Ang smooth ng takbo ng relasyon naming dalawa ni Joshua. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya sa akin. Magiisang taon na kami. Pinakilala na rin niya ko sa pamilya niya at kahit na may kaya sila buhay ay di ko kailanman naramdaman na iba ako sa kanila. Tinanggap ako ng pamilya niya at tinuring na parte nila.
Sobra rin ang respeto ni Joshua sa akin. Kailanman 'di siya humiling ng higit pa sa halik. Ni ang pumasok sa loob ng silid ko sa boarding house ay 'di niya hiniling. Kahit na noong inanyayahan ko siyang pumasok. Ayaw niyang magkasala kaming dalawa at ang labis na kinalulugod ng puso ko ay ang sabihin niyang gagawin lamang namin iyon matapos niya kong pakasalan.
Naiyak ako ng sabihin niya iyon dahil hindi man direkta niyang sinabi sa akin binigyan niya ko ng assurance bilang girlfriend niya na ako na ang gusto niyang makasama hanggang sa huli, ang gusto niyang makasama habang buhay, ang gusto niyang maging asawa, maging ina ng mga anak niya at sa akin siya bubuo ng pamilya.
Sa paglipas ng mga araw ay mas lalo ko siyang minahal. Ni kahit isang beses 'di niya pinaramdam sa aking may kakulangan ako, na hindi ako sapat, na di niya ako mahal, na may dapat akong pagdudahan. Yung nakakatulog akong ng maayos tuwing gabi na hindi nag ooverthink na baka bukas makalawa may iba na siya.
Kakarating lang namin sa boarding house ko ngunit kakababa ko lang ng motorsiklo niya ng biglang bumuhos ang ulan. Wala siyang choice kung hindi pumasok sa loob ng kwarto ko.
Nabasa kami pareho. Mabuti na lamang at mahilig ako sa mga loose t-shirt yun ang binigay ko sa kanyang pampalit Kumuha na rin ako ng damit para sa akin at tuwalya, dahil basa na ako sa ulan ay naligo na ko ng tuluyan, pagkatapos ay nagbihis sa loob ng banyo ko. Suot ko'y ternong pampatulog, black silk spaghetti strap at maikling shorts.
Lumabas ako ng banyo habang tinutuyo ng tuwalya ang basa kong buhok. Nakaupo siya sa edge ng kama ko, nakapagpalit na rin ng damit. Ginala nito ang paningin sa kabuohan ng silid ko at huminto sa akin. Nakita ko ang paghanga sa mga mata niya ng siyurin nito ang kabuohan ko. He smiled huminto ang mata niya sa mga mata ko. Tinaas nito ang isang kamay at inanyayahan akong lumapit sa kanya. Lumapit ako at huminto sa harap niya. Hinagis ko ang tuwalya sa ibabaw ng kama.
Tila may kung anong nagliparan sa tiyan ko ng ilihis nito ang suot kung pangitaas at sumayad ang mainit na palad sa magkabilang gilid ng baywang ko. Napahawak ako sa likod ng kanyang ulo ng yumuko ito upang halikan ang tiyan ko. Ramdam ko ang pagiingat sa bawat halik niya. He guided me to sit on his lap. Dahan-dahan akong umupo paharap sa kanya. Marahan nitong hinawakan ang batok ko and inserted his fingers through my hair while caressing my face with his thumb.
Inangkin niya ang labi ko, tinugon ko ang halik niya. Dama ko ang pagmamahal sa bawat hagod ng labi niya sa labi ko. Sa una'y magaan lamang ang halik hanggang sa unti-unting naging agresibo. Nilabas nito ang dinala na lugod namang sinalubong ng dila ko. Naramdaman ko ang isang kamay nitong dahan-dahang gumapang sa loob ng suot kong pangitaas. Napaungol ako ng maramdaman ko ang palad niya sa tuktok ng isa kung umbok at mas lalong napaungol ako ng sinimulan niya itong pisilin at paglaruan ang tuktok nito. This is the first time na nakarating ang kamay niya sa sensitibong parte na iyon ng katawan ko ngunit imbes na pigilan siya'y nagpaubaya ako, gusto ko ang ginagawa niya sa katawan ko.
