Typo and grammatical error ahead!!
# 5_Vience POV:
"Ano ba? Pwede bang huwag kang haharang dyan?" Naiinis na sita ko sa kanya ng maglilinis na ako sa silid niya. "Mas pinapatagal mo ang paglilinis ko." Gigil na talaga ako.
Kung makapintas sa tinitirhan ko akala mo naman malinis ang bahay niya. Para kayang dinaanan ng bagyo ang loob. Kung saan saan na nagkalat ang mga gamit at mga pinagpalitan niyang mga damit.
Ang sarap lang ihampas eh. Lalo na ang mga underwear niya.
Grrrr!!!. Bahay pa ba matatawag dito? Maganda pa naman at napakaluwang pero wala ka namang madaanan dahil sa mga kalat niya. At kanina, ang lakas ng loob niyang pintasan ang tinitirahan ko. Aba, mas malinis pa ang loob ng bahay ko kahit maliit kaysa naman dito sa bahay niya.
"Maglinis ka na lang. Ang dami mong satsat. Kung sa inaksaya mong oras sa kadadada mo ay inilinis mo na lang di sana tapos ka na ngayon." At taas kilay pa talaga siyang namaywang sa harapan ko ng pupulutin ko sana ang nakakalat na underwear niya.
"Eh sa umupo ka nalang sana doon sa sala mo ng hindi ka pa pakalat kalat dito. Dagdag ka pa sa kalat na nililinisan ko." Pasigaw na sagot ko sa kanya. Ngali ngali talagang ihampas sa kanya ang underwear na pinulot ko.
Grrr! Gigil niya talaga ako. Kung hindi ko lang talaga inaalala na may kailangan din ako sa kanya ay nunka kong lilinisan ang tila basurahang condo niya?
Hindi niya pinansin ang pagsigaw ko sa kanya bagkus kampante pa talagang sumandal sa pader at pinagsalikop ang mga kamay sa may dibdib niya habang pinapanuod ang pagtratrabaho ko.
Sinisira lang niya ang konsintrasyon ko.
Grrr! Ulit. Grrrr. na may kasamang papadyak ng mga paa ko. Hindi ko talaga mnapigilan ang manggigil sa inis ko sa kanya.
Nagmamadali pa naman ako dahil bibili pa ako ng kahit kaunting sparkling light para naman sa pagbabagong taon ko na mag isa na naman. Basta may kaunti lang akong handa ay kuntinto na ako.
Hindi na nga ako naghanda ng Christmas dahil nagtitipid ako. Kahit sa new year na lang. At bukas na ng gabi ang desperas ng bagong taon. Tatalon pa ako para tumangkad pa ako.
Eh! Tatangkad pa ba ako sa edad kong ito? Hindi naman masama mangarap na kahit kaunti lang ay may itatangkad pa ako.
Bahagyang napasulyap ako sa bwesit na lalaking ito. Matangkad nga siya kumpara sa height ko na 5'3". Baka nasa 6ft siya siguro. Napasimangot ako. Eh ano ngayon kung matangkad siya?
"Huwag mo akong tignan ng ganyan little hamster. Dahil hindi uubra sa akin ang ganyang mga tingin mo." Kuway sabi niya kaya naman ang sulyap lang ay naging matalim na tingin. Hindi ko na din napigilan na ibato ang hawak ko kung ano man ang huling nahawakan ko.
Inilagan niya iyon. Kaya tumama iyon sa pader at basag ng bumagsak sa sahig.
"Well, nagkakahalaga lang naman ng 10K ang nabasag mo. Dagdag ko iyan sa atraso mo sa akin." Sabay iling na tinignan ang pigurin na naibato ko.
Laglag ang panga ko dahil sa narinig ko. "Are you kidding?" naibulalas na tanong ko na tinignan na din ang basag na pigurin
"Nope! Hindi ko ugali ang magbiro. Dahil lahat ng bagay na nakadisplay sa bahay ko ay may mga halaga. Kaya mag ingat ka sa mga kilos mo. Baka mabaon ka sa utang sa akin at kahit buhay mo ay hindi pa sapat na kabayaran." Nakangisi na muling pinag cross ang mga kamay sa dibdib at sumandal na naman sa pader. "Ano pa ang hinihintay mo. Maglinis ka na ng agad kang matapos. Dinagdagan mo pa ang lilinisan mo tapos nadagdagan din ang atraso mo. Hayst!" naiiling na may kasamang pagtaas ng isa niyang kilay.
