister tababoy, gitna pa ba ito?" Sabay turo ng kinakatayuan ko na nasa gilid naman ako dahil napaatras nga ako kanina dahil sa binunggo niya ako. "Mataba ka lang kaya hindi ka kasya dito sa daan." Gigil na sagot ko dito.
"Abat!." Bibigwasan na sana niya ako ng biglang may kung sinong pumigil sa kamay nito kaya naman nabitin iyon sa ere.
Halos panabay kaming napatingala dahil sa tangkad ng lalaking pumigil sa kamay nito.
"Bitawan mo ako pakialamero." Sigaw ng matabang lalaki saka pagalit na iwinaksi ang kamay na hawak niya. At muli ako nitong binalingan at mabilis na nailapat ang palad sa akin at nasampal ako. Para akong mawawalan ng malay sa lakas ng impact ng sampal nito.
Sumuklab naman ang galit ko at handa na din akong maningil ng sampal at gagantihan ko ng mas malakas na sampal. Pero dahil sa pumagitna na ang lalaki ay dito dumapo ang palad ko.
Natigilan ako. Napalunok dahil kunot ang nuo nitong tumingin sa akin.
Galit ba? O seryuso lang na tinapunan ako ng tingin. Saka sandali, tama ba ako ng nakikita. Ang gwapo niya.
Erase.. Erase, may kasalanan ka gaga. Sita ko sa sarili ko. Tabingi ang ngiti na gumuhit sa labi ko.
"Nakakaestorbo kayo sa ibang dumadaan. Sa prisento na lang kayo mag usap." Sabi niya sa amin saka nito binalingan ang kasama na nasa malapit lang namin.
Halatang nagulat dahil sa pagkakadapo ng kamay sa kanya.
"Take him." Sabay turo sa matabang lalaki. "And you." Natigil ako sa pagtalikod ko dahil tatakas na sana ako pero nahawak niya ang kwelyuhan ng damit ko sa batok. "And where do you think your going?" Tanong niya. At dahil inangat niya ang pagkakahawak sa kwelyuhan ng damit ko ay napatingkayad ako dahil nasasakal ako.
"Bitawan mo ako." Utos ko pero hindi niya ako pinsin bagkus hinila niya ang hawak niyang damit ko kaya naman napilitan na akong sumama.
Gusto ko sanang talakan ito pero natahimik ako ng isakay ako sa police mobile.
*****
To be Continued
*****