Dahan-dahan niyang hinubad mula sa akin ang suot kong spaghetti. Bitiwan niya ang labi ko. Napahawak muli ako sa likod ng kanyang ulo ng bumaba ang labi niya. Napaliyad ako ng sakupin ng labi niya ang isa kung umbok at sipsipin ang tuktok nito na parang sanggol. Habang ang isa ay minamasahe ng kanyang kamay. Pinaglipat lipat nito ang bibig at dila sa dalawang umbok ko. Habang ang dalawang kamay na niya ngayo'y nakahawak sa magakabilang umbok. Naramdaman ko ang pagbabasa ng aking gitna. Gustong-gusto ng katawan ko ang kanyang ginagawa. Ang sarap lang sa pakiramdam, nanghinayang ako sa mga buwan at araw na di niya pinaramdam ang kaluwalhatiang pinadama niya ngayon sa katawan ko and I want even more.
Dahan-dahan siyang tumayo habang karga ako. Umikot at dahan-dahan na inihiga niya ko sa ibabaw ng kama ko.
Bumaba ang halik niya sa gitna ng rib cage ko, sa tiyan, sa puson. Hindi ako tumutol ng hubarin niya ang suot kong short. Hinalikan niya ang gitna ko kahit suot ko pa ang panty lace ko. Dahan-dahan niya itong hinubad mula sa akin habang nakatitig sa mga mata ko. Sinalubong ko ang nagbabagang mga titig niya.
Napasinghap ako ng maramdaman ko ang labi niya sa pinakagitna ko at sinumulang kainin ang biyak ko. Napaliyad ang katawan ko ng laruin ng dila niya ang clît ko. Tinaas nito ang kamay at dinala sa bibig ko, kinakagata ang daliri nito upang pigilan ang ungol ko at baka marinig pa ng kabilang kwarto. Nagpatuloy ito sa pagkain sa akin at paglalaro sa clît ko. Halos mabaliw na ko ng binilisan nito ang dila at pagsipsip sa sa akin at mas naglumikot pa nga ang bibig nito. Binawi nito ang isang kamay. Bumaba siya ng kama, hinila niya ko sa edge. Lumuhod siya sa sahig, nilagay niya ang dalawang kamay sa likod ko, umangat ang ibabang bahagi ako. Sinimulan muli niya kong kainin. Ni di ko alam kung saan ko ibaling ang mukha, panay ang kagat ko sa ibabang labi ko upang pigilan ang pagkawala ng ungol ko. Basang-basa na ang gitnang bahagi ng katawan ko dahil sa magkahalong laway niya at katas ko. Pinagiigihan pa nito ang sikop sa bataan ko hanggang sa maramdaman ko ang unti-unting pamumuo ng puson ko. Napabangon ako upang pigilan siya dahil naiihi na ko. Sinubukan kong tanggalin ang ulo niya ngunit nagmatigas ito hanggang sa napahiga nakong muli, di ko na napigilan ang sarili.
Magkahalong pagod at hingal na nilapat ko ng buo ang likod sa malambot kong kama matapos na makaraos ako. Napapikit ako ngunit agad ring napadilat ng dahan-dahan siyang gumapang paakyat ng kama ko.
Tinignan ko siya hanggang sa pantayan niya ang aking mukha. Napapikit ako ng halikan niya ko ngunit bahagya lamang lumapat ang labi niya sa labi ko. Bumaba ang labi niya sa isang balikat ko, napangiwi ako ng bahagyang bahagya niyang kinakagat ito. "Masakit love."
"Nakakagigil ka kasi." muli ay pinatakan niya ng halik ang labi ko.
"I want you." nakapikit kong saad. Napadilat ako ng mga mata. Napatitig ako sa mga mata niya."I am ready now, love. Mahal kita that's why I'm offering you myself now to prove you kung gaano kita kamahal…" he smiled at me, bakas ang pagmamahal sa kanyang mukha. Napapikit ako ng muling kinintalan niya ko ng halik sa labi, sunod na hinalikan niya ang noo ko. I feel adored, loved and respected.
Muli akong napadilat, nagtataka ng unti-unti itong lumayo. Sinundan ko siya ng tingin. Tumayo ito sa ibaba ng kama. Buong akala ko'y maghuhubad siya ngunit tumalikod ito at pumasok sa loob ng banyo. Di ko alam kung anong mararamdaman, ni di ko alam kung magtatakip ba ako ng katawan.
Pagbalik nito ay hawak na niya ang box ng tissue ko.
"Ano ginagawa mo?" pinagsalikop ko ang mga binti ng pumwesto siya sa paanan ko upang punasan ang gitna ko.
"I'm cleaning you up so you can get dressed after." lalo akong nagtaka sa sinabi niya
"You mean we ain't gonna have s*x?"