"Hindi ako makakapagtrabaho ng maayos kung nandiyan ka at iniistorbo mo ako."
"Paano naman kita iniistorbo? Nakatayo lang ako dito."
"Grrrr!." Gigil na kuyom ko ang kamao ko at marahas na binawi ang tingin ko sa kanya dahil baka sa asar ko ay may maibato na naman ako.
Nakakainis. 10K? Sure siya doon? Ano bang pigurin ang naibato ko?
Damn him!
Kung sana wala siya dito ay mabilis kong matatapos ang trabaho ko at makaalis na sa bahay niya.
Narinig ko pa ang pagsipol niya. Kahit na gusto ko na naman sana siyang tapunan ng tingin ay piningilan ko na lang ang leeg ko na huwag siyang lingunin. Kakalmahin ko na lang ang sarili ko para hindi ako tuluyang maasar sa kanya.
Bahala na siya. Basta bibilisan ko na lang ang gawain ko. Hindi ko na lang siya papansinin na kahit halatang inaasar talaga niya ako.
"I'm done." Kuway sabi ko ng lumipas ang halos kalahating oras na magkukuskos ko sa kung saan sa loob ng silid niya.
Nakahinga ako ng maluwang ng makita ko ang buong kabuoan at napakaganda naman sa mga mata ang liwanag at ganda ng silid.
Masasabi ko ng kahit dito na ako habang buhay magkulong ay ayos lang dahil nakapa ganda ng loob. Pero kung katulad lang kanina ang ayos nito ay nunka akong titira dito.
"See, mabilis naman ang trabaho kapag inuna mo ang gawain mo kaysa sa kadadada mo." Ilang sandali pa ay sagot din niya. Siya pa ang ganang pagpagin ang kamay na parang siya ang nagtrabaho bago tumuwid ng tayo. "Lets go, kumain ka na muna bago ka umuwi."
"No!." Mabilis na tanggi ko. " ayaw ko ng magkautang sayo." hindi na ako madadala sa mga pagkain na iyan.
Kunot nuo na bumaling siya sa akin sabay iling.
"This time, lebre ko na dahil sa paglilinis mo ako ng bahay ko. Kaya okay lang. Eat all you can now dahil ako na ang magbabayad."
"Hindi ako naniniwala." Muli ay sabi ko. Mahirap na. Nagkabaon baon na ako ng atraso sa kanya at nadagdagan pa ng pigurin na nabasag ko.
"Wala ng ibang satsat. Ikaw rin. Masarap pa naman ang mga espesyaltis ng mga chif sa restaurant sa baba. May mga inihaw na hipon, may beef steak. My crispy pata."
Sa mga binabanggit niya ay naiimagine ko na ang mga iyon kaya natakam ako at napapalunok na lang ako.
Saka sinabayan pa ng pagkalam ng sikmura ko.
"Hindi pwede." Pero tumanggi parin ako kahit na bibigay na ako sa takam ko. "Perahin mo na lang kung gusto mo at ako na ang bibili ng pagkain ko. Saka hindi ko naman gusto na makikain sa baba ng ganito ang ayos ko." Dagdag ko pa.
Nangangamoy pawis ako. Awtomatikong itinaas ko pa ang kamay ko at inamoy ko ang kilikili ko.
Hayst! Salamat! Pawisan lang pero walang amoy ang kilikili ko. Mabango parin ako kahit pinagpapawisan na ako.
Napansin ko ang pag iling niya.
"Dapat kasi nagdala ka ng damit mo kanina. Para may ipapalit ka."
"Eh sa nakalimutan ko. Malay ko ba na malaki ang bahay mo at naisip ko na hindi ako pagpapawisan."
"Hindi ka nagtanong eh."
"Eh sa hindi ka nagsabi eh." Sabay pa kaming nanlaki ang mga mata na parang nag aasaran pa talaga sa ayos namin.