"Making love." he corrected me. Hinayaan ko siya ng muling pinaghiwalay niya ang mga hita ko at nilisin ako. "Nakakatakam, nakakasabik, gustong-gusto ko, sobra but I will stick to my promise that we only gonna do it kapag may blessing na mula sa itaas." Di ko alam kong anong mararamdaman. May lalo lamang tumaas ang respeto at pagmamahal ko sa kanya maging ang respeto ko sa sarili. Nangilid yung luha ko, sa pinaramdam niya ngayon sa akin pakiramdam ko kay taas ng value ko, ng worth ko bilang babae. Inalalayan niya kong bumangon at tinulungang bihisan. Nang matapos akong makapagbihis ay hinalikan niya ko muli sa labi. Marahang hinawakan ang aking pisngi at tinitigan ako sa aking mga mata.
"Mahal kita, sobra at walang katapat ang pagmamahal kong yun. Manatili ka lang sa tabi ko at mahalin ako ng buong buo, yun lang higit pa yun sa sapat."
Lumipas pa ang dalawang taon. Sabay pa kaming grumaduate sa kolehiyo. Naipakilala ko na rin siya sa pamilya ko at katulad ng pamilya niya tinanggap siya ng buo ng mga magulang ko.
May mga pagsubok na dumating sa relasyon naming dalawa ngunit matagumpay namin iyong nalagpasan. Paanong hindi? Sobrang mapagkumbaba ni Joshua. Kapag tumataas na ang boses ko, bigla na lamang niya kong yayakapin sabay hahalikan sa noo at sabihing. "Sorry. Mahal kita." kahit pa hindi naman niya kasalanan, kahit ako pa yung mali at may pagkukulang.
Sobrang saya ko ng makapasa siya sa board exam. Suportado rin niya ako ng makapasok ako sa una kong trabaho. Nag top 3 pa siya sa board exam. Nagkaroon ng kaliwat kanang offer mula sa mga malalaking kumpanya.
May bucket list kami. Unang sa listahan ay ang magkabahay, sunod kotse tapos kasal, magtravel sa mga bansang nais naming puntahan bago ang magkaanak ngunit siya pa lang ang nagiipon dahil kailangan ko pang pagaralin ang dalawang bunso kong kapatid sa kolehiyo pero di ako nakarinig ng kahit anong sumbat mula sa kanya. Bagkos ay tinutulungan pa niya ako sa gastusin ng mga kapatid ko.
"Happy Fifth Anniversary, love." bulong niya sa akin sabay tanggal ng piring ko. Namangha ako sa ganda ng bahay sa harapan ko. Napaawang ang mga labi ko ng makita ang picture ko na naka tarpauline na nakasabit sa harap ng magarang bahay may pulang ribbon yung gate. May nakasulat na Happy 5th anniversary! Welcome to our new home, love!
"Hindi pa man buo ang binayad ko pero konti nalang ang kulang at mapapasaiyo na yung bahay." Napalingon ako sa kanya. Napatitig sa mga mata niya.
"Bahay ko?" tinuro ko ang sarili.
"Oo, dahil sa iyo nakapangalan yung property."
"Bahay natin to? You mean, atin to?" sunod sunod siyang tumango.
"Hindi nga?"
Tinaas niya ang susi, susi ng bahay at ibinigay sa akin. Atin to, regalo ko para sayo.
Napatalon ako. Kinarga niya ko. Mahigpit na niyakap ko siya. Napaiyak ako sa kanyang balikat. Napakaswerte ko sa kanya. Sobra. Kaya walang araw at gabi na hindi ako nagdadasal kay God, hindi para humingi dahil sobra-sobra na ang ibinigay niya sa akin kung hindi ang magpasalamat ng paulit-ulit ng paulit-ulit sa pagbigay niya kay Joshua sa akin.
"Happy seventh anniversary love!" muli ay namangha ako ng sunod niyang ibinigay ay kotse. Yung pangarap naming dalawa na kotse.
"Happy nineth anniversary, love!" Napaiyak ako ng makitang titulo ng lupa't bahay ang laman ng envelope na binigay niya sa akin.
"Nabuo ko na! Ating-atin na yung bahay." nawala ang ngit niya sa mga labi ng makita niya ang pagsilandasan ng luha sa pisngi ko. "Hey… Naiiyak ka na naman."
"Sobrang thank you… Nahihiya na ako sayo dahil wala man lang akong naiambag pero malapit na magtapos ang kambal. Makakatulong na rin ako sayo, ha." napangit siya muli habang patuloy sa pagpunas ng luha sa pisngi ko.
"Kay laki ng ambag mo, Love dahil ikaw at pangarap nating dalawa ang rason kung bakit nagsusumikap ako. Your presence, yung pagmamahal at suporta mo sa akin ay ang lakas ko sa pag abot ng pangarap nating dalawa. Diba sabi ko, manatili ka lang sa tabi ko at patuloy akong mamahalin ay higit pa sa sapat."
Sa wakas! Nakapagtapos na rin ang kambal. Ang saya ko at makakatulong na ako kay Joshua.
"Happy ninth anniversary love! Will you marry me?" muling nagsilaglagan ang mga luha ko sa mga mata. He proposed in front of our families. He never failed to surprise me. "Kay haba na ng panahon ang hinintay nating dalawa siguro naman oras na para bumuo tayo ng sarili nating pamilya." Nakayakap sa likod ko si mama at nasa tabi ko naman si papa. Napatingin ako sa kanilang dalawa, magulang ko sila kaya nararapat na hingin ang kanilang desisyon ngunit mas lalo lamang akong napaiyak ng makitang lumuluha sina mama at papa.
"Oras na anak para sarili mo naman. Salamat at di mo kami binigo ng papa mo. Pinagtapos mo ang kambal sobrang sapat na iyon. Suportado ka namin ng papa mo, lalo na ang magiging manugang namin."
Napalingon ako pabalik kay Joshua. Bumita ako sa yakap ni mama at dahan dahan na lumapit sa kanya na ngayo'y nakaluhod sa harapan ko. Unti-unti akong tumango kasabay ang pagsilaglagan ng mga luha niya sa mga mata at hiyawan ng pamilya naming dalawa. Nilahad ko ang kamay ko at dahan dahan niyang sinuot sa akin ang singsing. Tumayo siya at mahigpit na niyakap ako.
"Thank you so much, love. Thank you…"
Our Tenth anniversary is our wedding day.
Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko, saya, pananabik, kaba. I was crying while slowly walking down the aisle while intently staring at him struggling holding his tears back ngunit 'di pa rin nito napigilan ang sariling mapaluha.
We declared our vows and in a couple of minutes we were officially married.
Kinabukasan, halos di ko maigalaw kahit ang dulo ng mga daliri ko dahil sa pagod at p*******t ng katawan ko. Napasobra yata ang honeymoon namin ni Joshua. Sampong taong tigang halus pang dalawangpung taon din ang pambawi niya.Yung kakaraos lang namin pareho pero segundo lang matigas na ulit yung kanya. Ni di ko mabilang nakailang rounds kami hanggang magbukangliway-way.
We travel together. We visit the countries na nasa bucket list namin pareho. Yung mga bansang akala ko'y sa panaginip ko na lamang mapupuntahan. Bawat bansa di namin makakalimutan bumisita sa simbahan upang humingi ng pasasalamat. Every country we took pictures together. We continue collecting memories together.
Our relationship was beyond perfection. Yung wala na akong mahihiling pa kay God. Binigay na niya lahat sa akin sa katauhan ng isang tao lamang. Ang asawa ko.
God kept on showering us his blessings. I got promoted and so did my husband too. He is now the new head engineer.
"I'll go now, love. You take med. Tawagan mo ko agad kapag di kaya ng pakiramdam mo, okay? Kahit nasa gitna ako ng meeting uuwi ako. Okay." He kissed my my lips, sunod ay ang noo ko. "I'll be using the bigbike, para makauwi agad ako sayo at di ako ma stuck sa traffic."
"Okay, love. Take care please. I love you."
"I love you." Tumayo ito, kinuha ang coat at sinabit sa kanyang balikat. Sinundan ko siya ng tingin. Nilingon pa niya ako, bakas sa mga matang nagdadalawang isip umalis. "Go now, love. I'll be okay. Break a leg!"
Lumapit pa muli ito at muli akong hinalikan sa labi, mariin, tila ayaw akong bitawan.
Halos mapatalon ako sa tuwa ng makita ang two red lines sa tatlong pregnancy test. Walong buwan rin ang hinintay naming mag asawa at ngayon ay natupad na nga ang bubuo at kukumpleto sa bubuohin naming pamilya.
I wanted to surprise him kaya di ko muna siya tinawagan kahit sabik na sabik na kong sabihin sa kanya ang magandang bakita. I cooked us dinner, his favorite. Isang oras na lang at darating na siya. I dressed well, I wanted it to be so memorable. I even set up the tripod on the top of our dining table to capture the moment, most especially his reaction.