Pero napangiti ako dahil siya ang unang nagbawi ng tingin at napailing. Akala ba niya matatalo niya ako sa titigan. Aba, hindi yata. Nakikipagtitigan nga ako sa poster na nasa bahay ko. Ang crush na crush kong si Chris Hemsworth. Si Thor. Ang gwapo kaya niya. Napapansin ko nga minsan sa tagal na nakikipagtitigan ako sa poster ng crush ko ay parang ito pa ang napapakurap at natatalo sa akin.
Ahem!! Joke lang. Basta crush ko lang siya. Ganun. At balang araw makikita ko din si Thor ng personal kapag yumaman na ako.
"Okay!." Sabay lapit ng kabenet sa kaliwang panig ng silid at parang may kinukuha doon.
Napasimangot ako? Anong okay ang gusto niyang sabihin?
Okay na peperahan na lang niya ang pag alok ng pagkain sa akin? Well, kung iyon man ay napangiti ako ng lihim.
Pero nadisappoint ako ng ilang sandali pa ay lumapit siya sa akin at may ibinigay na puting pulo at maliit na walking short.
"Maligo ka na at iyan ang gamitin mo ng makakain tayo ng hindi mo inaalala ang amoy mo." At talagang idinikit pa talaga ang hawak na damit sa mukha ko.
"Sabi ko perahan mo na lang at hindi dahil ang kailangan ko para bihisan."
"Sa ayaw ko ng nagbibigay ng pera. Saka malaki ang discount na makukuha ko kapag dito ako kumain." Sagot naman niya.
Laglag ang panga ko dahil sa rason niya. Kaya naman pala. Ang discount lang ang inaalala niya.
Nadagdagan na naman ang gigil ko sa kanya dahil doon.
Ahhhhhh! Isampal ko kaya sa kanya ang damit na hawak niya.
But then.. pahablot na kinuha ko sa kanya ang damit na binibigay niya.
"Baka pwede mo na ding samahan ng boxer para naman kumpleto na." Pairap na sabi ko pa.
Hindi siya umimik pero agad naman na kumilos. Ilang sandali pa ay pahagis na ibinigay niya sa akin ang may kaliitang boxer na kulay gray.
"Ayan, bilisan mo lang." Na sinabayan ng talikod. "Ikaw na ang bahala kung saan ka maliligo." Pahabol pa niya.
Tuluyan na nga siyang nawala sa paningin ko.
Napasimangot akong muli bago ko binistahan ng mabuti ang binigay niya.
Para ng bistida ang polo na binigay niya. Wala na bang mas maliit dito?
Huh! Bahala na nga. Baka mas manggigil ako sa asar sa kanya kapag prinoblema ko pa ang damit.
Kumilos na ako para tunguhin na mismo ang banyo sa silid niya at dito na ako sa loob maliligo. Alangan naman na lalabas pa ako. Huwag na lang.
Inabala ko na ang sarili ko sa pagligo. It took me just only 15 minutes ay tapos na ako. Pawis lang naman ang tatanggalin ko sa katawan ko para mangamoy fresh parin ako.
Aba! Dapat lang. Kahit ganito ako dapat mabango parin ako.
"Tara na." Kuway aya ko na ng makalabas na ako ng silid niya dala ang pinagpalitan kong damit.
Napansin ko na natigilan siya ng mag angat siya ng tingin mula sa binabasang news paper sa sala. Tinignan pa talaga niya ako mula ulo hanggang paa.
Kasi naman. Ang polo na binigay niya ay sobrang laki talaga kaya nilamon ang buong katawan ko. At ang walking short na binigay niya ay halos hindi na makita. Kaya naman parang naging bistida na ang polo niya sa akin. Ang manggas naman ng polo ay itinupi ko na lang para kahit papaano ay makita ang kamay ko.
"Pwede naman siguro ayusin mo ang laylayan ng damit mo." Kunot ang nuo habang sinasabi iyon.
"Ganyan na. Para bistida na." Nilangkapan ko ng pang aasar ang tinig ko na nakapag patayo sa kanya. "Oh! Bakit?" Napaatras pa ako ng humakbang siya palapit sa akin. "Anong gagawin mo?" Kinabahan ako dahil muli ay tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.
"Hindi ko lang gusto ang iisipin ng iba sa ganyang ayos mo." May gigil na sabi niya at walang babalang hinawakan ang laylayan ng polo at mabilisang isinilid iyon sa garter ng walking short ko. "See, mas maganda tignan." Saka niya sinabayan ng talikod.