Nakahanda na ang lahat. Sa lamesa. Siya na lang ang kulang. Biglang tumunog ang phone ko kay laki ng ngiti ko ng makita ang pangalan niya sa screen ngunit agad ring napakunot ang noo ko ng ibang boses ang narinig ko sa kabilang linya.
Nabitiwan ko ang cellphone na hawak, bumagsak ito sa paanan ko. Isa-isang bumagsak ang mga luha ko sa mga mata, hindi makapaniwala sa narinig. Sumigaw ako ngunit walang lumabas sa bibig ko, sumikip ang dibdib ko sa nalaman, unti-unting nanlambot ang mga binti ko, napaupo ako sahig habang patuloy ang pagsilandasan ng luha sa pisngi ko. "No! It can't be! You can't leave me! Joshua! Love… bakit?!" I was crying hard, so hard na para bang gusti ko nalang rin mawala.
Joshua died due to a traffic collision. Sobrang bilis raw ng takbo ng motorsiklo nito hanggang sa mawalan ng preno, dahil na rin sa kalumaan ng gamit nitong motor. Nakakapagtataka, oo luma nga pero maalaga si Joshua sa motor niyang iyon, sobrang mahal niya yun dahil yun ang naging daan kung bakit kami nagkaroon ng pagkakataong magkakilala ng lubos.
Bakit ganun…
Dapat napansin ko na noong una pa lang, na may mali, na hindi pwedeng laging masaya na lamang dahil tiyak na may kapalit ang bawat ngiti at bawat saya. Yung binigay niya sa akin lahat ngunit isang iglap lang binawi niya rin agad. Mabubuhay naman ako kahit walang magarang bahay, magarang sasakyan, mamahaling kagamitan basta kasama ko lang asawa ko pero bakit ganun? Sa lahat ng pwede niyang maging kapalit ay yun pang taong naging lahat lahat ko kaya noong binawi niya sa akin ang asawa ko parang nawala na rin lahat sa akin.
Nagising akong nasa loob na ng hospital. Agad na dinaluhan ako ng kapatid niya at niyakap ng sobrang higpit, napahikbi na lamang ako ulit. I cried hard on her shoulder, ang sakit lang sa dibdib, sobrang sakit, walang klaseng sakit. Di ko matanggap at kahit kailan ay di ko matatanggap ang pagkawala niya. "Yung asawa ko… Hindi ko kaya… ayoko kong paniwalaan te… Ate bakit? Bakit niya ko iniwan…"
Halus mabaliw ako, ilang araw na hindi ako kumain, ni ang silipin ang bangkay niya ay di ko nagawa, I want him to remain alive in my memory. Ninais kong sumunod sa kanya ngunit naalala ko ang anak ko sa aking sinapupunan. I would be so unfair with him na ipagkait ko sa kanya ang mabuhay at makita ang kagandahan sa mundo.
I was seven months pregnant when I decided to visit his grave ngayon lang ako naglakas ng loob na bisitahin siya.
"I'm sorry… I'm sorry kung hindi ko man natanggap agad yung pagkawala mo, masyado alang akong nasaktan dahil sobra kitang minahal. Gusto kong sisihin si God sa nangyari kung bakit ka niya kinuha agad sa akin. I told him how unfair he was but then I realized God is so good pala dahil nung nalaman niyang mawawala ka sa akin binigyan niya agad ako ng kapalit hindi lang isa kung hindi dalawa." My tears fell. "I was asking for the reason why it happened to us. Why do we have to go through this pain… Naiintindihan ko na ngayon, pinahiram ka niya sa akin upang maabot ko yung mga pangarap ko, pinahiram ka niya sa akin upang maghilom yung sugat ng puso ko noon, pinahiram ka niya sa akin para maipakita at maipadama kung gaano kaganda ang mundo at yung mundo na pinakita mo sa akin asahan mong yun rin ang mundong ipapamulat ko sa mga anak natin. I miss you, love… Walang araw na hindi ako nanabik na mayakap at mahalikan mo muli. Please keep on watching us, gabayan mo ko sa pagpapalaki sa mga anak natin at salamat… Sobrang salamat sa pagmamahal at pagaalaga. Mahal na mahal na mahal kita…" Napapikit ako kasabay ng pagpatak ng panibagong luha mula sa mga mata ko. A wind blew. Napayakap na lamang ako sa sarili ko at napangiti ng maramdaman ko ang akap niya, at ang pagdampi ng labi niya sa aking pisngi. Mas lalo lamang akong napaluha.
"Go now, Love. I'll be okay, paalam mahal ko, see you on the other side…