Napapasimangot na lang ako na inayos ang damit ko ayos sa gusto niya. But I look sexy more than now.
Ahem! Fit lang ako. Hindi naman sexy.
Ipinilig ko ang ulo ko "Ay sandali isisilid ko lang ang mga damit ko sa paper bag sa gilid." Kuway sabi ko ng maalala ko ang pinagpalitan kong damit.
"Iwanan mo na yan dyan at isasabay ko na lang sa mga labahin sa mga damit ko mamayang hapon."
"Pero-....."
"At dadalhin mo ang damit mong pawisan? Di mangangamoy din sa loob ng restaurant?" Hindi man lumingon at nagpatuloy sa paglalakad patungo pintuan ay napapakamot na lang ako sa ulo ko ng wala sa oras at inilagay ko na nga sa laundry basket ang pinagpalitan kong damit. Hindi na nga ako kokontra. Gutom na din ako dahil sa pagod ko sa paglilinis ng mala basurahan niyang bahay.
"Bilisan mo. Dapat kasing bilis din ng kilos mo ang bilis mong magsalita." Ilang sandali pa ay sita niya sa akin ng nakalabas na ng tuluyan.
"Heto na nga, sandali." Mabilisang naglakad ako para makasunod na nga sa kanya. "Ang sungit mo." Bubulong bulong pa ako ng nasa elevator ma kami.
"May sinasabi ka?"
"Sabi ko, gutom na ako." Sagot ko sa kanya na sinabayan ng irap.
Hindi na siya umimik pa. Seryuso talaga siya at medyo may pagkasungit. Ewan ko lang huh. Kung hindi ko lang talaga inaalala si Vienn Anderson ay talagang hindi ko siya pag titiyagaang makausap at lalo na ang makasama ng ganito.
Hmmmmp! Sino ba naman ang gugustuhing makasama ang kagaya niya. Gwapo lang naman siya.
Pero..
"Dan, honey." Nanlaki pa ang mga mata ko ng walang babalang humalik ang babaeng nabungaran namin ng bumukas ang elevator. Kumapit na parang sawa sa leeg nito.
Napasimangot ako ng wala sa oras dahil tumugon naman ito. Hindi lang tugon kundi iyong halik talaga na may kasama ng haplos sa dibdib ng babae pababa na ang kamay niya mismo sa gitna ng babae.
Nagkamali yata ako sa sinabing walang magkakagusto sa kanya. Dahil sa ayos ng babae ay halatang patay na patay sa Dan na ito.
Pero hindi dapat.. kasi nandito ako. Ano ang balak nila? Pakitaan nila ako ng live show??
No!!
"Ahem!. Baka nakakalimutan mo na nandito ako." Hindi ko na matiis na hindi magsalita dahil sa nakahawak na ang kamay niya sa ginta ng malibog na babaeng hindi naman kagandahan.
Napansin ko na napasama ng tingin ng babae sa akin ng maghiwalay ang labi nila.
"At sino ka naman?" Mataray na tanong nito na may kasamang taas ng kilay.
Pwes, hindi ko papatulan ang katarayan niya baka mapalaban ako ng wala sa oras at makalbo ko pa ito.
"I'm his boyfriend." Laglag panga na naglipat lipat ang tingin ng babae sa akin at sa kanya. Na halos pati din siya ay ganun din.
Napalunok pa ako ng tignan niya ako na parang gusto yatang takpan ng packing tape ang bunganga ko.
Ako man kasi ay hindi ko alam kong bakit iyon ang naging sagot ko. Noon si Vienn ang boyfriend ko ngayon ang Dan naman na ito?. Hayst!!
Pero mas nanaig ang kapilyuhan ng isip ko at kumilos pa ako na lumapit mismo sa kanya at kumapit sa braso niya.
"Hindi mo ba nakikita na suot ko ang polo niya? Look at me lady." Sabay hawak pa ng suot ko na nakapagpakunot ng nuo ng babae.
"Dan!!!." Naeeskandalo na nagpalipat lipat ang tingin nito. Napansin ko ang pag iling niya.
"Let's talk later Bianca." Hindi pa man ito nakakasagot ay hinila na niya ako palabas ng elevator at naiwan na nga ang babae na halos hindi na maisara ang bibig sa pagkakanganga.
"Sandali, bitawan mo ako." Reklamo ko na nahalos madapa na ako dahil sa bilis ng lakad niya.
"You little hamster, watch your word." Gigil na dinuro pa niya ako sa nuo ko. "Kung nadala mo ang DG namin sa kapilyuhan mo. Ibahin mo ako."
"Aray naman. Kung makaduro ka naman wagas." Sabay waksi ng kamay ko na hawak parin niya at umatras ng dalawang hakbang palayo sa kanya. "Saka, sa ginawa mo kanina, kulang na lang makipagtalik na ang babae sayo sa elevator kahit nandoon ako. Nakakalimutan mo yatang kasama mo ako at kakain pa tayo."
"You...."
"Gutom na ako." Bitin ko sa sasabihin niya. "Kain muna tayo tapos saka mo siya balikan at kayo ang magkainan. Basta ako. Pakainin mo muna ako dahil napagod ako sa paglilinis ng bahay mo." Saka ako naman ang humila sa kanya at tinungo na ang tanaw kong harapan ng restaurant sa may kanan namin.
Nagpahila naman siya at hindi na umimik. Ng marating na namin mismo ang harapan ng restaurant ay saka niya binawi ang kamay na hawak ko.
"Good afternoon sir." Bati ng nakakasalubong naming crew ng restaurant at may kasama pa talagang pagyuko bilang paggalang sa kanya.
Ganito ba talaga ka gagalang ang mga employee nila dito.
Malamang nga siguro oo.
"Ano na?" Tinaasan niya ako ng boses ng lingunin ako ng mapatigil ako sa paglalakad. "Akala ko ba gutom ka?" Dagdag pa niya.
"Oo na. Heto na." Sumunod na ako sa kanya kung saan niya gusto umupo. Baka kasi sa may gilid lang siya dahil inaalala niya ang discount niya kapag kumain kami.
Kala mo naman napakagalante niya. Iyon pala humahanap din ng discount para di makagastos ng malaki.
"Mag order ka na." Kuway sabi pa niya sa akin ng marating namin ang isang lamesa sa pinakagitna.
Sa gitna pa talaga. At halata na sa mga tao na nasa loob ay napapatingin sa amin. Halos mga babae na parang namamagnet yata sa karisma niya.
Napasimangot na naman ako dahil doon.
Huh! Whatever!
"Basta huwag mong idadagdag ito sa atraso ko sayo." Paninigurado ko.
"Oo na. Pero basta dagdag atraso mo sa akin ang binasag mong pigurin kaya sa oras na tawagin kitang mag linis ulit ng condo ko ay dapat dumating ka."
Napairap ako sa kanya. At ipinaalala pa talaga ang nabasag ko.
"Oo na." May lumapit sa amin na waitress na halatang malalagkit na naman ang tingin sa kanya.
Hayst!
Kung ano ano na napapansin ko. Bahala siya. Oorder na nga lang ako.
Napapangiti ako habang nag oorder dahil talagang dinamihan ko.
"Makakain mo ba lahat iyon?"tanong pa niya sa akin ng magpaalam na sa amin ang waitress.
"Oo." Sagot ko. "Kahit sa pagkain lang naman makabawi ako sa pagod ko." Nailing na naman siya pero di na sumagot.
Lihim ko na lang siya pinagmasdan habang hindi nakatingin sa gawi ko at iginagala ang paningin sa paligid. Kikindat pa talaga sa mga babae na halatang kinilig ng matapunan ng tingin niya.
"Eh kailan mo ako bibigyan ng impormasyon tungkol kay Vienn?" Kuway tanong ko ng hindi ko na kaya ang katahimikan sa pagitan namin.
"Ano ba ang gusto mong malaman tungkol sa kanya?" Seryusong tanong niya.
"Lahat lahat! Saka bakit hindi siya nagpapakita sa publiko gayong kilala naman siya sa pangalan."
"Dahil ayaw niya ng magulong buhay sa loob ng industriya."
"I che-check ko yan. Pero pwede ko ba siyang lagyan ng mukha sa balita ko?"
Kunot nuo na tumingin siya sa akin. "Kung ginawa mo iyon makikilala na siya."
"Ehhh! How about voice mail. At kahit iyong mga pwedeng ibalita lang patungkol sa kanya kahit wala ng mukha. Kakausapin ko na lang ang boss namin kung sakali man maghanap siya ng proweba na siya nga iyong naisusulat ko sa balita."
"Sige, Sasabihan ko siya. Basta siguraduhin mo lang na walang labis ang mga isusulat mo dahil malilintikan ka sa akin."
"Sige. Sige." Totoong ngiti ang gumuhit sa mga labi ko na napansin kong napatitig siya sa akin.
Bigla naman akong naasiwa sa titig niya? Ano naman kaya ang nasa isip niya ngayon?
Ewan!!
Yumuko na lang ako at inalis ang ngiti ko sa labi. Pasalamat na lang ako dahil dumating na ang mga inorder ko.
"Wow!"
Nakakapanlaway. Ang lalaking hipon. Tapos ung lechon pork belly. Yummy.
"Yang laway mo tumutulo na." Ang he snap his finger infront of my face kaya napatingin ako sa kanya.
"Sa tingin pa lang eh. Nabubusog na ako." Sagot ko. At hindi ko na siya hinintay na magsalita pa dahil sinimulan ko ng linantakan ang pagkain sa harap ko.
Wala na akong pakialam ngayon na pinapanuod niya ako kung paano ko unti unting ubusin ang pagkain na kayang ubusin ng tatlong katao.
"Uhm, khumaen ka na." Sabi ko pa habang ngumunguya na hindi pa nababawasan ang inorder niya.
"Para kang hindi kumain ng isang buwan sa ayos mo. Pwede ba. Dahan dahanin mo at walang aagaw niyan sayo."
"Uhmm..yah!! Hoho." Oo na hindi ko na nabibigkas ng maayos.
Hindi na kami umimik pa ulit at ipinagpatuloy na lang ang pagkain namin.
"Uhmm! Nabundat ako." At mahinang dumighay pa ako dahil sa busog na busog talaga ako ng matapos na kaming kumain. Sinamahan pa ng avocado juice. Mmmm.. yummy talaga.
"Paano hindi ka mabubundat dyan. Ubusin mo pa naman lahat yon."
"Eh! Sa minsan na lang ako makatikim ng mga ganito. Sa kalye kalye na lang kasi ako bumibili ng lutong ulam ko lagi eh."
"Bakit sa kalye kalye pa. Masisigurado mo bang malinis ang mga iyon. Eh kung magluto ka na lang kaya ng sarili mo."
"Nah! Wala naman ako time. Saka hindi ako marunong magluto."
"Hindi ka marunong magluto? Buti nabubuhay ka pa sa lagay na yan."
"Kaya nga bumibili na nga lang ako ng luto na diba. Eh! Ikaw ba? Marunong ka?"
"Nagkamali ka ng tinanong little Hamster." Sagot niya na halata na proud siya na marunong magluto.
"Weeh! Di nga. Huh! Whatever. Basta ngayon busog na ako. So kailan mo ako bibigyan ng impormasyon tungkol kay Vienn?"
"Pagkatapos na ng bagong taon."
"What! Pero need ko ng may maisulat bago matapos ang taon kundi mawawalan ako ng trabaho." Reklamo ko. Iniisahan yata ako niya ako.
"Hindi iyan. Basta pagkatapos na lang ng taon." Saka niya sinabayan ng tayo. "See you then. Mauna na ako. May pupuntahan pa ako. Umuwi ka na kung may gusto ka pang gawin sa maghapon." At saka niya ako tinalikuran.
Gusto ko pa sana siyang pigilan para humirit pero sinalubong na siya ng babae kanina at parang sawa na namang kumapit sa braso niya.
At ang mahaderang babae, tinapunan pa niya talaga ako ng masamang tingin.
Grrr! Sarap lang tusukin ang mga mata eh.
Pero wala na nga akong nagawa kundi ang umuwi na nga. Kahit na nasa isip ko parin kung ano na ang sasabihin ko kay boss bukas ng umaga.
"Naman eh. I hate you Dan Bautista." Napapalatak na lang ako at kuyom ang kamao ko habang lulan na ako ng tricycle pauwi ng bahay.
****
Itutuloy...
****